Chapter 1
GUSTONG takpan ni Krizzia ang tainga niya pero hindi niya magawa dahil mas lalo lang siyang bubungangaan ng Mommy niya. She's been in her condo unit for about an hour now, hindi niya matapos tapos ang lesson plan niya dahil sa ingay na nagmumula sa bibig nito na dinaig pa ang nakalunok ng microphone!
It's been years , and Angelyn and his husband Kyst built a school for children who can't afford to enter both public and private.
She's very proud and happy for her friend.
"I told you to take Business! Pero hindi ka nakinig, nag teacher ka pa rin at sumunod sa malandi mong kaibigan! Mabuti nalang at hindi ka nahawa sa karengkengan non!" Patuloy parin na sermon ng mommy niya. Sometimes, she wants to strangle her own mother's neck.
Simula't sapul ayaw nito kay Angelyn. At hindi niya alam ang rason. Her mother doesn't even have a tiny idea about her friend life yet she's judging her so harshly. Sawa na si Krizzia sa mga matatalim na salitang lumalabas sa bibig ng mommy niya, she wants to bark back but sadly she can't.
"And now, hindi na nga maayos ang sahod mo! Lumipat ka pa sa School na pinagawa niya! Volunteer pa! Paano ka ngayon ha?! Wala kang utak, Krizzia! Kaya ganitong hinanapan talaga kita ng mapapangasawa na mayaman, para naman kahit papaano ay gumanda ang buhay mo!"
Blah blah blah! She's capable enough to sustain her needs and wants! Krizzia's not even using her mother's money, simula nang makapasa siya sa Licensure examination for Teachers at maging opisyal na Guro. Mahirap sa umpisa but she thanked God as always, na kahit papaano ay nakaraos siya.
She spend her every pennies wisely.
"I want you to attend a date tomorrow evening at Yves Restaurant—" Krizzia muted her mother's voice.
Sigurado siya na business man na naman ang kakaharapin niya bukas ng gabi. Gusto niya nalang tumalon mula rito sa floor ng unit niya, para ma deads na siya, but she love her dearest life and she's too pretty to die with distorted face.
"Are you listening?!" Singhal ng mommy niya. Krizzia just nod her head. "Make this one work, Krizzia! Malapit ka nang mamaalam sa kalendaryo!" Her mother hissed again before she left her unit.
Hindi na siya nag-abala na tumayo at ihatid ang mommy niya palabas. Matanda na ito, nagawa niyang pumasok sa unit niya, magagawa nitong lumabas na wala siya. Nakakatangina ang buhay na meron siya pero ito ang binigay sa kanya. She needs to sucked it up.
Krizzia fixed hair first and continue what she's doing. She's too stressed because of her mother. Well, ito lang naman ang nagbibigay sa kanya ng stress. Wala ng iba!
Mag-uumpisa pa lang siya na magsulat ulit nang marinig niyang bumukas ang pintuan ng unit niya. She squeezed her eyes shut and massage the bridge of her nose. Hindi na siya nagulat nang makita si Killian na nag-aayos ng pagkain sa maliit na lamesa niya na nasa kusina.
"What the hell are you doing here again, Killian?" Naiiritang tanong niya sa lalaki.
Killian looked at her and smiled, pinaghila pa siya nito nang upuan at sinenyasan na maupo doon. She raised her brow and checked the food he bought. Fries, chicken wings, burger and her favorite white pasta.
"Lagi naman akong nandito sa condo mo, hindi ka pa ba sanay?" He asked her. Tumirik ang mga mata ni Krizzia bago umupo.
"Nanliligaw ka pa ba o nakikipag live in ka na sa akin?" Nauurat na tanong niya sa lalaki.
Simula nang magpakita ito sa kanya at bumalik sa buhay niya. Hindi talaga siya nito tinigilan, everything happened so fast, one morning and Killian was in front of her condo unit door, knocking, with a bag in his back. Hanggang sa condo unit na niya ito umuuwi. Umaalis lang ito kapag may trabaho at sa t'wing darating ang mommy niya.
Hindi niya alam kung paano nahahagilap ng radar ni Killian ang mommy niya.
Mayabang na ngumisi si Killian sa kanya at umupo sa tapat niya. "I'd love that idea but we're not even sleeping in one bed. So, hindi live in ang tawag natin dito. Let's say, nakikitira lang ako?" He chuckled sexily.
