Chapter 6

"WHAT ARE you doing here again, Killian?" Nakataas at nakapamaywang na tanong ni Krizzia kay Killian. Tapos na siyang magturo at recess break na kaya wala ang ibang estudyante niya.

Nalukot ang mukha ni Krizzia nang bumusangot ito na parang bata. Isa lang ang mono block chair na nasa room niya kaya nag t-tyaga ang lalaki sa armchair. Ilang araw na itong nakatambay sa loob ng room niya, ang akala tuloy ng mga bata na tinuturuan niya, pati si Killian ay kaklase nila!

"Ki, seriously. What are you doing here again? It's been how many days! You're disturbing my class!" Sermon niya rito.

Killian just pouted his lips and sat properly. "In what way? Tahimik lang naman ako na nanonood sayo ah? In fact I'm helping you." Pagyayabang nito.

Umismid si Krizzia at pinagkrus ang mga braso. "Ki, ginugulo mo lang ang mga bata. Look at your face and hair!"

She turned around and walk towards her table to get her small mirror. Nakatulog ito kanina kaya hindi nito napansin ang ginawa ng mga bata sa mukha at buhok nito. Then he have the guts to tell her he's helping? Kung pwede lang niyang tadyakan ang lalaki, ginawa na niya.

"Oh!" Iniharap ni Krizzia ang salamin sa mukha nito. Wala sa sarili na napangisi siya, nawala bigla ang inis niya sa lalaki.

Killian frowned cutely. Hindi niya alam kung paano niya 'yon nagawa, but he's cute! He looks like a puppy. In all fairness, hindi na ito mukhang inalipustang kambing sa paningin niya. Killian will be happy kapag nalaman niyang nag evolve na ito.

From inalipustang kambing to a cute puppy!

Tumaas ang kilay niya nang makita na nakatanga si Killian sa kanya.

"Ano?" Maangas na tanong niya.

Killian shake his head. "Tumatawa ka, ginagawa mo na naman akong pokemon sa utak mo no?" Her lips rosed up when she saw him annoyed. Hindi ito ang inaasahan niyang reaction, he should be happy. Not annoyed.

"Yeah, nag evolve ka na nga e." Tumatawang sagot niya.

Killian pouted and removed the heart and pearl clipped on his hair. "Dala mo ba 'yung make up remover mo? Paki tanggal nga 'to, makati sa mukha." Reklamo nito sa kanya.

Her students put some eyeshadow on his eyelids, hindi na siya nagtaka nang makita niyang may hawak ang mga ito na pang batang eye shadow pallete, it must be Angelyn's daughter, Khaila. Palagi itong may dalang laruan sa school, kahit ilang beses na itong pinagbabawalan ni Angelyn.

Kinuha niya ang bulak at make up remover sa bag niya bago nilapitan ulit si Killian.

"Sit here." Killian tapped his lap.

Namula ang pisngi ni Krizzia, may balak pa sana siyang magpabebe but Killian already pulled her and made her sit on his lap. Bahagya pa siya nitong inusog habang ang mga kamay niya ay nasa baywang niya para alalayan siya at hindi bumaliktad.

Bahagya siyang umusog, she sighed and glared at Killian when she pushed her lightly again.

"Ki, mahuhulog ako." Mariin na sabi niya.

Killian frowned. "Hindi 'yan. Hawak kita." He assured.

"Bakit ba pilit mo akong inuusog palayo? Gago! Paano ko matatanggal nang maayos 'yang nasa mukha mo?!" Singhal niya.

Killian rolled his eyes.

"Fine! If you want to feel my raging manhood then come closer."

Napatili siya nang hinila siya nito papalapit sa katawan nito. Namula ang pisngi niya. Krizzia can feel the bulge inside his pants. It was thick at sa tantya niya ay malaki rin ito. May nakapag sabi sa kanya na kapag malaking tao ang lalaki, at laging laman ng gym... Maliit ang alaga nito. Well, Killian was a big man. His friend down there was supposed to be small right? Why the hell it's big?!

KRIZZIA'S face was bright red while she's teaching, hindi maalis sa utak niya ang nauupuan niya kanina! Damn it! How come she doesn't easily get affected before? Is it because of the medicine she's taking? O manhid lang talaga siya?

