Chapter 3

Chapter 3

Throughout the night, I could not stop thinking about Kaeda and the incidents in the elevator and my office.

Naninibago rin ako sa kilos ko dahil hindi naman ako ganito sa iba kong naging secretary. Dahil ba crush ko siya noon? Pero nakalipas na ang nararamdaman ko. Ang tagal ng panahon ang dumaan.

Ipinikit ko ang mga mata at pinilit matulog.

Kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo ko. Uminom ako ng dalawang basong tubig bago mag-shower.

Pagdating ko sa Haya ay hinanap agad ng mga mata ko si Kaeda. Wala pa siya sa area niya kaya dumeretso na ako papasok ng office.

Kinuha ko ang remote at pinindot ito para makita ko siya. Ilang minuto pa ay dumating siya pero hindi siya nag-iisa.

Kung hindi ako nagkakamali, professor sa College of Nursing ang lalaki at batch mate rin namin noong junior high school.

Kita rito sa loob ang ngitian at tawanan nilang dalawa. Tumayo ako at lumabas. Naghalukipkip ako sa pinto at nakuha ko ang atensyon nila.

"What's going on here?" I asked, slightly irritated.

Napawi ang ngiti ng dalawa.

"Sorry, President. Hinatid ko lang po si Kaeda. Parang bigat na bigat kasi siya sa laptop na dala niya," paliwanag ng professor na hindi ko tanda ang pangalan. "Good morning po."

Hindi ako bumati pabalik. Kailan pa naging sobrang bigat ng laptop? Kahit bata ay kayang bumuhat kahit malaki pang laptop.

"Alis na ako, Kaeda," paalam ng lalaki sa kanya tapos ay lumingon sa akin. "President."

Tumingin ako kay Kaeda at nag-iwas siya ng tingin. Umalis na ang professor.

"You have a laptop, desktop, and iPad to use in the office. Why bother bringing your laptop?"

"I was listening to the recorded minutes from your previous secretary. Wala po akong magamit na flash drive sa bahay dahil gamit po ng mga kapatid ko. Wala rin kaming WiFi kagabi kaya hindi ako nakapag-send sa email ng mga natapos ko," mahabang paliwanag niya. "Nag-type po ako rito sa laptop in case na hanapin n'yo ang printed minutes."

"Okay," sabi ko at iniwan siya.

Nang umupo ako sa swivel chair ay kita ko na nakatingin siya sa akin pero binalewala ko lang ito. Mahigpit kong ipinagbabawal ang pakikipaglandian sa office dahil madalas itong makaapekto sa trabaho. Kung gagawin nila iyon ay huwag dito sa Haya. Ilabas nila at huwag na huwag nilang ipapaalam sa akin.

A few minutes later, I buzzed her, and she immediately entered the office.

"Do I have a scheduled meeting today?" I asked, not looking at her.

"None, President."

"What about tomorrow?"

"You need to give a message to the testimonial for the PNLE passers."

"Okay, thanks."

Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang lumapit sa akin.

"Galit po ba kayo gawa no'ng kanina?"

Hindi ako sumagot, nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"Kaibigan ko po si David no'ng high school. 'Wag po kayong mag-alala, hindi po ako makikipagharutan dito sa office."

"Mabuti nang malinaw. Nasa job description mo ang notes ng bawal gawin dito sa Haya."

"Opo, nabasa ko po."

"That's the only rule I wanted my employees to adhere to as it will help the company to be more productive."

Tumango siya. Bago siya lumabas ay tumikhim ako kaya napatigil siya.

"Can you make me a coffee? I don't want you to buy one, make me," I requested.

Tumango siya bago tuluyan lumabas. Nang naiwan akong mag-isa ay lumabas ako ng office. Pumunta ako sa Human Resources Department sa ibabang floor at agad naman akong in-entertain ng HR team.

"Yuri, please show me Professor David's files from the College of Nursing," I requested.

"Sure, Ms. President."

Inutusan niya ang mga staff niya at nang agad mahanap ay ibinigay ng isa sa kanila sa akin ang files ng nasabing professor.

Binasa ko ang personal data niya at same age namin ni Kaeda. Tama ako na batch mate namin siya.

Napahinga ako nang maluwag pero hindi pa rin maalis ang inis sa akin.

Pagbalik ko ng office ay saktong kalalapag lang ng kape ni Kaeda sa table ko. Nagkatinginan kami at siya ang unang nagbawi.

"Nagtimpla po ako sa pantry," pagbibigay-alam niya.

"I want you to make coffee for me every day," I said as I sat in the swivel chair, still gazing at her.

She had a way with clothes, much like my cousin Tamiya. She was dressed in a black frill tie-neck long-sleeve blouse and apricot long trousers paired with white high-heeled stiletto shoes. Her hair was pulled back in a high ponytail.

Nang lumabas siya ay napatingin ako sa baso na pinaglagyan niya ng kape ko. It was a cup with a printed maple leaf, indicating that it belonged to her.

