Chapter 18
Chapter 18
"Bakit ba kasi hindi ka nagpakilala?" Inayos niya ang buhok ko na humarang sa mata ko.
"Para may sense of mystery."
She shook her head and poured some tequila into my glass. I grabbed some salt, licked it, and then downed the tequila. Inilagay ko sa bibig niya ang lemon saka ko ito sinipsip. Natawa siya dahil sa kalokohan ko.
"Kaka-sense of mystery mo, na-turn down tuloy kita." Bumuntonghininga siya.
"Why? Will you ever like me? No, right?" I poured tequila into my glass once more and swirled it. "Ayaw mo nga sa babae."
Nilingon ko siya sa tabi ko, nakasandal sa gilid ng kama katulad ko. Nakapikit siya kaya napagmasdan ko ang maganda niyang mukha. Pumangalumbaba ako sa kama paharap sa kanya.
"Hindi mo lang alam pero gustung-gusto kita noon."
I was taken aback by her words. She slowly opened her eyes and smiled at me.
"Kaya gano'n ang sagot ko sa letter mo dahil may nagugustuhan na ako, at ikaw 'yon. Ayokong magka-girlfriend kung hindi rin lang naman ikaw. Pero naisip ko no'n na malabo na magustuhan mo ako dahil sa estado ng buhay natin."
Napalunok ako, hindi makapaniwala sa naririnig mula sa kanya.
"I never had a boyfriend or girlfriend, Solana," she admitted. "Maliban sa busy ako pagtataguyod sa mga kapatid ko, wala akong ibang nagustuhan kundi ikaw."
Mariin siyang pumikit at lumandas ang luha sa pisngi niya. Mabilis niya itong pinunasan.
"Naalala ko pa no'ng JS prom, may nagbigay sa 'yo ng bulaklak, alam mo ba na iyak ako nang iyak kasi bibigyan sana kita no'n pero naunahan ako ni Josh. Tapos sumunod si Calix."
Bumalik sa isip ko ang pagbibigay ng bulalak ni Josh at Calix sa akin.
"Sobrang nanliit ako sa sarili ko kasi hindi ako makalapit sa 'yo."
Inabot ko ang kamay niya at marahan ko itong hinalikan.
"'Ni bulaklak, hindi kita mabilhan. Kaya no'ng nagkapera ako at saktong JS prom, bumili talaga ako pero hindi ko naman naibigay. Nawalan ako ng lakas ng loob."
Tuluyan ko na siyang hinarap at pinunasan ang luha niya. Tumingin siya sa mga mata ko.
"Gustung-gusto na kita noon pa man, pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na umamin sa 'yo."
Niyakap ko siya at hinaplos ang kanyang likod. Hindi ko na rin napigilan ang luha ko. Nai-imagine ko pa kung gaano siya nahihiyang lumapit sa akin noon kahit ang totoo ay siya ang pinaka may karapatan sa lahat ng nagkakagusto sa akin dahil siya ang gusto ko.
"Sorry. Sana umamin ako no'n para hindi ka nahirapan."
Umiling siya. "Hindi ka dapat mag-sorry. Kung nalaman ko na ikaw ang sumulat sa akin, baka naging tayo agad at napaghiwalay agad tayo ng mga magulang mo."
Kumalas ako sa yakap at naisip ang sinabi niya. Tama siya pero kung nangyari iyon, sisiguraduhin kong hindi ko siya hihiwalayan. Ilalaban ko siya sa mga magulang ko kahit sa murang edad.
"'Wag mo akong iiwan," sabi niya. "Ikaw ang lakas ko, Solana."
Nakagat ko ang ibabang labi. Biglang bumalik sa isip ko ang sakit niya. Hindi man niya sabihin sa akin pero alam kong nabibigatan siya sa nangyayari.
"Hindi kita iiwan kahit anong mangyari."
Mas lalo siyang umiyak at niyakap ko siya. When she stopped crying, I went back to drinking and thought of things to do to make her laugh.
"Uminom ka na ng gamot," sabi ko sabay tingin sa oras sa phone ko. Napansin ko ang hindi mabilang na missed calls ni mommy.
Sinunod niya ang sinabi ko. Pagbalik niya sa tabi ko ay naka-wash na rin siya. Mabuti ay nakapag-wash na ako kanina noong nagpe-prepare siya ng dinner.
Umupo siya sa tabi ko, at bigla ko siyang hinigit palapit sa akin. Binudburan ko siya ng asin sa leeg at dinilaan ito, saka ko ininom ang shot ko. Nang tingnan ko siya ay nabigla siya sa ginawa ko.
Hindi pa ako natapos at itinaas ko ang damit niya. Nilagyan ko ng asin ang tiyan niya at dinilaan ito. She laughed because I tickled her, and I smiled when I saw her laugh.
I helped her stand up and then kissed her. I gently pushed her onto the bed and took off her clothes. Bumaba ang halik ko sa leeg niya papunta sa dibdib. Mabilis kong tinanggal ang bra niya pagkatapos ay walang sabi-sabi na isinubo ko ang nipple niya. Napaungol siya at napaigtad ang katawan.
