Kabanata 29

Wala pang isang oras nang nagsi-datingan na agad ang mga pulis na pinatawag ni Kenzo upang imbestigahan ang patayan na nangyari. Ilang oras na rin ang nakalipas nang sumugod dito sila Jett at tangayin si Theo. Gano'n pa man, nananatili akong tahimik at umiiyak.

Alas siyete na ng umaga at kahit gustong-gusto na pumikit ng mga mata ko para matulog ay hindi ko magawa. Pakiramdam ko mahihirapan ako makatulog dahil sa pag-aalala at takot ngayong walang nakakaalam sa amin kung nasaan si Theo.

"H'wag kayo mag-alala, sir. Gagawin po namin ang lahat para makita ang grupo ng kalalakihan na ito."

"Please do that as soon as possible."

Patuloy pa rin ang pakikipag-kooperasyon ni Kenzo sa mga pulis habang lumapit naman sa 'kin si Kiba, "Ate... matulog ka muna. Pag gising mo saka natin hahanapin si Theo."

Mabilis akong napailing. "A-Ayoko. Hindi ako makakatulog."

"Binalita na namin ito kay Papa at maging siya ay na-alerto na." Hinawakan nito ang kamay ko kaya napatingin ako 'ron. "Robot si Theo, remember? Imposibleng hindi siya makabalik."

Kumunot ang noo ko at sunod-sunod na namang nagdagsaan ang luha ko. Alam ko namang sinasabi lang ito ni Kiba para gumaan ang loob ko. Pero deep down inside him, may pag-aalala din siya na baka nga hindi na maibalik si Theo.

Madali lang sana matunton kung nasaan si Theo kung alam namin ang lugar nila Jett, pero dahil wala kaming kaalam-alam, malaking katanungan kung saan ba kami mag-uumpisa.

Sana... sana lang hindi malaman ni Jett na robot si Theo.

"T-Theo! Theo!"

"Ma'am pasenya na, hindi po kayo pwedeng pumasok---"

"Where is Theo?! Is he fine?!"

Sabay kaming napatingin ni Kiba sa pintuan. Kahit nakasara ito ay may hint na kaagad ako kung sino ang nasa likod nito.

Marahas kong pinunasan ang pisngi ko at tumayo. Boses palang ang naririnig ko pero nanginginig na ang kalamnan ko sa galit.

"Hey, where are you going?" Kaagad na tanong sa 'kin ni Kenzo na hawak ang kanyang phone.

Tinignan ko lamang ito at hindi pinansin nang mabilis siyang lumakad sa 'kin at pigilan ako sa siko. "Keziah! Susugurin mo si Odette, tama?"

"Nandian na siya, bakit hindi ko pa kukunin ang oras na 'to kung siya naman ang dahilan kung bakit nadamay si Theo."

"Ako nalang ang lalabas at---"

"No," mariin kong usal. Napakagat naman siya sa ibabang labi. Marahil nagpipigil sa kung anuman ang gusto pang sabihin.

Dahil hindi na siya nagsalita, hinatak ko ang braso ko at dumiretso sa labas ng unit. Agad kong nakita ang nag-aalalang mukha ni Odette habang kausap ang guard na mukhang pinadala ni Kenzo rito. Nang magtama ang aming paningin, mabilis na sumilyab ang inis at galit sa 'kin. Naramdaman ko rin na sumunod sa likod ko si Kenzo at Kiba.

"K-K-Keziah..."

Dahan-dahan akong lumapit rito. Bahagya namang umatras ang guard at yumuko. Hindi ko alam kung bakit parang nagtataka si Odette, may kataka-taka ba na ako ang nakita niya?

"N-Nasaan si Theo? Nandian ba siya?" Tanong nito.

Napalunok ako at naikuyom ang palad ko. Kahit wala pa siyang sabihin, parang alam na alam ko na kung anong ginaganyan niya. "Pinapunta mo rito sila Jett... para ipakuha ako?"

Base sa nangyari kanina, ako dapat talaga ang kukunin hindi si Theo. Hindi alam ni Jett ang location namin kaya nakakapagtaka 'yon kung paano niya nalaman. Ngayon ay nasa harapan ko na ang sagot.

"I... I said where's Theo?"

Lalo yata akong nag-init nang hindi niya pansinin ang tanong ko.

"Uulitin ko. Pinapunta mo rito sila Jett para ipakuha ako?" Nagtitimping tanong ko.

Kumunot ang noo niya at umiwas ng tingin. Napapalunok din siya at halata na hindi alam ang sasabihin.

Now I know...

"You're still askin' even if you already know the answer..." mahinang usal nito.

Dahil doon, tumulo ang nagbabadyang luha sa mata ko. Sabi ko na eh, sabi ko na.