In high school, I had a huge crush on her and even looked up the meaning of her name, one of which was maple.

Napangiti akong inalala ang araw na iyon.

"Amihan, mas maganda talaga sa 'yo si Kaeda. Nakita mo ba siyang maglaro kanina?" Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Amihan habang hawak niya ang ice cream na dinidilaan pa niya.

Si Yan ay nasa tabi niya at naiiling na pinanonood kami. "Why don't you talk to Kaeda and tell her that you like her? It's not right to have feelings for her without taking action."

Binitiwan ko si Amihan na tahimik na humagikgik sa tabi ni Yan, simpleng sumasang-ayon sa sinabi ni Yan.

"It's not easy, Yan."

"Nothing in this world is easy for everyone," she said. "But if I were you and I really liked someone, like how you like Kaeda, I wouldn't stay silent. I would tell her that I like her."

Nagpatuloy si Yan sa pagsermon sa akin pero hindi ko siya pinakinggan. Nakatingin lang ako sa picture ni Kaeda na kinuha ko pa sa bulletin board ng organization nilang volleyball players. Nakaupo siya sa bench at may hawak na bola habang nakangiti.

Napakaganda niya talaga.

Pag-uwi ko sa bahay ay agad akong nagbukas ng laptop. I looked up her name, and it said Maple.

Kumuha ako ng papel at naglaro ako ng Flames. Lumabas sa pangalan namin ay 's' na ang ibig-sabihin ay siblings. Ilang beses ko pang inulit at iyon talaga ang lumalabas.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Sabay-sabay kaming pumasok nila Amihan at Yan. Napansin nila na wala ako sa mood.

"What's the problem, Sol?" Yan asked.

"Oo nga. Kanina ka pa wala sa sarili," komento ni Amihan.

"Naglaro ako ng Flames. Lumabas sa amin ni Kaeda ay siblings," naluluha kong sabi.

Nang tingnan ko silang dalawa ay hindi makapaniwala ang itsura nila.

Pagdating ng tanghali ay napatingin ako sa area ni Kaeda. Nakapangalumbaba siya roon at hindi pa nagre-ready ng pagkain niya. Tumayo ako at nilapitan siya.

"Do you have plans for lunch?" I asked.

She smiled and stood up. "Yes po. Hinihintay ko lang po si Sir David. Nag-aya po kasing kumain ng lunch sa labas."

Kumunot ang noo ko. David na naman?

"It's not a date, President. Magkaibigan lang po talaga kami simula high school."

"I need you to have lunch with me because I also do not have food, and besides, you are my secretary."

Since then, it had been my rule not to eat with my secretary, but now I wanted to change that.

"Starting today, we will have lunch together. Is that clear, Ms. Saito?"

Bago pa siya makapagsalita ay nilagpasan ko na siya. Sinundan niya ako at hinabol. Pagsakay sa elevator ay kita ko ang mabilis niyang pagtitipa sa phone niya. Nang tingnan ko siya ay agad niyang itinago ang cell phone.

"We have a meeting with the accreditation committee tomorrow, don't we?"

"Yes po."

"What time is that?"

"1 p.m., President."

"Okay. The testimonial?"

"9 a.m."

Sa parking one kami bumaba at pinagbukas ko siya ng pinto ng sasakyan. Nagtataka ang mukha niya dahil sa ikinilos ko pero hindi ko iyon pinansin.

Naghanap kami ng malapit na restaurant at napili namin ang Maria's. Iginiya kami ng waitress sa isang malapit na table na may nakapalibot na halaman at naupo kami.

The food consisted of Filipino cuisine. Inabot ng waitress sa kanya ang menu at isa rin sa akin. Habang nagtitingin sa menu ay tumikhim ako.

"How are you?" I asked.

Sa peripheral ko ay kita ko ang pag-angat ng tingin niya sa akin.

"Kumusta ka bilang secretary ko?" mas pinaliwanag kong tanong, pero iyon talaga ay para kumustahin siya kung okay lang siya dahil sa mga pangyayari sa personal niyang buhay. "Hindi ka ba nahihirapan sa trabaho?"

"Sa unang araw po mahirap kasi malaking adjustments. Pero sa mga sumunod na araw ay naging madali na po ang lahat."

"Good to know. You're able to adapt quickly."

Muli kaming napagitnaan ng katahimikan. Nang hindi na ako nakatiis ay muli akong tumikhim.

"Do you like David?"

Naibaba niya ang menu at tumingin sa akin. Inangat ko ang tingin at kita ko sa mga labi niya ang pagpipigil ngumiti.

"No, President."

"You don't like him, so why do you want to have lunch with him?"

"Because he asked me to," she explained.

"So he likes you?"

She shook her head quickly. "Hindi po. Magkaibigan lang po talaga kami."

"May magkaibigan na isa sa kanila ang nagkakagusto, at kung minsan, may magkaibigan na nagkakatuluyan."

"Hindi po mangyayari sa amin ni David 'yan," sagot niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top