Kabanata 22
"Gusto kong magpasalamat sa lahat ng dumalo ngayong gabi sa kaarawan ko. Hindi ko expected na ganito karami ang makakapunta dahil alam ko namang mga busy person kayo. Gusto ko rin magpasalamat sa asawa ko para sa party na 'to, at sa mga anak ko na palaging nandian para sa akin."
Nagpalakpalakan ang mga tao at halos lahat ay nakangiti sa kanya sa mini stage sa gitna. Kanina habang nagsasalita siya, hindi ko maiwasang mapatitig sa maganda niyang mukha. Lalo at nagmukha siyang bata sa long red dress na suot niya.
Wow, she's like 25 years old.
"Ngayon ko lang napansin na maganda pala si Tita Reeva."
Dumako ang mata ko kay Theo nang magsalita. Nakatingin siya kay Mama samantalang napakunot naman ang noo ko. So noon at kahapon ay panget sa paningin niya si Mama?
"Bakit naman?"
Nagkibitbalikat ito, "Mas napapansin ko kasi 'yung ganda mo kesa sa iba," at saka siya lumingon sa 'kin dahilan para matigil ako.
A-Ano daw?
Hindi ko maiwasang kabahan lalo at nakatingin ang mga itim niyang mata sa akin. Parang lumalakas ang kabog sa dibdib ko at feeling ko pa... namumula ako.
Shit, ano? Namumula?!
Nagkatitigan kami at hindi ko alam kung paano ko nama-manage na gawin 'yun. Dati, kapag makikipag-titigan ako sa kanya ay dahil sa inis. Ngayon, hindi ko alam kung bakit nagagawa ko ito gayong wala naman akong inis na nararamdaman sa kanya.
"Pwede ko bang putulin muna ang titigan niyo?"
Pareho kaming napatingin ni Theo kay Kiba na nasa likod namin. Bahagya siyang ngumiti sa 'kin ng magtama ang paningin namin saka siya yumuko para bumulong sa 'kin. "Do you know where's Kenzo?" Bulong nito.
Napailing ako at taka na tumingin sa kanya, "Nandian siya kanina ah, bakit?"
Kanina nang ilabas ni Kenzo si Odette para paalisin ay agad din siyang nakabalik. Sinaluhan pa nga niya ang mga kaibigan niya sa kabilang table. Pero ngayon, pansin ko nga na 'di ko siya masyadong nakikita. Iniisip ko kasi nandian lang siya at sinasamahan ang mga kaibigan.
Pinakita sa 'kin ni Kiba ang hawak niyang phone na lalong kinakunot ng noo ko. "One of the guards found this in front of the parking area. It's Kenzo's phone, am I right?"
Kinuha ko 'yun at pinagmasdan. Kulay itim na iPhone X at sand ang theme ng loob. 'Di ako pamilyar sa phone niya dahil hindi ko pa naman 'yun nahahawakan, ngayon palang.
"I'm sure it's his, pinuntahan ko 'yong kotse niya at nando'n pa rin. Nasaan kaya siya at bakit nahanap ng guard 'yan sa sahig?" Tanong ni Kiba na halatang napapaisip na kung nasaan ang aming kapatid.
"Pinahanap niyo na ba dito? Baka nandito lang." Suhestiyon ni Theo na kanina pa pala nakikinig sa 'min. Umayos ng tayo si Kiba at napabuga sa hangin.
"Yes we did."
Bigla tuloy akong kinabahan. Alam ko namang malabo na baka sila Jett ang may kagagawan no'n pero hindi ko alam kung bakit nag-aalala ako na baka sila nga 'yun. Pero hindi eh, hindi niya kilala si Kenzo. Kaming dalawa lang ni Theo ang kilala niya.
Isa pa, paano niya matutunton ang lugar na 'to kung sila nga 'yon?
