Chapter 5
RANGER DECIDED to take a day off and spend his whole day inside his house. Pero as usual, tumunog ang Alarm clock niya nang alas kwatro. Agad siyang tumayo at pinatay ang nag-iingay na alarm clock niya. Naghilamos lang siya at nagsuot ng jogging pants, fitted shirt and his running shoes. Hindi din niya kinalimutan ang apple watch niya at earpods.
Jogging is part of his morning routine. Nang makalabas siya sa kwarto niya tahimik pa rin ang buong bahay, the woman who was supposed to be her maid, is still sleeping peacefully inside her room. Napailing nalang si Ranger. She always overslept.
Hindi niya ito nadatnan kagabi. He came home around 7, pero tulog na tulog na ang maid niya sa kama nito. May naiwan pa nga na pinggan sa lababo. Ranger smiled, he doesn't mind washing her dishes. Nababaliw na siya!
He sighed and placed the earpods on his ears. He played some music first before leaving his house and do some jog. He was humming with the song playing while jogging. Hindi niya namalayan na nadaanan na pala niya ang bahay ng mga magulang niya, he didn't even notice that his sister was now beside her.
Ranger rolled his eyes and removed the earpods on his ears, agad na ngumiti ang kapatid niya sa kanya at inabot ang hawak nitong thermos na may lamang tubig. He stop jogging for a while and drink.
"What are you staring at, brat?" Agad na sikmat niya sa kapatid pagkatapos niyang uminom sa thermos na dala dala nito. He forgot to bring his because obviously, his mind was occupied with someone.
"Kailan ka pa nagka maid sa bahay mo? And she's pretty." Nakangiting sabi nito.
Ranger eyebrow raised. "Drop that smile. It's creeping me out." Pabiro niyang hinilamos ang mukha ng kapatid niya at tumakbo agad papalayo rito.
"You!" Sigaw nito habang nakasimangot na pinupunasan ang mukha nito. His sister immediately run towards him and hit his arm.
Hinayaan niya lang ang kapatid niya. It was also part of their morning routine to bicker. Him letting this brat hit his arms. Mabigat ang kamay ng kapatid niya kaya minsan ay tumatawang iniilagan niya ito na ikinaka asar ng kapatid niya.
"How did you see her? As far as I remember, hindi naman lumalabas ng bahay si Angel. Unless, she's going to buy something." He opened up.
Tumigil sa pagsuntok ang kapatid niya sa kanya at uminom muna. Her nose crinkle cutely.
"I saw her yesterday, napapalibutan ng mga babae. I think they're 15 or something? Good thing napadaan ako, kung hindi baka hindi lang ang right cheek niya ang namamaga right now. Those women could've done something even worse to her! I can't believe you have those battalions of wild tigress!"
"What do you mean?" He halted on his step.
"Oh you didn't know? Of course, how would you know if you keep on running away?!" Sarkastikong sagot sa kanya ng kapatid. She pointed her on his chest and glared at him. "Those wild animals camped outside your house, one of those slapped your maid real hard! Causing her right cheek to get swollen. Kung hindi pa ako napadaan kahapon, who knows what will happen to her?! And may I remind you that your sister, which is me, is a woman. Nakakatakot na ako lahat sasalo sa kagaguhan mo, Kuya!" She hissed.
Pinatunog ni Ranger ang mga daliri niya. "That, my dear little sister, will not gonna happen. I'll kick their asses first, bago pa sila makalapit sa'yo."
"Yabang, hindi mo naman ako kayang bantayan 24/7!" She sneered.
Umiling nalang si Ranger at iniwan na ang kapatid. He started to jog again to clear his mind and to think a ways, para hindi na magpunta ang mga babae na naikama niya sa bahay niya. What else do they want? Binigay naman niya ang hiningi ng mga ito kapalit ng isang mainit na gabi. So annoying!
ANGEL WOKE up feeling groggy. Masakit ang ulo niya at masakit din ang pisngi niya. She never knew that one slap can make her feel like this! Tamad siyang bumangon at nagtungo sa banyo ng kwarto, napalabi nalang si Angel nang makita ang pasa sa pisngi niya.
"Lord naman!" Reklamo niya habang nakatingin sa sarili sa harap ng salamin. "Bakal ba ang kamay non? Bakit nagka pasa? O baka hindi na sampal ang ginawa sa akin?" She asked herself.
