Chapter 6

Chapter 6

Wala pang alas dose ng tanghali nang makabalik kami sa bahay nila. Buong oras pabalik ay tahimik lang siya, parang walang gana makipag-usap kahit kanino.

I got out of the car and walked around to the passenger side. I opened the door for her and waited for her to get out.

She smiled faintly at me and got out of the car. As we walked into her house, I could not help but stare at her back.

Tiningnan ko sa kamay ko ang paper bag ng mga gamot na naireseta sa kanya ng psychiatrist.

"Ate!" sabay na tawag ng mga kapatid niya pagkakita sa kanya.

"Boss!" tawag ni Daichi sa akin. "Ang bilis n'yo pong nakabalik."

Lumapit ako sa kanila at si Kaeda ay dumeretso sa sofa. Pasimple ko siyang pinanood.

"Kumain na ba kayo? Gusto n'yo, kumain tayong apat ng mga ate n'yo sa labas?" tanong ko.

"'Wag na po," bulong ni Aya sa akin. "Nagluto po ako ng adobo. Kumakain ka po ba no'n?"

Tumango ako. "Oo naman."

"Dito ka na po mag-lunch," sabi ni Daichi.

Hindi na ako nakatanggi dahil nagsimula nang maghanda ng hapag ang dalawa.

Iniwan ko sila, nilapitan ko si Kaeda. Nang tumingin siya sa akin ay biglang bumuhos ang luha niya.

I held her in my arms, closed my eyes, and made her feel she was not alone.

"Go ahead, cry," I said. "Cry until there are no tears left."

"Mababawi ko pa ba ang pera na naipatalo ko sa sugal? Maaayos ko pa ba ang buhay naming magkakapatid?"

Nakaramdam ako ng bikig sa lalamunan ko habang pinapakinggan ang basag niyang boses.

Sinulyapan ko ang mga kapatid niya. Umalis ang dalawa at umakyat sa sa tingin ko ay kwarto nila.

"Maaayos mo pa ang buhay n'yo."

Kumalas siya sa yakap.

"Paano?"

"Take it step by step. There's no need to rush."

"Wala nang natira sa amin. Paano ko maaayos?"

Kinuha ko ang kamay niya at pinisil ito. "I'll help you in any way I can."

Mabilis siyang umiling. "Hindi po ako manghihiram ng pera sa 'yo. Hindi po 'yon tama."

Hindi ko napigilan ang ngumiti. "Hindi ko naman sinabi na mangungutang ka. My point is I'm here whenever you need me."

"Boss po kita," aniya, ipinapaalala sa akin ang role ko sa buhay niya.

"I remember telling you on the very first day we met in my office that I need to possess human skills, right? That's what I'm doing with you. As your boss, I'll do everything I can to support my staff. And you're one of them."

Marahan siyang tumango. Bigla siyang tumayo at pinahid ang mga luha niya.

She went to the kitchen, and I followed her. She prepared the food Aya had cooked as if she had not cried.

Pagkatapos ilapag sa mesa ang mga plato ay tumingin siya sa taas.

"Aya, Daichi, baba na kayo at kakain na!" malakas niyang tawag sa dalawa.

Nagmamadaling bumaba ang dalawa at pasimple silang sumusulyap kay Kaeda. Magkatabi kaming naupo at sa harapan namin ang mga kapatid niya.

"Pagpasensyahan n'yo na po ang naihain namin," sabi ni Kaeda.

Umiling ako at nilingon siya. "Paborito ko ang adobo, hindi ko 'yan tatanggihan."

After eating, we returned to the sofa while her siblings went to their rooms. Mukhang matutulog ngayong hapon.

"Ang dami mo nang nagawa para sa akin na hindi mo dapat ginagawa," bigla niyang sabi.

Kunot-noo ko siyang nilingon. "Tulad ng?"

"Tulad ng pagsama sa akin sa psychiatrist. Hindi naman tayo magkaibigan. Boss ka, staff mo ako. Bakit hindi ka humindi?"

"I've already explained the reason. You're my secretary; sometimes, even a secretary can handle personal matters. So what's the difference?"

Bumuntonghininga siya.

"Alam mo, kung hindi lang kita boss, baka niligawan na kita."

Nagulat ako sa sinabi niya. Nakatingin lang siya sa akin at kita ko ang sinseridad sa mga mata niya.

"Why?"

"You possess everything I want in a partner."

Nag-init ang pisngi ko, hindi akalain na maririnig ito sa kanya.

"Are you interested in dating women?"

Tanging ngiti ang naisagot niya sa akin. Tuluyan na akong humarap sa kanya at hindi pa rin nawawala ang ngiti niya.

"Hindi nga?"

Iniwas niya ang tingin at dinampot ang remote. Binuksan niya ang TV, ang ingay nito ang tanging ingay sa pagitan naming dalawa.