"Kapag nalaman nila Papa na nawawala si Kenzo, malamang mataranta ang mga bisita at baka mag-alala si Mama. Anong gagawin natin?" Muling tanong ni Kiba.
Tumayo ako. "Tama ka, the best thing we can do is to look for him. 'Yung tayong tatlo lang ang nakakaalam." Bilin ko. Iniisip ko kasi na baka kung ipapahanap din namin 'yun sa mga guard, baka magtaka na si Papa.
Pero hindi, baka hanapin niya kami. Tsk, Keziah, think!
"Kung tatlo tayong maghahanap, mabuti pang may maiiwan dito para magdahilan in case maghanap sila Tito Rio." Tila naisip ni Theo ang naisip ko.
"A-Ako nalang maiiwan dito. Basta 'wag kayong lalayong dalawa. Ipapa-review ko ang CCTV kapag medyo busy na sila Papa. Siguro naman nandian lang 'yun sa labas." Litanya ni Kiba.
"Kapag ginawa mo 'yon magtataka ang security, maaaring sabihin nila 'yun kay Papa at baka hanapin din kami." Salungat ko sa sinabi niya. Totoo naman, iniisip ko kasi na masyadong loyal ang mga 'yun kay Papa kaya hindi malabong magsabi 'yun.
"O sige, hihintayin ko nalang kayo. Bumalik kayo agad ah?"
Habang papalabas ay hindi ko maiwasang kabahan. Masyadong marami ang pumapasok sa isip ko. Maaaring may dumukot sa kanya, o aksidente lang niyang nalaglag ang phone niya, o baka naman umalis ng walang paalam. Ewan. Hindi ko alam. Pero sana ay wala namang nangyaring masama sa kanya kahit pa palagi kaming nagkaka-iringan.
Napahinto ako nang bigla akong hawakan ni Theo sa siko. Nandito na kami sa labas ngayon at malayo sa entrance ng hotel, medyo lumalalim na rin ang gabi kaya naman kaunti nalang ang mga taong nagdadaan.
"Hindi ko naman hahayaan na mapahamak ka. Mas mabuti siguro kung samahan mo nalang si Kiba sa loob." Saad nito dahilan para mangunot ang noo ko. Malinaw sa 'min ma dalawa kaming maghahanap kay Kenzo.
"Bakit? Mas maganda nga na may kasama ka---"
"Pero hindi ko naman gugustuhin na mapahamak ka." Pagputol niya sa sinasabi ko.
Mukha yatang nakakalimutan ko ang obligasyon ni Theo sa akin. Hindi nga pala niya nakakalimutan ang kalagayan ko anuman ang sitwasyon. Base sa nangyayari ngayon, sigurado akong hindi niya ako papayagan sumama sa kanya dahil baka mapahamak ako.
Nagitla ako nang haplusin niya ang kanang pisngi ko. Hindi tuloy ako nakapag-react sa ginawa niya. "Hindi naman ako lalayo. Hahanapin ko lang sa paligid si Kenzo bago pa siya hanapin nila Tita Reeva. Kaya pumasok ka na do'n, ako nang bahala."
Ilang sandali pa ako natahimik. Pakiramdam ko unti-unti ina-absorb ng utak ko ang mga sinabi niya. Tila hindi ko rin nagugustuhan ang responde ng nararamdaman ko habang nakatitig sa kanya.
No, please, Keziah...
Hanggang sa na-realize ko nalang na umalis na siya sa harapan ko. Naiwan akong tulala. Hindi ko alam kung ba't kinakabahan ako. Well, kinakabahan ako kanina kay Kenzo, pero iba na 'yung kaba na nararamdaman ko sa mga oras na 'to.
'Yung para bang... nae-excite ka na ewan.
Mariin akong napapikit sa naiisip ko at umiling. Kung ano man ang nararamdaman ko, isa lang ang tamang sagot do'n.
HINDI PWEDE.
