Kabanata 21
Suot ang Blush pink sleeveless short cocktail dress ko na tinernuhan nang Rose fold studded cross strap heels na may taas na 4 inches, nakapusod din ang mahaba kong buhok na bahagya kong kinulot ang dulo, naglagay din ako ng kaunting buhok sa gilid ng pisngi ko, at syempre, light make up.
Sinuot ko rin ang kwintas na bigay ni Theo noong isang araw. Sa ganda at laki ng halaga nito, manghihinayang ka nalang na 'wag gamitin dahil kapansin-pansin talaga.
Napatitig ako sa salamin. Siguro huling nagpaganda ako ay noong huling labas namin ni Theo... na Ex ko. Tuwing magda-date kami, hindi pwedeng hindi ako nakaayos. Hindi pwedeng magmukha akong simple lang. Gusto ko noon, ako lang ang pinaka magandang babae sa paningin niya palagi.
Pero noong namatay siya, nawalan ng saysay ang pagpapaganda ko.
Napabuntong hininga ako at napatingin sa bintana ng kwarto ko. Kung tutuusin, kahit naman mag-effort ako noon na magpaganda ay si Odette naman ang totoong maganda sa kanya. Wala akong laban. Oo.
Pero noon 'yon.
Pakiramdam ko nga kapag naaalala ko ang mga pinagsamahan namin ni Theo ay nandidiri na ako. Nasasaktan ng bahagya, nagagalit, naiinis at natatawa. Halu-halong emosyon.
Ngayong tapos na ang pangloloko nila sa 'kin. Magsisimula ulit ako bilang Keziah Torres. Kailangan kalimutan ko na ang mapapait na alaalang binigay niya sa 'kin.
How I wish he went directly in hell and burn his villainy soul.
Nakarinig ako ng tatlong magkakasunod na katok sa pinto dahilan para bumalik ako sa sarili. Muli akong tumingin sa salamin at inayos ng kaunti ang suot ko. Kinuha ko muna ang maliit na pouch ko saka ako nagtungo sa pinto.
Bumungad sa 'kin ang itsura ni Theo. Suot ang black tuxedo, kita rin na nakablack polo siya sa loob. All black kumbaga. Napangiti siya nang magtama ang paningin namin. Habang ako ay pinagmasdan lang ang kanyang mala-perpektong pigura. Bagsak pa rin ang kanyang buhok, mukha siyang bagong gising dahil sa mapupungay niyang mata.
Ito 'yung itsura ng kinababaliwan ko dati na minsan ko nang iniyakan at sinaktan ako. Pero ngayon, ito ang itsura nang robot na pilit akong pinapasaya at tinatayo mula sa nakaraan...
Si C-3PO a.k.a. Theodore Villamejor.
"You look wonderful,"
It's just one compliment but gives me an edgy feeling. Automatic akong napaiwas ng tingin. Palagi ko namang naririnig sa kanya na bolahin ako, pero may iba akong nararamdaman.
"Hindi talaga ako kasama? Sabi sa akin kaninang umaga ni Kenzo kasama ako, tapos ngayon hindi na?"
Sabay kaming napalingon sa likod ni Theo. Lumabas ako ng kwarto para makita si Odette na nagrereklamo sa harap ni Kiba. Habang ang kapatid ko nama'y mukhang hindi alam ang saabihin. Naalala ko tuloy 'yung pag-uusap namin ni Kenzo kanina, siguro nagbago na ang isip niya.
"Sorry, iyon 'yung binilin ni Kenzo eh. Heto oh, tinext niya." Saka pinakita ni Kiba ang phone kay Odette habang napakunot noo naman itong binabasa ang message.
Napairap nalang ako. Kung sa bagay, minsan lang naman siya maka-attend sa ganito ka-eleganteng party, obviously pinaghandaan 'yon ni Odette. She looks sophisticated in her long fitted white dress. Nagmukha siyang human barbie sa make up niya. Wow, kung buhay lang si Theo, naglaway na 'yon.
"This can't be, isama niyo ako at kakausapin ko doon si Kenzo." Angil niya.
"Pero--- baka magalit sa 'kin si Kenzo. Saka party 'yun ni Mama."
