Chapter 3
A SMILE stretched out in Angel's lips. Hindi naman pala ganon kasama ang gwapong nasa harapan niya. He give her a new work, dapat na niya 'yong ipagpasalamat. At least, hindi siya nito pinalayas katulad ng iniisip niya.
Andito siya ngayon sa loob ng office nito, sa sofa na nakaharap sa lamesa ng lalaki. He looks so handsome and hot. Mas lalong naging prominente ang pagka tangos ng ilong nito dahil sa pagkakayuko. Magulo ang buhok nito na parang bagong gising lang, pero hindi man lang naka bawas sa kagwapuhan.
Kung ito ang magiging boss niya, hindi na siya lugi. Libreng bahay na matitirhan, may sahod siya, malamang! Magta-trabaho pa rin naman siya sa bahay nito! Libreng pagkain at higit sa lahat. Araw araw gaganda ang umaga, tanghali, hapon at gabi niya! Libre lang naman siguro ang magnasa sa magiging boss?
"You hungry?" Agad natauhan si Angel nang marinig ang boses nito, napaiwas pa siya ng tingin kahit hindi naman nag-angat ng ulo ang lalaki.
"Medyo lang naman..." Makapal na sagot niya sa tanong nito.
The man chuckled while signing, "I figured. Kung makatingin ka para mo na akong sasagpangin." He said and glance at her.
Gustong lumubog ni Angel sa kinauupuan niya ngayon. Naramdaman niya ang pag-init ng pisngi niya. Kulang nalang ay pati singit at talampakan niya ay mamula sa sobrang hiya!
"H-hindi ah..." Natatarantang tanggi niya.
Umangat ang kilay ng lalaki at umayos ng upo, sumandal ito sa sandalan ng upuan at tamad na tumingin sa kanya. Jusko Lord! Ang yummy!
"Hindi ka nakatingin? Or should I say nakatitig?" Nanghahamon na tanong nito sa kanya.
Nanliit ang mga mata ni Angel. She sighed and give up.
"Nakatingin, pero hindi kita gustong sagpangin! Ang O.A non, Sir."
Humalakhak lang ang lalaki sa sagot nito. He pressed something on his table and within a second nasa loob na si Kayson, the secretary.
"Tell Yves I'm hungry."
Ayon lang ang sinabi nito at tumango na ang secretary niya. Kumunot ang noo ni Angel, at kuryosong napatingin sa katawan ng boss niya. It's built perfectly. Hindi siya expert sa pagtingin, but all in all fairness, his body, the muscles were placed in the right places. A perfect definition of Tambay sa Gym.
"Naka plan ba ang pagkain mo?" Hindi niya mapigilan na tanong.
"No? I eat what I want to eat. Why?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.
Angel gulped and pouted. "Sino si Yves? Hindi mo nutritionist 'yon?" She asked again.
Bahagyang napaatras si Angel at napahawak agad siya sa dibdib nang bigla nalang malakas na tumawa ang kausap niya. Her brows furrowed while looking at the man, whose laughing for unknown reason. Sayang at gwapo pa naman. Mukhang may sira din ang ulo. Sayang ang lahi.
Umabot ng ilang minuto bago humupa ang tawa nito. May luha pa sa gilid ng mga mata nito at hawak hawak ang tiyan. Dahil sa kakatawa nito kanina, nagulo ang mga papel na nasa lamesa nito. May mga papel na nalukot at may mga papel na nahulog sa sahig.
Napailing nalang si Angel, ganon ba ito kasaya?
She stood up and pick those scattered papers one by one. Tinitignan niya muna isa isa ang mga papel bago pagsamahin, dahil baka magkahalo halo ang dapat hindi naman maghalo. Palagi siyang teacher's pet noong nag-aaral pa siya, kaya may kaunti siyang alam sa pag a-arrange ng mga importanteng papel.
"You are good at this, pero hindi ko naman pwedeng sibakin si Kayson." Natatawang puna ng boss niya.
