Chapter 6
TAHIMIK LANG si Angel habang seryosong nilalagyan ni Ranger nang ointment ang pisngi niya na may pasa. He looks so serious, hindi din masyadong nakakaramdam ng hapdi si Angel dahil sobrang gaan ng pagdampi ng daliri nito sa pisngi niya. Pero ang puso niya hindi matahimik sa lakas ng kalabog.
Naka play pa rin ang wonder pets sa TV, masyado nang matanda ang lalaki para magustuhan ang ganitong klaseng palabas. But Angel found it cute. Gusto niyang matawa kanina nang makita itong seryosong nakatingin sa screen.
"I'll make sure this won't happen again."
Agad na lumipat ang tingin ni Angel kay Ranger na matiim ang tingin sa pisngi niya. Tapos na pala ito pero sobrang lapit pa rin ng mukha nila sa isa't isa.
"Salamat naman kung ganoon. Nakaka stress kaya kausapin ang mga babae na 'yon, ang yayaman tignan pero nawawalan ng class kakahabol sayo? May isa pa na nagsabing buntis pero umikot naman ang tiyan? Ano kaya 'yon?" Natatawang sumbong nito sa lalaki.
Ranger mischievously smiled at her and shrugged his shoulders. "What can I say? Your boss is too handsome." mayabang na sabi nito.
"Buhat na buhat natin ang sarili ah?" She laughed when her boss face distorted. Pero kahit nakasimangot ito ang gwapo pa rin naman. Napaka unfair yata ng pagkakagawa sa lalaking 'to!
His tussled hair makes him look more handsome. Simpleng pang bahay lang ang suot nito pero ang lakas pa rin ng dating. Ni wala nga itong suot na kahit anong palamuti sa katawan. Except for the diamond piercing on his left ear. Maliit lang 'yon at hindi mapapansin sa malayo, maliban nalang kung tatamaan ito ng araw at kikinang.
"What? I'm telling the truth and nothing but the truth." Depensa nito. She chuckled softly and shake her head, tumuon ang pansin niya sa TV. Tapos na ang wonder pets na pinapanood nito.
"Bakit ba nasa Disney Channel 'to?" She asked and pointed the TV. Ang alam niya ay nasa Netflix ito dahil may pinapanood siyang Kdrama.
"Nakasanayan. Iniiwan kasi minsan dito sa bahay yung anak ng kaibigan ko, she loves watching those cartoons and all. Especially, Frozen. Hindi 'yon nagsasawa sa palabas na 'yon." He said with a small smile plastered on his handsome face.
Umayos ng upo si Angel. "Mahilig ka sa bata?" Tanong niya rito.
"Hindi masyado. Pero mahilig ako mag baby ng matanda." Mapaglarong sagot nito habang nagtataas baba ang kilay nito.
"So, bine-baby mo lahat ng mga babae na pumupunta dito?" She asked again.
Ranger grimaced. "They know the real score before we did the thing. And they're all well compensated after, hindi ko alam bakit hinahabol pa rin nila ako. Telling all lies and shits. Hindi naman ako tanga, I know how reproductive system works. Hindi sila mabubuntis over night." He answered confidently.
Angel scoffed. "Ayan 'yong problema sa inyong mga lalaki e. Ang gagaling niyo gumawa pero hindi niyo naman kayang panindigan."
"Paninindigan ko naman. Kung alam kong akin. E ang kaso hindi naman." Dahilan pa nito.
May point din naman ang lalaki. Pero nakakaawa pa rin ang mga babae na panay ang habol rito, what if those woman's were virgin? Kahit pa bago nila gawin ang bagay na 'yon at malinaw ang usapan, sigurado na maghahabol pa rin ang mga ito. A piece of tissue is important to us, women. Kaya nga iniingatan ito at hindi basta basta binibigay sa kung sino man na lalaki.
"Let's stop talking about my past. How about you? Do you have any past relationships?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.
Angel observed his face. Hindi pa siya sumasagot sa tanong nito pero puno na ng disgusto ang mukha nito. Salubong ang kilay at kunot ang noo.
"May ex boyfriend ako. Nag break kami kasi hindi ko binigay ang gusto niya." Angel pouted her lips when she remembered her ex partner.
Napaka babaw lang ng dahilan ng hiwalayan nilang dalawa.
"Intimacy?" He asked in a low voice.
Angel nod her head. "Oo, hindi pa kasi ako sigurado sa kanya noon. I mean, bata pa kaming dalawa. Hindi porket gusto niya e pagbibigyan ko na. High school pa lang kami, paano kung mabuntis niya ako? Edi nagkanda letche letche lalo ang buhay ko?" She rolled her eyes.
