Chapter 11
Chapter 11
Sinundan ko siya pero muntik ko na siyang hindi maabutan dahil sa bilis niyang maglakad. Mabuti at napindot ko agad ang open button ng elevator at nakapasok ako.
"Kaeda, what's wrong? I told you to wait for me."
Sinulyapan lang niya ako bago dumeretso ang tingin niya sa salamin.
"Kaeda..."
"Kapag ba sinabi kong layuan mo 'yong Calix na 'yon, lalayuan mo ba?"
My forehead furrowed. "Of course. I already told him to leave me alone."
Hindi na siya umimik hanggang sa makarating kami sa ground floor. Naglakad siya, mukhang walang balak na sumabay sa akin.
Bago pa siya makalayo ay pinigilan ko siya. Tumingin siya sa kamay ko na nakahawak sa braso niya.
Kumalas siya sa hawak ko at nagpatuloy paglalakad. Muli ko siyang hinawakan. Hinigit ko siya papunta sa parking at natangay ko siya.
"Please, President."
"What's happening? Tell me."
Binuksan ko ang passenger seat at itinulak ko siya papasok dito. Mabilis akong umikot at pagkasakay ay agad ko siyang nilingon.
"Wala ako sa mood. Gusto kong magpahinga," walang gana niyang sabi.
Natahimik ako hanggang sa naisip ko na libangin siya. Nag-drive ako papunta sa rest house.
"Saan mo 'ko dadalhin?"
Hindi ako nagsalita. Wala pang tatlumpung minuto ay nakarating kami sa Solana. Nagsisimula na rin lumubog ang araw. Dito ko siya dinala dahil kita rito ang paglubog ng araw at ang pagsilay ng buwan.
My dad gave me this overlooking place. There was only the caretaker of the rest house and the guard at the area's entrance.
Bumaba ako ng sasakyan. Nang hindi pa siya bumababa ay binuksan ko na ang pinto. Inilahad ko ang kamay ko at lihim akong napangiti nang ipatong niya ang kamay niya rito.
Inalalayan ko siya tapos ay inilatag ko ang coat ko sa damuhan. Naupo ako at gumaya siya.
"Bakit Solana ang pangalan ng lugar?"
Expected ko na na tatanungin niya ito. "I owned this place."
Lumarawan ang pagkamangha sa mukha niya. Tumingin siya sa papalubog na araw.
"Grabe, ang yaman mo," komento niya. "Parang ang hirap mong abutin."
"Naabot mo na nga ako."
Natigilan siya sa sinabi ko. Nang lumingon siya sa akin ay nagtutubig ang mga mata niya. Nag-panic ako at hinawakan ang magkabila niyang pisngi.
"Hey, what's wrong?"
Umiling lang siya at mabilis na pinunasan ang luhang lumandas sa pisngi niya. "Just my emotions. Bigla-bigla na lang akong naiiyak na hindi ko alam ang dahilan."
In-offer ko ang balikat ko at humilig siya rito. Pinagmasdan ko ang maganda niyang mukha habang siya ay tahimik na pinanonood ang paglubog ng araw.
"Nahihirapan ako sa sakit ko," halos pabulong niyang sabi. "Ang hirap na okay ka naman ngayon tapos mamaya hindi. Masaya ka ngayon tapos mamaya malungkot. Paulit-ulit ang nangyayari sa araw-araw."
Pumikit siya, muling lumandas ang luha sa pisngi niya.
"Magiging okay ako pansamantala tapos mamaya hindi na naman."
"That's why you need medications. You need to follow the doctor's instructions. It's for your own good."
Hindi siya nagsalita.
"Nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap. Nandito lang ako kapag naiiyak ka. Nandito lang ako kapag gusto mo ng kasama pagtawa," malambing kong sabi. "Huwag kang mahiya sa akin."
"Paanong hindi ako mahihiya? Boss kita."
Gusto kong uliting itanong sa kanya kung payag siyang maging girlfriend ko, pero mukhang hindi ito ang tamang panahon. Baka hindi niya naintindihan ang sinabi kong 'Be my girl' noong sinabi ko iyon sa kanya.
"Hindi ba pwedeng maging magkaibigan ang dalawang magkaiba ng posisyon sa isang kumpanya? Wala namang rules na ganyan. Wala tayong inaapakan na tao."
Pumikit siya. "Sana hindi na lang kita naging boss."
"Bakit mo nasabi 'yan?"
"Para hindi ako mahiyang magsabi sa 'yo sa tuwing gusto kong makasama ka."
Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya.
"You can reach out to me when you need someone to talk to or call me when you need help."
Umiling siya. "Magkaiba tayo ng estado ng buhay. At apektado nito ang schedule mo."
"Kaeda... it's not like that."
"It is," she replied. "Let's be honest. You want friends who are on the same page as you."
Mabilis akong umiling. Magsasalita pa sana siya pero hinawakan ko na ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya sa mga labi.
Tumugon siya sa halik ko at ipinulupot ang mga kamay sa batok ko. Under the setting sun, my heart continued to race as she reciprocated the kiss.
We were both panting as she pulled away.
