Kabanata 18
Hawak-hawak ko ang bracelet na binigay sa 'kin ni Theo noong nabubuhay pa siya. Nakahiga ako sa kama habang nakababa ang mga paa ko. Tinaas ko ang bracelet at tinapat sa liwanag ng ilaw. Napaka ganda, pero may kalakip na sakit.
Dapat hindi ko na 'to pinapansin ngayon eh. Dapat nga tinapon ko na, kapag nakikita ko ito, naaalala ko ng detalyado ang kagaguhan sa 'kin ni Theo dahilan para lamunin ako ng sakit at galit.
And now is the right time.
Napatingin ako sa pinto nang may marinig na tunog sa labas. Parang may pumasok sa unit ko. Hindi naman ako nababahala kung may magnanakaw, alam ko namang it's either between Kenzo, Kiba or Theo lang iyon.
Napaupo habang nakatingin do'n. Medyo kinabahan ako nang maisip na baka sila Theo na 'yun? Anong reaction ang dapat kong ipakita? Dapat ba mainis ako kay Theo dahil sa mga pinaggagawa nila ni Odette habang magkasama?
Napapikit ako at napailing. Bakit ko ba 'yun inaalala? Ako maiinis? Eh wala naman akong nararamdamang iba kay Theo. Kung meron, pag-aalala lang para sa aming dalawa na dehado parehas.
"Ate...?"
Tumayo ako at binulsa sa shorts ko ang bracelet, lumabas ako ng kwarto at nakita kong nakaupo si Kiba sa sofa habang nakasandal ang ulo sa headrest. Pansin kong hinihingal siya, akala mo naghandan lang paakyat dito.
"Kiba..." lumapit ako at tumayo sa harap niya na siyang kinatingin niya sa 'kin. Lumabas ang ngiti niya na halatang pagod.
"Akala ko nandito na sila Theo..." medyo hinihingal niyang sabi.
Tumingin ako sa wall clock. 9pm na pero wala pa sila. Sabi ni Odette pauwi na raw sila kanina pero kanina pa 'yun! Sa Probinsya ba sila nag-grocery?!
Pasiring kong inalis ang paningin ko sa wall clock at umupo sa tabi ni Kiba. Feel na feel masyado ni Odette ang presence ni Theo. Ang galing. Samantalang kaya siya nandito ay para sa 'kin.
"Oo nga pala, inuwian kita ng chocolate. Favorite mo ito 'di ba?"
Inabot ko 'yung binibigay ni Kiba. Tatlong magkakapatong ng Hershey ang inuwi niya para sa 'kin. How sweet.
"Saan kaya nagpunta sila Theo? Ginabi naman masyado..." mahinang usal ng katabi ko habang nakatingin sa harapan. Hindi man lang ba naisip ni Theo na magtext sa 'kin o kahit man lang kay Kiba? Ang tibay nila!
Sabay kaming napatingin ni Kiba sa pinto nang may kumatok. Tumayo siya at binuksan 'yun, ang nakangiting mukha ni Odette ang bumungad sa amin.
"Hi! Good evening, Kiba!" Masiglang bati niya. Pumasok ito at dumako sa akin ang mata, "Good evening to you, Keziah. Kamusta araw?"
Hindi na niya ako hinintay sumagot at nagdiretso na siya sa kusina. Hinabol ko 'to ng tingin. Halata sa kanya ang saya sa naging 'date' nila ni Theo. Kung hindi lang robot si Theo, hindi ito uubra sa akin eh.
"Saan kayo galing? Ang tagal niyo naman." Ani Kiba habang sinasara ang pinto. Pumasok si Theo bitbit ang maraming plastic bags at nilagay sa kusina. Inumpisahan namang ayusin 'yun ni Odette.
Wala talagang binitbit si Odette sa mga pinamili nila? Anong feeling niya, asawa niya si Theo?
Tss.
"Hindi ko kasi alam kung anu-ano bang pagkain ang bibilhin ko para kay Keziah kaya si Odette na ang namili. Saka ina---"
"Pasensya na, Kiba. Nanuod pa kasi kami ni Theo ng movie. Saka nagpasama ako sa amin para bisitahin si Polo, iyong anak ko. Syempre kailangan ko din namang dalawin 'yun..." marahan siyang natawa bagay na kinainis ko. Iyon din 'yung sinabi niya sa 'kin kanina sa phone.