Kinuha ni Odette ang black sling bag niya saka dumiretso sa pinto. "Hindi na 'yun makakaangal kapag nakita ako. Now let's go," nauna siyang lumabas ng pinto habang nagkatinginan naman kami ni Kiba.
"Paano 'yan?"
Nagkibit-balikat na lamang ako at hinatak si Theo palabas. "Kung ayaw niyang magpapigil, hayaan mo na Kuya na natin ang magpauwi sa kanya."
Kampante ako na hindi papayag si Kenzo sa pagpunta ni Odette. He's disappointed, remember? Obvious naman na umaasa siyang mapansin ni Odette kahit na ang gusto no'n ay si Theo. Pero ngayong alam na niya ang mga sikreto nito, siguradong hindi niya papaganahin ang katangahan niya.
Afterall, he is a very smart guy. Kumbaga, kumpara sa akin, kung sa kanya nangyari ang nangyari sa 'kin, malamang hindi 'yun magkukulong ng anim na buwan sa kwarto. Hindi magda-drama like me. Instead, isusubsob nalang niya ang sarili sa trabaho.
That's Kenzo.
* * *
Pagka-park palang namin ay kita ko na agad ang mga naggagandahan at nagkikintabang mga sasakyan dito sa parking area. May mga nakasabay kaming pumasok ng hotel at hindi maipagkakaila na sobrang yayaman nila itsura palang.
Malaki ang hotel ng Shangri-La. Mula kisame hanggang sahig ay kita mo ang repleksyon mo sa kintab. Nagkikislapan ang mga chandelier sa taas, ultimo lamesa na gagamitin para kumain ay isang transparent glass pa na may berdeng bulaklak sa gitna. Nakahilera na rin sa isang mahabang mesa ang mga pagkain na nando'n pati na rin ang mga waiter and waitress na magsisilbi sa amin.
Nakaagaw din ng pansin ko ang isang chef na naroon lamang. Nakangiti niyang binabati ang mga bisita lalo na ang may birthday ngayon-- si Mama. Malamang sa malamang, kaibigan rin nila ang Chef na 'yon. Hindi naman kukuha si Papa ng isang simpleng Chef lang kung marami siyang kakilalang mas higit pa.
"Keziah! Kiba!"
Agad kaming napalingon kay Papa nang tawagin kami. Malaki ang ngiti niya sa labi habang may hawak na baso na naglalaman ng white wine. Lumapit siya sa 'min. "I'm happy to see my Keziah. Kung wala siguro si Theo, baka hindi ka lalabas ng kwarto mo."
Napatingin ako kay Theo na nagmamasid lang sa paligid. Saka ako ngumiti kay Papa, "It's Mama's birthday. Pwede bang wala ako?" Biro ko na lamang.
"Ah, Tito Rio, may I know where's Kenzo?" Biglang singit ni Odette na halatang kanina pa lumilingon-lingon sa paligid.
"Teka, kayo ba ng anak ko?" Tila mapaghinalang tanong ni Papa.
Napakamot nalang ako sa leeg ko at tumingin sa ibang direksyon. Kung sa bagay, wala namang alam sila Papa kay Odette. Tanging ako at si Kenzo lang ang nakakaalam ng mabaho niyang sikreto. Good for her at ayoko lang palakihin ang ginawang gusot ng magaling na Theo na 'yon. Kung hindi ay baka nakapag salita na ako kila Papa.
Nang dumako ang paningin ko sa bandang comfort room ay nakita ko si Kenzo na nakasandal sa dingding at nakahalukipkip habang nakatingin sa 'kin. Kagaya ni Theo at Kiba, nakasuot din siya ng magarang tuxedo, may pulang necktie nga lang ito.
Pinanliitan ko ito ng mata. Nakita ko na seryoso ang mga mata niya na para bang, "We will talk later." Ang sinasabi nito.
Hays. Why me?
"Nako, hindi po. Hanggang kaibigan lang ang kaya ko ibigay kay Kenzo. But don't get me wrong, he's too perfect for me." Ani Odette saka siya mahinhin na natawa.
Psh. Kapal ng mukha ah.
