Chapter 8

Chapter 8

"Calix," I softly whispered as he stood before me.

He graciously stepped back, giving me some room, and then glanced at Kaeda.

"Should we head back to the party?" he asked. "I was following you, and then I lost sight of you for a moment. Fortunately, I found you here."

Tumingin ako kay Kaeda na pabalik-balik ang tingin sa amin ni Calix. Naglakad siya palayo. Susundan ko sana siya pero hinawakan ni Calix ang braso ko.

"Where are you going?"

"You said we should go back to the party. I'm going back, can't you see?"

Bago pa siya makapagsalita muli ay iniwan ko na siya. Lakad-takbo ako mahabol ko lang si Kaeda, pero mabilis siyang nawala sa paningin ko.

I looked around the event hall, but I could not see her. Dali-dali akong pumunta sa parking at nagmaneho paalis. Habang nagda-drive ay tinawagan ko si Yan.

"Where are you?" she answered.

"I need to go somewhere, and it's important. Kayo nang bahala na pagtakpan ako. Kailangan kong sundan si Kaeda."

"How—"

Ibinaba ko ang tawag at nagpatay ako ng phone. Habang tinatahak ang kahabaan ng highway ay hindi maalis sa isip ko ang itsura ni Kaeda kanina.

Pagkarating ko sa bahay nila ay agad kong binuksan ang gate. Nakita ko pa sa labas ang ilang bodyguards ko pero hindi ko na sila nabigyan ng instructions.

Kumatok ako sa pinto. Pinaulit-ulit ko hanggang sa may nagbukas na nito.

Pupungas-pungas si Aya na tiningnan ako. Nang na-realize niya na ako ito ay nilakihan niya ang bukas ng pinto.

"Late na po, President," paos ang boses niyang sabi. "Si ate po?"

Napalingon kaming parehas nang may tumigil na taxi. Bumaba mula rito si Kaeda. Sumeryoso ang mukha niya pagkakita sa akin.

Nilagpasan niya ako. "I-lock mo na 'yang pinto, Aya. Baka kung sino pang makapasok," makahulugan niyang sabi.

Tumingin sa akin si Aya. Sinenyasan ko siya na pumasok na pero hindi siya sumunod. Ako na mismo ang nag-lock ng pinto.

"Nag-away po ba kayo ni ate?" tanong niya.

Hinawakan ko ang pisngi niya at umiling ako. "Hindi."

Napabuntonghininga siya. Tumaas kami at kakatok na sana ako sa unang pinto pero pinigilan ako ni Aya.

"Room po 'yan ni Daichi. Doon po ang room ni ate." Sabay turo niya sa gitna at pinakadulong room.

"Thank you," I said in a soft voice.

Kumatok ako sa pinto pero hindi niya ako pinagbuksan. Nakarinig ako ng pag-iyak sa loob kaya mas lalo kong hindi tinigilan ang pagkatok.

"Kaeda."

"Please leave me alone," she said.

"Kaeda, please open the door."

Hindi siya sumagot hanggang sa ilang sandaling nakalipas ay napilitan siyang buksan ang pinto.

"Bakit ba ang kulit mo? Birthday ng daddy mo pero pumunta ka pa rito—"

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at sinunggaban ang mga labi niya. Ramdam ko ang pagkabigla niya.

Pinag-igi ko ang paghalik sa kanya. 'Di kalaunan ay bumigay rin siya. Kumapit siya sa batok ko at hinalikan ako pabalik.

Walang kahit ano na nasa isip ko kundi halikan siya. Itinulak ko siya sa kama at muli kong sinunggaban ang mga labi niya.

"Who's that guy?" she asked between kisses.

"My ex," I answered.

Kinagat niya ang ibabang labi ko at napaungol ako. She seemed skilled at kissing, knowing how to move and entice me.

Bumaba ang halik ko sa pisngi niya patungo sa leeg. Dinilaan ko siya rito at parang musika sa tainga ko nang umungol siya.

"Your ex, who still kisses you," she said.

Muli kong hinalikan ang mga labi niya. Alam kong hindi tama ang ginagawa ko ngayon pero hindi ko ma-control ang sarili ko.

Gustung-gusto ko itong gawin lalo na nang nakita ko sila ni David kanina.

We were kissing until I noticed that her breath smelled like alcohol. I stopped kissing her and sat up on the bed.

Dahan-dahan siyang bumangon na tila natauhan din sa nangyari.

"Why did you drink alcohol?" I asked, concerned. "You're taking medication."

"I drank a whole bottle on the way home," she said. "I haven't taken my meds tonight yet."