Bumaba ang halik ko hanggang sa mapunta ito sa pagkababae niya. I started licking her clitoris, and she arched her body sensually as I ate her. Sucking on her clit, she groaned and pulled my hair. Napangiti ako nang sinalubong niya ang paggalaw ko sa pagkababae niya.
I continued what I was doing until she orgasmed. Laying beside her, I kissed her forehead.
Sobrang bilis ng pangyayari pero sinigurado kong nag-enjoy siya.
I woke up with a splitting headache as the morning light filtered through the window. As I rubbed my temples, I realized Kaeda was not beside me. I dragged myself to the bathroom, hoping a shower would help clear my head before going to the kitchen. Hindi nga ako nagkamali na nandito sila at hinihintay ako para sa breakfast.
Hinalikan ako ni Kaeda sa noo na ikinagulat ng mga kapatid niya. Kita ko ang pagkibit-balikat ni Aya.
We followed our usual routine and worked at Haya until the afternoon when my parents arrived. Nabago ang mood ko pagpasok ni mommy sa office kasunod si daddy.
Agad kong pinindot ang remote. Nakita ko pa na nakatingin dito sa loob si Kaeda. Umupo sina mommy at daddy sa sofa, hindi maipinta ang mukha ni mommy samantalang si daddy ay ngiti ang ibinungad sa akin.
"Anak, how's your day?" my dad asked gently.
I smiled and looked at him. "Better, Dad."
"Why didn't you come home last night?" Mommy asked.
Napawi ang ngiti ko, naalala rin ang hindi mabilang na missed calls niya. "We already discussed this, didn't we, Mom?"
"Nagmamalaki ka na ba, Solana? Who allowed you to do as you please and disregard my instructions?"
"Ano ba ako, mommy? Tauhan lang sa Haya? Utusan sa kung anong gusto n'yong mangyari?" controlled ang boses kong sabi.
"What I wanted you to do is simple. You just have to meet Dax's parents—"
"Simple? You're pressuring us into marriage even though we don't have feelings for each other," I interrupted. "Did you even talk to Dax about whether he wants to marry me? Have you considered our feelings before making decisions like this?"
Hindi siya nakasagot.
Lalabas sana ako ng office nang muli siyang magsalita. "This is for your own good."
"You should have come home to inform your uncles in person that you don't agree with what they want to happen."
"Bakit mo ba kinakampihan ang anak mo?"
"Hindi ko kinakampihan si Sol, Stella," tanggi ni daddy. "May karapatan siyang magdesisyon para sa sarili niya."
"You don't understand, Clark—"
"Ano ang hindi ko maintindihan? I said that we shouldn't invite Dax and his parents without Solana's approval, but you went ahead and did it. You even invited my brothers."
Inikot ko ang swivel chair patalikod sa kanila, hinihintay na matapos sila pagtatalo. Nang tapos na sila ay saka ko sila hinarap.
"We're finished discussing this, Mom. I have a busy day ahead, so if you don't have anything important to say, please go home," I stated firmly.
"Let's go, Stella," Dad interjected.
Mom shook her head. "If you don't listen to me, Solana, we'll start planning your wedding immediately."
Magsasalita pa sana ako nang biglang tumayo si Mommy at umuna na paglabas. Sumunod sa kanya si Daddy at mariin akong napapikit.
May kumatok sa pinto at pagmulat ko ay si Kaeda. Napangiti ako nang pumasok siya ng office at mabilis na lumapit sa akin. Inilapag niya ang tinimpla niyang kape at yumakap sa akin.
"Okay ka lang?" malambing niyang tanong.
Marahan akong tumango at tiningala siya. Ngumuso ako at hinalikan niya ako sa labi.
"Sarap naman," bulong ko.
Ngumiti lang siya at mas hinigpitan ang yakap sa akin. "Anong nangyari?"
"Gano'n pa rin. Pinagpipilitan nila sa akin si Dax."
Naramdaman ko ang halik niya sa ulo ko. Napapikit ako.
"Napakagulo ng pamilya ko, Kaeda. Kaya mo ba kahit ganito kahirap?"
I heard her sigh. "Oo naman. Basta ba hindi mo ako bibitiwan."
"Bakit ko naman gagawin 'yon?" Kumalas ako sa yakap.
"Baka magbago ang isip mo. Baka maisip mo na gusto mo pala talaga sa lalaki, na gusto mong magkaanak."
Tumaas ang kilay ko. "Kung anak lang naman, kayang-kaya nating gumastos kahit isang dosena pa."
Ngumuso siya. Yayakapin niya sana muli ako nang biglang may kumatok sa pinto. Napataas ang kilay niya dahil nandito si Calix at may dalang bouquet ng bulaklak.
"Konti na lang, Solana, sasapakin ko na 'yan." Uminom siya sa kapeng para sa akin bago lumabas ng office. Muntik pang tamaan si Calix ng pinto dahil sa bigla niyang pagbukas nito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top