Chapter 5
Chapter 5
I noticed her gulp, and then I went back to my swivel chair. I leaned back and looked at her, waiting for what she would say next.
"Sige po," sagot niya.
"Good."
Tumalikod siya at lumabas na. Nagmamadali kong inayos ang mga gamit ko. Saktong paglabas ko ay nakaligpit na rin siya.
"It's late. Let me drive you home," I said.
Kita ko ang pagkabigla sa ekspresyon niya. Hindi ko na siya hinintay magsalita at nauna ako paglalakad. Lakad-takbo siya para masabayan ako.
Pigil na pigil ang ngiti ko. Makakasabay ko siya pag-uwi at malalaman ko na rin kung saan ang bahay niya.
"President, okay lang po ako. Huwag n'yo na po ako ihatid."
"I insist."
As we stepped into the elevator, I noticed her gaze at me through the mirror. When I turned to face her, I was startled to find her standing too close. She gently took something from the corner of my eye.
Nasa hintuturo niya ang pilikmata ko. She suddenly closed her eyes and blew it, making a wish.
Napatitig ako sa mukha niya hanggang sa nagmulat siya.
"Did you make a wish?" I asked.
Marahan siyang tumango, malaki ang ngiti sa mga labi.
"What's your wish?"
Mabilis siyang umiling. "Hindi pwedeng sabihin."
Inalis ko ang tingin at saktong nasa floor na kami ng parking. Hindi pa sana siya lalabas pero hinawakan ko na ang kamay niya at hinila siya palabas.
Hindi ko siya binitiwan. Alam kong nagtataka na siya sa ikinikilos ko.
Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse at inalalayan ko siyang makapasok. Pagpasok ko ay titig na titig siya sa akin.
"President..." tawag niya.
Hindi ko siya pinansin, hinayaan na lang siyang mag-isip dahil sa ikinikilos ko.
Matagal kaming napagitnaan ng katahimikan. Tumikhim siya.
"Parehas pong nasa private school ang mga kapatid ko," bigla niyang kwento. "Kaya ako nag-try mag-apply sa Haya ay para may maipangtustos ako sa pag-aaral nila."
I quickly looked at her before returning my attention to the road.
"At ngayon po 'yong sinahod ko, kalahati ay naipatalo ko na naman sa sugal."
Bumagal ang pagmamaneho ko saka ko itinigil ang sasakyan. Nilingon ko siya at kita ko ang pagkislap ng mga mata niya. A tear rolled down her cheek, but she still smiled.
"Did you lose thirty thousand?"
"Yes, President." Muling tumulo ang luha sa pisngi niya. "Hindi ko mapigilan. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin."
"You need a professional help, Kaeda."
Nagsimula siyang humikbi kasabay ng paggalaw ng mga balikat niya. "Gusto ko. Pwede mo po ba akong samahan?"
"Oo naman." Inilapit ko ang sarili sa kanya at napapikit ako nang bigla niya akong yakapin.
She cried on my shoulder, and I just let her.
"Ayoko nang magsugal pero minsan hindi ko mapigilan. Masaya ako kapag naglalaro pero pagkatapos at natalo ako, saka ko lang nari-realize ang nawala sa akin."
"Shh, we'll take care of it, okay? I'll accompany you tomorrow, but not at our hospital. Let's go to Avira, where my friend works."
I comforted her by caressing her back until she stopped crying. After pulling away from the hug, she closed her eyes tight and leaned against the headrest.
"Sorry, President. Sa 'yo pa ako nakiusap na magpasama."
"No worries, Kaeda."
Nakarating kami sa bahay nila. Maliit lang ito at kulay puti pero maayos tingnan.
"Dito na lang po," sabi niya.
Hinarap ko siya at inilahad ko ang kamay ko sa harapan niya. Napangiti ako nang kuhanin niya ito. Marahan kong pinisil ang kamay niya.
"Nandito lang ako kapag kailangan mo ng makakausap."
"Thank you po. It means a lot to me."
Ngumiti ako hanggang sa naalala ko na kailangan kong kuhanin ang personal number niya. Bumitiw ako sa hawak niya at inilapit ko sa kanya ang phone ko.
"Give me your number so if you need someone to talk to, I'm just a text or call away."
Nagtipa siya sa phone ko at agad kong tinawagan ang number niya.
"Save my number."
Tumango siya at bumaba na ng sasakyan. Pinanood ko siyang pumasok ng bahay hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
Pagdating sa bahay ay nakita kong tumatawag si Kaeda. Agad ko itong sinagot.
"Thank you for tonight, President," she said in almost a whisper. "Nakauwi na po ba kayo?"
"Yes," sagot ko. Pumasok ako ng kwarto at umupo sa kama. "Okay na ba ang pakiramdam mo?"
"Opo."
"Good."
Napagitnaan kami ng saglit na katahimikan hanggang sa nagsalita siya.