"By the way, Pa. Sa'n ang puwesto niyo?" Tanong ni Kiba.
Tinuro naman ni Papa kung saan sila nakapuwesto. Hinatid niya pa kami ro'n pero agad din siyang umalis nang may makasalubong siyang kaibigan. Malaki ang nakuhang puwesto nila Papa, malamang, si Mama ang celebrant.
Sa gitna ay meron pang mini stage, may pulang upuan din do'n na parang pang-royal queen. Kung sa bagay, She's Papas' queen.
Hinila ako ng upuan ni Theo kaya napangiti ako rito. Ngumiti naman siya pabalik. Pero bago ako makaupo ro'n ay may biglang humawak sa siko ko. Pagtingin ko, si Kenzo at ang seryoso niyang mukha.
Nangunot ang noo ko sa kanya. Pasimple naman siyang tumingin kila Kiba. Doon siya nakita ni Odette na agad na lumapit. "Kenzo! Kanina pa kita hinahanap."
Tumingin naman si Kenzo kay Kiba na parang alam na agad ni Kiba ang gagawin. 'Yun ay ipagtanggol ang sarili niya, "A-Ah, Ginawa ko naman ang sinabi mo eh." Depensa nito kahit wala pang lumalabas sa bibig ni Kenzo.
"Will you let go of me?" Mataray kong sabi sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang sa akin siya galit where in fact kay Kiba niya naman binilin na h'wag pasamahin ito.
Huminga siya ng malalim bago ako bitawan at namulsa. "Akala ko ba ayaw mong kasama si Odette? Bakit siya nandito?" Mahina pero malalim niyang tanong sa 'kin.
"Ayoko nga," usal ko sa mahinang tono. "Pero mapilit siya. Teka, ako ba sinisisi mo kung bakit nandito siya ngayon?"
Marahil ayaw lang ni Kenzo na nandito si Odette. Simula nang malaman niya 'yung sinabi ko kanina, hindi ko na alam kung papaano tumatakbo ang utak niya. Pero sa tingin ko, base sa nakikita ko ngayon, ayaw niyang makita si Odette dahil naaalala niya ang mga sinabi ko.
Which is fine with me.
Hindi niya ako sinagot. Bumuntong hininga siya na parang suko na sa hindi pa nagsisimulang iringan namin. Saka siya tumingin kay Odette na nagtatakang nakatingin sa kanya.
"Odette,"
"Yeah, sabi mo kahapon sumama ako. Tapos kanina malalaman ko ayaw mo nang---"
"You're fired."
Lahat kami ay napatingin kay Kenzo. 'You're fired' means tatanggalin niya na as P.A./Care taker ko? Wow.
Bahagyang napanganga si Odette. "W-What?"
"I said you're fired. Pwede ka nang bumalik sa 'anak' mo at pwede ka na ring umalis sa puder ni Keziah. That'll be fine, right?"
Hindi ito kaagad na nakasagot. Kahit naman siguro ako ang ganonin, hindi rin ako makakapag-react agad.
Dumukot ng wallet si Kenzo sa kanyang bulsa at nilabas doon ang nagkakapalang pera niya. Iniabot niya 'yon mismo kay Odette. "I don't know exactly how much is that but I guess, that will do."
"K-Kenzo, why all of a sudden---"
"Shut up, Kiba." Pagputol niya sa itatanong dapat nito. Nanatiling nakatitig lang siya kay Odette na hindi pa rin inaabot ang pera.
Pagkatapos ng ilang segundo, bahagyang natawa si Odette at umiwas ng tingin. Parang hindi siya makapaniwala sa basta-bastang asta ni Kenzo. "Bakit? Ginagawa ko naman ang trabaho ko ah? May sinumbong ba siya sa 'yo?" Tinuro niya ako pero agad din nagbalik kay Kenzo ang paningin niya.
"Nasabi mo na ang dapat mong sabihin. Iyon naman ang usapan, 'di ba?"
"'Yung tungkol sa 'min ni Theo?!"
"'Yung tungkol sa anak niyo ni Theo."
