Chapter 2

Chapter 2

Walang umiimik sa amin kahit nang nasa sasakyan na kami. Ramdam na ramdam ko pa rin ang pagsubsob ng mukha niya sa dibdib ko. Hinayaan ko na lang dahil hindi ko rin alam kung paano magsisimula ng conversation pagkatapos nang awkward na nangyari.

We arrived at Fortress and parked the car before being approached by the valet. After handing over the key, Kaeda and I walked into the hotel together.

Today, we were scheduled to meet the CEO, Mrs. Tamiya Altamirano.

Her assistant welcomed us and led us to her office. I glanced at Kaeda, who was busy taking in the surroundings.

A woman in her thirties stood by the floor-to-ceiling window, gazing at the buildings surrounding her own.

"Mrs. Altamirano, Ms. Redston has arrived," the assistant announced.

Umikot si Mrs. Altamirano at hindi ko napigilan mapalunok dahil sa mas lalo siyang gumanda. She sported a stylish long bob haircut that accentuated her beautiful face, and her fashion sense shone through her clothing choices.

Lumapit siya sa amin at inilahad ang kamay niya. "It's wonderful to see you again after all these years, Ms. Redston."

"Likewise, Mrs. Altamirano."

Iginiya niya kami sa sofa at dito ay pinaupo ko si Kaeda sa tabi ko. Lahat ng mahahalagang usapan namin ni Mrs. Altamirano ay nai-type niya sa iPad at ganoon din naman ang assistant ni Mrs. Altamirano.

Pagkatapos namin makapili kung saan gaganapin ang birthday ni Daddy ay tumayo na rin si Mrs. Altamirano. "Thank you very much for trusting me and my company. We will ensure that you enjoy our service during your stay next month."

Ako naman ang naglahad ng kamay sa kanya at sinulyapan ko si Kaeda na tahimik pa rin na pinanonood kami.

Pagkatapos ng meeting ay naiwan kami ni Mrs. Altamirano sa office dahil pinalabas niya muna sina Kaeda at ang assistant niyang si Lea.

She gave me an annoying laugh before standing and looking at the building in front of hers.

"I'm not used to playing a game of not knowing whom I'm talking to, especially if it's a cousin of mine," I said.

She gave me a smirk and crossed her arms across her chest. "But you do know how to play with your own heart, don't you?"

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"You like your secretary. You keep on eyeing her."

"What? No!"

She laughed again.

"Since you're in high school, I already know you like girls. Did you forget that you told me about your crush named Kaeda? Your secretary now, she's that Kaeda, am I right?"

Natigilan ako. Mas lalong lumakas ang tawa niya.

Wala pa rin talaga siyang pinagbago. Dati ay ayaw na ayaw ko sa kanya dahil sa pagiging pranka niya pero wala akong choice dahil pinsan ko siya sa mother side. Pero habang tumatagal ay nagugustuhan ko siya dahil hindi pala talaga masama ang ugali niya, lagi lang siyang nagsasabi nang totoo na ayaw ng maraming tao dahil kahit makakasakit ay sinasabi niya.

"Solana, she's stunning. If I were you, I wouldn't be afraid of what others might say. I would pursue her. Plus, you two have a history."

"My own history. She didn't know I was the one who gave her a letter when we were in high school."

"You've been hiding yourself for so many years."

"You're overreacting. I don't have feelings for her anymore. We just met again, and now she's my secretary."

Her eyebrow arched as she looked at me. Then, she just shrugged and returned her gaze to where she had been looking.

Pagkatapos namin mag-usap ay lumabas na ako. Sinabayan ako ni Kaeda, tahimik na naglalakad sa tabi ko.

"Are you hungry? Let's eat somewhere."

"Hindi naman po," sagot niya. "Pero okay po."

Pagsakay na pagsakay namin sa sasakyan ay nilingon ko siya. Nakatingin lang siya sa bintana, mukhang malalim ang iniisip.

"Are you okay?" I asked.

She looked at me. "Yes, I'm okay, President."

I nodded and drove to the nearest restaurant. While waiting for our orders, I noticed Kaeda doing something on her phone.

"Do you need help with money? I may be able to help you," I offered.

Kumunot ang noo niya, halatang nagulat sa offer ko. Uminom ako ng tubig. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na narinig ko siyang umiiyak sa restroom.

"Hindi po. Bakit n'yo po naisip na kailangan ko ng pera?"