Wala nang nagawa si Angel kundi ang bumuntong hininga nalang. Kinuha niya ang hot compress na nasa side table at bumaba na sa kusina, she put a lot of small ice inside the bag and placed it against her cheeks. Gustong maiyak ni Angel sa sakit pero tiniis nalang niya.
Wala sa sarili na napatingin si Angel sa lamesa. Walang pera? Tumingin din siya sa refrigerator, pero walang post it note doon. She shrugged her shoulders, baka nakalimot ang boss niya ngayon araw.
Good thing she buys a lot of goods with the money he left before. Kumuha lang siya ng powder chocolate drink at sinalin 'yon sa tasa at nilagyan ng mainit na tubig. She didn't bother to prepare a sandwich, as if makakakain siya ng maayos.
Angel turned around. Hawak niya sa kabilang kamay ang tasa niyang may milo, at sa kabila naman ay ang cold compress na nasa pisngi niya. She jumped when she saw her boss leaning on the counter, while staring at her.
"Boss! Bakit kayo nanggugulat!" She hissed. Binitawan niya ang hawak na tasa sa lamesa. Bahagya na natapunan ang kamay niya, she faced the sink and soaked her hand in warm water.
"Good morning. I'm sorry I startled you." Maliit na ngumiti sa kanya ang boss niya.
Angel blink her eyes. Naghihimala yata ang lalaki at nasa harap niya ito ngayon. She's used to not see him first thing in the morning. Kahit sa gabi, dahil late na itong umuuwi. At dahil nandito naman na ito ngayon, sinamaan siya ni Angel ng tingin.
"Why are you looking at me like that?" Nagtatakang tanong nito at napaatras pa ng hakbang.
Itinuro ni Angel ang pisngi niya ngayon na namamaga at may pasa. "Ito. Kasalanan mo ito!" Paninisi niya rito.
Oo nga at hindi naman ito ang sumampal sa kanya. Pero kung hindi naman ito gumawa ng kabalastugan hindi sana siya madadamay!
Ranger sighed and walks towards her. Siya naman ngayon ang bahagyang napaatras. Her eyes widened when she felt his hand on her cheeks. Basa ang buhok nito at katawan dahil sa pawis, but that doesn't make him less hot. Her heart beat erratically. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla nalang lumakas at bumilis ang tibok ng puso niya dahil lang sa paglapit at paglapat ng kamay ni Ranger sa pisngi niya.
"Does it hurt? Let's go to hospital. Pa check up natin." Masuyong sabi nito habang hinaplos ng marahan ang pisngi niya. He was looking intently at her bruise.
"H-hindi na. Makukuha naman yata sa cold compress." Naiilang na sagot niya at bahagyang tinabig ang kamay ni Ranger.
Umiwas siya ng tingin sa lalaki at pasimple na lumayo. She can't stand his presence. Masyadong malakas ang epekto ng lalaki sa kanya, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit bigla nalang nag-iinit ang katawan niya at malakas pa ang tibok ng puso niya. If this is what they called spark and sexual attraction. Hindi pala nakakatuwa.
"Pwedeng magpahinga muna? Hehe." She asked. Masakit ang pisngi niya at hindi nakakatulong ang kung ano man na nararamdaman niya ngayon na sobrang lapit ng Boss niya sa kanya.
"Yeah, wala naman na masyadong lilinisin dito sa bahay. I'll buy some ointment for you. Don't bother to cook, magpapa deliver nalang ako." Ranger answered and nod his head.
Once again, hinaplos ni Ranger ang pisngi niya. She shivered with his touch. Tumikhim si Angel at dahan dahan na umiwas kay Ranger. Kinuha niya ang tasa at nagmamadaling umakyat sa kwarto niya.
Lunch came at walang choice si Angel kung hindi lumabas sa kwarto at harapin ang boss niya na hindi umalis man lang sa bahay. Maybe it's his day off? Pero diba every Sunday lang ang off? But he is the Boss. Of course, pwede itong magpahinga sa araw na gusto nito.
Her brow raised when she saw the table setting. Para silang nasa class A na restaurant, magkaharap talaga sila, nasa gitna ang mga pagkain at may candle light pa talaga gayong tanghaling tapat? May table napkin pa na naka fold sa ibabaw ng pinggan.
