Chapter 9

RANGER CAN'T BELIEVE that he's now in a relationship, and it's official, it's a serious relationship with Angel. It felt surreal when she said the word 'okay', though he was planning to ask her in a place that can be special for the both of them. But his mother came into the picture.

His planned ruined.

Angel is now busy cleaning up the house, may nilalabhan pa ito sa laundry area, she told him not to disturb her and here he is. Being a obedient pussy, tahimik na nakaupo habang pinapanood ang dalaga na mag trabaho.

"You can rest, hell I don't mind if you won't work anymore. I can just call manang to clean the whole damn house!" He hissed. Hindi na niya napigilan ang sarili na manahimik nalang at hintayin ang girlfriend niya na pansinin siya.

This is their first day as a couple, and here they are. Angel cleaning the whole house and him waiting for her to give him the attention he wants.

He gulped when Angel glanced at him with her one eyebrow raised.

"May sinasabi ka?" Her voice was too soft, hindi niya masabi kung galit ito sa kanya o naasar. Even her face was too calm, kahit nakataas pa ang isang kilay nito.

Ranger shake his head and smiled sweetly. "Ang sabi ko o-order ako ng lunch natin sa restaurant ni Yves, and I'll be inside my room and work."

Umiling si Angel sa sagot niya. "Okay, hihintayin ko nalang yung oorderin mo. Baba ka nalang after 1 hour? Tapos ko nang linisin ang sala at kusina noon, isusunod ko ang kwarto mo." She said making him frown. "Oh? Bakit ka nakasimangot?" Tanong nito sa kanya.

Ranger looked at her flatly. Really? Hindi nito alam kung bakit siya wala sa mood at naka simangot?

"This is our first day as a couple, we should be spending time for each other. Hindi yung naglilinis ka at hindi ako pinapansin!" Maktol niya. It looks childish but who cares? He's craving for Angel's attention.

Angel sighed. "Lapit ka nga sa akin." utos nito sa kanya.

Nakasimangot na lumapit si Ranger kay Angel. Ranger thought she will finally gave her the attention he wants, but instead of some loving, he received a lecture.

"Ilang taon ka na?" She asked making his forehead crease.

But still, even he's confused. He gave her the answer. "Thirty."

"At 24 na ako. In short we are both adult so stop acting like a teenager. May trabaho ka at may trabaho din ako, tapusin muna natin ang trabaho natin bago tayo maglampungan okay? May oras para sa trabaho at may oras para sa ating dalawa."

"Yeah? I don't care about work. I can spend my whole time with you." He answered nonchalantly.

Napaigik si Ranger nang pitikin ni Angel nang malakas ang noo nito. He glared at her, but when he saw her beautiful angelic face, biglang lumambot ang ekspresyon niya.

"Pareho tayong magugutom kung hindi ka magta-trabaho. Kaya sige na, umakyat ka na sa kwarto mo at gawin mo na lahat ng kailangan mong gawin." Ani nito na parang tinataboy siya. "Ranger, hindi sa lahat ng oras dapat magkasama tayo. Bukas. Kahit anong gusto mo, gagawin natin. Kaya sige na, magtrabaho ka na!"

Pigil ni Ranger ang ngumiti sa harapan ni Angel. He nod his head and turned his back on her, doon niya lang pinakawalan ang ngiti na pinipigilan niya kanina.

Damn, talk about lucky. Mukhang nasalo niya lahat.

He got a very matured partner. Not cling. At alam nito ang mga bagay na kailangan niyang i-prioritize.

As soon as he entered his room, he picked up his phone, inuna niyang i text si Yves para sa pagkain nila, and the he chatted his friends.

Ranger: Guess what?

JyrelleVraxx: Tsismoso ka na rin pala?

Laur: Thought it's just me, Light and Castiel.

Castiel: @Laur, I'm innocent.

Kade: Innocent my ass. @Castiel

Kyst: What? @Ranger

Killian: What's up? Bakit buhay na naman ang group chat natin?

Ryker: I'm not in the mood to guess @Ranger. Spill the fucking tea of yours.

Mikael: Ang hot mo naman fafa @Ryker!

Ryker: Damn you!

