Kabanata 19

Hindi mawala-wala ang ngiti ko sa labi habang tanaw ko ang nakakalula pero magandang view ng Omni Aviation Complex, dito sa Clark Angeles, Pampanga. Halos hindi ko alam kung saan ba ako tititig dahil hindi lang kami ang nasa himpapawid ngayon. Iba't-ibang uri ng Balloon ang kasabayan namin. Merong ordinaryo, meron hugis apoy, bahay ni Spongebob at iba pa. Sa amin ay simpleng rainbow balloon lang, since the design doesn't matter to me.

"So now, how much do you like it?"

Napatingin ako kay Theo na kagaya ko ay nakatingin din sa magandang tanawin. Bahagya akong napaisip, kung kanina 100% na sa akin ang ganda, ngayon nakasakay na ako dito ay sa tingin ko ay sobra-sobra pa.

"Kulang ang 100%." Sabi ko kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin.

Sandali kaming natahimik at nilasap lang ang maganda at nakakagaang pakiramdam ng paligid. Hindi ko kailanman na-imagine na makakasakay ako dito. Kahit pa mayaman ang pamilya ko, hindi namin naisip mag-ganito. Siguro dahil hindi trip? Pangarap ko lang 'to dati, hindi ko nagawang makasakay dito noon dahil na rin nawala sa isip ko.

Pero ngayon...

Pumikit ako at napangiti. Nakakatanggal siya ng sama ng pakiramdam. Oo at nakakalula pero hindi ko magawang matakot.

"Keziah..."

Hindi ako sumagot. Nanatili ako sa ganitong posisyon at hinintay na lamang ang kanyang sasabihin.

"Anong... pakiramdam mo ngayon?" Halatang nag-alinlangan siya kung dapat niya ba akong tanungin ng gano'n. Napadilat naman ako at tinignan siya, hindi siya nakatingin sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

Doon lang siya napatingin sa 'kin, "Masakit pa rin ba?"

And with that, bigla kong naalala ang lahat ng masasakit na alaala sa 'kin ng dating Theo. Alam kong 'yun ang tinutukoy niya, pero hindi ko yata lubos maisip na concern siya sa nararamdaman ko hanggang ngayon tungkol sa nakaraan.

Ang alam ko lang kasi, robot siya at responsibilidad niya lang na pasayahin ako.

"Alam mo, minsan iniisip ko na, kung ako kaya ang nasa kalagayan mo... ganyan din kaya mararamdaman ko?" Usal niya dahilan para mapako sa kanya ang paningin ko. "Kahit ilang beses kong pag-isipan, hindi ko talaga maintindihan kung gaano 'yon kasakit. 'Yun ba 'yung parang... tinanggalan ako ng kamay? Nadurog ang katawan ko? O... nagkawatak-watak ang makina ko?"

Nagbaba ako ng paningin. Siguro nga kahit ilang beses pa niyang subukan na isipin kung gaano iyon kasakit, hinding-hindi niya 'yun maiintindihan dahil isa siyang robot.

"Pero kahit naman mangyari sa 'kin 'yon, hindi ko 'yun mararamdaman."

Sana nga gano'n nalang kadali. 'Yung tipong kahit niloko ka, sinaktan ka eh namanhid ka nalang at wala nang pake.

"Noong nalaman kong namatay si Theo, pakiramdam ko nawasak ang buong pagkatao ko. Lumayo ako kila Mama, nagkulong, piniling mapag-isa. Masakit, 'yung tipong mahal na mahal mo 'yung tao to think na nag-away pa kayo bago siya mawala. Feeling ko kasalanan ko."

Bumalik lahat ng alaala namin ni Theo. Nakakainis nga eh, imbes na nagmo-move on ako, eto na nasabi ko pa ang mga 'yon.

Pero siguro okay lang 'to. Nang sa gano'n ay mabasawan ang galit at sakit na nararamdaman ko. Kahit kailan wala akong pinagsabihan ng nararamdaman ko, puro galit lang ang alam ko noon. Pero himala nga namang naikwe-kwento ko ito sa kasama ko ngayon.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, blangko lamang itong nakatingin sa 'kin. "Pero noong nalaman ko na niloloko lang pala niya 'ko," sarkastiko akong napangisi at umiwas ng tingin, "Pakiramdam ko napaka walang kwenta ko para sa huli 'yon malaman. Two years, two years niya na pala akong iniiputan sa ulo. What a drag..."

Malinaw naman sa 'kin ngayon, nasasaktan ako dahil sa mga ginawa niya sa 'kin. Naiiyak pa rin ako dahil nakakapanggigil ang mga nalaman ko. 'Yung tipong makita ko lang si Odette... para na akong may kaharap na kriminal.

