Chapter 7
Chapter 7
I meticulously arranged everything for my father's birthday, from choosing the venue to taking care of the smallest details. The grand event hall had enough space to accommodate over a hundred guests, ensuring everyone would be comfortable.
Hindi talaga ako nagkamali ng piniling venue para sa birthday ng Daddy ko. Mukhang nagustuhan din ng mga kapatid niya ang kinalabasan ng event hall.
"Well done, Solana!" Yan said as she approached me. "You really know how to provoke your relatives with your wit and decisions," she added, putting her arm on my shoulder and winking at me.
Ngumisi lang ako bilang sagot.
Alam ko na tine-test ako ng mga kapatid ni Daddy lalo at ako ang president ng Haya University. Malaking responsibilidad ang ibinigay sa akin ng siyam na magkakapatid na Redston. Nakakapagod man pero wala akong choice kundi sundin ang mga gusto nila o higitan ko pa ang mga iyon.
Gumala ang tingin ko at nakarinig ako ng pagtikhim. Tumabi sa kaliwa ko si Amihan. "Sinong hinahanap mo, ha?" makahulugan niyang tanong.
"Sino pa ba? E 'di si crush," sagot ni Yan.
Nagtawanan ang dalawa. Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang pang-aasar nila.
My eyes continued to wander, searching for her. When they finally landed at the entrance, I felt my breathing hitch as I saw her walk in. She was dressed in a white shoulder ruffle trim asymmetrical hem dress, perfectly matching the motif of my dad's birthday.
Lumibot ang mga mata niya at nang tumigil ito sa akin ay mas lalo akong humanga.
She looked like a goddess.
Lumapit siya sa amin at siniko ako ni Yan. Napalunok ako nang bigyan niya kami ng isang magandang ngiti.
"Umayos ka, Solana," bulong ni Amihan sa akin. "Halatang gandang-ganda ka. Ikalma mo ang sarili mo."
Marahan ko siyang siniko at ngumiti ako kay Kaeda. Tumikhim ako saka siya sinenyasan na sumunod sa akin.
Pumasok kami sa isang suite sa next floor. Hinarap ko siya, puno ng kaba ang dibdib.
"This room is yours. I know you wanted to go home because of your siblings, but don't worry. I've already instructed some of my bodyguards to go to your place. I talked to Aya and Daichi on the phone earlier—"
"Thank you," she cut me off. "Ang dami mo nang nagawa para sa akin."
"Hindi binibilang ang mga ginagawa natin para sa tao," sabi ko at pinasadahan ng haplos ang buhok niya na nakalugay. "Nagugutom ka ba? Kumain ka ba sa bahay? Gusto mo bang magpadala ako ng pagkain dito?"
Napangiti siya dahil sa sunud-sunod kong mga tanong. "Hindi ako gutom. Mamaya na lang ako kakain sa party."
Tumango ako at pumunta sa bedroom. Naupo ako sa kama at iniwas ang tingin sa kanya.
Bakit kapag ngumingiti siya ay parang gustong lumabas ng puso ko sa dibdib? Mas malala pa ito kaysa noong high school kami.
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Ramdam ko na pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko.
I wore a one-shoulder bandage dress with a thigh split, and my hair was styled in a high ponytail to highlight my neck and shoulders.
"Ang ganda mo," puri niya.
Nang lingunin ko siya ay titig na titig siya sa mukha ko.
"Habang tumatagal mas lalo kang gumaganda."
Magsasalita sana ako nang bigla niyang halikan ang pisngi ko. Nagulat ako.
"Thank you for ensuring Daichi and Aya are safe. You're not just kind to me but also to my siblings."
Simula noon magpa-check up siya sa psychiatrist ay lagi na akong nakaantabay sa kanya at sa mga kapatid niya. Hindi pa ako nakakabalik ulit sa bahay nila pero sa kahit anong paraan ay sinisigurado ko na safe sila.
Tumayo siya pero pinigilan ko siyang makalayo. Wala pa akong alak na iniinom pero parang lasing na ako dahil sa ikinikilos niya.
"You look very beautiful tonight, too," I said.
Naghinang ang mga mata namin at una siyang nagbawi. "Thank you for the compliment."
Binitiwan ko siya at nag-ring ang phone ko. Tumayo ako, medyo lumayo sa kanya.
"Hello?"