Oo naiinis ako. Bakit kailangang ayain ni Theo si Odette manuod ng sine?! Anong alam niya do'n?
"Huh? Ah, gano'n ba. Sana kay Kenzo ka nalang nagpasama. Sasamahan ka no'n." Kumento ni Kiba at naupo sa tabi ko habang kinakalikot ang phone niya.
Eh 'di kung kay Kenzo siya nagpasama, sasamahan talaga siya no'n? Wow.
"Hindi na... kasama ko naman na si Theo, so I take the opportunity."
"Talaga? Wow, eh pero teka, saang galing 'yang hawak mong piraso ng rosas? Sa asawa mo ba?" Pang-iintrega pa ng kapatid ko.
Maski ako napatingin sa hawak niyang isang piraso ng rosas. Kulay pink 'yun, saka halatang totoo. Ni hindi ko yata napansin na may hawak pala siyang ganyan pagpasok.
"Ito ba," saka niya inamoy 'yun na akala mo ay nasa commercial lang. "Binigay ni Theo sa akin."
Pagkasabi niya no'n ay tumaas ang isang kilay ko sa kanya. Tumingin siya sa akin na parang sinasabi na, "Mainggit ka, Keziah, akala ko ba Girlfriend ka?" Argh!
Napakamot ako sa isang kilay ko at tumayo nalang. Pumunta ako sa verendra at nilasap ang malamig na hangin dulot ng gabi. Ayoko nang marinig 'yung pinaggagawa nila ni Theo. Naiinis lang ako.
Tsk! Bakit ka ba kasi naiinis, Keziah?
Binuksan ko nalang ang isang chocolate na binigay ni Kiba at kinain 'yun habang nakatanaw sa labas. Mas gugustuhin ko pang nandito kesa marinig ang mga hirit ni Odette na wala namang kwenta.
"Inuwian kita ng Fried Tempura, gusto mo nang kumain?"
Napatigil ako sa pagkagat nang marinig ko ang boses sa likod ko. Hindi ako humarap. Pakiramdam ko naiinis na naman ako sa kanya.
"Keziah? Sabi ko---"
"Ayoko." Saka ko kinagat 'yung chocolate.
Bakit hindi niya tulungan si Odette doon? Tutal mukhang napaka masunurin niya sa isang 'yun. He even gave her a rose! What's with this robot?!
Nakita ko mula sa periphical vision ko na tumabi sa 'kin si Theo. Pinatong niya ang dalawang braso sa railings at sumulyap din sa madilim na kalangitan. Gusto ko sana siyang papasukin na sa loob dahil ayoko siyang nandito pero mas pinili ko nalang na wag siyang pansinin.
"Naiinis ka ba sa akin?" Rinig kong tanong niya. Hindi ko siya tinignan at nagpatuloy lang sa pagkain.
"Wala naman akong intensyon na saktan ka kagaya ng ginawa sa 'yo ng Ex mo kaya pwede kang mapanatag na wala akong gagawin sa 'yo." Malalim na saad nito kaya napatingin ako sa kanya.
Umihip ang malamig na hangin sa amin. Nakita ko kung paano humaplos ang hangin sa buhok niya na halos takpan na ang mata niya.
Bigla siyang lumingon sa akin kaya mabilis kong tinanggal ang tingin ko sa kanya at napaayos ng tayo. Nakakahiya. Baka kung ano ang isipin niya!
"May ibibigay pala ako sa 'yo,"
Hindi na ako lumingon pa. Pakiramdam ko kapag nilingon ko siya ay kakabahan na ako ng tuluyan. Gayong dapat naiinis ako sa kanya sa kabila ng mga pagsasaya nila ni Odette kanina.
Tinapat niya sa mukha ko ang isang maliit at parihabang box na kulay pula. Napatingin ako 'ron. Tinignan ko si Theo sa mata only to find out na napaka seryoso na naman ng dating niya.
"Masaya ako na nakasama ko si Odette kanina, pero mas masaya ako kung ikaw ang kasama ko at hindi siya."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Parang gusto ko nalang tumalon dito sa verendra dahil sa mga nasabi niya.