"Asungot ka gago." She hissed and Killian just laugh at her and made her eat the fries he's holding.
"How's your day? Hindi mo naman nakalimutan kumain nang lunch kanina no?" Sunod sunod na tanong niya habang ngumunguya.
Sumama ang mukha ni Krizzia sa inasal nito. He was like a pig when he's eating. She rolled her eyes and throw the tissue right on his face.
"Baboy mo," she commented. "Paano ko makakalimutan kumain kung may pinadala kang pagkain kanina sa School? Seriously, Killian. Stop, just stop sending too much food!" Singhal niya.
Hindi niya halos maubos ang pagkain na ipinapadala nito sa kanya. Hindi niya rin naman maipamigay sa mga bata na tinuturuan niya dahil may sariling lunch and snacks ang mga ito na provided by Yves, one of Kyst and Killian's friend.
"Oh, okay. So, how's your day ma'am?" He asked again.
Lumabi si Krizzia sa kaibigan slash manliligaw slash border sa condo unit niya.
Ever since he came back, he never failed to asked her how's her day, if something's bothering her, or if she's having a problem with her mother. In short, Killian was her stress absorber. Lahat nang pagod niya nawawala dahil sa lalaki. Nagbubunganga lang talaga siya para ipakita na naaasar na siya sa pagmumukha ni Killian.
"Good, not until my mother came into the picture." Krizzia answered and sighed.
Killian nod his head while chomping his chicken wings. "Go on, I'm listening."
"Ikaw ba kumain ka kanina?" She asked the same question he asked earlier.
"I forgot, we have to take care of some artists contract first. Ngayon ko lang naramdaman ang gutom ko."
Umiling nalang si Krizzia sa sagot nito. He always priories her and his work, pero hindi ang sarili nito. Mabuti nalang talaga at alam niyang uuwi ang lalaki sa unit niya kaya sumobra ang kanin na sinaing niya. Or should she say, sinadya niya talaga na pasobrahan ang isasaing. Pinagsandok niya ito atsaka inilapag sa harap niya ang pinggan na may lamang kanin.
"Thanks seb!" He exclaimed and dig in. "Talk,"
She sighed softly as she eat some fries. "Wala naman bago kapag dumadating si Mommy dito. You know the drill, I need to meet up with a stranger again and try to like them. Kasuka, walang taste sa lalaki si Mommy!" Reklamo niya.
Inabot niya ang isang baso ng tubig kay Killian nang maubo ito. He immediately drank it and tapped his chest.
"You're still going to attend," his voice was dripping with bitterness.
"Selos ka?" She asked playfully.
Umakto si Killian na ginigilitan ang leeg nito, "ako? Selos? Ilang taon na nga ulit si Khaila?"
"Going seven," she answered.
"Mag 5 palang si Khaila nung nanligaw ako sayo. Shit! Seb, haba ng buhok mo no? Killian Hernandez, isang sikat na aktor, matagal nang nanliligaw sayo!" He exaggerated.
Ngumiti siya ng sarkastiko. "Killian Hernandez, isang sikat na aktor pero fuck boy sa totoong buhay. Panggulo ngayon sa buhay ni Krizzia. 'Yon ka buang!"
"Seb! Bagong buhay na 'to oy! Sayo nalang ako ngayon," naningkit ang mga mata nito habang kagat ang pang ibabang labi. Gustong masuka ni Krizzia sa pinaggagawa nito. Pasalamat nalang siguro si Killian na biniyayaan ito ni Lord ng gwapong mukha. Medyo kinulang nga lang sa katinuan.
"Mukha kang tanga gago. Linisin mo 'yan ah? Ilalabas ko na yung comforter, unan at kumot mo."
"Sa sala ako? Ayoko!" Kontra agad nito.
Sa sala naman talaga ito DAPAT natutulog, hindi niya alam kung paanong nakakapasok si Killian sa loob ng kwarto niya at sahig ito nagkakampo. Siya lang ang napapagod na maglabas ng mga gamit nito!
"Hindi ko pa nalilinis ang kwarto ko, nakakalat pa ang mga pinaggupitan ko ng cartolina."