"Where are you? The party is about to start," it was my dad's fifth sibling, Mr. Grant Redston. "Your other uncles are getting annoyed because you're not here."
Ignoring the frustration in his voice, I could not help but smile—after all, this was my favorite uncle calling. "It's alright if they're upset. I'm just finishing up something important. I'll be back in a minute, Uncle."
"Please don't take too long. I don't like it when they start grumbling about you."
"Thanks, Uncle Grant. Will treat you on a date soon."
"Sure, I'd love that."
Doon natapos ang usapan namin. Binalikan ko si Kaeda at wala na ang maaliwalas niyang ngiti kanina.
"Let's go?"
Tumango lang siya at sumunod sa akin palabas ng suite. Saktong pagbalik ko ay nagsimula ang party. Sinunod ang program na gusto ko simula una hanggang sa pagsasalita ni Daddy.
"Thank you all for being here tonight. This is the best birthday party of mine so far as it was planned by my only daughter, Solana." My dad's eyes wandered until he spotted me. "I love you, Ms. President," he said sweetly. "To my wife, the most beautiful woman I know, thank you for your patience with my tuxedo earlier. You are the best woman in the world."
Mahaba ang naging message ni daddy sa amin at sa lahat ng guest. Pagkatapos niyang mag-usap ay nagsimula nang kumain ang mga tao. The program included various activities to ensure the party would not be boring.
Umiinom ako sa bar nang makita ko na may kinakausap si Kaeda sa entrance ng hall. Pabagsak kong ibinaba ang baso kaya napatingin sa akin ang bartender. Hinanap ng mga mata ko sina Yan at Amihan pero hindi ko sila mahagilap.
Nang ibalik ko ang tingin sa dalawa ay nagtatawanan sila. Inilapit pa ni David ang bibig sa tainga ni Kaeda na mas lalong nagpatindi ng iyamot ko.
Kumuha pa ako ng ilang shots bago ko sila lapitan. Mabuti at hindi ako hinahanap ng mga kapatid ni Daddy dahil busy sila sa pakikipagkwentuhan sa mga bisita.
Lumapit ako sa kanila at tipid na ngumiti. Nagulat pa si Kaeda nang makita ako sa tabi niya.
"Kaeda, can you spare me some of your time?" I asked.
Tumango siya at hinawakan ko siya sa braso. Lumabas kami ng hall hanggang sa makarating kami sa ground floor. Nahanap ko ang playground at umupo ako sa swing. Sumunod siya at tumabi sa akin.
"I thought we were clear about avoiding him," I said.
Hindi siya nakasagot.
"Gusto mo bang gawin ko ang sinabi ko?"
Kita ko ang paglunok niya. Nilingon niya ako at tumayo siya sa harapan ko.
"Bakit ba galit na galit ka kay David?" tanong niya sa mahinahon na boses. "May ginawa ba siya sa 'yo?"
"Oo, nilalandi ka niya."
Natigilan siya dahil sa sagot ko.
"Sinabihan na kita na bawal makipaglandian sa kasamahan pero ginagawa mo pa rin."
Mariin siyang napapikit. Aalis sana siya pero mabilis akong tumayo at hinablot ang beywang niya. Mabilis ang paghinga ko na hinagilap ang mga mata niya.
"Who told you to leave me here?" I asked in a serious and cold tone. "And where are you going? To him?"
"I'm going home."
"No."
"Can't I decide for myself?"
Umawang ang bibig ko at napabuga ako ng hangin. "Kaeda, you should stop being stubborn or else—"
"Or else what? You're going to fire him?" she cut me off.
"Yes."
Mas lalo niyang hindi nagustuhan ang sagot ko. Kumawala siya sa akin pero muli kong hinablot ang beywang niya.
"Kapag umuwi ka, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa 'yo."
"What do you mean?"
"You'll see."
She furrowed her brow. "What are you saying? Are you drunk?"
Medyo may tama ako dahil sa mga huli kong ininom na naghalu-halo na sa sistema ko.
Napatingin ako sa mga labi niya. Napalunok ako at alam kong nakita niya ito.
I saw a look of panic in her eyes as my head started to move downwards, but before I could continue, I heard someone calling my name.
"Solana!" It was the familiar voice of a man. "I was looking for you."
Nilingon ko ang lalaki. Lumapit siya sa amin at hinalikan ako sa pisngi.
Nang tingnan ko si Kaeda ay walang emosyon ang mga mata niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top