Chapter 8

OVER THINKING of what will happen next was too exhausting for Angel that she let her self fell asleep for about an hour and woke up because of the noices coming from the Sala.

Looks like Ranger, her boss, welcomed the sophisticated woman she saw earlier. Masyado itong maganda para ikumpara sa kanya, her clothing were screaming the brands that she cannot afford, kahit magpaka kuba pa siya sa pagta-trabaho.

She yawned and stretch her arms. May trabaho pa na naghihintay sa kanya sa ibaba. She rested enough, at hindi naman tama na abusuhin niya ang pagkaka gusto sa kanya ni Ranger. Yes, he told her that she likes her. But that doesn't mean that she will just lay her ass and seat like a Queen in a household where she's supposed to be a maid.

Nagpalit muna siya ng damit at itinali ang buhok. Sinuot niya ang bigay ng isa sa mga nakasama niya noon na katulong sa pinanggalingan niyang bahay. It was a old white dress, hanggang tuhod niya ang haba. May mga iilang strand ng buhok niya ang makulit at kumawala sa pagkakatali, hinayaan niya nalang. Tinatamad na siyang ayusin ang buhok niya, malalaglag at malalaglag pa din naman ang mga ito.

Tamad siyang lumabas ng kwarto at naglakad pababa sa hagdanan. Nasa kalahati palang siya ng hagdanan nang may makita siyang magkayakap na babae at lalaki. Sa tantya niya ay ka edaran lang ng magulang niya. The woman eyes settled on her, nagulat nalang si Angel nang itinuro siya nito.

"Oh! There she is!" Sigaw nito.

Nagtataka man ay pinagpatuloy pa rin ni Angel ang pagbaba. The woman is pretty, sa sobrang ganda nito hindi mahahalata na may edad na ito. Pasimple siyang napa tingin sa dalaga na nasa tabi ni Ranger, she really looks like her. Habang ang lalaking nasa tabi naman nito ay carbon copy ni Ranger.

Her thoughts fled out through the window when the lady shouted.

"Mom! Kuya just said he's a simp!" She announced and Ranger just chuckled.

"Hi! I'm Dione, Ranger's mother. And this is my husband, Ian. Babaero din 'to noong araw, sa kanya nagmana ang panganay namin!" Nagulat si Angel nang bigla nalang itong naglakad papunta sa kanya. Ang ibang sinasabi nito ay hindi na niya maintindihan sa sobrang bilis ng pagsasalita.

Angel was just staring at the middle aged woman. Sinusubukan na may maintindihan kahit papaano sa sinasabi nito sa kanya. Patagong huminga ng maluwag si Angel nang kumalma na ito at naging normal na ang pananalita. Hindi niya alam bakit bigla nalang siyang kinausap ng ginang, hindi ba nito alam na maid lang siya sa pamamahay ng anak nito?

"This is the first time that Ranger let a woman stepped inside his house, well except from me and his sister, Jillian. Are you his girlfriend? Fiancee perhaps? When is the wedding?"

Napanganga si Angel sa mga tanong nito. Gusto niyang sumagot pero hindi niya magawa, masyado siyang na windang sa mga tanong na ibinato ng nanay ni Ranger.

"She's not yet—" Napalingon si Angel kay Ranger, she was expecting that he'll tell them the truth, that she was just a maid. Pero nang lumingon ang ginang sa lalaki, bigla nalang itong tumahimik at umatras.

"I want you to be my son's girlfriend. Kung hindi malulungkot ako! Do you want me to be sad? I'll be depressed about it. Oh good God! I can see my self inside the mental hospital because I didn't get a pretty woman to be my son's wife!"

Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Angel sa narinig. Oo nga at malaki ang pagnanasa niya kay Ranger, pero hindi niya inaasahan na ibebenta siya ng sariling nanay nito sa kanya. She saw on her peripheral vision Ranger slowly shaking her head.

Her eyes widened when Ranger's mother started to cry. Hindi alam ni Angel ang gagawin sa ginang, she can say no. Pero mukhang mahihirapan siya na sabihin 'yon. Lumapit siya sa ginang at hinaplos ang likod nito.

Nawindang ang buong pagkatao ni Angel sa nangyayari. Kanina lang ay wala siya sa mood dahil kay Ranger. And now... She's facing his parent's and his mother is crying for a reason that she can see her self inside the mental hospital.

Dahil hindi niya daw nakuha ang magandang babae para maging asawa ng anak nito...

Ako ba 'yon?

Bumalik siya sa katinuan niya nang magsalita ulit ang nanay ni Ranger.

"You will be my son's girlfriend and soon to be wife right?" Tanong ng ina ni Ranger habang umiiyak, there's a glint of hope in her eyes that she will say yes to her crazy idea.