Tumayo ako at inilahad ang kamay ko. Naglakad kami papunta sa rest house. Pagpasok namin ay inilibot niya ang tingin sa kabuuan nito.
It was a two-storey modern rest house that was built two years ago. Dito ako madalas tumambay kasama sina Amihan at Yan tuwing rest days.
Pumunta kami sa pool area at kita kong namamangha siya sa nakikita. Naghubad siya ng sapatos at naglublob ng paa sa tubig. Umupo ako sa tabi niya at ginaya ko siya.
"How many girls have you brought here?"
"Three," I answered.
Biglang napawi ang ngiti niya.
"Si Amihan, Yan, at ikaw," dagdag ko.
Itinuloy niya ang paggalaw ng mga paa sa tubig at ngumiti.
Kinuha niya ang phone na inilapag niya sa tabi niya at nakita kong umo-order siya ng pagkain para sa mga kapatid niya. Nakangiti ko siyang pinanood.
Tinawagan niya si Aya.
"Hello, Aya," simula niya. "Um-order na ako ng dinner n'yo. Bayad na 'yon kaya 'wag ka na maglalabas ng pera, ha?"
Pinakinggan niya ang sinasabi ng kapatid.
"Magpakabusog kayo. Uuwi ang ate kaso baka late na. 'Wag kalimutan i-lock ang pinto kasi wala ako, okay?"
Tiningnan ko ang mga paa ko sa tubig habang pinakikinggan siya.
"Sabihan mo si Daichi na huwag na munang maglaro sa labas. Hindi ko kayo mababantayan."
Nang natapos sila pag-uusap ay bigla siyang tumayo. Pinanood ko siya at nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hubarin ang mga damit niya. Nag-dive siya at pinanood ko ang smooth niyang paglangoy sa pool.
Nagmamadali akong naghubad din at dinaluhan siya. Nilapitan ko siya at niyakap.
"Anong pumasok sa isip mo at nag-dive ka?"
"I just want to swim. Nakaka-relax." Ipinulupot niya ang isang kamay sa batok ko at kinilabutan ako nang sumubsob siya sa leeg ko.
Hinayaan ko lang siya at pinakiramdaman. Nang tumunghay siya ay tumingin siya sa mga mata ko. Inayos niya ang buhok ko na basa na rin at hinaplos niya ang pisngi ko.
"Ang ganda mo, President," bigla niyang sabi. "Sa sobrang ganda mo nakakatakot mahulog sa 'yo."
Tumaas ang kilay ko.
"Bakit? Nahuhulog ka na ba?"
Hindi siya sumagot at kumawala sa akin. Lumangoy siya palayo at umupo sa may stairs ng pool.
"Kapag ba nahulog ako, sasaluhin mo ako?"
Sinundan ko siya at lumangoy ako. Pagdating ko ay hinaklit ko ang beywang niya.
Matagal na akong hulog sa 'yo, Kaeda.
"Oo naman. Ayokong saktan ka."
Hinaplos niya ang balikat ko at nagulat ako nang ilapat niya ang mga labi sa labi ko.
Tumigil siya.
"Baka paglaruan mo lang ang nararamdaman ko."
"Paano kung hindi?"
"Then I'm lucky."
Matagal na naghinang ang mga mata namin. Napapikit ako nang yakapin niya ako.
"President, I want to get to know you better."
Napangiti ako.
"Kung totoo ka sa akin, hahayaan kong mahulog ang sarili ko sa 'yo." Hinaplos niya ang leeg ko. "Kung sa pagbubukas ko ng pinto ay lolokohin mo lang ako, hindi ko na kasalanan 'yon."
"Hindi ako ganoong klase ng tao," sagot ko.
Natahimik kami hanggang sa napansin ko na nilalamig na siya. Inalalayan ko siya paalis ng pool at dinampot ang mga damit at gamit namin.
Pumasok kami sa rest house. Pinagsuot ko muna siya ng bathrobe bago kami naghanap ng isusuot. Sa walk-in closet ay kumuha ako ng dalawang tuwalya at mga damit na isusuot namin.
Papasok na sana siya sa bathroom pero pinigilan ko siya.
"Let's shower together," I said.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako. Pagpasok namin sa bathroom ay tinulungan namin ang isa't-isa na tanggalin ang natitira naming saplot.
Sa ilalim ng shower ay naghinang ang mga labi namin. Napaungol ako nang maramdaman kong bumaba ang kamay niya mula sa leeg ko papunta sa dibdib.
"Kaeda, please don't touch me yet."
Pero hindi niya ako pinakinggan at nagpatuloy siya sa pagmasahe sa dibdib ko. Bumaba ang halik niya sa pisngi ko patungo sa leeg.
"Kaeda..."
"Let me make you happy tonight, President."
Wala na akong nagawa nang bumaba ang halik niya sa dibdib ko. She sucked my left tit while she played with the other with her index finger.
Bumaba ang halik niya. Napasinghap ako nang maramdaman ang hininga niya sa pagitan ng mga hita ko.
She started licking me like an ice cream, and I pulled her hair in pleasure.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top