Dahil in the first place, pinapaikot lang nila ako.

Huminga ako ng malalim at pinilit ngumiti sa kanya. "But anyway, the damage has been done. Kahit anong gawin ko, natalo ako." Saka ako napalunok nang may maramdamang gumuhit sa dibdib ko.

"Natalo ka lang naman dahil niloko ka ng mahal mo. Pero hindi ba't panalo ka pa rin sa lahat ng pagmamahal na binibigay sa 'yo ng pamilya mo kahit na pilit mong nilalayo noon ang sarili mo?" Usal niya dahilan para matigil ako.

Matagal ko na 'yun narealize, but hearing this to him makes me feel a little shiver.

Nabasa ko ang labi at humarap nalang sa tanawin. Nakakatawa, feeling ko tuloy hindi lang basta-bastang robot ang isang 'to.

Tumingin ako kay Theo na blangko lamang ang ekspresyon. "Uhm, Theo..."

"Hm?"

"Sorry," saka ako napayuko. Naramdaman ko namang nilingon niya ako.

"For...?"

Mariin akong napapikit, dumaloy sa alaala ko 'yung mga panahong nililigtas niya ako, 'yung pagiging concern niya sa 'kin madalas, 'yung pagiging responsable niya.

"Dahil hindi naging maganda 'yung pakikitungo ko sa 'yo noong mga nakaraang araw. A-Alam mo naman siguro kung baki---"

"That's fine." Pagputol niya sa sinasabi ko. Nag-angat ako ng paningin sa kanya.

"Pero hindi naging---"

Natahimik ako nang bigla siyang ngumiti sa 'kin, teka, ilang beses ko na ba ito nakita? Bakit parang first time lang?

"Sabi ko naman sa 'yo una palang, hindi ako nagagalit. Kahit planuhin mo man akong sirain, kahit ipagtabuyan mo 'ko, hindi kita iiwan at hindi ako magagalit sa 'yo."

Theo is too good to be true. Pwera nalang dahil isa siyang robot. A complete robot. Sana tinuro rin ni Professor Limaco na magmahal ang kagaya niya. Hindi 'yung puro...

Anong sabi mo, Keziah?

"Don't worry, mabait ka man o masungit, still, I will never leave you. Depende nalang kung gugustuhin mo na akong mawala." Napaiwas agad ako ng paningin dahil sa sinabi niya. 'Yun talaga ang balak ko una palang dahil sa presensya niya.

Pero as time goes by, bigla nalang nagbago.

"I-It's not like that," maang-maangan ko pa. Naalala ko tuloy 'yung nasa Zambales kami, kay Professor Limaco. Harap-harapan kong sinabi na gusto kong sirain si Theo.

Hays. Tapos ang kapal ng mukha kong sabihin na, "It's not like that?"

"Whatever," aniya saka inalis ang paningin sa 'kin. Sumilip nalang ulit ako sa tanawin. Hindi ko alam pero may feeling ako na sobrang natutuwa, well hindi naman sobra, erase that.

Parang... masarap lang sa feeling 'yung ganito.

Ganito yata talaga ang feeling kapag naging malaya ka na sa dati mong ginagawa. Nandito pa rin 'yung galit at sakit, pero may part sa 'kin na nakakagaan ng pakiramdam.

"Wait, so para ka bang... Cyborg?" Tanong ko sa kanya. Obvious namang parang gano'n na nga pero gusto ko lang yata 'yun marinig sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa 'kin, "Parang gano'n na nga. Bakit 'di mo alam?"

"Alam," saka ako bahagyang natawa, "Nakakatuwa lang na may kausap akong robot. At, kasama ko pa araw-araw!"

"Dapat ka lang matuwa, Mas gugustuhin ko 'yon kesa ang malungkot ka." Aniya na parang wala lang 'yun sa kanya. Parang double meaning pa ang dating sa 'kin.

Imbes na sumagot ay napangiti nalang ako sa kanya kahit hindi siya nakatingin sa 'kin. Bigla tuloy akong napahawak sa kwintas na suot ko, which is bigay niya kagabi. Kahit na robot lang siya, ramdam kong sincere siya... at hindi ko alam kung bakit.

Pinasok ko ang kamay ko sa bulsa ng dress ko at nilabas ang pamilyar na bagay-- 'yung bracelet na binigay sa 'kin ni Theo noon...

Pinagmasdan ko 'to. Pero habang tumatagal ay nagdudulot lang ito ng masamang alaala sa 'kin. Maganda pa naman.