Napalingon ako sa kaliwa ko nang may marinig akong parang bumagsak na bagay. Parang bakal or something na mabigat. Humakbang ako ng isa hanggang sa naging tatlo bago ako makaramdam ng takot. Takot na baka nando'n ang taong iniiwasan ko, o takot na baka may iba pang masamang tao ang nando'n.
Babalik na sana ako dahil baka mali kung itutuloy ko pang tignan pero naulit ang pagbagsak na 'yun. This time, naalarma ako na baka nandoon si Theo at kung ano ang nangyayari kaya naman mabilis at maingat akong nagtungo sa madilim na parte na 'yon.
Sa may gilid ng hotel bandang sulok ay may ginagawang building na maaaring doon nanggaling ang ingay. Sigurado ako na wala nang construction worker na nagtra-trabaho pa ro'n lalo at 9pm na ng gabi.
Tuloy-tuloy ang lakad ko habang mahigpit ang kapit ko sa phone ni Kenzo. Medyo madilim at tanging ilaw ng poste at buwan lamang ang nagsisilbing liwanag para makalakad ako ng maayos.
Isisigaw ko na sana ang pangalan ni Theo nang may makita akong grupo ng kalalakihan 'di kalayuan sa 'kin, mga nakatalikod sila at mga nakaitim. Siguro ay nasa tatlo sila. Mabilis akong nagtago sa likod ng bato kung saan alam kong hindi nila ako makikita. Meron silang isa pang kasama, nakatayo ito sa harap nila at naka-tuxedo na...
Shit! That's Kenzo!
Hindi ko maaninag masyado kung ano ang ekspresyon niya pero kita kong nakatayo lamang ito habang nakayuko. Habang ang tatlo naman ay parang pinagdidiskitahan siya.
"Alam mo, bata, 'wag ka nang manahimik dian at sabihin mo nalang kung nasaan si Keziah Torres!" Bulalas ng malaking lalaki sa gitna.
Napatakip ako ng bibig. Ako? Ako ang hinahanap nila pero paanong... nadamay si Kenzo?
"Magsalita ka, hoy!"
Ngunit nanatiling nakayuko si Kenzo. Maya-maya ay inangat niya ang tingin niya sa mga lalaking nasa harapan niya at halos manlaki ang mga mata ko nang makita na puro sugat ang kanyang mukha! May dugo sa kanyang labi, may pasa sa pisngi at halata sa kanya ang panlalambot.
Ngayon unti-unti nang nagtatagpi-tagpi sa utak ko kung anong nangyari... Maaaring may kausap sa phone si Kenzo o hawak niya lang ang phone sa labas nang bigla siyang pwersahin ng mga lalaking ito. Isa pa, sa parking area ito nakita, malamang ay walang guard o tao sa mga oras na 'yun.
At ito ang ginagawa nila sa inosente kong kapatid? How... dare them.
"H-Hindi ko... sa-sasabihin." Tila nanghihina niyang sagot.
"Tangina!" Nagulat ako nang hablutin ng isang lalaki ang kwelyo ni Kenzo, dahil sa ginawa niya, mabilis kong nakita ang mukha niya... si Jett. "Nakita ko kayo sa mall kanina. Ano, tangina magsisinungaling ka? Gusto mong bugbugin ka namin dito?!"
Oh my god...
"Tangina... mo rin."
Mariin akong napapikit nang bigla niyang sapakin si Kenzo dahilan para mapadapa ito sa lupa. Iniisip ko na sana, hindi nalang siya sumagot ng gano'n. O sana, sabihin nalang niya kesa ganito na tinitiis niya ang pambubugbog para sa akin.
I appreciate. But he is still my Brother at hindi ko yata siya matitiis ng ganyan.
Dumilat ako at nakita na sunod-sunod na ang suntok, sipa, tulak na ginagawa sa kanya. Nariyan 'yung hahampasin pa siya ng kahoy na maaaring 'yun ang narinig ko kanina.
Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Feeling ko nanlalambot ang mga tuhod ko at kapag ginalaw ko 'yun ay maaari akong matumba anumang oras.
Nagtatalo ang isip ko kung dapat ba akong magpakita para matapos nalang 'to o dapat ba na umalis ako para magsumbong. Pero shit lang, I really can't move my feet. Para akong napako sa kinatatayuan ko at walang ibang magawa kung hindi ang manuod.
Habang patuloy siyang ginugulpi, hindi siya dumadaing. Hindi siya gumaganti, ni hindi niya inaangat ang ulo niya para tumingin. Mula sa pwesto ko ay kita ko ang nagdadagsaang dugo sa kanyang bibig. Pero still, hindi siya nagsasalita o kumikilos man lang.
Hindi ko namalayan na kanina pa pala tumutulo ang luha ko. Gusto ko gumawa ng paraan, pero natatakot ako sa pwedeng mangyari pa. Sana... dumating ka, Theo...
"Puta!"
Malakas na sinipa ni Jett si Kenzo dahilan para mapadapa ito sa lupa at hindi gumalaw. Tumigil si Jett at ang iba pa, "Wala akong mapapala sa 'yo. Pero h'wag kang mag-alala, malaman-laman ko lang kung nasaan ang babaeng 'yun at si Theo ay mananagot kayo. Sisiguraduhin ko na hindi na makakatakas 'yang babaeng 'yan!"
Iniwan nilang duguan ang aking kapatid. Halos hindi ako mapakali noong lumakad sila paalis, parang gusto ko na bilisan nila para malapitan ko agad ang kapatid kong puno ng sugat, pasa at dugo sa buong katawan. Hindi ko maiwasang lalong maawa.
Pagkatapos ng ilang sandali ay tumakbo ako papalapit kay Kenzo. Tumigil ako sa harap niya at lalong naiyak. Ang sakit pala makita na maging ganito ang taong mahal mo lalo at... prinotektahan ka niya.
Lumuhod ako at dahan-dahan siyang hinawakan sa balikat. Maingat ko siyang hinarap sa 'kin at doon ko mas nakumpirma na sobrang lala ng kanyang dinanas sa kamay nila Jett.
"K-Kenzo..." sunod-sunod na pumatak ang aking luha sa pisngi. Hindi ko maatim, hindi ko kaya na makita ang ganitong lagay niya.
Dahan-dahan naman niyang minulat ang kanyang namamagang mata. Nagkukulay violet ang paligid ng isa niyang mata dahil sa pasa, "K-Kez..."
"Bakit... Bakit hindi ka lumaban?" Umiiyak na tanong ko rito.
"Don't cry... I only... protected you, I can't... let them capture you..."
Hindi ko na nakayanan, niyakap ko siya at doon umiyak sa kanyang balikat. Ito ang unang beses na yakapin ko si Kenzo. Sabi ko nga, hindi kami close noon pa. Palagi kaming nagkakainitan niyan dahil napaka strikto at bossy niya.
Pero ngayon, hindi ko kayang pairalin ang pride ko sa nangyari sa kanya. Para saan pa kung ginawa lang niya 'to para protektahan ako?
Now I do really feel that he loves me. He, loves me.
* * *
Katulad ng inaasahan, hindi natapos nang masaya at maayos ang birthday party sa Shangri-La dahil na rin sa nangyari kay Kenzo. Pinilit kong buhatin at akayin si Kenzo para makaalis sa lugar na 'yon nang saktong dumating si Theo. Siya na mismo ang naghatid kay Kenzo agad papuntang ospital habang ako nama'y dumiretso sa hotel para sabihin ang nangyari.
Of course, hindi naging maganda ang balitang 'yon lalo at hindi pa natatapos ang party kaya naman marami sa kanila ang nadismaya sa nabalitaan.
"Pasalamat siya at ayoko lang sabihin kung nasaan ka, Keziah. Damn that fucking Jett!"
