81

LETTER
[days/months/years without you]

Day 1,

Baby Ayu, miss na miss na kita. Ang gago ko. Pasensya ka na kung panay sakit lang ng ulo ang binibigay ko sayo ah? Maiintindihan mo din naman ako balang araw eh :) Kamusta ka na kaya? Sana huwag ka ng umiyak. Masakit baby eh. Lagi lang ako sa gilid mo okay?

Day 2,

Tangina nung lalaking umupo sa tabi mo kanina sa garden! Ang sarap niyang sapakin! Kating kati na ang kamao ko nun baby. Pero buti na lang at may pagkasuplada ka kaya sinampal mo ng malakas sa pisngi yung lalaki. Good job :)

Day 3,

Nakwento sa akin ng tropa na Top 1 ka ulit sa klase :) Keep up the good work! Malapit ka na nga daw mahulog sa pagiging 1st dahil sa nanganganib ang grade mo sa Math haha. Pasensya na at hindi na kita natutulungan sa Math mo. Baby, congrats! Masaya ako kasi kahit papano hindi mo pinabayaan ang pag-aaral mo :)

Day 4,

Nakita kitang umiiyak sa garden kanina. Ayu, andito lang ako sa gilid mo. Hindi ko kayang nakikita kang malungkot. Kahit saan ka pumunta, susundan kita. Kahit sa banyo babe ;) hehe djk lang po. Hanggang kiss nga lang ako sa noo mo eh :) nirerespeto po kasi kita.

Day 5,

Tangina! Gusto ko ng sabihin sayo lahat ng rason ko baby. Sana mapatawad mo pa rin ako T_T

Day 6,

Napagbuhatan ko ng kamay si Tzuyu kanina. Pasensya na babe kung sinampal ko bestfriend mo ah? Ang ingay eh! Walang kabuluhan naman ang sinasabi.

Day 7,

Alam mo ba baby kanina muntikan na akong hindi mavirgin? Baby, inaakit niya ako :( buti na lang nakapagtimpi ako. Syempre baby sayo lang 'tong si baby Jungkook. Ikaw lang po nagmamay ari nito :)

Day 34,

Kayo na pala ni Jimin hyung :) tangina ang sakit baby. Umaasa pa rin akong hihintayin mo ako. Akala ko hindi ka na magmamahal ng iba maliban sa akin. Nahalikan ka na ba niya? Nahawakan niya na ba kamay mo? May nangyari na ba sa inyo? Wala naman diba baby? Kaya ko lang naman in-add si Tzuyu dun sa gc kasi mapilit siya.

Day 69,

Habang tumatagal hindi ko na alam gagawin ko. Masisiraan na ata ako ng ulo. Pasensya na Ayu kung hindi kita magawang ipagtanggol kay Tzuyu. Nasasaktan ako na nakikita kang unti unting nagbabago. Nagbago ka na talaga. Hindi ka na si Ayu na makulit.. babalik ka pa kaya?

Day 89,

Nasa clinic ka daw dahil sa kagagawan ni Tzuyu. Tangina ng babaeng yun. Hayaan mo baby, sinampal ko ulit siya. Yun lang muna pwede kong gawin sa kanya eh. Get well soon baby.

Day 90,

Selos na selos na ako kila hyung. Bakit ba kasi close na close mo ang tropa ko? Nakakainis ka Ayu! Hindi mo man lang ako tawagin maski man lang sa gc :( nakakatampo ka po. Pero oks lang yun, tanga ko kasi eh :D Nga pala, natanggap mo ba yung bulaklak na lagi kong binibili sayo baby? Pinaabot ko kay Suga hyung yung bulaklak at sinabi na kay Jimin hyung galing yun. Sana maappreciate mo lahat ng efforts ko kahit hindi na tayo :) Nagsinungaling din ako kay Jimin hyung na hindi sa akin galing yun. Kailangan na kasi kitang layuan eh. Tutal may Jimin ka na sa buhay mo. Hindi ka sasaktan ni hyung hindi tulad ng ginawa ko.

Day 136,

Kinausap ko si Tzuyu na lubayan ka na. Sinabi ko sa kanya na masaya ka na at huwag ka ng guluhin. Nandidito ako sa bar ngayon at umiinom. Kailangan ko ng makalimot eh. Ang sakit kasi baby. Para akong pinapatay ng konsensya ko na nakikita kang umiiyak at nakikipagtalo kay Tzuyu dahil lang sa kagagawan ko. Naging matigas na ang puso mo, baby. Sana isang araw, mapatawad mo na ako. Sana isang araw, mawala na lang lahat ng nararamdaman kong sakit. Sana isang araw, makalimot na lang ako. Sana isang araw, tayo na lang ulit. Hindi ko ginustong saktan ka Ayu. Natakot ako.. kinausap ako ni Tzuyu at nabanggit niya ang buhay mo. Baby, pwede ka niyang patayin kapag hindi ako pumayag :( Ang tanga ko naman kung hahayaan kitang mamatay kesa iwan ka diba? Napakahirap ng sitwasyon para sa akin. Nilason niya yung utak ko, Ayu maniwala ka. Pinaniwala niya ako na may sakit ako, at kung ano ano pa. Ikaw ang lagi niyang pinananakot sa akin. Hindi ako duwag dahil sa hinahayaan ko siya. Masama ba na magsakripisyo ako para sa kaligayahan mo? Alam kong makakalimutan mo rin ako balang araw. Kahit saan ka man, mahal na mahal na mahal ka ni Jungkook. Ikaw lang. Ikaw at hindi siya. I love you Ayu. Stay strong sa inyo ni Jimin hyung!

---

SHINORTCUT KO NA LANG OKEH? BASTA ISIPIN NIYO NA LANG MADAMI YAN 'COZ Y NOT? HEHE DJK

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top