Chapter 17
Chapter 17
I held back my tears, shocked by her actions. As I prepared to leave the office, she took my hand, pulling me to face her.
"You don't like girls. You must like men," she said firmly.
Kumalas ako sa hawak niya at hinarap siya. "We don't know whom we'll like or fall in love with."
Frustrated siyang napaupo. Minasahe niya ang sintido habang nakasandal sa sofa.
"Ano bang kalokohan ang sinasabi mo, Solana?"
"Hindi kalokohan ang sinasabi ko, mommy."
She let out an exasperated groan and turned her angry eyes toward me.
"Hindi ako papayag na mapunta ka sa babae. Ngayon, mas lalo mong kailangan na pakasalan si Dax."
"I can't do it."
"You can! And everything is going to be normal—"
"Are you saying that liking girls isn't normal, or I am not normal?" I cut her off.
Pakiramdam ko ay sasabog ang utak ko dahil sa tinatakbo ng usapan.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Mamayang gabi, uuwi ka sa bahay at makikipag-meet tayo sa parents ni Dax."
Umiling ako. "You can't just order me around like this! Wala kayong makikitang Solana sa bahay mamayang gabi."
Tumayo siya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at iniharap ako sa kanya.
"I need you to come home later and never bring shame to me, do you understand?"
Hindi ako sumagot, nanatiling nakatingin sa mga mata niya. Sobrang init ng palibot ng mga mata ko na parang gusto ko na lang sumabog.
Umalis siya at napaupo ako sa sofa. Ilang sandali pa nang pumasok si Kaeda. Sinalubong niya ako ng yakap at hindi ko na napigilan ang luha ko. Mas lalo akong naiyak nang halikan niya ang gilid ng ulo ko.
"Shh... I'm here."
Mariin kong kinagat ang ibabang labi. Bumalik sa isip ko ang pagsampal sa akin ni mommy at ang pagtingin ko kay Kaeda kanina. She saw everything.
"Hindi niya ako tanggap."
Kumalas siya sa yakap at pinatingin ako sa mga mata niya. "Solana..." malambing niyang bigkas sa pangalan ko. "May mga tao na hindi tayo matatanggap at ang masakit pa ay minsan ang pinakamalalapit pa sa atin, pero ang mahalaga nagpakatotoo tayo."
Napapikit ako.
"Anong nangyari?" tanong niya.
I pulled her to the sofa, and we sat down. "She wanted me to marry Dax," I said, not wanting to hide it from her.
Kita ko ang paglunok niya. "Naalala mo ang lalaking kasama ng daddy ko?"
Tumango siya.
"Pinagpipilitan ng mga uncle ko at ni mommy na magpakasal ako sa kanya."
Nanatili siyang tahimik.
"What did you say?"
"I can't." Hinawakan ko ang mga kamay niya at hinalikan ito. "I can't, Kaeda. I have you." Madamdamin akong tumingin sa mga mata niya. "Ano sa tingin mo ang sasabihin ko ngayong nasa buhay na kita? Ang tagal kitang hinintay."
Kinagat niya ang ibabang labi.
"Gusto ni mommy na umuwi ako sa bahay mamaya. Nando'n daw ang parents ni Dax."
Nanatili siyang nakikinig sa akin.
"Hindi ako pupunta." Hinawakan ko ang pisngi niya at hinaplos ito. "Gusto kitang makasama mamayang gabi."
"Mas lalong magagalit ang parents mo."
Umiling ako. "Si mommy, oo. Pero si daddy, hindi."
"Okay lang sa 'yo na magalit ang mommy mo?"
"Wala akong choice. Hindi ko gusto ang gusto nilang mangyari. Ayokong maging puppet na susunod na lang sa kung anong gusto nila."
"Pa'no kapag pinilit ka nila?"
"Hindi ako papayag." Humigpit ang hawak ko sa kamay niya. "You are my girlfriend. Why would I get married to someone I don't know?"
Bumagsak ang tingin niya sa kamay naming magkahawak.
"Kaya 'wag mo akong iiwan, ha?"
Tumingin ulit siya sa akin at marahang tumango. Bumuntonghininga siya at niyakap ako. Sumubsob ako sa leeg niya, pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ngayong araw.
Makalipas ang ilang minuto ay lumayo ako sa kanya. "Paano kung ikaw ang nasa sitwasyon ko? Anong gagawin mo?"
"Susundin ko ang gusto ng parents ko—"
Sinamaan ko siya ng tingin. Natawa siya at muli akong niyakap. Kumalas siya at sumandal sa sofa.
"Biro lang," bawi niya. "Akala ko sa mga teleserye at mga libro lang nangyayari ang ganito, sa totoong buhay rin pala."
Napaisip ako dahil sa sinabi niya. Totoo, hindi ko akalaing mangyayari ang ganito sa akin.
"Ipaglalaban ko kung ano ako," dagdag niya. "Iba ang saya kapag natanggap ng mga magulang mo kung sino at ano ka."
Malungkot akong napangiti.
"Kahit mura-murahin ako, hindi naman no'n mababago kung sino talaga ako."
Napapikit ako.
"Kaya wala akong choice. Hihintayin ko na lang na matanggap nila ako o kung matatanggap pa nila ako."