Ranger: I have a girlfriend and she knows what to prioritize first, right now she's cleaning the whole house and locked me inside my room to work!

Natahimik bigla ang group chat nila at nawala ang mga tarantado niyang kaibigan. He waited for a moment. His eyes widened when they kicked him in their group chat.

"What the fuck!?" He hissed.

Agad niyang tinawagan si Laur. The old geezer didn't picked up his call, not even once. Hinayaan niya nalang ang mga ito at pabagsak na umupo sa swivel chair niya. The papers he needed to sign and meetings for his Agency's new big clients are going to be online for now.

Ranger planned to rest for today, and have a date with Angel. But it turns out that Angel wanted to stay here and work.

He opened his email one by one and spent his whole time reading them, some of the emails were from big companies and some were just a pest. Aside from his Agency, may isang branch din ng Family company ang hawak niya. His Father doesn't really want to give him up, even though Jillian promised them that she'll handle the Company once she graduated.

Not to mention that his sister is a talented and a real shark when it comes to business. He, himself saw how Jillian works. It's not dirty but it's tricky, making it looks like Jillian fooled the other party.

Kayson already set up the meeting online, he fixed his things and wear his coat. The meeting just started when his phone rings.

"Hold up. I need a seconds, this call is kinda important." He said and off his microphone and camera.

His friend really knows how to bothered someone.

"What? I'm on a meeting!" He hissed the moment he answered the phone.

[Bakit mo sinagot?] Pabalang na tanong sa kanya ni Laur. [Anyway, this is just a real quick question. Is it true? That you have a girlfriend now and that she locked you inside your room to work?]

Kumunot ang noo ni Ranger. This asshole won't really believe him huh?

"Yes, it's true. You fucker!" Singhal niya.

Why would he lie about that matter? He never had a girlfriend before. Puro flings lang at one night stands!

[You won't run away this time?] Laur asked. He squeezed his eyes shut and massage the bridge of his nose. [Laur! That's enough. End the call now!]

The line ended. Making his brows furrowed. What the hell was that?

"Mr.Sandoval,we need your presence here."

Napahilamos siya sa mukha nang marinig ang boses ni Kayson. Humingi siya ng dispensa at pinagpatuloy na ang meeting.

PAGOD NA ang katawan ni Angel pero gusto pa rin niyang magtrabaho. Kulang nalang ay pakinangin niya ang buong sala ng bahay ni Ranger. She wiped the sweat on her forehead, kulang pa.

Hindi alam ni Angel kung paano umakto ngayon sa harapan ni Ranger, kaya maaga siyang nagising, no, she didn't even sleep. Hindi siya nakatulog kakaisip kung paano siya aakto.

Their relationship changed too fast. From boss to employee relationship to Boyfriend and girlfriend  relationship.

Eto ang napapala niya sa pagsagot sa lalaki ng hindi nag-iisip! It's all his fault tho, salamat sa napaka gandang mga mata nito na laging nakatitig sa kanya, those eyes rendered her to think clearly.

Wala sa sarili na napatingin siya sa hagdanan. Nakakabingi ang katahimikan.

Mabuti nalang at masyadong convincing ang speech niya kanina at napapayag niya ang lalaki na magkulong muna sa kwarto nito at mag trabaho. She was actually expecting that she won't see Ranger first thing in the morning. Katulad ng mga nakaraang umaga na nagigising siyang wala na ito at may pera na naiiwan sa lamesa.

Nasapo niya ang noo nang maalala ang pangako niya sa lalaki kanina. Bukas. Gagawin nila lahat ng gusto nito.

Bakit bigla siyang kinabahan?

Angel came back to her reverie when she heard the door bell. Agad niyang binitawan ang basahan na hawak hawak niya at naglakad palabas. Her steps halted when she saw a handsome man standing in front of the door.

Ang linis nitong tignan dahil sa soot nitong puting long sleeve na polo, black jeans at mamahalin na sapatos. Kumunot ang noo ni Angel nang mapansin na may suot itong puting apron, his hair was dishelved probably because he ride motorcycle without a helmet.

"Ahm..." Nanuyo ang lalamunan niya nang tignan siya nito sa mata at masuyo na ngumiti sa kanya.