Napatigil si Odette sa narinig kay Kenzo. Ako nama'y napatingin sa paligid. Maraming tao dito at kung saka-sakali, ayokong masira ang party ni Mama nang dahil kay Odette.
"Anong meron sa inyo ni Theo?" Tanong ni Kiba sa kanya pero hindi siya nito pinansin.
"Kenzo, maraming tao." Mahinang saad ko kay Kenzo pero napaglapat lang niya ang kanyang labi na parang nagtitimpi na.
I wanted to see him like a broken hearted man, pero parang ayoko sa ganitong sitwayon. I understand my Brother.
Napasinghal nalang si Odette. "S-So what?" Saka siya biglang bumaling kay Theo. "Listen, we have a child. Hindi ko lang sinabi sa 'yo noon dahil na kay Keziah ka. Ayokong masira ang plano niyo nang dahil sa 'kin. Pero ngayong alam na nila, come with me. Maging malaya na tayo, Theo."
Napalunok ako. Kung ito ang totoong Theo, malamang ay hindi niya na kailangan pang magtunog nagmamakaawa.
"Theo, iwanan mo si Keziah, m-magsama na tayo." Kumapit siya sa damit ni Theo at pinagpatuloy ang pagsasalita. "Please, let's go. Iwanan mo na siya, o kaya isuko mo na kila Jett."
Dahil sa sinabi niya, nag-igting ang panga ni Kenzo habang nagulat naman ang reaksyon ni Kiba.
"Fucking whore..." mahinang saad ni Kenzo.
Tumingin naman sa kanya si Odette, this time, may bakas na 'yun ng galit. "Sorry, kung hindi ko kaya suklian ang pagmamahal mo sa 'kin, Kenzo. H'wag kang magalit sa akin o kay Theo, tanggapin mo nalang na kami ang para isa't isa!"
May mga napatingin sa gawi namin. Medyo nailang ako. Gusto ko sana silang pigilan pero hindi ko magawang sumabat dahil sa init ni Kenzo. Malamang ay hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Odette.
Nakita naming lumapit ng dahan-dahan si Kenzo sa gawi ni Odette na siyang kinaatras nito, kumapit pa ito sa damit ni Theo. Medyo nangangamba ako, ayoko kay Odette pero dahil mas kilala ko si Kenzo, baka may masabi siyang mas masakit.
Marahil marami silang pagkakapareho ni Papa. Pero kung sa emosyon, napaka ikli ng pasensya nito and honestly, masakit magsalita ang isang 'to
"T-Tama na 'yan, baka makita pa kayo ni Mama." Alinlangang pigil ni Kiba ngunit hindi siya pinansin ng aming kapatid.
"Wala kang karapatan magsalita sa akin ng ganyan, Odette." Malalim na tugon ni Kenzo. "Dahil una sa lahat, sabit ka lang dito. Imbes na bawiin si Theo, bakit hindi mo nalang atupagin ang anak mo nang magkaroon ka ng pakinabang?"
Nahigit ko ang hininga ko sa sinabi ni Kenzo. Kung ako ang nasa kalagayan ni Odette ay masasaktan ako ng lubos. Pero dahil nasaktan din naman niya si Kenzo ay sa tingin ko quits na sila.
Kung bakit naman kasi ang tigas ng babaeng 'to?!
Bumuka ang bibig ni Odette, hindi niya inaasahan ang lumabas sa bibig ni Kenzo. "What the--- ang kapal ng mukha mo! May anak siya sa 'kin kay dapat lang na bawiin ko siya! He's all mine in the first place." Bigla siyang humarap kay Theo at kinapitan ito sa kwelyo, tila nanghihikayat na sumama sa kanya. "Babe, Let's go. Hayaan mo na sila Jett na maghanap kay Keziah. 'Di ba 'yun naman ang plano? I want you back, Polo needs you."
Napaiwas ako ng tingin sa hindi ko malaman na dahilan. Isipin ko palang na sasama si Theo ngayon, parang...
Napasinghal si Kenzo, "How pathetic," bulong nito na hindi nakalagpas sa tenga ko.
Pero hindi siya pinansin ni Odette, patuloy niyang kinakausap si Theo na para bang ito talaga ang dati niyang mahal. Samantalang blangko lamang na nakatitig sa kanya ang lalaki.