Tumingin muli sa mata ko si Odette, kung kanina ay pag-aalala ang nasa mukha nito, ngayon ay mababahiran na ito ng tapang. "Kukunin ko siya sa 'yo, kahit sa marahas na paraan pa. Dahil alam naman natin na sa akin siya, at ginamit ka lang niya. Kaya nga hanggang ngayon nagtataka ako kung bakit pinipili ka niya eh laruan ka lang naman niya una palang." Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. "Pinagtanggol ka na naman ba ni Theo kaya hindi ka nila nakuha? Kung gano'n hayaan mo akong makipag---"

Isang malakas at mabigat na sampal ang naipukol ko sa kaliwang pisngi nito. Mabilis siyang napahawak ro'n at nanlalaki ang mga matang tumingin sa 'kin. Lumakas din ang panginginig ng kamay ko dahil sa pagsampal.

I never imagine na makakasampal ako ng gano'n kalakas sa isang tao...

"You---"

"You bitch." Mariin kong saad. "Pinagtanggol? Tama ka. Kaya ako ang naiwan ngayon at si Theo ang tinangay ni Jett. Ngayon hindi namin alam kung nasaan sila o kung makikita pa ba. Masaya ka na?" Sarkastiko ngunit inis kong litanya rito.

Kitang-kita ko kung paano magbago ang reaksyon niya sa sinabi ko. Mukhang hindi niya inaasahan na si Theo ang mabibiktima.

And it's all because of her.

"No, that's not true." Pailing-iling nitong sabi. "M-May usapan kami ni Jett na hindi niya gagalawin si Theo. Only you! P-Pero ano 'to...?"

"Sabihin mo kung nasaan sila Jett! Alam kong alam mo dahil nagawa mo nga itong ituro, hindi ba?!" Dahil sa galit, hindi ko na naiwasan pa ang magtaas ng boses. Wala na rin yata akong pake kung may mai-istorbo akong kapitbahay.

"Wala akong alam! Oo tinuro ko nga ang unit mo pero hindi ko alam kung nasaan sila nagtatago. Ang usapan namin ay ikaw lang ang dudukutin hindi si Theo!"

"Now that you have spill it, you can no longer escape." Pormal na saad ni Kenzo sa likod ko. Napatingin naman sa kanya si Odette.

"W-What?"

Bigla na lamang may dinukot mula sa likuran ang guard na nasa gilid namin at walang anu-ano'y pinosesan ang dalawang kamay ni Odette na ngayon ay nagwawala na.

"A-Ano 'to?! Bakit ako?! Pakawalan mo ako! Hoy, ano 'to?!"

Lumakad ng marahan si Kenzo at nilagpasan ako. Namulsa rin ito sa harap ni Odette, "Ikaw naman ang main cause kung bakit nalaman ni Jett ang condo na 'to, kung bakit may mga namatay, at kung bakit kinuha nila si Theo. I feel sorry about your desperation..."

"Shut up! Hindi dapat ako kung hindi ang kapatid mong 'yan! Mang-aagaw 'yan ano ba?!" Pumipiglas-piglas na ani Odette.

Napatingin nalang ako sa sahig. Ngayong nakumpirma nga namin na siya ang nagturo dito, wala naman kaming nahita kung nasaan ang lungga nila Jett.

Pinunasan ko ang luhang muling tumulo sa mata ko. Naramdaman ko namang hinaplos ni Kiba ang likuran ko upang mapagaan ito ng kahit kaunti.

"Hey! Kenzo pakawalan niyo ako! Gusto ko lang naman bawiin si Theo dahil mang-aagaw 'yan! Let me go!"

"Sige na, dalhin mo na 'yan." Utos ni Kenzo pero patuloy ang pagpupumiglas ni Odette. Kahit ang sama ng tingin nito sa 'kin, hindi ko nalang pinansin. Ang importante makukulong siya sa pinag-gagawa niya.

Ngayon ay sila Jett nalang...

Natatakot ako na baka habang tumatagal, lalong pahihirapan ni Jett si Theo. Ang masama pa ro'n, baka malaman nilang robot siya.

"Get some rest. Hindi na makakatakas pa si Odette." Hindi ko namalayan na nakaharap na pala sa 'kin si Kenzo. Lumingon ako sa kaliwa ko. Parang hindi ko talaga kaya ang pinapagawa niya.

Ang dami kong pinag-aalala...

"Gusto kong..."

Tumaas ang isang kilay ni Kenzo, "What?"

"Gusto kong hanapin si Theo. H-Hahanapin ko siya ngayon." Bago pa ako makatakbo, mabilis akong nahawakan nito sa braso. Bahagya akong napanganga dahil ramdam ko ang paghigpit no'n.

