Chapter 15

Chapter 15

Kaeda remained silent even after we finished eating. I attempted to hold her hand, but she quickly pulled away.

She suddenly stood up and left. I followed her and tried to stop her from getting into a taxi.

"Bitaw," mariin niyang sabi.

But I did not listen to her. Halos kaladkarin ko siya sumama lang siya sa akin. Binuksan ko ang pinto ng kotse at pinapasok siya rito. Mabilis akong umikot sa driver's seat at pinaandar ang sasakyan.

"What's wrong?"

"Wala," malamig niyang sabi.

"Come on, Kaeda, tell me what's wrong."

Hindi siya umimik. Pagbalik namin ng office ay dumeretso siya sa table niya. Naisipan kong i-text siya.

Me:
Anong problema? Bigla ka na lang nawala sa mood.

Hindi siya nag-reply. Pabagsak akong sumandal sa swivel chair at pinanood siya na busy pagtatrabaho sa computer niya. Tutok na tutok ang atensyon niya roon.

Pagdating ng hapon ay nag-isip ako ng dahilan para papasukin siya. I called out to her, but she greeted me with an icy demeanor as she entered the office.

"Make me a coffee."

Pinanood ko siyang lumabas at sinunod ang sinabi ko. Parang hindi niya ako kilala sa ikinikilos niya. Frustrated kong ibinaba ang phone ko sa table. 'Ni mag-reply sa akin ay hindi niya magawa.

Pumasok siya at lumapit sa table ko. Inilapag niya rito ang kape at walang salitang lumabas.

Mariin akong napapikit.

Ano bang kasalanan ang nagawa ko para hindi niya ako pansinin? I buzzed her again, and she entered the office.

Inilapag ko sa table ang request ng Basic Education Department at tumingin ako sa kanya.

"Please review this and explain whether we should grant their request."

Kinuha niya ang request letter at walang salitang lumabas. Ilang minuto pa lang ang nakalipas nang pumasok muli siya.

"Please explain it to me," I said.

Inilapag niya ang letter sa harapan ko kasama ang isang sticky note na may explanation kung bakit dapat namin i-grant ang request.

Lumabas na muli siya. Parang gusto ko na lang sumigaw sa inis.

Pagdating ng uwian ay hinanap ko siya. Wala na siya sa area niya, hindi man lang nagpaalam sa akin.

Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi siya sumasagot. Sa parking ay panay ang lingon ko, nagbabakasakali na sinundan niya ako.

Pinatunog ko ang sasakyan. Pasakay na sana ako nang marinig ko ang usapan ng apat na college students.

"Ang mahirap sa lahat ay 'yong wala kayong label," komento ng student na may itim at mahabang buhok. "Nagki-kiss kayo, nagpapaalam sa isa't-isa, nag-a-update kung nasaan kayo, may nangyayari sa inyo, pero wala kayong label," patuloy nito. "Tama?"

Marahang tumango ang kausap niya na matangkad at may maikling buhok.

"Situationship pa more," sabi ng babaeng nakasandal sa sasakyan. "Ayaw na ayaw kong pumasok sa ganyan. Ako lang ang mahihirapan kasi wala naman akong panghahawakan. Parang kayo, pero hindi kayo. Ang gulo."

Sumakay na sila ng kotse, at pinanood ko silang umalis. Situationship?

Pumasok na rin ako at nag-search sa Google.

"Situationship is a romantic or sexual relationship that is not considered formal or established," I read.

Nag-browse pa ako.

"A situationship is a casual, undefined, commitment-free relationship."

Kumunot ang noo ko. Kami ni Kaeda ang naiisip ko.

"Situationships can be defined as a romantic relationship that lacks commitment and the associated norms and expectations."

Mas lalo akong nai-stress sa mga nabasa ko. Itinigil ko ang pagbabasa at pinaandar na ang sasakyan. Sinubukan kong tawagan ulit si Kaeda pero hindi pa rin siya sumasagot.

When I arrived home, I immediately took a shower. I prepared myself and made sure I looked presentable in her eyes.

Sumakay agad ako sa kotse at pinaandar ito. Pagdating ko sa kanila ay sinalubong ako nina Aya at Daichi.

"Nasa'n ang Ate Kaeda n'yo?" tanong ko.

"Nasa taas po. Kanina pa po iyak nang iyak," sagot ni Daichi.

Hinawakan ko silang dalawa sa balikat at nagmamadali akong umakyat sa taas. Kumatok ako sa pinto.

"Kaeda..."

Hindi siya sumagot. Pakiramdam ko ay kinurot ang puso ko nang marinig ko ang iyak niya mula sa loob ng kwarto.

"Kaeda, I'm right outside," I said, my voice filled with concern. "What's wrong? Can you please unlock the door and talk to me?"

"Umalis ka na," humihikbi niyang sabi. "Hindi kita kailangan. Mas lalo lang akong nahihirapan."

Parang sinaksak ang puso ko dahil sa sinabi niya.

"Anong nagawa ko?"

"Wala," sagot niya. "Ayaw kitang makita. Gusto kong mapag-isa, please."

Naramdaman ko ang pag-iinit ng palibot ng mga mata ko. Sinusumpong siya ng sakit niya.

Tahimik akong sumandal sa pinto. Nadatnan ako nila Daichi at Aya sa ganitong pwesto. Sinenyasan ko sila na pumasok na sa kwarto nila pero hindi sila sumunod.

"Ate," tawag ni Daichi. "Ate, kausapin mo na po si boss."

Hindi ko napigil ang pagtulo ng luha ko. Mabilis ko itong pinunasan para hindi nila mapansin.

