Kabanata 15
Halos mawasak ng tuluyan ang puso ko dahil sa sinabi ni Theo. Hindi ako nakapagsalita, hindi ako nakagalaw. Tanging luha lang ang bumabagsak sa mukha ko.
"Hahahaha! So dapat ba binugbog namin iyan?" Maangas na tanong ni Jett. Nakita kong tumayo si Theo pero hindi pa rin umaalis sa harap ko. Napapahikbi nalang ako sa mga nanyayari.
"Bilang ako naman ang Boyfriend niya, ako na ang gagalaw sa kanya." Malalim na saad ni Theo kaya lalo akong naiyak.
Siya ba talaga si Theo? Si C-P3O? Bakit niya ginagawa ito? Akala ko ba...
"Sige, umpisahan mo na." Usal ni Jett.
Gusto kong tumayo sa pagkakadapa ko pero dahil sa nakagapos ako, masakit ang sugat ko sa noo at nanghihina ako ay hindi ko na magawa. Tanging iyak nalang ang kaya kong gawin.
"Kakausapin ko pa siya, Jett. Pwede bang lumabas muna kayo?" Bulalas ni Theo at narinig ko namang napangisi si Jett.
"Bilisan mo ah, bilisan mo ang pagpapahirap diyan."
Saka ko narinig ang mga yabag ng paa palayo sa amin. Sumara ng malakas ang bakal na pintuan senyales na wala na sila. Kaya naman hindi ko maiwasang matakot kay Theo. Hindi ko rin maiwasang magtanong sa sarili ko, siya ba talaga si Theo? Bakit sabi niya pro-protektahan niya ako?
Naramdaman ko ang marahang pagpapaupo ni Theo sa katawan ko. Hindi ko siya matignan sa mata, pakiramdam ko natatakot ako na nagagalit sa kanya. Wala rin akong pake sa itsura ko, kahit pa ramdam ko ang malagkit na parte ng mukha ko dahil sa mga dugo.
Bumuntong hininga siya bago magsalita, "I'm sorry, Keziah."
Pagkasabi niya noon, salubong ang kilay kong napatingin sa kanya. "Sasaktan mo ako? Go ahead, hit me, punch me---"
"Sshh..."
Kasabay ng pagpapatahimik niya sa 'kin ay ang pagpunas niya ng kanyang panyo sa noo kong duguan, napaka gentle ng pagpupunas niya dahilan para hindi ko maramdaman ang kirot.
"I'm not here to hurt you..."
Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya samantalang kanina ay siya na mismo nagsabi na kulang pa itong dinanas ko. Hindi ko maiwasang magtaka.
Pagkatapos ay tinanggal niya ang pagkakagapos ko sa kadena, dahan-dahan niya akong pinatayo ngunit sadyang nanlalambot ang mga tuhod ko dulot ng mga nangyari kanina.
"Sa tingin mo ba gagawin ko sa 'yo ang plano ng dati mong Boyfriend?" Saka niya ako hinatak papunta sa likod. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta nalang ako nagpahatak at hindi ko magawang magtanong. Does it mean...
Huminto kami sa pinaka dulo, binuksan niya ang pinto at sumilip kung may tao ba. Nang wala siyang makitang tao ay hinatak niya ako 'ron. Bumungad sa amin ang mala-gubat na tanawin. Puro puno at maliliit na halaman nalang ang makikita, isama mo pa ang madilim na kalangitan. Masyadong nakakatakot.
Hinarap niya ako at hinawakan sa dalawang pisngi. Nakita ko ang bahagyang kunot ang kanyang noo, "Kailangan kong gawin 'yun para hindi mag-isip sa 'kin sila Jett. I'm sorry,"
Dahil 'dun, pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag. 'Yung kaninang takot na nararamdaman ko, kahit papaano ay nabawasan.
"Now go, umalis ka na dito." Utos niya pero masyado yata akong nabigla dahil sa pakita lang pala niya 'yun kay Jett. Nakatulala lang ako sa kanya habang nagbabadya na naman ang mga luha sa aking mata.
"Keziah," bahagya niya akong inalog kaya naman napakurap ako kasabay ng pagbagsak ng luha ko. Agad ko iyong pinunasan. "Listen, you have to leave as soon as possible. Baka mamaya may makakita pa sa 'yo, you better leave!"
Napailing ako. "Paano ka? Sumama ka na sa 'kin!"
"I can't. Haharapin ko sila Jett."
Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Haharapin? Kahit pa isa siyang robot ay malamang hindi niya kakayanin ang mga 'yun sa dami!
Nakarinig kami ng ingay mula sa loob kaya naman naalarma ako. Bahagya akong tinulak ni Theo palayo, "Alis! Please Keziah makinig ka sa 'kin!" Pasinghal niyang bulong.
Napalunok ako. Muli kaming nakarinig ng ingay kaya naman napaatras na ako. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. Dahil ba totoo na prinotektahan niya ako gaya ng sabi niya, o dahil natatakot ako sa maaaring mangyari sa kanya?
Either of two, nasasaktan pa din ako. Gusto kong umalis dito... kasama siya.
Sinarado agad niya ang pinto at pumasok sa loob. Napahawak nalang ako sa bibig ko habang umaatras. Tumalikod ako at tumakbo na paalis. Kahit saan man ako dalhin ng paa ko, ayos lang sa 'kin makalayo lang sa lugar na 'to.
Kailangan ko makahingi ng tulong...
Takbo lang ako ng takbo. Kahit pa nadadapa ako at patuloy na nasusugatan ay tumatayo ako at sinisikap na makalayo pa. Hindi nagpapaawat ang luha ko sa pagtulo, tila sinasabayan ang bawat pagtakbo ko.
Nang makarating ako sa labas ng gubat ay napaluhod nalang ako sa sahig dahil sa pagod. Pinunasan ko ang pisngi ko, tatayo na sana ako pero may sumaglit sa isip ko...
"Kailangan kong gawin 'yun para hindi mag-isip sa 'kin sila Jett, I'm sorry."
Mariin akong napapikit. Nakakainis! Sa kabila ng lahat ng nagawa ko sa kanya, I even planned on destroying him! Pero ganito pa rin siya sa 'kin, bakit kasi... bakit kasi naging robot pa siya?!
Kung guilty man itong nararamdaman ko, tinatanggap ko. Afterall, hindi ko talaga deserve ang mailigtas. Pero dahil pino-protektahan niya ako, maswerte pa rin ako.
Tumayo ako at ginala ang paningin. Kailangan makahingi ako ng tulong. Wala na ang bag at cellphone ko, kailangan makahingi ako ng tulong para kay Theo. Kailangan matulungan ko si Theo...
Tumakbo pa ako hanggang sa makarating ako sa isang bayan. May isang tindahan akong nakita at madaling lumapit 'ron, nagmakaawa akong makikitawag sa payphone at sa awa ng diyos ay pinagpagbigyan ako dahil wala nga ako ni pisong pangbayad.
Agad kong dinial ang number ni Kiba. Tatlong ring palang ay sinagot na niya ito.
"Kiba Torres speaking, who's---"
"Kiba! Kiba, oh my god!" Napapahawak pa ako sa noo ko dahil sa kaba.
"A-Ate? Ate bakit?"
"Help me, may kumidnap sa 'kin at dinala ako sa malayong lugar. Ngayon nando'n si Theo para iligtas ako. Niligtas niya ako pero hindi siya sumama sa 'kin. Puntahan niyo siya, please!" Pagmamakaawa ko. Wala akong pake kahit pa pinagtitinginan ako ng mga tao rito sa tindahan.
"What?! Na-kidnap ka? Wait, where exactly you are?"
Shit! I don't even know this place! Bahagya kong tinakpan ang telepono at nagtanong agad sa tindera na nasa harap ko. "Miss, anong lugar 'to?"
"Ah, Bicutan po. San Lorenzo Bicutan."
Agad ko binalik ang telepono sa tenga. "Kiba, nasa San Lorenzo kami, sa Bicutan. H-Hindi ko lang alam ang eksaktong lugar 'nung grupo ng kumidnap sa 'kin."
"That's fine, may tracker ako kay Theo sa phone. Susunduin kita diyan, Ate. Stay there!"
Pagkatapos 'non ay binaba na namin ang aming mga telepono. Medyo nakahinga na ako ng maluwag-luwag. Atleast nakahingi na ako ng tulong kila Kiba. Si Theo nalang...
Wala pang isang oras ng may pumarada nang itim na kotse sa harap ko. Bumaba 'don si Kiba kasama si Mama na halatang nag-aalala ang mukha. Nang makita nila ako ay mabilis nila akong niyakap, lalo ni Mama.
"Keziah! My goodness!"
"Ate, anong nangyari sa 'yo?"