Hinarap niya ako at tumingin sa mga mata ko.
"Hindi ka na ba nagkakagusto sa lalaki?" tanong niya.
Umiling ako.
"Bakit?"
"Ikaw ang huli kong nagustuhan at tingnan mo naman, hanggang ngayon ikaw pa rin ang gusto ko," sagot ko.
Tumaas ang kilay niya, tila pinipigil ang kilig.
"Bakit mo ako nagustuhan no'ng high school?"
"You're the MVP in volleyball, and I enjoyed watching you. Aside from that, I find you really attractive."
"When did you start liking me?"
Tumingin ako sa pinto kung nai-lock niya ito. Wala pang lunchtime kaya humiga ako sa kandungan niya.
Inalala ko ang nakaraan.
Wala pa sina Yan at Amihan kaya naglakadlakad muna ako hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa rooftop. Pagpasok ko ay nakita ko ang isang babae na nasa edge, nakaupo at nakatingin sa baba. Narinig ko ang mahina niyang pag-iyak at pagsinghot.
Dahil delikado ay mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya mula sa likod.
Tinulungan ko siyang makababa at pinagpag ko ang dumi ng palda niya.
"Ano bang ginagawa mo? Bakit ka tatalon? Bakit mo naisip 'yon?"
Nagtataka ang mga mata niyang tumingin sa akin. "Anong sinasabi mo?"
Bigla akong natigilan. Napaatras ako at itinuloy niya ang pagpapagpag ng palda niyang nadumihan dahil sa pagkakaupo niya sa dulo at gilid ng rooftop.
Ramdam ko ang matinding pag-iinit ng pisngi ko sa realisasyon na hindi siya magpapakamatay. Pero bakit kasi siya umiiyak?
"I saw you on the rooftop, alone, and it seemed like you were going to jump off."
Mariin siyang napapikit, agad naalala ang sinabi ko. Nang nagmulat siya ay pulang-pula ang pisngi niya.
"Nagpapahangin lang ako no'n."
Napabuntonghininga ako. "Hindi, umiiyak ka."
"Naalala ko ang mga magulang namin."
Doon ako natahimik.
"Mahirap mawalan ng mga magulang at maiwan sa 'yo ang mga nakababata mong kapatid."
Dito natapos ang usapan namin. Lunchtime arrived, and as usual, we sought out a restaurant for lunch.
Pagdating ng uwian ay dumeretso kami sa parking. Pagsakay namin sa sasakyan ay hinarap niya ako.
"Sigurado ka bang sa amin ka uuwi?" tanong niya.
Tumango ako at inayos ang seatbelt niya. "Bakit? Ayaw mo ba?"
Mabilis siyang umiling. Hinarap niya ako at kinuha ang kamay ko. Napangiti ako nang bigla niya itong halikan.
"Sinong aayaw kapag napakaganda ng girlfriend mo?" Ngumisi siya at hinaplos ang kamay ko. "Nagwo-worry lang ako dahil siguradong hihintayin ka nila sa bahay n'yo."
Napabuntonghininga ako. "I didn't plan that. Ayoko silang pagbigyan sa mali. Hindi na ako bata."
Nakarating kami sa bahay at agad siyang nagluto ng hapunan. Tatlong putahe ang inihanda niya kaya busog na busog kami nila Aya at Daichi.
Pagpasok namin sa kwarto niya ay nag-isip ako ng gagawin. Nakaupo ako sa kama at siya ay nakaharap sa vanity mirror.
"Gusto kong mag-inom," bigla kong sabi.
Tumaas ang kilay niya. "No, may trabaho tayo bukas."
Napanguso ako at lumapit siya sa akin. Umupo siya sa tabi ko.
"Please?"
Umiling siya.
"Kailangan ko lang ngayon. Gusto kong iinom ang nangyari sa office kanina."
Natahimik siya. Hinagilap ko ang mga mata niya saka siya marahang tumango. "Sige na nga."
Niyakap ko siya. Natawa siya nang pupugin ko siya ng halik sa pisngi.
"Sayang hindi kita makakainuman." Inalalayan ko siya tumayo at lumabas kami ng bahay.
Sumakay kami sa kotse at naghanap nang malapit na convenience store. Kanina ay may nakita akong lemon sa refrigerator nila kaya tequila ang binili ko.
Bumalik kami agad sa bahay at nagprepare ako ng iinumin ko sa kwarto niya. Naupo ako sa lapag at dinaluhan niya ako.
Pinapanood lang niya ako at nagsimula na akong uminom.
"Alam mo ba, high school pa lang umiinom na ako?"
Hindi siya sumagot. Napangiwi siya nang nag-shot ulit ako.
"Natuto akong mag-inom no'ng sinagot mo ang letter ko at sinabi mong ayaw mo sa babae."
Ang nilagay ko kasi noon sa hulihan ng letter ko ay 'from your girl admirer,' kaya nalaman niya na babae ang sumulat sa kanya.
"Ikaw 'yon?" hindi niya makapaniwalang tanong.
Marahan akong tumango. Naalala ko pa na nag-iwan siya ng isang maliit na note sa locker niya. I took the note meant for me and read the message.
I'm not interested in dating girls.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top