Yes, it was crazy! Why would she entered a relationship just because his mother wanted her to be her son's girlfriend and soon to be wife?

Aarte ka pa ba? Kung ibang babae ang tatanungin siguradong 'oo' agad ang sagot.

Parang may isang demonyo at isang anghel sa magkabilang balikat niya ang binubulungan siya kung ano ang dapat niyang gawin.

"Mom! Stop pressuring her! We will talk about this later!" Ranger voice was stern, and full of authority. Na kahit ang sariling ina nito ay napatigil niya sa pag-iyak, pero naririnig pa rin ni Angel ang mahinang pag hikbi nito.

Tumingin sa kanya si Ranger na parang naghihingi ito ng pasensya. Angel smiled at him sweetly to assured him that it's okay. Pero mukhang tinamaan ang lalaki, dahil natulala na ito sa kanya. Pasimpleng napailing si Angel. Guess she can't help but to be honest and to come clean.

"I like your son, as a man, Ma'am. I'll try to be worthy of his affection." She said and smiled at the woman.

But her smile immediately faded when she heard a loud thud. Ranger, her boss, fainted. Reason? Unknown.

"Goodness! That's so unmanly, Kuya! Muntik mo pa akong isama, buti nalang nakailag agad ako." Reklamo ng kapatid nito, bahagya pa nitong sinipa ang binti ng kapatid.

"I think he fainted because of your confession." Nakangiwing sabi ng lalaki, maybe Ranger's father? "Honey, did I fainted like that when you confessed to me?" Tanong nito sa asawa.

Ranger's mother wiped the tears on her face and nod her head. "Yes, you did. You bumped your head that night, kaya ang ending, imbes na mapaaga ang pag gawa natin kay Ranger, sa hospital ang bagsak natin imbes na sa hotel."

"That's too much information, Mom! Excuse you, I am existing here." Maarteng umirap ang kapatid ni Ranger.

"Sorry, darling! Can you check his head hija? Baka natuluyan na ang anak ko, nagchichikahan pa tayo dito."

Angel was too shocked to moved. Pero pinilit niya ang sarili na lapitan si Ranger na nakahiga ngayon sa sahig. He looked so peaceful while his eyes were closed. Dahan dahan siyang umupo at agad na pinulsuhan si Ranger, nang masiguro na may pulso pa ang lalaki, sunod niyang tinignan ang ulo nito.

"Hindi naman po yata nabagok? Humihinga pa naman po." Sabi niya at tinignan ang mga magulang at kapatid ni Ranger.

Nakahinga ng maluwag ang mommy ni Ranger, she rest her head on against her husband chest. "Goodness! Akala ko pa naman magagawa niyo na ang unang apo namin!" She exclaimed.

"They're not even official yet." Nakasimangot na singit ng kapatid ni Ranger.

Pasimple na napangiwi si Angel sa pag sagot nito. Angel thought she's a softy, pero mukhang spoiled ang bunso ng pamilyang Sandoval.

"Hija?" Napalunok si Angel nang kunin ng mommy ni Ranger ang atensyon niya.

Alanganin na ngumiti si Angel. "Pag-uusapan po namin muna ni Ranger?"

Angel eyes widened when the middle aged woman placed her hand over her chest and started to shed tears again.

"Stop being manipulative, Mom! Don't worry about her, Ate. Hindi naman mababaliw si Mommy sa pag-iyak. We're off to go. Please take care of my Kuya, and I will take care of our manipulative mother." Ngumiti ito nang matamis sa kanya, walang nagawa si Angel kung hindi ang tumango. Kapagkuwan ay lumipat ang tingin nito sa magulang. "Let's go home. Kapag hindi pa kayo sumunod sa akin pauwi, isusumbong ko kayo kay Kuya!"

Nagtaka si Angel nang umayos ng tayo ang Mommy nila at pinunasan ang gilid ng mga mata nito na may luha, pagkatapos ay hinila palabas sa bahay ang asawa.

"No, baby! We're going home! Right, honey? Angel, sweetie! Take care of Ranger and I want a baby girl! Dasalan niyo nalang habang ginagawa niyo! Effective 'yon!" Sigaw nito habang palabas ng bahay.

Namula ang magkabilang pisngi ni Angel sa narinig.

"Jusko Lord! Kailangan ko po yatang maglinis ng tainga ngayon." She whispered to herself. "Bakit kailangan mong himatayin? Hindi ko naman sinabi na buntis ako."

Inabot niya ang isang throw pillow at dahan dahan na inangat ang ulo ni Ranger, using her one hand she slipped the throw pillow and slowy lay his head down again.

Habang natutulog pa si Ranger sa sala, nagpunta siya sa kusina at inasikaso ang mga pinamili nilang dalawa kanina sa Grocery.