"Ayos ka lang? Ang pula ng pisngi mo," Pinisil ni Killian ang pisngi niya. Hinawi niya ang kamay nito at sinamaan siya ng tingin.

Killian's lips formed into a sexy smile. The heck?! Her heart starts to beat erratically again because of that smile. Pasimple siyang napahawak sa dibdib niya at bahagyang tinampal 'yon. Why the hell are you beating so fast! He just smile! Ngiti lang, kingina!

"Gwapo ko no? Jowain mo na, hindi naman ako aangal." Killian said. His sexy smile turns into much more sexy chuckle.  Hindi niya namalayan na nakatanga na pala siya sa lalaki.

Her ears were ringing because of the loud beat of her heart, she couldn't heared what he was saying.

She was too focus on her heart. Mukhang may sakit siya at si Killian ang may sanhi ng sakit na 'yon! Damn him!

"Bebi, I love how you stare at me a while back but now it's starting to get creepy. What's with the frown and smile?" Nakangiwing sita ni Killian sa kanya.

Mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Iniisip ko lang kung paano kita isusumpa." She sarcastically answered.

Tapos na ang klase niya at tapos na din silang maglinis ng kwarto. Sila lang dapat ni Killian ang maglilinis, but the kids wanted to play with him, kaya natagalan sila ng kaunti. Seeing them laughing and happily playing with Killian was enough para matanggal ang pagod niya sa katawan.

"Cute mo, kung hindi lang kita mahal hinulog na kita sa kanal." Peke itong ngumiti sa kanya at pinitik pa ang noo niya. Inambangan niya ito kaagad ng suntok, and Killian just laughed. He even rolled up his sleeves and offered her his arm. "Suntok na oh!"

Krizzia balled her hand into fist. Instead of punching him on his arm, her hand found his stomach. A satisfying smile stretched out in her lips when Killian held his stomach, folded his knee, and sat on the floor. Habang nagrereklamo sa sakit.

"Serves you right, Seb!" Pang-aasar niya.

"Damn, that was a strong punch!" He uttered before he gets up. Nakangisi na ito ngayon habang hawak hawak pa din ang parte ng tiyan nito na sinuntok niya.

Some Students were waving their hands at her before leaving the school, habang ang ibang teacher naman na katrabaho niya dumadadaan muna sa room niya para abutan siya nang kung ano-ano, madalas ay regalo ng mga estudyante.

"Dami mong manliligaw, Ma'am. I thought I made it clear? Nasabihan ko na ang mga batang 'yon na naka reserve ka na sa akin." Umiiling iling na sabi nito, he was even clicking his tongue.

"Maganda ako e,"

Umikot ang mga mata niya at inipon lahat ng mga binigay sa kanya. Hindi pa Teacher's at Valentine's Day ang dami na niyang natatanggap. There's some chips, chuckie, may iilang maliit na teddy bear pa! But what really made her heart warm was the handwritten letters. Those kids surely knows how to make a woman smile. Ke babata ang bubulaklak na ng dila!

"Dalhin mo na lang 'to!" Ibinigay niya lahat kay Killian at itinulak ito palabas ng room niya.

Krizzia made sure na wala nang kahit ano na nakasaksak sa outlets bago siya lumabas at inilock ang kwarto. Kumunot ang noo niya nang tumigil ang sasakyan ni Kyst sa harap ng classroom niya.

When the window opened she saw the face of Angelyn holding her baby, she tilted her head a little, trying to find where's the other one.

"Krizzia! Sa akin ka muna sa Sunday ha? Wala akong kasama, may shoot kasi 'tong maganda mong inaanak. Sasamahan ni Kyst." Angelyn yelled.

Mabilis na sumilip si Khaila sa bintana at kumaway lang saglit sa kanya. Well, she looks tired and seems like the other baby was on her care.

"Punta nalang ako, ingat sa biyahe!" She answered and waved her hand.

Sunod na sasakyan na tumigil sa harapan niya ay ang sasakyan na gamit na ni Killian. He's been using this new car for a while now, kagaya din ito ng sasakyan ni Kyst. Lexus Sedan. Magkaiba lang ang kulay.

"Nasaan na 'yung dati mong sasakyan?" Nagtatakang tanong niya.

"Nasa bahay, ito muna pinapagamit ni Mama." He answered, his eyes were glued on the road.

"Ki..." She called his name.