"Hi boss, bakit ang ganda yata ng set up?" Agad na tanong niya nang makita ang lalaki na lumabas mula sa kusina.
Ranger smirked. "Pambawi lang sa ginawa ng mga ex fling ko sayo." He shrugged.
Kapagkuwan ay naglakad ito papalapit sa isang upuan at hinila ito para sa kanya. Angel felt some electrical feeling in her stomach. Dahan dahan siyang lumapit doon at umupo sa upuan. Sobrang attentive ng lalaki, ito ang nag unfold ng table napkin na nasa pinggan nito at inilagay pa sa ibabaw ng binti niya. Ang lalaki din ang naglagay ng pagkain sa pinggan nito.
"Hindi ko alam kung anong gusto mong pagkain, hindi naman kita matanong dahil tulog ka kaninang sinilip kita sa kwarto mo. Isa pa, sanay na si Yves na kung ano-anong pagkain ang pinapadala sa akin. Do you have any allergies?" He asked.
Sinilip siya nito kanina habang natutulog? Ano kaya ang itsura niya? Nakakahiya!
"Okay naman na 'to, hindi naman ako pihikan pagdating sa pagkain." She answered. Bahagya pa siyang tumikhim dahil pakiramdam niya may kung ano na nakabara sa lalamunan niya. She's feeling nervous and she doesn't know why.
Nang matapos na itong maglagay ng kanin sa pinggan niya, umupo na ito sa harapan niya at ang sarili naman ang inasikaso nito. Wala nang pakialam si Angel kung kasabay niya kumain ang boss niya sa hapag, what more important to her is her grumbling stomach, hindi sapat ang Milo na ininom niya kaninang umaga! Kung bakit ba naman kasi bigla nalang lumitaw ang boss niya at may pahawak hawak pa sa pasa sa pisngi niyang nalalaman!
Aminado naman siya na attracted siya sa boss niya.
Gwapo.
Mayaman.
Mabango.
Ang kaso, babaero.
But you like him yeah? Anang boses sa likod ng isip niya.
A huge realization hit her. Ayaw niyang mapabilang sa mga babae na naghahabol dito, hanggat maaari ay iiwas siya. Pero iniisip palang niya ang pag-iwas nanlalambot na siya. How can she possibly avoid this man in front of her if they were living under the same roof? At ang malala ay boss pa niya ito.
"Lumabas nga pala ako kanina, bumili ako ng ointment para sa pasa diyan sa pisngi mo and I also asked some medicine. Inumin mo nalang after natin kumain and I'll put some ointment after you shower." He instructed.
Angel ang puso. Ikalma mo! She reminded her self.
Yumuko nalang si Angel para itago ang namumulang pisngi at pinagpatuloy nalang ang pagsubo sa pagkain niya. Naiilang pa siya sa pagsubo dahil pakiramdam niya ay may nakatitig sa kanya. But she heed no attention and focus on her food.
After nilang kumain, hindi siya agad pinatayo ni Ranger. Sinigurado talaga nito na iinumin niya ang binili nitong gamot para sa kanya.
"Ako na ang magliligpit. Go upstairs and take a shower, pagtapos mo baba ka ulit dito." Utos nito sa kanya.
Wala nang nagawa si Angel nang mag-umpisa na itong ligpitin ang pinagkainan nilang dalawa. He looks so serious while doing the house chores. She's the maid pero parang hindi naman. Saan ka nakakita ng maid na maliligo after kumain? Wala. Usually, sila ang magliligpit sa pinagkainan at maghuhugas.
Katulong ba talaga siya dito? She's starting to doubt it.
Pagkaakyat niya sa kwarto niya, agad siyang naligo. Dahan dahan pa siya na hindi masagi ang pisngi niya. After that, bumaba na siya at natagpuan ang boss niya sa sala na nanonood ng television.
"Wonder pets?" She asked and looked at her boss.
Seryoso pa talaga ito na nakatingin sa screen ng TV. Ranger shrugged and tapped the space beside him, alanganin si Angel na tumabi sa lalaki. Dahil kapag katabi niya ito, kakaibang init ang sumisiklab sa katawan niya at bumibilis ang tibok ng puso niya.
"Kikilos na din kasi ako." He answered that makes her head confused.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top