Ranger chuckled at her. "On point. But they say a baby is a blessing."
Bumuntong hininga si Angel. "A baby is a blessing if you have means to sustain the baby's needs. Paano kung wala kang pera? Ako bilang babae, hindi pinanagutan? Tinakbuhan? Aasa ako sa magulang ko? Magta-trabaho? Mahihirapan na ako, mahihirapan pa ang anak ko." She answered calmly.
"But... After working hard all day, may sasalubong na bata sayo para pawiin ang pagod mo. It's all worth it? Don't you think so?" He asked.
Napalabi si Angel. "Oo naman." alanganin na sagot niya, lumingon siya sa lalaki at tinaasan siya ng kilay. "Teka nga! Gusto mo na ba ng bata? Bakit bata ang usapan natin?!"
Ranger chuckled and raised his hands on the air. Mas lalo lang tuloy na gumwapo sa paningin niya ito, even his biceps were showing proudly as he wear a simple sando shirt.
"If you were going to be the mother, why not?" Ranger answered her while chuckling.
Angel stilled and watched him chuckled. Hindi niya alam kung pinagt-tripan lang ba siya nito o totoo ang sinasabi niya. Naaasar siya sa sarili dahil umaasa siya na sana totoo nalang. But she knew better than that. Sa ilang linggo na nasa poder siya nito, ilang babae na ba ang lumusob at hinahanap ang lalaki?
"I like you, Angel. But don't be so pressured about it, I'll totally understand if you won't believe me. I mean, sino ba naman ang maniniwala sa babaero na kagaya ko?" He asked using his sad tone.
"Bakit tunog sad boy ka?" Natatawang tanong ni Angel sa boss niya. Honestly, her heart is beating wild. She just need to act cool in front of this man. Lahat yata ng kuryente dumaloy na sa katawa na. "Iiyak ka na ba, boss?" she teased.
Tumaas ang sulok ng labi ni Ranger. "If you won't like me back and if my charm will not have an effect on you, then... Maybe, I'll consider crying? Baka maawa ka sa akin. Ayos na 'yon."
Hindi alam ni Angel kung nagbibiro ba ito o hindi. But she just found herself laughing and talking carelessly with her boss. Parang ang tagal na nilang magkakilala habang nag-uusap sila. Their topic were very random, sharing opinions about a certain topic and talking about their past life. Minsan hindi sila nagkakasundo, but they will just end up laughing dahil hindi na nila matandaan kung saan nagsimula ang misunderstanding nila.
The next morning, Angel woke up feeling better. Nakatulong ang gamot at ointment na inilagay ni Ranger sa pisngi niya kaysa sa cold compress. Her body feels too light kaya naman ginaganahan siya na magtrabaho.
Nag stretched out muna siya ng katawan bago pumasok sa banyo at maligo. Habit na niya ang maligo muna bago mag trabaho. Napaaga ang gising niya kaya sigurado na nasa loob pa ng bahay na ito ang boss niya. She put some ointment on her cheek, iniwan ni Ranger ang ointment sa side table sa loob ng kwarto niya para siya nalang daw ang maglagay sa pisngi niya ngayong umaga.
Medyo pahirapan pa dahil naduduling siya sa salamin. She was humming a song while brushing her hair, habang pababa siya sa hagdanan papunta sa kusina. She feels like having a heavy breakfast kaya magluluto siya ng kanin.
Agad din nawala ang plano niya nang makitang walang laman kahit ano ang refrigerator. Wala na ang stock na pinamili niya.
"You are up early." Natulos sa kinakatayuan niya si Angel nang marinig ang baritonong boses na pag-aari ng boss niya. "Good morning, by the way, I bought some breakfast."
Humarap si Angel sa lalaki na may dalang paper bag sa isang kamay at dalawang cup na may tatak na Starbucks. He smiled at her and placed the cups on the kitchen counter and grab some plate, doon nito inilagay ang tinapay na nasa paper bag na dala dala nito.
Angel eyed him suspiciously. She watched Ranger's every move, ang pasimple na pag tingin tingin nito sa kanya, the skin ship, the foods. Ang paghahanda ng pagkain na dapat siya ang gumagawa.
"Ano'ng meron, Boss?" Hindi mapigilan ni Angel ang magtanong.
Ranger stop what's he's doing and smile at her. Yung klase ng ngiti na nakakalaglag ng panty na suot niya.
"I'm courting you if it's not that obvious." He said, mas lalo pang lumawak ang ngiti nito sa labi.
After eating breakfast, bigla nalang siyang inaya ni Ranger na lumabas. She thought that they're going to a date, pero ang magaling na boss niya, dinala siya sa Grocery store. Ito ang taga tulak sa cart habang siya naman ang naglalagay ng mga dapat nilang bilhin. She figured that Ranger is not the type to eat can goods, kaya nilagpasan niya lang 'yon.