And now that his parents leave, naging malinaw na din ang pag-iisip ni Angel. Ano nga ulit ang sinabi niya kanina? Wala sa sarili na natawa siya sa sarili.

Napakagulo ng utak niya. Mas lalo na ang puso niya. Titibok nalang sa babaero pa.

Isang oras din ang ginugol niya sa pag-aayos ng mga grocery na pinamili nila. Her height is just average, hindi siya matangkad at mas lalong hindi siya pandak. But still, mataas ang mga cabinet sa kusina ni Ranger na kinakailangan pa niya na gumamit ng upuan, para tungtungan.

Muntik na niyang mabitawan ang mga hawak na itlog nang marinig ang paos na boses ni Ranger sa likuran niya.

"What happened? Why did I fell asleep there?" He asked.

She looked at him sideways. Para itong bata habang kinukusot ang mga mata. Cute. Inilipat muna ni Angel ang mga itlog sa tray at ipinasok sa loob ng Ref, bago hinarap ulit ang lalaki.

Kinagat ni Angel ang pang ibabang labi. "Nagka amnesia ka ba?" She asked.

"Why? Did I accidentally hit my head? Hindi naman masakit." Sagot nito habang hinihimas ang batok.

"Hindi mo natatandaan bakit ka hinimatay?" Tanong ulit nito sa lalaki.

Ranger brows furrowed and forehead creased. Ilang segundo itong nakikipag meeting sa sahig bago tuluyang namula ang magkabilang tainga niya, pati ang leeg nito ay namumula.

Looks like he remembered now why he fainted.

"That's fucking unmanly!" He hissed under his breath. "Fuck! I won't let the assholes knows about what happened today. Right! This should be a top secret. No ones going to know that I fainted because the woman I like said she likes me as a man. Oh God!"

Sumandal si Angel sa lababo at pinanuod ang lalaki na nagsasalita at kinakausap ang sarili. He's walking back and forth. He looks frustrated yet he still managed to look handsome.

Magulo ang buhok nito pero hindi man lang nag abala ang lalaki na ayusin ito. Siguro dahil alam nito na kahit anong ayos ng buhok, gwapo pa rin ito sa paningin niya at sa paningin ng ibang babae.

Ranger stopped walking and talking to himself and faced her. Nagtaas ng kilay si Angel, naghihintay sa susunod na gagawin ng lalaki. Posible pala na kahit mukhang tanga na ang lalaki, gwapo pa rin ito sa paningin niya. Or maybe because it was Ranger she's talking about.

"Ano?" Tanong niya sa lalaki nang hindi ito magsalita. Namumula pa rin ang tainga nito at bakas ang kahihiyan sa mukha.

He scratched his nape and shyly look at her. "Can you forget that part? Medyo, nakakahiya..." Halos pabulong na sabi nito.

"Nakakahiya na nahimatay ka?" Ulit niya, mas lalong namula ang tainga at leeg nito na ikina ngisi niya. May tinatagong hiya pala sa katawan ang isang Ranger Aiken Sandoval? Ngayon lang niya nalaman.

Pumikit si Ranger at nasapo ang sariling noo. "Please, huwag mo nang ulit ulitin. I admit that I lose my cool a while ago." He hissed.

"Sarap nga ng tulog mo e." Pang-aasar niya pa.

Ranger rolled his eyes at her. Bigla siyang kinabahan ng biglang sumeryoso ang mukha nito kahit namumula pa ang tainga at leeg nito. And now, it's her time to feel weak. Parang may nagliliparan na paro paro sa loob ng tiyan niya, dahil sa titig ni Ranger. Namanhid ang mga paa niya at kung hindi siya naka sandal sa lababo, malamang ay nasa sahig na rin siya naka upo.

"Were you serious about what you've said earlier? I don't want to put a pressure on you but I want to know... You like me too? Right?" Ranger asked with a glint of hopes in his Chesnut brown eyes.

Kinalma ni Angel ang sarili, ipinapakita sa lalaki na balewala lang at walang epekto sa kanya ang titig nito. Kahit na sa totoo lang, gusto na niyang tumakbo palayo sa lalaki para makahinga ng maayos.

"Angel?"

"Hmm?"

"I want you to be my girlfriend."

"Okay." Angel answered and shrugged.

Tsaka lang niya napagtanto ang isinagot niya kay Ranger nang inilang hakbang nito ang pagitan nilang dalawa, his smile was bright. Hindi pa niya nakita ang lalaki na sobrang lawak ng ngiti. Para itong nanalo sa loto dahil sa isinagot niya.

Ranger cupped her face. "I promised to be worthy of your affection. It's me who needed to try harder. I'll make sure you won't regret your decision to be my girlfriend." He said and pressed his lips against her forehead.

A small smile appeared on Angel's lips.

Sana nga...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top