"Sige po, magpahinga ka na po. Salamat po ulit."
"You, too."
Doon natapos ang usapan namin. I found myself unable to stop smiling.
Kinabukasan ay maaga akong gumising. Nasa kitchen ako at umiinom ng gatas habang nagtitipa ng message kay Kaeda.
Me:
Good morning. I'll pick you up at 9:00. See you!
Ilang sandali pa ay naka-receive ako ng message.
Kaeda:
Okay po.
I had breakfast and then took a shower. I got in the car and started it right away.
Pumarada ako sa tapat ng bahay nila at isang batang lalaki ang lumabas. Bumaba ako at matamis ang ngiti ng bata na sinalubong ako.
"Hello po. Ano pong kailangan n'yo?"
"Dito nakatira si Kaeda, right?" tanong ko.
Tumango siya at sumulyap sa bahay nila. "Opo, nagre-ready lang po si Ate. Pasok po kayo."
Hindi na ako nakatanggi dahil hinawakan na niya ako sa braso at hinila ako papasok. Maaliwalas ang loob ng bahay nila.
Napatingin ako sa hagdan nang narinig ko ang magagaang yabag.
She wore a comfortable outfit, denim shorts and a well-fitted white shirt. My gaze traveled from her head to her toes, admiring her appearance.
"President," tawag niya nang makita ako.
Tumayo ako. Sinilip ko ang dalagita sa likod niya.
"Ate, siya po ba ang boss mo?" tanong nito.
"Yes, Aya."
Ngumiti si Aya at agad na lumapit sa akin. "Hello po."
"Hi," bati ko. "Ilang taon ka na?"
"Thirteen po."
Naramdaman ko ang tingin sa akin ni Kaeda.
"Ang ganda mo po," sabi ni Aya. "Mas maganda ka po sa ate ko."
Natawa ako at ganoon din si Kaeda. "Hindi, ah. Mas maganda ang ate mo."
Umiling si Aya at tumingin sa ate niya. Lumapit siya sa kapatid niya na nagpapasok sa akin dito.
"Ikaw?" tanong ko sa batang lalaki. "Anong pangalan mo at ilang taon ka na?"
"Daichi po. 11 years old."
Lumapit sa akin si Kaeda. "Tara na po?"
Tumango ako at nginitian ang mga kapatid niya.
"Daichi at Aya, iiwan muna kayo saglit ng ate, ha? Magpapa-check up lang ako."
Tumango si Aya, nakatingin pa rin sa akin. "Mag-iingat po kayong dalawa. Ako na po ang bahala na magluto para sa lunch namin ni Daichi."
Kaeda smiled at her. "Thank you, Aya."
Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa sasakyan.
"Ang babait at mukhang responsable ang mga kapatid mo," komento ko. "You're lucky to have siblings like them."
"Opo, bihira nilang pasakitin ang ulo ko."
Nang napansin ko na hindi pa siya naka-seatbelt ay lumapit ako at inayos ito. Amoy na amoy ko ang balat niya dahil sa kakarampot na distansya namin.
Lumayo ako pagkatapos at pasimpleng huminga nang malalim.
Mabilis kaming nakarating sa Avira. Dumeretso kami sa psychiatrist at saktong narito na si Dr. Ravi. Bigla kong naalala na siya ang pinagseselosan ni Rain kay Amihan.
"Ms. Kaeda Saito," tawag ng sa tingin ko ay secretary ng psychiatrist.
Inayos ko kagabi ang pagpunta namin dito. Nakapagpa-sched ako online.
Nginitian ako ng doctor nang napansin na ako ang kasama ni Kaeda. Mukhang kilala niya ako base na rin sa pagngiti niya sa akin.
Nilingon ako ni Kaeda at tinanguan ko siya.
"Thank you," she whispered to me.
Biglang nagtaasan ang balahibo ko dahil sa pagbulong niya sa akin.
Hinintay ko siya sa waiting area. Lumingon-lingon ako dahil baka makita ko rito si Amihan o kaya ay si Rain pero ni anino ay wala.
Tumagal ng kalahating oras ang pakikipag-usap ni Kaeda sa doctor. Paglabas niya ay pansin ko ang namumula niyang mga mata. Sigurado akong galing siya sa pag-iyak.
"What's the diagnosis, doc?" I asked.
"Bipolar 1, Ms. Redston." She gestured for me to enter the consultation room. "She asked me to inform you of the diagnosis. It's the reason why she's prone to gambling. She's seeking an outlet where she feels happy. I also explained to her the bipolar disorder mood graph."
Tumango ako. "Thanks, doc."
"You're also a nurse, right? Please assist her with taking her medications. I've already explained their purposes to her, but just to be certain, please guide her."
"Yes, doc. I will."
Pagkatapos namin mag-usap ay agad akong lumabas. Nakatingin lang si Kaeda sa kawalan.
Nilapitan ko siya at napalunok ako nang bigla niya akong yakapin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top