"Theo... we have a child. W-Wala ka man lang bang sasabihin?"
Hinawakan ni Theo ang kamay ni Odette na nakakapit sa kanyang kwelyo. Saka niya ito dahan-dahan binaba na siyang kinagulat ni Odette. "I don't remember having sex with you," seryosong tugon nito.
Kung nagulat si Odette sa ginawa ni Theo, napaatras na ito ngayon dahil sa sinabi nito. Kahit ako, I didn't expect him to say that.
"T-Theo..."
"Just go, wala kang mapapala sa 'kin."
"Ganyan ka na ba talaga?! How dare you say that to me?! Ilang buwan ka lang hindi nagpakita nagbago ka na? Is it because of her? Ginayuma ka ba niya? Theo, nag-usap tayo noon, please remember!"
Nagtinginan ang mga taong nakapaligid sa 'min dahil sa pagtaas ng boses ni Odette. Para sa kanya, wala na siyang pake kahit pa pagtinginan siya. Naiintindihan ko na nagagalit siya dahil sa sinabi ni Theo. Sino bang hindi? Ama 'yun ng anak nila.
But then, he is not the human Theodore anymore.
Gusto ko mang sabihin 'yon para tumigil na siya, pero may pumipigil sa 'kin sa loob ko. Hindi naman kasi pwedeng may makaalam ng tungkol kay Theo.
Dahil sa atensyong nakuha namin, nilapitan ni Kiba ang mga bisita at kinumbinsing ayos lang ang lahat, na medyo may iringan lang na nangyayari. Habang ginagawa niya 'yun, nakatingin lang kami ni Kenzo kila Odette.
"Nakakahiya, Odette." Kalmadong usal ni Theo.
"You should be! May anak ka sa 'kin pagkatapos sasabihin mo 'yon?!"
"Please, leave."
"I'm not going to leave unless you're with me--- Kenzo!"
Bigla siyang hinatak ni Kenzo sa siko dahilan para magpumiglas ito. Kahit na pilit inaalis ni Odette ang kamay ni Kenzo, wala siyang palag dahil mas malakas ito sa kanya. Dinala niya ito hanggang sa labas ng hotel. Napapikit nalang ako ng mariin. Nakakahiya sa mga bisita.
"I'm sorry if I had to say that,"
Napatingin ako sa mukha ni Theo. Nakatingin lang siya sa lamesang nasa harap namin. "I just don't know how to react."
Bahagya akong napangiti, "Okay lang 'yon. Wala ka naman talagang alam tungkol sa inyo dati-- or should I say, sa dating Theo."
Bahagyang nagulat si Theo na parang may naalalang gawin. "Anong oras na, ikukuha muna kita ng makakain mo at babalik ako---"
Sa hindi inaasahang pangyayari, hindi ko alam, hindi ko talaga alam kung bakit ko siya pinigilan sa kamay. Napahinto siya at napatitig sa 'kin. Pero ako, napalunok lang ng laway.
Pansin ko medyo nagiging wirdo na ako pagdating kay Theo. Dati naman ay wala akong pake sa kanya, inis ako sa kanya at gusto ko siyang mawala. Pero ang nakakainis ay hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayong mga nagdaang araw.
Is it because ang bait niya sa 'kin?
No, I don't think na 'yun nga. May ibang dahilan na hindi ko masabi... at ayokong pangalanan.
Maraming tao rito pero pakiramdam ko kahit kasama ko si Kiba kapag umalis si Theo at kumuha ng pagkain ay nag-iisa lang ako. Pagkatapos ng mainit na senaryong nangyari kanina, parang ayokong mawala siya sa paningin ko kahit saglit. And that freaks me out. Shit, bakit Keziah, bakit?
"You need to eat," aniya.
Heto na naman tayo sa pagkain ko... hindi pa yata nagdaan ang araw na hindi niya ako nagagawang paalalahanan tungkol dito. Hindi ko lang nababanggit pero halos wala siyang palya sa pag-aalala sa 'kin. At aaminin ko, natatakot akong isang araw, mawala nalang siya.
"Just... stay with me."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top