Kabanata 10
"The Theodore that you love is... betraying you."
Walang nagsalita sa pagitan naming tatlo. Tanging titig lang ang kaya ko ipukol sa walang emosyong mukha ni Theo dahil sa kanyang sinabi. Hindi rin ako makagalaw na parang isang majika ang lumabas sa kanyang bibig.
Theodore is... what?
"Theo, anong ibig mong sabihin?" Pagbasag ni Kiba sa katahimikan ngunit hindi ko siya nagawang tignan. Focus kung focus ang mga mata ko kay Theo na para bang nag-aabang sa susunod niyang sasabihin.
Tinapunan ng tingin ni Theo si Kiba ngunit binalik din 'yun sa 'kin, "Just so you know, Theo is working with this Johnson in an illegal casino near in Pasay. If ever you have known that, you'll also know that Theo and Jett are just using you as a decoy."
Bumaba ang tingin ko sa dibdib niya. Alam kong nagtra-trabaho si Theo sa illegal na casino at pamilyar ang Johnson na pangalan, pero... me? Using as a decoy?
Sa dalawang taon naming magka-relasyon ni hindi ako nakaramdam ng kakaiba. Sobrang bait na tao ni Theo na halos wala kang masasabi, pwera nalang sa pagtra-trabaho niya sa casino. Ika niya, utang na loob niya 'yun kay Johnson kaya hindi niya maiwanan. I understand that, kaya naman ano 'tong pinapalabas ni Theo?
"Kaya ako nagtagal ay dahil narinig ko ang mga plano nila tungkol sa 'yo, Keziah..." Malalim na tugon muli ni Theo kaya umangat ang tingin ko sa kanya.
"W-Wait, wala akong ma-gets. Can you explain from the start what's happening between my sister and the old Theo?" Kunot noong pagsingit ni Kiba kay Theo kaya naman huminga ito ng malalim.
"From the looks of you mukhang hindi mo alam ang tungkol sa bagay-bagay kay Theodore." Litanya niya sa 'kin, "He's working under this Johnson in illegal casino as I've said. Once the casino get caught and Johnson got arrested, you will be abduct by your own boyfriend."
Bahagya akong nagulat sa huling sinabi niya, gusto ko siyang murahin sa pinagsasabi niya pero... para akong nawalan ng lakas ng loob.
"I-Is that true?" 'Di makapaniwalang tanong ni Kiba kay Theo.
"Plano na 'yun bago palang maging kayo... Keziah. 'Yun ang usapan nila ni Jett at Johnson. And now, delekado ang buhay mo. Johnson got arrested yesterday and Jett is now keeping an eye on you. Kung buhay pa siguro ang dating Theo, malamang kahapon ka pa nakuha." Usal niya.
Napailing ako habang ramdam ko ang unti-unting pagkirot ng puso ko, Gagawin ni Theo 'yun sa 'kin? Anong kasalanan ko?
Sa anim na buwan kong pagkukulong sa condo at pagtabla sa kanila gawa ng pagkamatay ni Theo ay hindi ko nagawang umiyak. Pero... ramdam ko na ngayon ang nagbabadyang luha sa mata ko. Anytime soon, bibigay na ako sa sakit.
"L-Liar. Hindi magagawa ni Theo ang lokohin ako. Oo at nagtra-trabaho siya sa illegal na casino pero ang... ang kunin ako... hindi niya 'yun magagawa!" Napatakip ako sa bibig ko at tuluyan nang bumagsak ang luha ko. It feels good na nalabas ko na ang luha ko after six months pero... nararamdaman ko naman ang tuluyang pagwasak ng puso ko.
"Yeah, at some point you're right." Malamig na saad ni Theo. "Because now he's dead."
"I'm telling the truth here kahit na hindi pwede dahil utos 'yun ni Jett. Planado na ki-kidnappin ka for ransom sa magulang mo para makapag-piyansa kay Johnson. Kung tutuusin, utang na loob mo pa nga sa 'kin na sinabi ko sa 'yo dahil kung hindi baka nakuha ka na niya ng hindi mo alam." Dagdag niya kaya naman natahimik ako at napayuko habang umiiyak.
Tama siya. Alam kong utang na loob 'to dahil kahit alam niyang ayoko sa existence niya ay sinabi pa rin niya sa 'kin ang bagay na dapat sila lang ni Jett ang nakakaalam.
But then...
Fuck you, 'real' Theo...
Nagitla ako sa pag-iyak at nag-angat ng paningin nang hawakan ni Theo ang isa kong balikat. Malabo man ang paningin dulot ng luha, kitang-kita ko pa rin ang seryosong mukha niya.
"Please don't cry, I'm not your Ex-Boyfriend..." Malumanay niyang ani. Tumulo ang isang luha sa mata ko na agad pinunasan patalikod ng hintuturong daliri niya. "I'm... your Boyfriend."
Napaiwas ako ng paningin. Here we again with that line. Gusto ko mang kontrahin 'yun ay pakiramdam ko wala akong gana, walang lakas at ayokong magsalita. Ngayong mas malala pala ang pwedeng mangyari sa 'kin, pakiramdam ko gusto ko nang tapusin ang lahat ng ito.
I... I want to...
"Keziah,"
Muli ko siyang tinignan, 'yung mga mata niya... feeling ko tunay na Theo ang kaharap ko.
"Don't worry, I'm here to protect you no matter what. Sa ayaw at sa gusto mo, po-protektahan kita..."
I... I really want to...
Destroy him.