"Are you out of your mind?" Mariin nitong tanong.

"Hindi alam ni Odette kung nasaan sila Jett. Anong gusto mong gawin ko? Matulog maghapon? Maupo na parang walang krimen na nangyari dito?" Sagot ko. Nanatili naman itong nakatingin ng blangko sa 'kin. "Kung maghihintay kayo ng himala, pwes ako hindi." Saka ko marahas na binawi ang braso ko.

"Ate!"

Dire-diretso ako sa paglalakad at hindi na pinagsalita pa si Kenzo. Hindi ko na rin hinintuan ang pagtawag ni Kiba. Alam kong maraming magju-judge sa akin na "Wala ba akong tiwala sa mga kasama ko?" "Hindi ba pwedeng magpahinga ka muna?" "Atat ka masyado" and I think, that's bullshit.

Mahal ko si Theo... at ayoko nang umiyak lang ng umiyak at maghintay sa maaaring magawa nila Kenzo. Ayoko nang mawalan ng isa pang minamahal... what happened last time is enough.

Kaya naman hindi man napag-isipang mabuti, handa akong hanapin siya kahit saan. Kahit alam kong ikapapahamak ko pa.

Stupid? Yeah, I think I am. Pero hindi ko kayang mamahinga nalang at umiyak muli. Tama na ang pagiging duwag. Tama na...

Bago pa ako makasakay ng elevator ay napahawak na ako sa dingding. Napayuko ako at mariing napapikit. Pakiramdam ko biglang pumintig ang ulo ko dahilan para maramdaman ko ito.

Shit. Not this time... I need to find him...

"Keziah!" Narinig ko ang boses ng papalapit na si Kenzo. "H'wag ka ngang basta-basta magdesisyon. Sa tingin mo ba mahahanap mo 'yon-- Keziah?"

Napaluhod ako ngunit bago pa tumama ang tuhod ko sa sahig ay mabilis na akong nasalo ni Kenzo. Nakikita ko ang kamay niya pero pakiramdam ko itim ang paligid ng mata ko. Pabalik-balik at palakas ng palakas ang pintig sa ulo ko, kaya naman hindi ko maiwasang manghina.

Nang maramdaman kong binuhat na ako ng kapatid ko, doon na tuluyang nagdilim ang paningin ko, literally.

* * *

Napabalikwas ako ng upo mula sa aking pagkakahiga at hingal na hingal na napatingin sa wall clock. Alas tres ng madaling araw.

Bakit ako nagising ng ganitong oras?

Pinunasan ko ang pawis na tumulo mula sa noo ko na para bang walang aircon dito sa kwarto ko. Ang huli kong naaalala, kasama ko sila Kenzo at Kiba. Nagharap kami ni Odette, at kinuha ni Jett si Theo.

But how come na nandito muli ako sa kwarto ko? Is it possible that it's all just a dream?

Mabilis akong bumangon sa kama at lumapit sa pinto. If that was just a dream, that would cause me no worries.

Pinihit ko ang doorknob kasabay ng pagbukas nito. Dahan-dahan akong lumabas, bukas ang ilaw sa sala. Tahimik. Naglakad ako at hinanap ng mata ko si Theo at hindi ako nabigo, naroon siya, nakatayo sa balcony habang nakatalikod sa 'kin.

Napangiti ako at nilapitan siya. Kaagad naman dumako ang paningin nito sa akin kaya lalo akong napangiti. I wanna believe that this is not a dream...

"Anong ginagawa mo dito? Bakit 'di ka pa matulog?" Malumanay na tanong nito sa akin. Tinabihan ko naman ito sa kanyang pwesto.

"Eh ikaw, anong ginagawa mo rito ng ganitong oras?" Balik tanong ko.

Inalis niya ang tingin sa akin at tumingin sa kalangitan. Napupuno ng bituin ang itaas, isama mo pa na ang lamig ng hangin ngayon dahil madaling araw na. Ang sarap sa pakiramdam.

"Iniisip ko lang kung paano kung wala ako... ano kayang ginagawa mo no'n? Nagmumukmok ka pa rin kaya?"

Nawala bigla ang ngiti ko sa tanong niyang 'yun. Nagsunod-sunod ang tanong sa isip ko, paano nga kaya? Nagmumukmok pa rin kaya ako?' Pero gano'n pa man, hindi ako nakapag-salita.

"Wala ka naman sigurong dapat ika-mukmok. Afterall, it's not you who's in fault. It was your Ex's decision to delude you until the end." Lumingon ito sa 'kin na siyang kinatulala ko sa kanya. I honestly don't get why he's telling me this. "I want you to be happy, Keziah..."

