Chapter 19
Chapter 19
"What are you doing here, Calix? I already told you to stop," I said, frustration evident in my voice.
I shot a glance at Kaeda. Her curious gaze lingered at the office entrance even though she could not see inside. Pinindot ko ang remote at hinayaan siya na panoorin kami.
"Hindi ko kaya ang sinasabi mo, Solana," sagot niya.
I tightly shut my eyes and then reopened them. He presented me with a bouquet of flowers, but I declined. He placed it on the table and seated himself across from me.
"Why can't you give me another chance?"
"I'm not available, Calix. I'm already in a relationship," I admitted.
Nagulat siya sa sinabi ko. Umawang ang bibig niya pero agad niya itong itinikom, halatang naghahagilap siya ng sasabihin.
"No. You're joking, right?"
I shook my head. Napalunok siya. Nakaramdam ako ng awa pero hanggang doon na lang iyon.
"I'm sorry, Calix."
He shook his head. "Who's the lucky guy?"
Girl, I wanted to say.
Pero tumahimik na lang ako. Hindi ko na kailangan sagutin ang tanong niya dahil masyado na itong personal.
"Ibaling mo na lang ang atensyon mo sa iba."
"Sana ganoon kadali."
I let out a heavy sigh, and silence fell between us. Suddenly, he reached across the table and took the flowers and gift. Walang salita siyang lumabas at itinapon niya sa basurahan ang mga dala.
Nang tingnan ko si Kaeda ay nagtatanong ang mga mata niya.
Pumasok siya ng office. Ininom ko na ang kape na halos lumamig na. Pinindot ko ang remote at awtomatikong lumapit siya sa akin. Sumandal siya sa table at naghalukipkip.
"Anong sinabi mo?" curious niyang tanong.
"I'm already in a relationship with someone."
A smile spread across her lips as she inched closer to me and gently held both of my shoulders.
"Good," she said with a twinkle in her eyes. "Siguro naman titigil na siya."
Nagkibit-balikat ako. Hahalikan ko sana siya nang biglang may kumatok sa pinto. Ako naman ang napataas ang kilay pagkakita sa dumating.
"Konting-konti na lang sasapakin ko na 'yan," gaya ko sa sinabi niya kanina nang dumating si Calix.
Kumawala siya sa akin at binuksan niya ang pinto. Tiningnan ko ang oras at sampung minuto na lang ay mag-uuwian na. Lumabas si Kaeda at naupo sa table niya. Bumalik siya sa trabaho at si David naman ay naupo sa tapat ko.
"Good afternoon, president," he greeted.
Tumango lang ako.
"I have a request regarding the seminar my colleagues and I must attend. All the necessary information is included in this document." Iniabot niya sa akin ang letter.
Kinuha ko ito at walang gana na tumingin sa kanya.
"Thank you po," paalam niya bago lumabas.
Uwian nang naisip ko na mag-shopping kasama si Kaeda. Paglabas ko ng office ay nilapitan ko agad siya.
"Let's go to the mall and then do some shopping."
Iniligpit niya ang mga folder sa mesa niya bago ako nilingon. Inilibot niya ang tingin sa paligid at mabuti ay nakauwi na ang lahat ng employees sa floor na ito.
"Okay. Bakit bigla mong naisipan?"
"Sa inyo na ako titira," desisyon ko.
Unti-unting kumawala ang ngiti sa mga labi niya. Nabigla ako nang bigla niya akong yakapin. "Talaga?"
"Payag ka ba?"
"Payag na payag!" excited niyang sabi.
Lumabas kami ng office. Kahit nang nasa sasakyan na kami ay ngiting-ngiti pa rin siya. Dumeretso kami sa mall at inuna namin mag-shopping bago mag-grocery. Pumasok kami sa unang boutique na nakita namin at bumili ako ng mga damit ko. Kada lapitan at tingnan niya na damit ay pasimple kong inilalagay sa cart ko.
Sobrang na-enjoy ko ang pamimili kasama siya. Pag-uwi sa kanila ay pagod na pagod kaming pareho.
Umupo kami sa sofa. Nasa lapag ang mga pinamili namin. Bumaba sina Aya at Daichi, nagtataka ang tingin na ipinukol sa amin ni Kaeda.
"Ang dami n'yong pinamili, ate," komento ni Daichi. "Tulungan po namin kayo mag-ayos."
Tumango si Kaeda pero hindi pa rin kami kumilos. Nagkatinginan kami at nagngitian. Umupo sa harap namin ang dalawa.
"Dito ka na po ba titira, boss?" tanong ni Aya sa akin, nakatingin sa mga paperbag na pinamili namin.
"Yes," sagot ko.
"Talaga po?" tanong ni Daichi.
Tumango ako. Napangiti ako nang bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Tumingin ako kay Kaeda na masayang pinanonood kami.