Angil ni Kenzo habang nililinis ng Nurse ang huling sugat niya sa pisngi. Kanina pa siya dumadaing na lagot daw talaga 'yang si Jett sa kanya kapag nagkita ulit sila. Pero para sa 'kin, ayoko na yatang magkita ulit sila.
"Kumalma ka nga," usal ko pero hindi niya ako pinansin. Bagkus ay napa-aray nalang siya sa sugat na maaaring napadiin ang Nurse.
"Shit," hinimas niya ng marahan ang kanyang sugat, "Dahan-dahan naman." Saad nito na kinatango ng Nurse na mukhang napahiya sa simpleng pagsasalita ni Kenzo.
Sino bang hindi? Halata ang nakakatakot na aura ngayon ni Kenzo dahil binugbog siya at gusto niyang makaganti. Halatang badtrip. Pero ginusto naman niya 'yon, alang-alang sa kapakanan ko.
"Nasa'n sila Papa?" Tanong na lamang ni Kenzo. Umupo naman ako sa tabi ni Theo na blangko na naman ang reaksyon.
"Paparating na daw kasama si Kiba."
"For sure hindi naging maganda ang birthday ni Mama. Fuck that Jett..." Muling saad ni Kenzo. Tumayo ang Nurse saka nagpaalam na lalabas na. Hindi naman siya pinansin ni Kenzo hanggang sa tuluyan nang makalabas ang Nurse.
"Sa tingin ko malabo na magkita pa kayo ni Jett lalo at hindi naman ikaw ang pakay niya,"
Sabay kaming napatingin kay Theo nang magsalita ito. Kanina mula nang makarating kami dito, tahimik lang siya at halatang may malalim na iniisip. Ayoko namang magtanong sa kanya dahil tutok din ako sa kalagayan ni Kenzo at syempre... sa maaari pang mangyari sa 'kin.
We'll never know, baka bigla nalang akong sugudin sa---
Wait a minute, kung nakita nila Jett sa Mall si Kenzo noong time na nakita ko rin sila kanina, paanong nalaman ni Jett kung nasaan eksakto si Kenzo? For sure naman na malabong masundan niya ito dahil maraming tao kanina. Malamang ay hindi niya na masusundan pa si Kenzo hanggang dito.
"Why not? Gaganti pa 'ko sa mga bangas na ginawa nila sa 'kin. Hindi por que hindi ako lumalaban kanina ay ayos lang 'yon. Para 'yon sa kapatid ko." Saka siya napasandal sa headrest at bahagyang sumeryoso ang kaninang inis na mukha niya. "But seriously tho, mukhang desperado talaga silang makuha ka, Keziah. Maybe this is the right time na magpalabas ng mga body guards and security."
Hindi ako nagsalita. Jett's company are sure desperate. Hindi naman sila mambubugbog kung hindi sila gano'n na kailangan pa talagang sundan si Kenzo o hanapin.
"Paano ka naman niya natunton?" Hindi ko pinansin ang kaninang sinabi ni Kenzo. Hindi ko kasi maiwasang magtaka sa nangyari.
Kumunot naman ang noo niya na parang may naalalang mapait. "Someone called me so decided to answer the call outside since it's quite. Lalaki ang boses, unknown number. Hindi pa man tumatagal ang usapan namin nang may bigla nalang magtakip sa bibig ko at doon nagsimula ang lahat."
Someone called him...?
"S-Saan naman kaya nakuha ang number mo?" Tanong ko agad.
Napatingin siya sa 'kin. Tila ngayon lang pumasok sa isip niya ang katanungan na saan nga ba nakuha ang personal number ng aking kapatid. Knowing him, hindi siya madali hingan ng number.
"I think it's just a client of mine. May nabanggit kasi siya about sa company kaya tingin ko ay hindi na involve doon sila Jett."