Sunod-sunod akong napailing. "K-Kinidnap nila ako! Balak nilang humingi ng ransom sa inyo kapalit ko, Ma!" Halos hindi ako maka-recover at hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga kamay ko. Ganito siguro talaga kapag nanggaling ka sa nakakatakot na pangyayari.
"Namumukhaan mo pa ba? May ideya ka ba kung sino 'yun?" Tanong ng nag-aalala na si Kiba.
Napaisip ako ng saglit at tumingin sa ibang direksyon. "S-Si Theo..."
"Ano?"
"Si Theo! 'Yung totoong Theo! Siya ang may pakana ng lahat ng ito! Plinano niya ito umpisa palang!" Bigla akong napahawak sa ulo ko ng sumakit ito. Parang biglang may pumupukpok sa ulo ko dulot ng sugat ko sa noo.
Napahawak sa 'kin si Mama, "Keziah? Kiba let's go, we have to take her to Hospital!"
Nauna si Kiba tumakbo sa kotse habang inaalalayan naman ako ni Mama papunta roon. Napapapikit ako sa sakit ng ulo ko at pakiramdam ko'y pumipitik ang sugat ko sa noo. Malamang ay dahil kanina pa umaagos ang dugo mula rito.
Hanggang sa makapasok kami sa kotse. Ramdam ko ang pangamba ni Mama habang niyayakap ako. Pero hanggang doon nalang ang naalala ko, tuluyan ng nagdilim ang mga paningin ko.
***
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Nakita ko ang pamilyar na lugar sa aking pwesto. Kulay puti ang kisame at sa bawat gilid ay may pink na kulay ang mga ito. Pamilyar din ang amoy ng lugar, amoy lavender bagay na isa sa mga paborito kong amoyin.
Bahagya akong bumangon pero natigil ako at mariing napapikit. Bigla kasing kumirot ang ulo ko-- teka, ang huli kong naaalala ay sa ospital ako dadalhin nila Mama ah?
"K-Keziah?!"
Bago ko pa man idilat ang mata ko ay nakita kong nasa harapan ko na ang nag-aalalang mukha ni Odette. Nilibot ko agad ang paningin ko at nakitang nasa kwarto na ako.
"Nasa'n sila Mama?" Mahina kong tanong dito.
"Nakatulog sa sala si Tita Reeva habang nagluluto naman si Kiba ng umagahan."
Tumingin ako sa ibang direksyon at tatayo na sana ng may mapagtanto. Agad ko siyang tinignan muli, tumaas ang dalawang kilay niya. "U-Umagahan?"
Tumango siya. "Alas otso na ng umaga---"
Mabilis akong tumayo at tumakbo papuntang pinto. Medyo nahilo pa ako sa ginawa ko kaya napahawak ako ng mahigpit sa pintuan. Agad namang lumapit si Odette at hinawakan ako sa braso upang alalayan.
"B-Bakit ba? Baka mapano ka." Alam kong maging siya ay naiilang sa ginagawa niya. Tumingin ako sa mata niya na halatang naiilang. Odette and I are not in good terms. At kahit kailan yata ay hindi kami magiging maayos sa isa't-isa.
Malamang ginagawa niya lang ito dahil nandito sila Mama.
"Nakauwi na ba si... Theo?" Tanong ko. Ang pagkakaalala ko hindi pa masyadong gabi nang magkita kami ni Mama. Tapos ngayon ay umaga na? Hindi ko maiwasang magtaka.
Unti-unti naging blangko ang itsura ni Odette senyales na hindi pa nakakauwi si Theo. Dahil 'don ay hinigit ko ang braso kong hawak niya at mabilis na lumabas ng kwarto.
Paglabas ko ay naabutan kong naglalagay ng mga pagkain si Kiba sa lamesa. Binungaran niya ako agad ng ngiti ngunit hindi ko iyon magawang suklian. "Good morning, Ate! How's your feeling?"
Hindi ko 'yun pinansin, "Si Theo? Umuwi na ba siya?"
Saka ko naman narinig ang mga yabag ni Odette na ngayo'y nasa likuran ko na. Medyo napanganga si Kiba sa bungad ko pero agad rin naka-recover. "S-Si Theo?" Binaba niya ang platong hawak niya at bahagyang lumapit sa akin.
"Nagtext man lang ba siya? Tumawag? Nasaan siya? Kamusta siya?" Sunod-sunod kong tanong. Aaminin ko, kahit na ayoko sa presensya ni Theo ay hindi naman pwedeng ipagsawalang-bahala ko nalang ang pagliligtas niya sa 'kin kahapon.