"Alam mo bang kahit anong gawin mo hindi mo makakalimutan ang taong nanakit sa 'yo kahit wala na ito?" Biglang litanya ni Theo. Napatingin tuloy ako sa kanya. Nakapamulsa siya at nakatingin pa rin sa himpapawid.

Lumingon siya sa 'kin kaya naialis ko agad ang paningin ko. Whew! "Para makalimutan mo siya, itapon mo 'yan."

Bumuka ang bibig ko sa pagtataka at napatingin sa hawak ko. Paano niya nalamang kay Theo galing ito?

"Naniniwala ako na hindi por que kamukha ko siya, hindi ka na makaka-move on. Acceptance lang, Keziah. 'Yun lang ang kailangan mo."

Napakurap ako, "O-Oh, pero paano mo nalaman ang tungkol dito?" Tanong ko at tinaas pa ang bracelet.

"Naikwento sa 'kin noon ni Kiba ang tungkol dian, sobrang saya mo daw kasi nang mabigyan ka ni Theo ng bracelet. So I assume na 'yan nga 'yun." Simpleng anito.

Ilang sandali akong napatitig 'don at kalauna'y humarap nalang sa tanawin. Kung sa bagay, nagkakausap na nga pala sila ng mga kapatid ko. Parang mas marami na nga siyang alam tungkol sa 'kin.

Huminga ako ng malalim at tinaas ang isang kamay ko na may hawak na bracelet, saka ko ito malayong tinapon sa gitna ng gubat. Sa taas naming ito, malamang malayo ang nabagsakan ng bracelet na 'yun. Pero mas maganda kung sumabit nalang siya sa mga dahon at sanga.

Totoo nga kaya? Na makakalimutan ko siya kapag tinapon ko 'yon kahit na nakikita ko ang features ni Theo sa kasama ko ngayon? Acceptance lang ba talaga ang kailangan kong gawin?

"Don't worry, it takes time. Dadating ang araw na masasabi mong naka-move on ka na. Dadating din ang araw na magmamahal ka ulit at mamahalin ka ng tunay. Trust me," aniya at pinakita sa 'kin ang kanyang ngiti.

Napangiti nalang rin ako habang nakatingin sa kanya. Sigurado namang mahahanap ko rin 'yun. Pero sana lang...

Sana hindi ako mahulog basta-basta...

* * *

Naalimpungatan ako sa aking pagkakatulog dahil sa uhaw. Napaupo ako at dumako ang mata ko sa bintana, mukhang madaling araw palang. Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Patay lahat ng ilaw, except sa kusina.

Bago maglakad papunta 'ron ay napatingin ako kay Theo na nakahiga sa sofa, tingin ko naman kahit robot siya, natutulog at nagpapahinga pa rin siya. Tumingin din ako sa wall clock at nakitang alas tres palang ng madaling araw.

Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig sa ref. Dire-diretso akong uminom sa bottled water ko nang may magsalita sa likod ko.

"Let's talk?"

Tinapos ko muna ang iniinom ko bago ko siya harapin. Naka-crossed arm siya habang suot ang...

Seriously? Talaga bang ganyan ang pangtulog niya? I mean for her role here as my P.A. eh ganyan talaga ang suot?

Naka-nighties siya na sobrang nipis, kulay violet 'yon at sobrang ikli. Mabuti nalang at malaki ang boobs niya at bumagay sa kanya. Kumbaga para siyang magsi-strip dance sa kanyang honeymoon.

Nakita na kaya siya ni Theo na nakaganito?

Napangisi siya at bahagyang lumapit sa 'kin, "I know I'm sexy, 'wag mo nang ipahalata."

Pasiring kong inalis ang tingin ko sa kanya at binaba ang bote. "Nakakagulat lang na bilang isang P.A. ko eh ganyan ka manamit. To think na kasama ko pa ang Boyfriend ko dito."

Diniinan ko talaga ang word na 'Boyfriend' para naman maintindihan niya. Sabihin na nating hindi nga kami ni Theo at isa lang siyang robot, pero hindi ba nakakainis na parang nananadya 'tong babaeng 'to? Tss.

"I believe may kanya-kanya tayong istilo sa pananamit. Ganito ako manamit noon pa, bakit, nai-intimidate ka ba?" Tinaasan niya ako ng isang kilay. Akala mo talaga kung sino.

"Ito ba ang pag-uusapan natin? O baka naman gusto mo lang malaman na alam kong pinilit mo lang si Theo noong isang araw para sa isang pirasong rosas mo, at sa nood ng sine?" Banat ko. Kung akala niya magpapadaing ako sa kanya, pwes nagkakamali siya.