"You said you lost everything in gambling," I said as she avoided eye contact.

Bumakas sa mukha niya ang lungkot at panghihinayang.

"Thank you po sa pagmamagandang-loob, pero hindi po ibig-sabihin ay hihingi ako ng tulong sa inyo. Kakasimula ko lang din po bilang secretary n'yo, Ms. Redston."

Napabuntonghininga ako. Hindi ko rin alam kung bakit bigla ko na lang iyon nasabi. Masyado na yata akong nagiging pakielamera sa personal niyang buhay.

Tahimik kaming kumain dahil hindi ko rin naman alam kung paano magbubukas ng usapan. Pagkatapos namin mag-lunch ay pumunta na kami sa sasakyan para bumalik sa office.

"Mrs. Altamirano is my cousin on mother's side," I told her. "She has been close to me since high school. She was the one I shared my secrets with, besides my friends Yan and Amihan."

Nakuha ko ang atensyon niya. Ramdam ko ang paglingon niya sa akin.

"Mayroon akong crush no'ng junior high school, pero hindi niya ako kilala," simula ko.

"Bakit po hindi ka niya kilala?" tanong niya.

Pagak akong tumawa. "Kasi hindi ako nagpakilala. Naduwag ako."

"Sayang. Paano kung nagpakilala ka at nagustuhan ka rin?" mahina niyang sabi. "Kung ako 'yong lalaki, siguradong magugustuhan ko kayo."

"Bakit mo nasabing magugustuhan mo ako?"

"Kasi mabait ka, at maganda," paliwanag niya. "Hindi pa kita nakikilala nang lubos pero sa iilang araw na nagtatrabaho ako kasama ka, lahat ng taong nakakasalamuha mo, pinakikitunguhan mo nang maayos."

Napailing ako dahil sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay nag-aapoy ang pisngi ko dahil sa papuring sinabi niya.

"Nakikita mo pa po ba siya ngayon?"

Tumango ako.

"You should take a chance with him. It's never too late."

"I can't," I said.

"Why?"

"I forbid office romance." Natigilan ako sa sinabi ko.

Nang tingnan ko siya ay nagulat din siya.

"Sa Haya rin nagtatrabaho?" tanong niya.

Hindi ako makasalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nai-hang ko na lang siya roon.

Alam kong iisipin niya kung sino ang taong tinutukoy ko pero wala naman akong masyadong ibinigay na impormasyon kaya hindi niya maiisip na siya.

Pagdating namin sa Haya ay agad akong humiwalay kay Kaeda. Pagkaupong-pagkaupo ko ay tumingin ako sa area niya at nakatingin din siya sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin at pinindot ang remote para hindi niya ako makita sa labas.

My office was equipped with smart glass window tint that could be adjusted with just a click to make the outside view impossible to see.

Mga dalawampung minuto ang nakalipas nang may kumatok sa pinto.

"Come in," I said.

Kaeda entered with a serious expression, carrying a cup of coffee. After placing the coffee on the table, she left as if nothing had happened.

I called her using the buzzer, and she returned to the office immediately.

"What's wrong?" I asked, bothered by her actions.

Umiling siya at sinenyasan ko siyang maupo sa harapan ko. Sumunod naman siya.

"Did something happen?"

"Wala po, President. May iniisip lang po ako."

"Your gambling?"

Mabilis siyang umiling. "Hindi po."

"Ang sinabi ko kanina? Iniisip mo ba kung sino?"

"Si Sir Hubert?"

Natawa ako dahil sa reaksyon niya.

"Nope, Hubert is a relative. All of the Board of Directors here are Redstons, Kaeda."

"Imposible naman po na magkagusto kayo sa normal na employee lang. Kaya ang iniisip ko ay sino sa mga board of directors."

Mas lalo akong natawa. Nakita ko na lang ang sarili na tumayo at nilapitan siya. Inayos ko ang buhok niya na medyo magulo at pagtingin ko sa mga mata niya ay natigilan siya.

"Your hair is kind of messy," I said as I smoothed it with my hand.

Napatayo siya. She stepped back and looked away. I could see her face reddened because of my actions.

I stepped back and sat in the chair.

Tumikhim ako at muli siyang tumingin sa akin. "'Wag mo nang isipin ang taong 'yon. Nakalipas na ang naramdaman ko sa kanya."

Tumango siya. Nagmamadali siyang lumabas ng office at naiwan akong mag-isa.

What was that?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top