"'Wag na 'wag po kayong magsasakitan ni ate, ha? Mahal po namin kayo pareho," sabi niya na ikinagulat ko.
Nang muli kong tingnan si Kaeda ay nginitian niya ako. "I told them and explained what we have, and they understood it."
Nag-dinner muna kami bago namin inayos ang mga pinamili. Lumabas sina Aya at Daichi ng kwarto ni Kaeda at naiwan kaming dalawa.
"How did you tell them?" I asked.
"Sinabi ko lang, at sabi nila, alam na nila. They've seen same-sex relationships in real life and movies. Hindi ko na kinailangan mag-explain sa kanila."
"How did they react?"
"They're both super happy. Nadagdagan daw ng isa pa ang ate nila."
Pakiramdam ko ay hinaplos ang puso ko dahil sa sinabi ng mga bata. Tinabihan ko siya sa kama at hinawakan ang kamay niya.
"Buti pa ang mga kapatid mo marunong umintindi, ang mommy at uncles ko, hindi."
Natahimik siya dahil sa sinabi ko. Minsan talaga, mas nakakaunawa pa ang mga bata kaysa sa matatanda. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay sila lagi ang makakaintindi sa 'yo.
"We just need to be patient until they accept us, even if it takes time," she said.
"Paano kung hindi? Iiwan mo ba 'ko?"
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Hindi, kasi mahal na mahal kita, Solana."
My tears welled up, and I hugged her tightly. After our conversation, we went downstairs to the living room and watched a movie with the kids.
A week had passed, and we were getting to know each other better. Wala kaming naging away, walang tampuhan, pero may iyamutan kapag dumadating si David at Calix sa office. Kahit ano yatang taboy sa kanilang dalawa ay hindi sila matinag.
Parehong-pareho sila na hindi napapagod. Naisip ko nga minsan kung bakit hindi na lang sila.
At lunchtime, I had visitors. Pinilit kong kalmahin ang sarili nang makita si mommy na nagmamadaling pumasok sa office. Hinanap ng mga mata ko si Kaeda at wala siya sa upuan niya.
"Stella," mariing sabi ni daddy.
"This should be stopped, Clark," Mommy said sternly.
Lumapit siya sa table ko at inihagis ang mga picture rito. Napalunok ako nang makita ang mga picture namin ni Kaeda sa iba't-ibang lugar na pinupuntahan namin. There were even sweet pictures of us holding hands and kissing.
"Explain all of this to me, Solana."
Hindi ko alam ang sasabihin. Nang tingnan ko si Kaeda ay nasa upuan na niya ulit siya.
Nilingon din siya nila mommy at daddy.
"Kaya pala hindi mo magawang umuwi sa bahay dahil sa bahay ng babae na 'yan ka umuuwi. Hindi ka na nahiya! Kababae mong tao, babae rin ang gusto mo!"
Parang kutsilyong isinaksak sa dibdib ko ang mga salitang binitiwan niya.
Nagtubig ang mga mata ko pero pinigil ko ang pagbagsak ng luha ko.
"Stella, stop this," Dad ordered, his voice authoritative.
"You're the one who needs to stop, Clark. You keep tolerating your child's wrongdoings—"
"She's not doing anything wrong!" Daddy interjected.
Doon na bumagsak ang luha ko. Gusto kong lumabas at puntahan si Kaeda pero nanlalamig ang katawan ko at hindi ako makagalaw. My mom hired someone to follow me and Kaeda and capture photographs of us.
"You need to fire that girl, Solana."
I shook my head. "You're not the president to decide on things like this."
Lumapit sa akin si mommy at sinampal ako. Pakiramdam ko ay nanikit ang palad niya sa pisngi ko dahil sa lakas noon.
"You're so ungrateful. You did things I never imagined you were doing, and now you're going to answer me like this? How dare you!"
Kinagat ko ang ibabang labi pero hindi ako nagpatinag.
"Break up with that girl, or else..."
"Or else what?"
"Itatakwil kita at kakalimutan kong may anak ako na isang tulad mo."
Bumuhos na ng tuluyan ang luha ko.
"Dahil sa pakikipagrelasyon ko sa kapwa ko babae nagkakaganyan ka?"
"Kahihiyan ang dulot mo sa pamilya natin, Solana!"
"You're overreacting." Napailing ako. "Dad, please talk to her."
"Stella," Dad said sternly. "Let's go."
Hindi pa rin nakinig si mommy kay daddy. Kinuha niya ang isang picture sa table na magkahalikan kami ni Kaeda sa parking dito sa Haya.
Lumabas siya at agad ko siyang sinundan. Nagtataka si Kaeda nang makita si mommy sa harapan niya na galit na galit.
"Stay away from my daughter, or you'll regret being in a relationship with her."
Inilibot ko ang tingin, narinig ng mga employee ang sinabi ni mommy.
"Stella! You should have talked to her inside the office instead of causing a scene!" Dad said angrily.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top