Dahil ilang araw na walang paramdam ang mommy niya, wala din gaanong stress at walang nag t-trigger sa kanya, her mind was free to think and remembered what happened when she was drunk! Ayaw niya 'yon paniwalaan, no, hindi niya matanggap! Why the hell would she jumped on him?!

"Did I really did that?" Nakangiwi niyang tanong.

Killian brows furrowed. "Did what exactly?" He asked back.

"Yung ginawa ko sayo noong nalasing ako?"

Umawang nang bahagya ang labi ni Killian. "Ahhh, that one. Yes. I almost lost my shit!" Naiiling na sabi nito na para bang inaalala ang gabing 'yon!

"Bakit hindi mo ako ginalaw?" Mahinang tanong niya. She wants to know his answer.

Killian scoffed. "Of all people, ako ang may alam kung bakit ka nagkaka panic attack." He simply answered.

She shifted her position. "Do you want to do it? With... Me?"

Kumunot ang noo ni Killian. "Seb, what the hell are you talking? This is not you." Umiiling na sagot nito.

Krizzia gulped and lick her lower lip. "Just answer the damn question!" Naiirita niyang utos.

Killian sighed. "Of course, I want to do it. That, if you're ready for it. And maybe if we're together? Like married?"

"Married? Hihintayin mo pang makasal tayo bago mo ako galawin? Totoo?" Walang ganang tanong niya. Hindi naman kasi kapani paniwala ang pinagsasabi ng mokong na katabi niya!

"Yes, I mean I already waited for years and am still waiting. Ano ba naman yung ilang buwan na preperasyon diba?"

"Preparation? For our wedding? I thought we'll be in dating stage first?" Nagtatakang tanong niya rito. Maski siya ay naguguluhan na sa takbo ng usapan nilang dalawa.

"We'll be in dating stage while preparing for our wedding. Seb, I've waited enough. Deretso kasalan na nga dapat tayo!" He exclaimed.

"Abusado ka ah!" Krizzia exclaimed and glared at Killian who's smiling from ear to ear. "I don't want to get married first. But I want to try something..."

"Hmm? Ano 'yon?" Killian asked.

"Touch me. I want to know how will I react to your touch, kiss me, here," he traced her lips down to her neck using her pointing finger, "down here. Let's do it. I will give you my consent." Desido na sabi niya kay Killian.

She's been thinking about it for quite some time now. The result was still the same. She wanted to try it with Killian and not with the other man.

"No. Don't fuck with me and my feelings for you, Krizzia." Matigas na sagot ni Killian.

"I am not! What you can't do it with me?! Bakit? Kasi hindi ako sikat kagaya ng mga naikakama mo noon?!" Frustrated na sigaw niya rito.

Killian cleared his throat and didn't answer. Namalayan nalang niya na papasok na sila sa parking lot sa loob ng building kung saan ang unit niya. He didn't talk and parked his car quietly, siya naman ay natatakot nang magsalita. Krizzia may be bossy towards him but she's kinda afraid of Killian especially if he's this silent.

"I already stopped being an asshole years ago. Alam mo 'yon. And you also know the reason why I am not touching you, even though you gave me a lot of opportunities to do it."

Yumuko si Krizzia dahil sa kahihiyan. It's weird but ever since she stopped taking the Zoloft, kahit ayaw niyang maapektuhan sa presensya at amoy ni Killian, naaapektuhan pa rin siya!

"If you really want to do it, marry me. Panagutan mo ako, Krizzia." He said.

Umangat ang ulo ni Krizzia, hindi niya alam kung nagbibiro ba ito o hindi, he's face was blank. Even his eyes was emotionless.

"Ayaw mo sa friends with benefits?" Nakangiwing tanong niya.

"Friends don't fuck, Kri. I already cut our fucking friendship years ago because I want more than that. I won't settle for that label." Masungit na sagot nito.

Krizzia sighed. She cupped his face and brings it close to her. "Then, let's settle for none label relationship first."

"Ahhh! Krizzia, binabaliw mo ako! This is insane! Your idea is freaking insane! But fuck it! I'm weak when it comes to you... You heard me? Marupok ako pagdating sayo."

"Is it a yes?" She laughed. His right. Her idea was ridiculous.

"Bakit ka tatanggihan ni Killian?" He asked and flashed his signature smirk.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top