Napalunok ako sa sandaling 'yon, ang dami na talagang tanong sa utak ko. Napag-usapan na namin noon si Theodore-- ang Ex ko. At hindi ko ma-gets kung bakit niya na naman ito binubuksan. Kahit hindi niya sabihin, in some other way, naipapakita niya sa akin na gusto niya akong maging masaya.

Actually, being here with him makes me more than happy. Sila Jett lang naman ang ume-eksena, isama na natin si Odette.

"I... I am happy, Theo." Nasabi ko na lamang.

Humarap ito sa akin at bahagyang ngumiti, 'yung ngiti na ang sarap titigan. "You're happy because of me?"

Tumango ako. Damn, how I wish this guy was a real human...

Nagulat ako nang hawakan ni Theo ang isang pisngi ko at haplusin 'yun. It was a warm touch. "Thank you. Even if I'm gone, I want you to be still happy. Ang daming nagmamahal sa 'yo, Keziah."

Kumunot ang noo ko at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko. "How I wish you're one of them..." saka ako ngumiti.

"Whatever happens, please... please don't cry."

Bahagya akong natawa. "Iyakin ako."

"Yeah, but..."

Napansin kong nawala ang pagiging kumportable niya. Nawala ang ngiti ko sa labi at napalitan ng pagtataka ang aking mukha. Para siyang may gusto pang sabihin ngunit nagda-dalawang isip lamang.

"Theo?"

Napayuko ito dahilan para lalo akong magtaka sa mga kinikilos niya. Humigpit ng bahagya ang kapit ko sa kanyang kamay.

"Theo?" Pag-uulit ko.

"Please... still be happy for me." Saka ito tumingin muli sa akin. Ako nama'y hindi siya makuha. Yes, I'm happy with him.

"Oo nga, masaya ako---"

"Be happy, whatever happens."

Magsasalita pa sana ako nang tanggalin niya ang kamay sa pisngi ko. Gusto ko mang hawakan 'yon ulit ay hindi ko na nagawa nang dahan-dahan siyang umatras sa akin. "T-Theo..."

May himig ng pag-aalala sa boses ko. Nakatingin siya sa 'kin ng malungkot pero dahan-dahan siyang umaatras.

Kahit nagtataka ay kusang tumapak ang isang paa ko para lapitan siya pero gano'n nalang ang pagsakit ng tenga ko sa isang matinis na tunog na aking narinig. Mabilis akong napapikit ng mariin at napatakip sa dalawa kong tenga.

Shit, what's happening?!

"A-Aaaaahh!" Unti-unting lumalakas ang tunog na 'yon na para bang nilalapit ito ng sadya sa tenga ko upang lalo akong masaktan.

Hanggang sa hindi ko na kinaya, para nitong hinihigop ang kaluluwa ko sa pamamagitan lamang ng matinis na tunog na 'yon. Napaupo ako at naramdaman ang sakit sa aking pwetan. Dumilat ako at---

"Keziah! Keziah!"

Napabalikwas ako ng bangon at humahangos pa habang nakatingin sa aking kumot. Naramdaman kong may humawak sa aking balikat, tinignan ko 'yun at nakita si Mama.

"Are you okay? Binabangungot ka."

Nilibot ko ang paningin. Wala ako sa kwarto ko. Saktong pagtapat ng mata ko sa wall clock ay namuo agad ang luha ko. This can't be...

"Anak, Keziah?"

Hindi ko magawang tignan si Mama. Habang lumalakad ang segundo, palakas ng palakas ang pagkabog sa dibdib ko dahil sa mga realisasyon. Gusto kong bumalik sa paghiga at matulog nalang ulit pero hindi ko maalis ang tingin ko sa orasan...

3pm.

So panaginip lang ang lahat? Panaginip lang na nakasama ko si Theo sa balcony ng unit ko? Panaginip lang ang mga sinabi niya sa akin?

Why...?

Napahawak ako sa bibig ko at napapikit sa sakit na naramdaman ko bigla. Hindi ko na napigilan ang pag-iyak, for the nth time, here I am, crying again because of what really happened.

Totoong... kinuha nila si Theo.

Naramdaman ko nalang na niyakap ako ni Mama at hinaplos ang aking likod. Dahil doon, napayakap na rin ako sa kanya at umiyak sa kanyang bisig. Masarap sa pakiramdam na dinadamayan ka ng ina mo, I didn't know that until this time. Pero ang mahirap doon, umiiyak ka dahil sa taong mahal mo.

Compare noong una, hindi ko nagawang umiyak sa totoong Theo dahil 'yun ang bilin niya. Pero bakit ang hirap maging masaya kahit 'yun ang bilin ng Theo ngayon?

I just couldn't imagine my life without him. Oa na kung oa pero this is really what I'm feeling.

I feel incomplete... and it's making me sucks to the nerve.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top