Hindi sumagot si Kaeda. Patuloy lang siya sa pag-iyak.

"Hayaan na muna natin siya," bulong ko sa kanilang dalawa. "Ako nang bahala sa kanya."

Wala na silang nagawa nang ihatid ko sila sa kani-kanilang kwarto. Bumalik ako sa pinto ng kwarto ni Kaeda at naupo ako sa tabi nito.

Wala pa rin siyang tigil pag-iyak. Nang makalipas ang sa tingin ko ay tatlumpung minuto ay saka lang siya tumahan. Dahil wala na akong naririnig mula sa loob ay naisip kong nakatulog na siya.

Bumaba ako sa sala at naupo sa sofa. Pagtingin ko sa oras ay alas onse na ng gabi. Humiga ako rito, dito na magpapalipas ng gabi.

Kinabukasan ay dinig ko ang paggalaw sa itaas. Nang tingnan ko ang oras ay alas sais na ng umaga.

Mabilis akong lumabas ng bahay at patakbong lumapit sa sasakyan ko. Sumakay ako at mabilis itong pinaandar.

Mabuti ay hindi ako naabutan ni Kaeda. Hindi rin niya nakita na sa kanila ako natulog.

Pagdating sa bahay ay agad akong naligo. Hindi na ako nag-breakfast at agad pumasok sa Haya. Nadatnan ko si Kaeda na busy na sa trabaho.

"Good morning, President," malamig niyang bati.

"Good morning," bati ko.

Pumasok ako sa office at sumandal sa swivel chair. Gusto ko siyang kausapin pero sa asta niya ay halatang ayaw niyang makipag-usap.

Tanghalian ay nawala siya sa table niya. Hinanap ko siya sa buong floor pero hindi ko siya mahagilap.

Napabuntonghininga ako at um-order na lang ng pagkain. Ibinili ko rin si Kaeda kahit alam kong hindi niya ako sasabayan.

Naisipan kong mag-chat sa GC namin nila Yan at Amihan habang nagla-lunch sa table ko.

Me:
I need your help.

Yan:
About what?

Me:
Kaeda.

Amihan:
Anong nangyari?

Me:
Hindi niya ako pinapansin.

Amihan:
Nag-away kayo?

Me:
Hindi. Narinig lang niya kaming mag-usap ni mommy sa phone, tapos hindi na niya ako pinansin.

Yan:
Kasi?

Me:
I told my mom that I was already in love with someone.

Amihan:
Bingo!

Me:
?

Yan:
She thought you were talking about another person, Solana.

Amihan:
Same thoughts.

Hindi na ako nag-reply at nag-isip ng kung ano ang dapat kong gawin. Uwian ay hindi na naman siya sumabay sa akin.

Nasa loob na ako ng kotse nang i-conference call ko sina Amihan at Yan.

"Hello?" Yan answered.

"Sol," bati ni Amihan.

"Tonight, I'm going to ask her to be my girlfriend. This time, 'yong malinaw."

Pumalakpak si Amihan. "'Yan ang gusto ko, hindi na duwag."

Napairap ako sa sinabi niya.

"Galingan mo, Solana," si Yan.

Ibinaba ko ang tawag at lumabas na ng Haya. Umuwi muna ako para kuhanin ang pinabili kong dress kay Amihan kanina. Naligo ako at siniguradong magiging maganda ako sa paningin ni Kaeda.

Pagdating ko sa bahay nila ay sinalubong ako nina Daichi at Aya. Sumenyas ako na huwag silang maingay.

"Aya, dalhin mo 'to sa kwarto ng Ate mo, okay? Pakisabi sa kanya na may important meeting kami ngayong gabi."

Tumango si Aya at sinunod ako.

Sa sasakyan na ako naghintay para hindi niya ako makita agad. Nang lumabas siya ng bahay ay sinundan ko siya ng tingin.

Sobrang ganda niya.

She was wearing a long, halter-neck, slim, baby-pink dress that Amihan had bought.

Bumaba ako at pinagbuksan siya ng pinto. Iniwas niya ang tingin sa akin at pumasok na sa kotse.

"Kaeda," tawag ko nang makasakay na rin ako.

"Saan tayo pupunta?" malamig niyang tanong.

Hindi ako sumagot. Sa halip ay pinaandar ko ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa rest house.

I exited the car, and she followed me, believing we were meeting someone here.

Hinawakan ko ang kamay niya. Nagdalawang-isip pa siya kung babawiin ang kamay pero hinayaan na lang niya ako sa huli.

Pumasok kami sa rest house hanggang sa sundan namin ang petals ng red roses. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Bibitiw sana siya sa hawak ko pero hinigpitan ko ang kapit sa kanya.

Nakarating kami sa pool area at mas lalo siyang natigilan. Lumapit ako sa upuan na may nakapatong na gitara at pinaupo ko siya sa katapat na upuan na may apat na metro ang layo.

Nagsimula akong tumugtog at kumanta.

"You've given me warmth, wrapped your arms around me (you said), baby, don't worry, I'm here," I started singing.

Kita ko ang paglunok niya.

"You've given me love, yes, it's so pure. It makes me wanna grow old with you and tell you, girl, I love you too."

Itinuloy ko ang kanta, hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya. 

"Your voice... breaks my insecurity, gives me clarity, eases my anxiety. I don't care where it is, I wanna be in your embrace. Oh, never does a day go by without thanking God that you are mine. Your love makes my dreams come true."

Kinagat ko ang ibabang labi at nginitian siya.

"You look so beautiful, my life with you is truly wonderful. You look so beautiful, my life with you is truly wonderful... oh."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top