Instead, she picked up fresh meat, chicken, even some seafoods. Pagtapos ay tsaka siya kumuha ng mga seasoning at iba't ibang gulay na pwede niyang ipang sahog. She prepared eating home cooked rather than those ordered foods.
"Ranger! It's nice to see you here!"
Angel pursed her lips and continued to walk. Not minding, kung nakasunod pa ba sa kanya si Ranger o hindi. Kanina pa siya nagtitimpi dahil kahit saang parte ng Grocery store sila mapadaan, hindi nawawalan ng kakilala si Ranger. At karamihan doon ay puro babae na gustong umi-score sa lalaki.
"I'm sorry, I'm with someone." Mabilis na sagot ni Ranger. Actually, paulit ulit na ang linya na 'yan ni Ranger pero hindi pa rin siya ng mga ito tinatantanan.
"Who? Your Yaya? Oh come on, I don't mind if she tag along!"
Alam naman ni Angel sa sarili niya na Maid siya sa bahay ni Ranger. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla nalang nagpantig ang tainga niya sa narinig.
"Lady, that woman is not my Yaya. She's my wife. Now if you'll excuse us." Madiin na sabi ni Ranger. Nang bahagya siyang lumingon, gustong matawa ni Angel dahil bahagya pa talaga nitong binunggo ang cart na tinutulak ng babae.
Ranger looked at her apologetically. "I'm sorry about that.."
"Saan? Sa mga babae na humaharang sayo? O doon sa sinabi mo na asawa mo ako? Ayos lang. Hindi mo naman kailangan sabihin 'yon kung tutuusin." She said.
She gritted her teeth. Pinagdiskitahan nalang niya ang mga gulay na nasa harapan niya. She chooses carefully, tahimik lang si Ranger na pinapanood siya, na para bang tinatanya ang mood niya.
HINAYAAN muna ni Ranger si Angel. Hindi tumama sa kanya ang sinabi nito kani kanina lang. Kung may babae na haharang ulit sa kanya at ganoon ulit ang sasabihin, he wouldn't think twice to say the same thing.
Tahimik lang siya sa tabi nito at sumusunod sa mga section na pinupuntahan nito. Tapos na sila sa gulay gulay at napadaan sila ngayon sa mga iba't ibang klase ng gatas, chocolate, and other flavored drinks.
"I prepare coffee than milk and chocolate." Agad na sabi niya nang makita na kukuha dapat si Angel ng dalawang karton. But when she was about to return the item, siya na mismo ang naglagay sa cart nila. "But if you like milk and chocolate drink, we'll buy that one. Kahit ilang kahon pa ang gusto mo."
When did I become a pussy? He asked himself.
Naglagay siya ng limang box ng chocolate at gatas na hinahawakan kanina ni Angel sa cart nila. She didn't even react. Nilagpasan lang siya nito at kumuha ng tatlong Gardenia na tinapay at palaman. Peanut butter, Nutella and Mayonnaise.
He sighed heavily to get her attention pero hindi man lang siya nito hinarap. Angel is too focused on buying things. Now he regretted bringing her here. He grabbed her wrist and pulled her towards the counter. His patience is wearing thin and he sees it as a bad thing.
"Make it fast and stop staring at me." He rudely scowled.
Agad naman tumalima ang babae na nasa cashier. He hissed when he felt Angel pinched his arm. Oh ngayon pinapansin na niya ako?
Nang matapos na ma punch at mabalot lahat ng pinamili nila na umabot ng tatlong kahon, some staff helped them to carry the other boxes, hanggang sa mailagay nila ng maayos sa compartment ng sasakyan na dala niya.
Hinila niya ulit si Angel sa pulsuhan at pinasakay sa loob ng sasakyan. He placed his left hand on the side of her seat while his right hand is placed on the dash board. Cornering his prey.
"Push me, slap me, kick me, I don't care. Just don't hate me because of this..."
Bakas ang pagtataka sa maamong mukha ni Angel. He didn't let her to asked, he tilted his head and leaned forward, he close his eyes when the tip of their nose touched, he wanted to savour the moment and at the same time, he was deliberately giving her time to push him away. Pero hindi nito ginawa. And when their lips finally touches. Ranger felt his inside crumbled. All his defenses melted like a butter in an instant.
One touch of their lips and he knew that his life will be in trouble if he looses the woman he's kissing right now.
-*-
A/N: Ang panget ng schedule ko every Friday and Saturday. I'll try to write and update if I have free time. If hindi kakayanin, bawi nalang ako sa Sunday!
☕
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top