Mariin akong napapikit. Ngayon lang luminaw sa isip ko ang ginawa ko at ang pagtugon niya sa akin. Pareho kaming may tama ng alak.

Napasapo ako sa mukha. Nang tingnan ko siya ay pulang-pula ang pisngi niya at hindi na makatingin sa akin.

Hindi ko alam ang ikikilos ko dahil sa bilis ng pangyayari. Pero hindi ko ikakailang nagustuhan ko iyon.

"Sleep now, Kaeda," I said, standing up.

Iniwan ko siya at mabilis akong lumabas ng bahay.

Habang nagmamaneho ay hindi mawala sa isip ko ang nangyari. Paulit-ulit sa isip ko ang halikan namin.

We were both drunk. President ako at secretary siya. Paano ko siya pakikitunguhan bukas?

Bumalik ako sa Fortress at hindi pa tapos ang party. Agad akong nilapitan nila Amihan at Yan.

"Anong nangyari?" tanong ni Amihan.

Hindi ako sumagot. Lumapit ako sa bartender at kumuha ng alak. Mabilis akong tumungga at naubos ko agad ang laman ng isang bote.

Ramdam ko ang panonood sa akin ng dalawa pero hinayaan ko lang sila. Naupo sila sa magkabilang gilid ko.

"I kissed her," I shared with them. "Baka mailang na siya sa akin."

Hindi ako natatakot sa ginawa ko pero natatakot ako sa magiging pakikitungo niya sa akin sa opisina. Baka layuan niya ako.

"Oh my God," Yan said. "At her house?"

I nodded. "And she kissed me back."

Tumingin ako sa kanila at pareho silang gulat sa sinabi ko.

"'Yan ang gusto ko sa 'yo, Solana. Magaling ka sa paspasan," komento ni Amihan. "You shouldn't worry about how she will act when you're together. Both of you should face the consequences of your actions."

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Umikot ako at sumandal sa bar counter. Pumikit ako at umulit na naman sa imahinasyon ko ang nangyari.

Buong gabi ay iyon ang laman ng isip ko.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok ng office dahil hindi rin naman ako nakatulog nang husto.

I was pacing back and forth in my office when I spotted her arriving. Agad kong kinuha ang remote control at pinindot ito para hindi niya ako makita.

Hindi ko siya iniiwasan. Inihahanda ko lang ang sarili ko sa mga magiging engkwentro namin mamaya.

Pagpatak ng alas otso ang oras ay kumatok siya sa pinto. Inayos ko ang sarili at tumikhim. Pumasok siya kasama si Calix.

Malaki ang ngiti ni Calix sa akin. Iniwan kami ni Kaeda na wala man lang sinabi.

"What are you doing here?"

Inabot niya sa akin ang bouquet ng red roses pero hindi ko ito tinanggap. Inilapag niya ito sa table ko at umupo sa harapan ko.

"I just wanted to visit you."

Sumandal ako sa swivel chair at tinalikuran siya. Mariin akong napapikit sa inis. Naging boyfriend ko siya noong high school bago ko makilala si Kaeda.

"There's no need to visit me. We ended things a decade ago." Aware ako na galing siya sa USA. Nakikita ko naman iyon sa social media accounts niya kung saan friend ko siya.

"Hanggang ngayon kasi hindi pa rin kita makalimutan," lakas-loob niyang pag-amin. "Since we broke up, I couldn't help but wonder what I did wrong for you to end things. We were so happy before."

I broke up with him because I saw Kaeda, so instead of cheating, I ended the relationship. I did not want to deceive him. He did not deserve it.

"Calix, please," I pleaded. "I don't want to talk about the past anymore."

Kita ko sa mga mata niya ang pagkabigo, pero ayoko siyang paasahin pa ulit.

Ilang sandali pa ay tumayo siya at lumabas ng office. Napasandal akong muli sa swivel chair, mas lalo yatang sumakit ang ulo ko.

An hour later, Kaeda and David knocked on the door.

"He said he'd follow up about the request he sent you," Kaeda informed me.

"Regarding the anatomy laboratory equipment?" I asked, a hint of coldness in my tone.

Tumango si David. Sinenyasan ko siya na umupo sa upuan. Pinanood ko si Kaeda na lumabas at bumalik sa area niya.

"David, correct?"

"Yes, President."

"I've already informed the board and told the purchasing team to buy the necessary equipment."

"Thank you po."

"Do you have anything else to follow up on?"

Umiling siya at pasimpleng tumingin kay Kaeda.

Hindi ko napigilang mag-init lalo ang dugo ko sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top