Nakita ko kung paano siya natahimik at umiwas ng tingin. Tila tinamaan sa sinabi ko. Kung ganitong pag-uusap naman pala ang balak niya, eh 'di papatulan ko.

"I wonder why Theo saved you from last time..." mahinang asik nito dahilan para mangunot ang noo ko. "You heard it right, nakakapagtaka nga eh. Sabi niya sa 'kin noon gagamitin ka lang daw niya--- oops," bahagya pa itong natawa na akala mo hindi ako aware sa kung anong meron sila ni Theo noon.

"I'm not surprise," ani ko na kinatigil niya sa pagtawa. Umupo ako sa upuan at pinaglapat ang mga palad ko sa mesa. "Pero sige, kung anumang hirit mo, makikinig ako." Saka ako sumandal sa upuan at humalukipkip sa aking dibdib.

"S-Sinabi na ba sa 'yo ni Theo?" Aniya na parang na-tense bigla.

Napaikot ako ng mata, "Just spill it."

Napalunok siya at ilang sandaling nakipagtitigan sa 'kin bago naupo sa upuang nasa harapan ko. Ngayon palang hinahanda ko na ang sarili ko, kahit na alam ko na ang katotohanan, iba pa rin kapag manggagaling ito kay Odette lalo na at baka may mga bago pa akong malalaman.

"Theo and I have commitment before you appear. Ramdam ko 'yung pagmamahal niya sa 'kin, he was always this sweet, caring and protective. Sobrang seloso din niya na tipong may kausap lang ako eh nag-iisip na siya," marahan siyang natawa, samantalang napaiwas naman ako ng tingin.

'Yun palang ang binabanggit niya pero feeling ko tinatamaan na naman ako. It's like she's reminiscing every memory of their love story.

"Until one day, nang sabihin niya sa 'kin ang tungkol sa business nila. Dehado daw ang Casino na 'yun kaya kailangan ng back up in case mahuli. Sabi niya, sobrang laki daw ng kinikita nila do'n. Nagawa niya pa nga akong bilhan ng branded clothes no'n. Kapag daw nawala ang Casino at mahuli si Johnson, kailangan daw ng pang-intrega, ang sobra ay itatayo nila ng panibagong business. Hindi naman daw pwede na magtrabaho sila sa iba at mag-ipon ng gano'n kalaking pera. Kulang sa oras."

Ang dami niyang sinabi na lahat alam ko na, pero may isang salita sa akin ang nagpahinto.

"Nagawa niya pa nga akong bilhan ng branded clothes no'n."

Huminga ako ng malalim at pinilit na makinig ulit sa sinasabi niya kahit nakaka-tangina talaga ang Theo na 'yon.

"Nakilala ka niya, nalaman niya na may big business dito si Tito Rio--- ang Papa mo. Itsura mo palang daw mukha ng mayaman, kaya naman nag-background check siya about sa 'yo. Inamin niya sa 'kin na kailangan ka daw niya at gagamitin ka niya para sa 'kidnap for ransom' thingy niya. Noong una, medyo nasaktan ako. Kaya nga sinasabihan kita na lumayo-layo noon 'di ba? Pero kalauna'y nasunod din siya. Afterall, pinangakuan naman niya ako ng magandang future pagkatapos ng ransom mo eh."

Napalunok ako at pinanliitan siya ng mata. Naibaba ko ang mga kamay ko mula sa dibdib ko at naikuyom 'yon.

Bigla akong nanggigil. Biglang nanginig ang mga kalamnan ko dahil sa narinig. Sinasabi ko na nga ba, may malalaman na naman akong bago.

"Kaya nga nagtataka ako eh, bakit niligtas ka pa ni Theo mula sa mga kumidnap sa 'yo? Don't get me wrong, hindi ko sila kilala. Pangalan lang ang alam ko sa Johnson. Ni hindi ako pinakilala ni Theo sa mga 'yon dahil mga delekado sila, gano'n pa man, nananatili ang katapatan niya doon." Bahagya siyang napangiti, "Tinanong ko nga 'yan noong lumabas kami eh. Pero ang sinasabi lang niya, nagbago na ang isip niya. Nakakatawa nga eh, ang bait niya sa 'kin pero parang ang ilap. Gets mo?"

Mailap dahil hindi ka naman talaga niya kilala.