***
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Kunot noo akong dumampot ng unan at tinakip 'yun sa mukha ko. Pakiramdam ko hindi ako makakadilat ng ayos ngayon dahil sa pamamaga ng mata ko. Pag-uwi namin kahapon dito ay dumiretso agad akong kwarto at nagkulong, hanggang sa bumuhos na naman ang luha ko.
Buo ko namang binigay ang tiwala ko kay Theo ah? Bakit parang may mali?
Bago palang maging kami noon ay planado na ang pag-kidnapp sa 'kin, gano'n ba? Bakit? Bakit ako? Dahil mayaman ang pamilya ko? Minahal ba talaga niya 'ko? Bakit parang... totoo lahat ng pinakita niya sa 'kin noon...?
"Babe... I'm coming,"
Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko at automatic na napangiti. Suot ang plain white shirt na tinernuhan ng black pants and white rubber, lalo siyang guma-gwapo sa ganyan.
Lalo akong napangiti ng yakapin niya ako sa likod at nagkatinginan kami sa salamin na nasa harap ko. Para sa 'kin, this is one of the best feeling.
"Aaminin ko, mas lalo kang gumaganda kapag nag-aayos. Pero ang totoo, mas gusto ko ang simple ka tulad ngayon." Medyo husky pa ang kanyang boses kaya naman kinilig ako.
Hindi talaga siya nabibigong pakiligin ako.
"Talaga ba?" Nakangising tanong ko. Nabigla nalang ako nang mabilis niya akong halikan sa pisngi saka lumayo sa 'kin. Pakiramdam ko namula ako sa ginawa niya! Argh!
"Maganda ka palagi sa paningin ko, Babe. Now let's go." Nag-lakad siya patungo sa pinto at tinanguan pa ako.
Napakurap ako sa kanya. Hindi lang dahil nakakakilig ang paghalik na ginawa niya kundi dahil sa salitang lumabas sa bibig niya...
Kainis! Hindi ko mapigilang ngumiti!
"Keziah..."
Kung pagmamasdan siya ay maihahalintulad ko na siya bilang perpekto. Pero alam kong walang perfect, may bad side pa din sa kanya tulad ng pagtra-trabaho niya kay Johnson. Although gusto ko na siyang paalisin 'dun pero mapilit siya.
"Tara na, Babe..."
Dahan-dahan akong lumapit at inabot niya sa 'kin ang isang kamay niya...
"Keziah... Buksan mo 'to, anong oras na."
Inangat ko ang isang kamay ko para mahawakan ang kamay niyang umaabot sa 'kin, naramdaman ko ang lambot ng---
Napabalikwas ako ng bangon at kunot noong tumingin sa pintuan. Ang Oa ng kumakatok ah? Hindi niya ba alam na sinira niya ang memories... ko... kay...
Napabuga ako sa hangin nang ma-realize kung anong pinag-iisip ko. Keziah, He betrayed you!
Dahil 'dun ay agad na pumitik ang puso ko. Nasasaktan ako noong namatay siya, kahit kaunti sa 'kin meron pa 'nun dahil mahal ko pa siya. Pero... mas nasasaktan ako sa nalaman kong ginamit lang niya ako.
'Di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko kaya agad ko 'yung pinunasan. Napatingala ako at huminga ng malalim, "You must really forget him, Keziah. Tuluyan mo na, parang awa mo na." Usal ko sa sarili habang pilit pinipigilan ang pagpatak muli ng mga luha ko.
"Keziah..." Kasabay 'nun ay ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto ko.
Tumayo ako at inayos ang sarili. Now that I've made up my mind, unang-una kong dapat gawin ay tanggalin dito si Theo. Bukod sa kuhang-kuha niya ang pagkatao ni Theo, naaalala ko lang ang kawalangyaan ni Theo sa 'kin.
Nakakagalit man sa part ko pero, patay na 'yun tao. Ang kailangan nalang mangyari ay makalimutan ko na ng tuluyan si Theo. Kung totoo mang minamataan ako ng Jett na 'yun at balak akong kidnappin, magdo-doble ingat ako. Kung kinakailangan tatanggapin ko ang bagong pinasok na care taker ni Kenzo sa 'kin para maging taga-bantay ko eh.
Also, I can go home to Mama and Papa whenever I want. Doon, mas marami akong makakasama.
Naglakad ako papuntang pinto at binuksan 'yun, ang walang emosyong mukha ni Theo ang bumungad sa 'kin.
"Lunch is ready,"
Napalunok ako at umiwas ng tingin. Iniisip kung kailan kaya ako matatawagan ni Professor Limaco para sa usapan namin.
"Ah, nandito na pala 'yung bago mong care taker na pinadala ni Kenzo. Hinihintay ka niya---"
"Nandian na?" Pagputol ko sa sinasabi niya at madaling nagpunta sa sala.
Kung nandito na siya, maaaring mapagka-tiwalaan ko 'to at maging kasama kapag tuluyan ng nawala si Theo. Sana nga lang ay kasing-bait ito ng mga nagdaan kong care takers.
Nakaramdam ako ng kaunting excitement dahil sa naisip. Ngunit ang excitement na 'yun ay nawala nang makita ko ang taong tinutukoy ni Theo...
Nakatayo siya sa gilid ng sofa suot ang light pink dress niya and white flat shoes, bagsak ang mahaba nitong buhok at magkahawak din sa baba ang mga kamay niya. Matamis niya akong nginitian ng makita.
"We meet again, Keziah..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top