Umiling ako, "No. Someone sabotaged you, Brother." Pagdidiin ko. Kung iisipin, nagkaroon kami ng maliit na argyumento nila Odette sa hotel. Dahil nakakakuha na ng pansin ang grupo namin, sapilitan pinalabas ni Kenzo si Odette dahilan para umalis na ito.
And to think na siya si Odette... hindi malabong may kinalaman siya dito.
Kumunot lalo ang kanyang noo sa akin. "And... the one that you're pointing is...?"
"Odette."
Since nagagalit si Odette kay Kenzo kanina dahil sa sagutan nila at sa mga pinagsasabi ng kapatid ko laban sa kanya, hindi malabong noong pumasok si Kenzo sa hotel ay iyon ang oras niya para tawagan sila Jett. Kung hindi ako nagkakamali, nabanggit ni Jett ang pangalan ni Odette noon sa video na napaunod ko.
Alam din ni Odette noon pa ang plano tungkol sa 'kin. Maybe she's just waiting for the right time kung kailan aatake... at ngayon 'yon lalo at hindi niya nabawi ang gusto niyang bawiin sa 'kin.
Seryoso ang tingin sa 'kin ni Theo samantalang lumukot ang mukha ni Kenzo dahil sa sagot ko. Marahil hindi siya makapaniwala sa konklusyon ko.
"Ang sinasabi mo ba ay magkakilala si Odette and Jett? Tapos ang unknown number na 'yon ay number ni Jett at nalaman niya 'yun kay Odette?" Naguguluhang tanong nito.
"Yes, unang-una alam ni Odette ang mga plano ni Theo sa akin noon sa tulong nila Jett. Pangalawa nabanggit siya ni Jett noon sa video ni Theo. Pangatlo nag-away kayo kanina at pinaalis siya. Imposibleng mali ako, I know her well." May paninindigang sabi ko. Kahit sabihin pa nating konklusyon ko palang 'yon, alam kong si Odette ang dapat sisihin dito.
Hindi dahil galit o inis ako sa kanya kung 'di dahil maraming bagay ang match sa kanya para paghinalaan.
Napadako ang mata ni Kenzo sa kanyang mga paa saka ko napansing napakagat ito sa kanyang labi na parang nagtitimpi. Malamang, medyo nasaktan na naman siya dahil sa babaeng 'yon.
Malas niya, doon pa siya nagkagusto.
"We cannot make accusations to other person, Keziah. Maybe you're right, somehow, but we can't just accused someone without any proofs." Biglang litanya ni Theo.
Parehas naman kaming napalingon sa kanya ni Kenzo na halata pa rin ang pagtitimpi sa mukha.
"Why can't we? Eh 'di ipatawag natin siya. Alam kong si Odette ang may kagagawan kung bakit nandito ngayon si Kenzo." Pagdidiin ko pa.
Hindi naman siya nagsalita at nanatili lang na nakatitig sa 'kin. "Malamang nagagalit siya ngayon dahil hindi ka niya nakuha at napahiya siya. 'Wag natin balewalain ang palaisipang maaaring may kinalaman siya dito. Basta ako, naniniwala akong siya ang nagsabi kung nasaan si Kenzo."
"Kung gano'n bakit hindi niya sinabing nasa hotel ka at birthday ng Mama mo? Afterall, ikaw naman ang habol nila eh, right?" Banat ni Theo dahilan para manahimik ako.
Hindi ko alam kung bakit hindi ginawa ni Odette 'yun pero trust me, I know I am right about this! Siguro gusto lang ipagulpi ni Odette si Kenzo dahil sa iringan nila. Pwede naman.
"Hindi ko din alam. But I will talk to her,"
Napaupo ako sa kama ni Kenzo bandang paanan niya. Nagcross arm ako at inisip ng mabuti ang mga napag usapan.
Kakausapin ko talaga siya at kailangan niya magsabi ng totoo. Kapag napatunayan kong tama ako, hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa Kuya ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top