And what? Masaya?
"Hindi mo lang alam ang nararamdaman ko, Keziah. Hindi por que robot ako ay wala na akong karapatang sumaya. Sa estado ko maaaring hindi ako nakakaramdam ng emosyon, pero habang tumatagal ay nagiging masaya ako sa tabi mo." Litanya pa niya dahilan para matunganga ako sa harapan niya. Gusto kong matawa eh, pero hindi ko alam kung bakit ayaw makisama ng katawan ko.
"Theo..."
Binuksan niya ang box na 'yun at bumungad sa akin ang napaka gandang gold necklace. May hugis puso doon at nakapaloob ang kumikinang na diyamante at kumakaway sa nakakasilaw nitong presyo.
Hindi pa man ako nakakapag-react ng ikabit niya na 'yun sa leeg ko at ilagay ang buhok ko sa likod. Pinagmasdan niya ako at ang kwintas, saka siya matipid na ngumiti na isang beses ko lang noon nakita.
"Perfect," papuri niya dahilan para mapaiwas ako ng tingin.
"H-Hindi mo na dapat ako binilhan ng ganito." Sabi ko habang nagpapalipat-lipat ang tingin ko sa labas. Saka totoo naman, box palang mukhang malaking halaga na ang nawala.
"The price is worth with just one smile. Imbes na isipin 'yun, ngitian mo nalang ako." Pormal na anito dahilan para bahagyang mangunot ang noo ko. Nakakainis, robot ba talaga ito?
"Ang dami mong alam, bakit hindi mo nalang binigay 'to kay Odette, tutal may rosas naman siya galing sa 'yo." Pagkasabi ko no'n ay mariin akong napapikit at napamura sa isip.
What the hell did I say? Bakit ko nasabi 'yun? Baka iba ang maging tunog sa kanya!
"Oo nga galing sa akin 'yun."
At proud pa siya! What the fuck, Theo!
"'Yun naman pala eh, eh 'di san---"
"Pinilit niya ako. Dahil sinamahan niya naman ako mag-grocery para sa 'yo, binilhan ko na. Isang piraso lang naman 'yun."
Natigil ako at bahagyang bumuka ang bibig ko saka ko siya tinignan. Ibig sabihin, hindi kusa na nagbigay si Theo kay Odette ng rosas?
Dapat ba akong matuwa?
Napangiti ako pero agad ko 'yung pinigilan. Mahirap na at baka kung ano isipin niya. Hindi dapat ako natutuwa, nanuod sila ng sine, sinamahan niya pa iyon sa kanila. Hindi 'yun nakakatuwa.
"D-Diba, nanuod kayo ng sine? Sinamahan mo pa siyang puntahan 'yung anak niya." Sabi ko habang napapaiwas na naman ng tingin.
"Tama ka. Sabi kasi niya sa 'kin hindi pa daw siya nakakanuod ng sine, gano'n din naman ako kaya pumayag na ako kahit ayoko. Nagpasama din siya sa akin sa kanila, sa Parañaque pa kami nagpunta dahil doon ang location nila."
So all in all, lahat ng 'yun ay si Odette lang ang nag-aya? Ibang klase ang kakapalan ng mukha niya ah. Paano nalang kung totoong Theo ito? Baka nagtanan na silang dalawa.
Ouch. Masakit.
"Gano'n ba..." naiusal ko na lamang at pinatong ang mga braso sa railings.
"Sumama ka sa 'kin bukas ah, may alam akong pupuntahan natin." Saad nito kaya bahagya akong natawa. Ilang linggo palang siyang nandito pero may mga alam na agad siya ah. "Let's have a date. Kung okay lang?"
Tumingin ako sa kanya. Napaka seryoso ng mata niya na parang hindi siya nag-aaya ng date. Parehas na parehas sa mata ni Theo, pero magkaiba ng pinanghuhugutan.
"Hindi ko alam kung bakit---"
"Kung ayaw mo ay ayos lang, isasama ko nalang ulit si Odette para sa kanya ipakita kung magagandahan ba siya o---"
"Sinabi ko bang ayaw ko?" Pagputol ko sa sinasabi niya. Natahimik siya at bahagyang napangisi, Tss! May mali ba sa sinabi ko?!