"Kaya nga ako bumalik. Noong nakita ko kayo sa may terminal noong nawala si Polo? Nabuhayan ako ng pag-asa. Alam ko naman kasing hindi ka talaga mahal ni Theo. Alam mo bang kahit kayo eh todo effort pa rin siya sa 'kin? Natigil lang nang hindi siya magpakita six months ago."

Pinilit kong kumalma. So talaga palang manloloko ang Theo na 'yun. Gusto ko siyang kwetiyunin, gusto ko siyang pagsasampalin sa mga mas nalaman ko ngayon. Pero alam kong hanggang dito nalang ako dahil... patay na siya.

At bagay lang sa kanya 'yun.

"Iyang kwintas mo?" Turo niya sa suot ko, "I can't believe that he would spend million just for you. Bukod dian, ano pa bang mga ginastos niya sa 'yo?" Bahagya siyang tumaray. Pero ako, natigil sa narinig. Million isn't a joke.

"Ano? Million?" Naguguluhang tanong ko.

Naikot niya ang mata sa 'kin bago sumandal sa upuan niya, "Yes, 1.5 million to be exact."

Napanganga ako. Sa tanang buhay ko ni hindi pa ako nagkakaroon ng gamit sa gano'ng halaga. Except this condo na si Papa ang bumili. Pero for a necklace? Masyadong nakakalula.

"Sinabi niya kahapon nang mag-usap kami bago kayo umalis. Kung hindi ko pa tatanungin, hindi niya pa sasabihin. Hindi pa nga ako makapaniwala ro'n, idagdag mo pa na parang nag-iiba na siya... at mukhang na sa 'yo na ang attention niya."

"W-What..."

"And if ever you're planning to tell this to your family, Kenzo to be specific, you don't have to dahil alam na niya. Sinabi ko bago noong nilagay niya ako dito."

Alam ni Kenzo? Pero bakit hindi niya man lang sinabi sa akin agad?!

"He seems to be not interested to tell that to me." Usal ko.

"Why would he? Eh ang gusto niya nga sa akin mismo manggaling. Ika niya, wala naman daw kasi siya sa posisyon. O 'di ba, ang bait ng Kuya mo. Halata ngang ayaw niya pag-usapan si Theo noon."

"At bakit naman?"

Sarkastiko itong natawa, "Didn't you know? Nanligaw sa 'kin 'yang Kuya mo way back in College."

What?!

Napatitig ako kay Odette. Maganda at sexy siya, hindi malabong marami nga ang magkandarapa dito. Pero para magkagusto si Kenzo sa kanya? Hindi ako makapaniwala. Masyadong ideal na babae ang tingin ko'y trip niya. 'Yung maganda pero ubod ng hinhin, mabait at matalino. Pero in Odette's case, masyadong malayo.

"Na-basted siya dahil si Theo ang gusto ko. Kaya nga inis 'yun noon pa kay Theo. Pansin mo ba hanggang ngayon?"

Naalala ko tuloy noong mga panahong kausap ko si Kenzo. Parang gano'n ang feeling ko noon kaya iniisip ko nagpapaka-istrikto lang siya. Sinabihan niya pa noon si Theo ng 'palpak'.

"I... can't believe it," usal ko habang nakatingin sa mesa at pilit na ina-absorb ang mga nalaman. That was a revelation.

Hindi ko tuloy malaman kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga nalaman. 'Yung palihim nilang relasyon ni Theo, 'yung pagbili sa akin ng Theo ngayon ng kwintas na nagkakahalaga na 1.5 million, at ang panliligaw noon ni Kenzo kay Odette.

Kaya naman pala iba kung makatingin si Kenzo noon kay Odette.

Tumayo si Odette at handa na para bumalik sa guess room, "Alam nating dalawa na halos perpekto na si Kenzo. But sorry, I love your boyfriend."

Tumayo ako at kinunutan siya ng noo, alam ko ang ibig niyang sabihin do'n.

"Babawiin ko siya,"

Tumaas ang isang kilay ko. "Kung magpapabawi siya."

Actually, kahit ang intense ng tinginan namin ngayon ay gusto kong matawa. Gusto ko nga isiping hibang siya dahil patay na talaga ang totoong Theo. Na robot nalang ang gusto niyang bawiin ngayon.

Nagtitigan kami na parang doon namin ipinapahiwatig ang galit namin sa isa't-isa. Walang sumusuko. Parehas na palaban.

Bigla nalang siyang napangisi at tumalikod sa 'kin. Akala ko ay didiretso na siya sa kanyang kwarto ng magsalita pa ulit siya...

"By the way, ano kayang magiging reaksyon ni Theo kapag nalaman niyang...

... Anak namin ang napulot niyo sa terminal?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top