"Linisin. Don't tell me magpupuyat ka na naman?" Killian asked. Inumpisahan na nitong iligpit ang pinagkainan nito at unti unting nililinis ang maliit na lamesa.
"Hindi, pwede ko naman ituloy bukas 'yung lesson plan ko. Isang visual aids na lang din naman ang gagawin ko." She answered.
"Ilabas mo nalang yung mga materials mo. I'll help you," Killian winked at her making her face put in a sour mood. They're always together for God knows how long, pero hindi pa rin talaga siya sanay at hindi siya naapektuhan sa mga pinaggagawa nito.
Rather, pinipilit niya ang sarili na hindi siya maapektuhan hanggang sa masanay na siya.
Ginawa niya lang ang gusto ni Killian, besides, he'll do what he wants. Outsider na nga ito sa bahay niya, outsider pa ito sa mismong kwarto niya.
Lahat ng mga gamit na gagamitin nilang dalawa, nailabas na niya, and Killian is still inside her room, cleaning. Wala sa sarili na napangisi si Krizzia, having an outsider in her house was not bad at all. Not bad. Especially if he's a badass doing house chores and letting her rest like a Queen.
Inumpisahan na niyang gupitin 'yung mga na print niya kanina, para hindi na sila matagalan. Pwede naman siyang gumawa sa Power point presentation kung tutuusin, pero ito ang nakasanayan niya and the fact that she's capable to teach properly using this kind of visual aids.
Hindi na siya nag-abalang kumilos nang may sumiksik sa kanya at ginawang unan ang hita niya. Hindi na siya naiilang katulad noon, when Killian rest his head on her lap for the first time, nag-iisip pa siya kung tama ba 'yon gawin ng magkaibigan. But now, hindi na ni consider si Krizzia si Killian bilang kaibigan niya. Matagal na niya itong itinakwil sa friends list niya!
"Inilabas ko yung mga nagawa mo na, para hindi nakakalat sa kama mo. I already clean and fixed your table just how you like it." He said while helping her cutting the constructions paper.
Bumangon si Killian na ikinagulat niya. He usually laid his head in her lap hanggang sa matapos sila.
"What's this? Science?" Tanong niya at sinulyapan siya ng kaunti. She just hummed, confused why he's asking.
Krizzia was more that surprised when Killian moved on his own. Inilatag nito ang kartolina at ito na mismo ang nagdikit at gumawa ng design na naaayon sa gusto niya without asking her, kung tama ba ang ginagawa nito o hindi. Si Killian ang tumapos sa huling visual aids niya. The visual aids he created was more attractive than the visual aids she created.
"Woah," she expressed.
Killian yawned and stretch his arms, making his biceps flexed.
"Done, let's go. Tulog na tayo, bukas ko nalang ililigpit kalat natin." He said, nauna pa ito na tumayo sa kanya. Hinubad ni Krizzia ang suot na specs at tinanggal ang pagkakatali ng buhok.
"You look hot while doing that,"
Krizzia rolled her eyes and looked teasingly at Killian. His ears were red down to his neck at dahil V shape ang suot na tee shirt nito kita kahit papaano ang namumulang dibdib nito.
She playfully shake her head and pushed Killian's shoulder, "minamanyak mo na naman ako Mr. Hernandez!"
Killian eyes widened and scoffed at her, nakasunod sa kanya papasok sa kwarto niya. Tumaas ang kilay ni Krizzia nang makita ang itsura ng kwarto niya. It was better than earlier. Parang dinaanan ng bagyo kanina ang kwarto niya dahil sa sobrang kalat, that's because she doesn't have time to clean her mess, first because her mother was keep on nagging her, second she's doing her lesson plan. Na hindi niya rin naman natapos dahil sa mommy niya at may dumating pa na asungot.
"Excuse me, miss ma'am! Kung minamanyak kita wala ka ng suot na damit ngayon!" Killian retorted.
She fake a gasped and turned her head, "iniisip mo 'yon no?" Pang-aakusa niya dito.
Killian smirked and shrugged, nauna na itong humiga sa higaan nito na naka latag sa sahig. He was smiling from ear to ear, hindi pa rin humuhupa ang pamumula.
"Nah, mas worth it isipin na kinakasal tayong dalawa." He turned around and wink.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top