Kung hindi siya dumating at hindi niya ako niligtas, baka hanggang ngayon ay nando'n pa rin ako at nakatali.
"A-Ate, hindi pa nakakauwi si Theo. Sinubukan ko siyang tawagan pero out of coverage." Dahilan niya kaya agad akong napatungo. "Pero sabi ko nga, may tracker ako ni Theo sa phone. Pinasundan ko 'yun kay Kenzo kahapon nang puntahan ka namin ni Mama. Pero sa kasamaang palad..."
Agad akong napatingin sa kanya. "A-Ano?"
"Naputol ang tracker kay Theo. Hindi namin alam ang dahilan. Napuntahan pa daw ni Kenzo ang abandonadong lugar kung saan ka malamang dinakip, pero wala na daw siyang nadatnan doon."
Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa mga narinig. Para akong tinakasan ng sariling kaluluwa. Kung gano'n, malamang ay mabilis silang umalis sa lugar kasama si Theo?
Bakit... bakit hindi siya umalis doon?
Sabay kaming napatingin ni Kiba sa likuran ko. Nakita naming nakatakip ang mga kamay ni Odette sa kanyang mukha at umiiyak siya.
"I hope he's fine... I hope he's fine..." Mahina ngunit paulit-ulit niyang sambit.
So totoo ang lahat, may gusto pa rin siya kay Theo. Kung sa bagay, sa aming dalawa, siya talaga ang mahal ni Theo... hindi ako.
Naikuyom ko ang kamao ko nang maalala ang nakitang video. Una palang si Odette na talaga ang mahal ni Theo at ginamit lang ako nito para sa pera. Hindi ko akalaing may gano'n pala sa totoong buhay. Ang sakit.
Pero sa kabila noon, 'yung inis na nararamdaman ko sa Theo ngayon na isang robot ay nawala. Malamang ay dahil sa mga ginawa niya sa 'kin. Isama mo pa na nagi-guilty ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa siya umuuwi. Kapag may nangyari sa kanya, ako ang unang-unang may kasalanan. Kung 'di dahil sa 'kin, baka nandito pa rin siya at kasama namin.
This time, sasang-ayon ako kay Odette...
Yeah, I hope he's fine...
Umalis ako sa harapan nila at babalik nalang sa kwarto. Gusto kong mapag-isa. Nakakaramdam ako ng hapdi sa puso ko, hindi lang dahil sa mga alaala noong video na 'yun. Kung 'di dahil din nag-aalala ako kay Theo. Alam ko kung gaano ka-delekado sila Jett, pisikal na anyo palang ay nakakatakot na, what more kung nandian na si Johnson?
Kahit robot si Theo... mapapahamak at mapapahamak pa rin siya.
Hahawak palang ako sa doorknob ng kwarto ko nang marinig kong bumukas ang pinto sa labas. Hindi ko alam kung bakit ako napatigil, pinapakiramdaman ko kung sino 'yun, pero unang pumasok sa isip ko ay si Kenzo. Malamang nandito siya para tignan ang kalagayan ko.
Huminga ako ng malalim at tuluyan ng hinawakan ang doorknob. Binuksan ko 'yun ngunit...
"Theo!"
Nanlaki ang mata ko. Mabilis akong napatingin sa direksyon nila at nakita ko ang galak sa mukha ni Odette na makita si Theo. Gano'n din si Kiba at ang kagigising lang na si Mama.
Dahan-dahan akong lumakad palapit sa kanila. Halos mapahawak ako sa bibig ko. Kung tao lang si Theo, malamang ay puno na ng bugbog ang mukha nito at duguan. Pero dahil robot siya, puro dumi at punit lang ang tinamo niya.
Alam ko... alam kong binugbog siya.
"Natutuwa akong makita na maayo---"
Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla ko siyang niyakap. Lalong humigpit ang kapit ko sa kanya dahil ngayon ay nandito na siya, safe siya kahit papaano.
Hindi ko na rin napigilan ang luha ko na bumagsak. Maging ako ay hindi ko maintindihan kung bakit natutuwa ako na nakauwi na siya, na walang nangyari sa kanyang mas masama. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng relieve ngayong kayakap ko na siya.
At aaminin ko... hindi siya sin-tigas ng bakal, para akong may kayapak na totoong tao at...
Masarap iyon sa pakiramdam.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top