"Well then, we're going on a date, tomorrow." Nakangiti siya nang umalis sa harapan ko. Samantalang napakurap naman ako sa kaninang kinatatayuan niya.
Bakit gano'n, parehas lang naman sila ng ngiti ni Theo pero bakit mas maganda ang sa kanya?
Bigla akong napangiti ng humarap sa labas. Aaminin ko na ang sweet ng datingan niya una palang, pero bakit... bakit...
Wait, Keziah. Robot siya ha? Hindi siya tao. ROBOT SIYA OH MY GOD!
Pero wala akong maintindihan. Wala akong pakialam.
* * *
Alas nuebe ng umaga nang magising ako. Hindi ko rin malaman kung bakit napaaga ang gising ko ngayon kahit na late na ako nakatulog kagabi. Okay sige, aaminin ko, pinagmasdan ko lang magdamag ang kwintas na bigay ni Theo.
Hindi ko talaga malaman sa sarili ko kung bakit medyo, medyo lang, medyo natuwa ako nang malaman na mas maganda ang bigay niya sa akin kesa kay Odette. Na namilit lang si Odette para mabigyan ng rosas at makanuod sila ng sine.
Ayokong pangalanan... ayokong magsalita ng tapos. Ayokong mag-judge ng nararamdaman ko.
Basta ang alam ko, bahagyang natuwa lang ako.
Dala siguro ng inis ko rin kay Odette at sa mga alaala nila ng dating Theo. Feeling ko kasi ngayon, kahit na niloko nila ako, mas panalo ako kay Odette. At may ipapanalo pa.
Nagkusot ako ng mata nang may kumatok sa pinto. Bumangon ako at pinagbuksan 'yun, si Odette na mukhang kagigising lang.
"Pinapasabi ni Theo na maaga ka daw mag-ayos, may pupuntahan daw kayo." Blangkong usal niya na tila dulot ng 'pupuntahan' daw namin ni Theo.
Bahagya tuloy akong napangisi, "Oh, you mean a date?"
"Psh," dahil siya si Odette, iniwan na niya ako at bumalik sa kusina.
Sinara ko ang pinto at umupo sa harap ng salamin, nakalimutan kong tanggalin ang sinuot na kwintas ni Theo sa 'kin kaya tinanggal ko muna at pinatong sa lamesa. Pinagtabi ko 'yun at ang bracelet na galing sa dating Theo.
Naligo ako at nag-ayos. Suot ang puting button-down strappy dress ko na hindi aabot hanggang tuhod, tinernuhan ko ng faux leather lace-up na 3 inch ang taas, and of course, ang brown sling bag ko na naglalaman lang ng wallet at cellphone.
Nag-messy bun din ako ng buhok at light make up lang. After six months, ngayon lang ulit ako makakasama sa isang 'date'.
Wait, what? Tanggap mo na, na nagda-date kayo ng robot?! Omg.
Sinuot ko ang kwintas na bigay ni Theo kagabi. Maybe yes, maybe no. Tanggap ko na nga ba? Hindi ko kasi masagot kahit na kagabi ko pa 'yan inulit-ulit sa utak ko. Sabi ko nga, medyo natutuwa lang ako sa mga pinakita ni Theo. Idagdag mo pa 'yung kagabi na kahit hindi niya ako kasama eh nag-effort pa para sa kwintas ko.
Isa pa, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Malay niyo naman enggrande ang mga tao sa pupuntahan namin, kaya inayos ko na rin ang suot ko para kahit papaano eh bumagay.
Lumabas ako ng kwarto at nakitang mag-isa kumakain si Odette sa lamesa. Hindi lang 'yon, nakangiti sa kanya si Theo na nasa harapan nito habang siya'y tawa ng tawa na para bang may pinagke-kwentuhan sila.
Parehas silang napahinto nang makita ako. Nawala ang ngiti sa labi ni Odette at tahimik na bumalik nalang sa pagkain habang nakita ko namang tutok na tutok sa akin si Theo.
Ano na naman kaya ang pinagsasabi ni Odette kay Theo at... bakit siya ngumiti?
"Aalis pa ba tayo o maglalandian nalang kayo?" Diretsang tanong ko. Tumayo si Theo dahilan para automatic na pagmasdan siya ng mga mata kong naninibago.