"Where's Ranger? He asked me to deliver his food." Napakurap kurap si Angel.

"Ahm, ano, nasa taas. Nagta-trabaho?" Alanganin siyang ngumiti sa lalaki.

Hindi din siya sigurado kung ano ang ginagawa ni Ranger ngayon, dahil hindi naman siya nag-abala na sumilip o kaya ay dalhan man lang ito ng makakain sa kwarto nito.

"Are you... Perhaps, his woman?" Dahan dahan na tanong ng lalaki sa kanya.

Angel was thorn in between nodding and shaking her head. Gusto niyang tumango dahil ayon naman ang totoo, at gusto niyang umiling dahil sa itsura na mayroon siya ngayon, sa isipin na baka mapahiya si Ranger. But still, she nod her head and tried to beamed.

She realized that people can say something behind her back, dapat na siyang masanay ngayon pa lang. Isa pa, hindi naman sila ang pakikisamahan niya.

Ranger is now her boyfriend. She should be proud. Kahit na sablay ito dahil sa pagiging babaero.

"A-ako nga," nauutal na sagot niya rito.

Mahinang tumawa ang lalaki sa kanya at tinapik ng marahan ang balikat, "relax, I'm Ranger's friend. Ang akala namin nagbibiro lang siya kanina, looks like he's not playing right now. Can we take a picture together?"

"Ha?"

"Picture. Ebidensya. You see, I'm busy cooking inside my restaurant kitchen when someone, no, a bunch of old geezer came to my restaurant and asked me to deliver his food personally. A spy in short." He explained carefully.

Napangiwi nalang si Angel sa lalaki. Weird.

Kahit na we-weirdo-han siya sa lalaki, sinunod pa rin nito ang gusto. Inilabas nito ang mamahalin na cellphone at iniharap sa kanilang dalawa. Angel just simply smiled and the man just rosed his side lips. He looks good nonetheless, unlike her na mukhang basahan dahil sa paglilinis ng bahay.

"Here," inabot nito ang tatlong supot sa kanya. "And, the name is Yves. A chef." He smiled and turned his back on her.

Nakasunod lang ang mga mata ni Angel sa lalaki hanggang sa sumakay ito sa motor na dala. Bumaba ang tingin ni Angel sa supot na hawak niya. The food smells so good. Napahawak siya sa tiyan nang marinig na bigla nalang itong kumulo.

Nadaanan niya ang hagdanan papunta sa kusina. Ilang minuto nalang ay mag-iisang oras na ito sa kwarto nito. She'll bet that he's hungry too. Kaya dali dali niyang inilipat ang mga pagkain sa pinggan at mangkok.

After preparing the foods, itinabi muna niya ang mga ginamit na pang linis. Ngayon niya lang naramdaman ang pagod sa katawan, at may labahan pa siya sa laundry area na aasikasuhin pagkatapos niyang kumain.

She's cracking her head and massaging her own shoulder, habang umaakyat sa hagdanan patungo sa kwarto ni Ranger.

She softly knocked before entering his room. Ang akala niya ay madadatnan niya ang lalaki na seryosong nagta-trabaho. Pero ang sumalubong sa kanya ay ang natutulog na Ranger, ginawa nitong unan ang mga braso.

Pinulot niya ang mga nagkalat na papel sa sahig bago nilapitan ang kasintahan. Mukha itong bata na natutulog, natatabunan ang mukha nito dahil sa buhok, at nakanguso pa ang mga labi.

Angel brushed her hair off to his face and stared at his face freely. Hindi siya makapaniwala na nagkagusto sa kanya ang ganito ka gwapong lalaki. Wala siyang tiwala sa ganda niya, dahil kay Ranger.

She sighed. Hinaplos niya ang pisngi nito. Ilang beses siyang lumunok bago niya pinatakan ng halik ang noo nito.

That's it... for now.

"I'd really appreciate that kiss if it's a kiss on my lips." Ranger said playfully and chuckled.

Natulos sa kinakatayuan niya si Angel. Gising pala ang damuho! She was about to smack his head when he moved and looked at her with a sweet smile plastered on his handsome face. He's face is glowing.

"A kiss on my forehead, it feels great. My heart is full, Angel."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top