Nagmulat ako at paglingon ko ay nakahilig ang ulo ni Kaeda sa sofa, nakatingin siya sa akin.

"You slept. Hindi na kita ginising."

Umayos ako ng upo at tumingin sa TV na ngayon ay patay na. Nang tingnan ko ang lap ko ay may kumot dito.

"Mukhang pagod na pagod ka dahil sa mga responsibilidad mo. Mahirap bang maging president?" tanong niya.

"Mahirap kasi sa 'yo at sa desisyon mo nakabantay ang lahat ng tao."

Tinanggal ko ang kumot at inilapag ito sa tabi ko.

"I felt the pressure to be perfect because it's what my family expected. Even in high school, I had to be on top."

"Alam ko. Schoolmates tayo, e."

Curious, I looked at her again. "Do you know me?"

"Oo naman. Crush ka nga ng mga kaibigan ko."

Kumunot ang noo ko.

"My volleyball teammates and classmates. Lagi kang laman ng usapan ng grupo namin."

Natawa ako.

"Sobrang hanga sila sa talino mo, plus ang ganda mo pa at ang bait. Lahat ng tao iginagalang mo at hindi ka tumitingin sa estado ng buhay nila."

Napawi ang ngiti ko.

"Hindi na ako nagtataka kung bakit gusto ka nila. Kahit ngayong secretary mo ako, ganoon ka pa rin."

Umayos siya ng upo at pumikit.

"Mabuti wala kang nagustuhan sa tropa ko. Sabagay, hindi mo naman sila magugustuhan kasi puro babae."

"I told you I had a crush on someone in high school. Do you remember?"

Tumango siya. Sandali lang ay nanlaki ang mga mata niya sa realisasyon.

"Babae ang crush mo?"

Hindi ako sumagot. Nanigas ang katawan ko nang bigla niyang hawakan ang magkabilang balikat ko. Titig na titig siya sa mukha ko.

"Sino?" tanong niya.

Umiling ako. Nang hindi ako sumagot ay natahimik siya.

Magsasalita sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. Tumayo ako at sinagot ito.

"Hello," I answered Tamiya's call.

"Everything is prepared for next week already."

"I'll call you later tonight. I'm at my secretary's house."

"Oh," she exclaimed. "Did you have sex with her last night?"

Napapikit ako dahil sa sinabi niya. Ano naman kaya at naisip niya iyon?

"Ate!" inis kong tawag sa kanya.

"Alright, I'll hang up now. Enjoy whatever you're doing."

Nailing ako nang matapos ang tawag. Muli akong bumalik sa upuan at tinabihan si Kaeda. Nang tingnan ko ang oras ay alas kuwatro na ng hapon pero ayoko pa rin umuwi.

"Oo nga pala. I want you to come with me to my father's birthday."

Itinuro niya ang sarili.

"Yes, Kaeda. As my secretary, you are invited to the party. There will also be other guests from Haya attending his birthday."

Wala siyang nagawa kundi tumango.

Nang muling tumunog ang phone ko ay hindi ko na ito sinagot. Nanuod kami ng TV at kahit walang pinag-uusapan ay nag-enjoy ako.

Hinatid niya ako sa labas kasama ang mga kapatid niya. Dahil linggo bukas ay naisipan kong gabi na umuwi.

Bago ako pumasok sa sasakyan ay narinig ko ang pagtikhim niya. Nilingon ko siya at titig na titig siya sa akin.

"Salamat."

Ngumiti ako. Sumakay na ako at narinig ko pa ang pagpapaalam ng mga kapatid niya sa akin.

After I finished showering, I lay down on my bed, contemplating Kaeda's diagnosis. Having graduated from nursing, I possessed knowledge about various mental health illnesses, including Bipolar Disorders.

Ipinikit ko ang mga mata bago ko kuhanin ang phone sa bedside table. Tinawagan ko ang number niya at napangiti ako nang sumagot siya.

"President," sabi niya sa inaantok na boses.

"Nagising ba kita? Just calling to remind you about taking your medication."

"Nakainom na po ako bago ka tumawag."

"Good."

The sleepiness she felt was a side effect of one of her medications.

"Sige na, matulog ka na."

"Ayoko pa po. Kausap pa kita."

Napaangat ang kilay ko dahil sa sinabi niya. "Does that mean you enjoy talking to me?"

"Yes."

Napailing ako, inisip na baka epekto rin ng gamot ang mga isinasagot niya sa akin.

"May gusto sana akong sabihin sa 'yo kanina, pero nawalan ako ng lakas ng loob."

Tumingin ako sa kisame, naalala ko ang paggising ko na nakatingin siya sa akin.

"Ano 'yon?"

"Not now, President," she said. "There's a right time for everything."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top