Naka-itim na polo siya na bukas ang mga butones hanggang baba. Sa loob nito ay naka-shirt siya na kulay pula. Naka-black pants at white rubber. Bukod 'don, lalong bumagay sa kanya ang buhok niya na bahagyang natatakpan ang mata nito.
Tsk! Bakit palagi nalang buhok ang napapansin mo? Kakainis!
"Pwede bang 'yung pangalawa nalang?" Usal ni Odette na hindi man lang lumingon sa akin. Akala naman niya pagbibigyan ko siya.
"Ang ganda mo, Keziah." Kumento ni Theo dahilan para mapaiwas ako ng tingin. Bukod sa ang awkward, ayokong sa harap pa ni Odette siya magbitaw ng mga punch line niya. "Lalo kang gumanda sa kwintas na iyan."
Mukha nang binobola niya ako pero napangiti ako 'ron. Ang tagal yata bago ko ulit marinig ang mga gano'ng linyahan. Tapos noon, sa taong akala ko mahal talaga ko.
Napatingin sa akin si Odette na kunot ang noo, sinabayan ko siya sa pakikipag-titigan hanggang sa magbaba nalang ang tingin niya at unti-unting bumalik sa pagkain.
Na-realize niya siguro na wala pa rin siyang laban sa Girlfriend kahit na hindi totoong kami ni Theo.
Inaya na ako ni Theo umalis. Sumakay kami sa Bugatti Veyron na sasakyan niya. Sa pagkakaalam ko, it is one of the most expensive car sa US. Bakit napunta kay Theo? Simply because tatlo ang luxury cars ni Papa. One is this Bugatti Veyron, na sa tingin ko ay binigay o pinahiram ni Papa kay Theo habang nandito siya sa puder ko, the other one is Aston Martin One-77 na siyang gamit ni Papa, and the last one is Alfa Romeo Pandion who's now in Kenzo's property.
Habang simpleng Mitsubishi lang ang kay Kiba, hindi naman kasi siya mahilig sa luxury cars. Saka, Mitsubishi e-Evolution isn't bad at all, kung titigna'y para na ring luxury car ang isang 'yun.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Theo habang minamaneho ang sasakyan.
"Sa lugar na ngayon mo lang makikita," simpleng sagot nito dahilan para tumaas ng bahagya ang isang kilay ko. Lugar na ngayon ko lang makikita? Hahanga ba talaga ako?
Mahaba-haba ang binyahe namin, sa tingin ko ay naka tatlong oras din kami sa byahe. Take note; wala pang kain-kain 'to!
Huminto kami sa labas ng parang isang gubat. Hindi ko alam pero 'yun ang nakikita ko. Tinanguan ako ni Theo senyales na lumabas na kami. Kinuha niya ang kamay ko ng walang permiso ko at inakay papasok doon. Hindi nalang ako nagreklamo.
Halos manlaki ang mata ko pagpasok namin, may iisang way lang ang narito na pinalilibutan ng matataas na puno na may kulay dark blue ang mga dahon, halos lahat! Maraming tao ang nagdadaanan at nagti-take ng selfie, may magkakaibigan, pamilya o magka-relasyon.
Huminto ako at pinagmasdan ang magagandang puno. Hindi pa ako nakakakita ng puno ng dahon na kulay asul, maski sa picture.
"In 100%, how much do you like it?" Biglang tanong ni Theo na nakapamulsa habang tumatanaw din sa magagandang puno.
"Hmm," napakamot ako sa isang sintido ko at napaisip. Kung tutuusin, pwede na ang 100% dito. Promise, worth it ang lugar na 'to.
"Before you say anything, I'd like you to come with me." Bago pa ako makapag-salita ay mabilis na niya akong hinatak paalis ng lugar. Wala akong ideya kung saan na naman niya ako dadalhin at kung anong meron sa dulo nito, pero nagpahatak nalang ako.
Nang makarating doon ay napatingala ako, bahagya pang bumuka ang bibig ko sa pagkamangha. Gusto kong malula kahit nasa baba palang ako dahil noong bata ako, pangarap ko lang makakita at makasakay nito in person.
Sa isang malaking hot air balloon.
And I didn't expect that the first person-- no, the one who can take me there is...
This C-P3O.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top