Angel smiled. "Hindi din naman ako Mag-aapply bilang secretary, Sir. High school Graduate lang ako." She shrugged.
Napilitan siyang mag stop sa pag-aaral para sa kapatid niya. Mahal ang tuition sa College, kahit pa nga gusto niyang kumuha ng Scholarship noon, hindi siya pinayagan ng magulang niya. Mas gusto nila na magtrabaho na muna siya at ang bunsong kapatid niya muna ang mag-aaral.
"If ever na mag College ka? Ano dapat course mo?" He asked while playing at his pen. Nasa kanya na ang buong atensyon nito.
"Political Science, sana..." She trailed off.
"Bakit PolSci? May balak kang mag lawyer?" He asked again.
She glance at the man sideways, ganoon pa rin ang upo nito at walang pinagbago. He seems he have a lot of questions for her. Puno ng kuryosidad ang pagmumukha nito, obvious naman dahil pagkatapos ng isang tanong may kasunod na naman.
Angel chuckled softly and stroke her curly waist length hair. "Ayon kasi yung kurso na ineexpect nila na kukunin ko. Pero kung ako ang masusunod, baka sa Baking and Pastries ako." She shrugged.
Ang kaso dahil sa kawalan bigla nila ng pera, kailangan niyang maging praktikal. Her boss was about to ask when the food arrived. Tumahimik na din ito at sinabayan siyang kumain. The food was too good.
PAGKATAPOS ni Ranger sa trabaho sinama na niya pa uwi si Angel. He wanted to smack his head for thinking ways how to claim the innocent woman beside him. Hell, hindi niya naman kailangan ng maid!
Napailing iling siya.
He knew from the start that he should kicked out the woman. She tarnished his Agency's name, for crying out loud! But his dick got him again, damn it!
Ngayon delikado ang buong kalamnan niya dahil sa ginawa! He can't imagine having a boner almost everyday whenever he's seeing this woman inside his house.
He stopped the car in front of the two storey modern Spanish house. This house was from his Father. His old man is half Spanish, kaya lahat nang ari-arian nila ay may touch ng Spanish designs. Hindi sila makakatakas dahil dumadaan muna ang mga gusto nilang desenyo sa matanda. He's that obsessed.
"Ganito ka kayaman?" Tanong sa kanya ni Angel na nakatanga sa harapan ng bahay niya.
It's inside the Caguiat's Village, na pag-aari ng mga magulang ng kaibigan niya na si Light. His Father really choose the Village where they can easily barge in and pester him. Few blocks away is their main house.
"My parents are. I'm just a normal business man and the income of my own Agency is just a dust to them." He said. Tinulak niya pabukas ang gate na hanggang baywang lang naman niya. "Ako na,"
Bahagya siyang ngumiti at inagaw ang handle ng maleta na dala dala ni Angel. Good thing his house have two rooms. Kung hindi baka isa sa kanilang dalawa ni Angel ay sa labas matutulog.
When he turned 26, basically after he graduated from College. Humiwalay na agad siya sa bahay ng mga magulang niya. It's suffocating inside their house, his mom is a total control freak and pushover, habang ang Daddy naman niya ay sunod sunod lang and lastly, his sister, the little brat in their family.
At nang sinabi niya ang plano sa magulang, kaagad ang mga ito na nagpatayo ng bahay. The house where he lives now for years.
"Sa taas ang kwarto mo, katabi ng kwarto ko." He said.
Nauna na siyang umakyat dahil siya ang may dala dala sa maleta nito. He gulped when he open the room just beside his room. This is going to be a torture.
NAKANGANGA si Angel nang makita ang kwarto na tutuluyan niya. It was big and it has a queen size bed in the middle. May mga built in closet na din at talagang may sariling banyo pa ito.
"Call me when you need anything, I am just going to take a very cold shower."
Hindi na siya nakapag pasalamat dahil nagmamadali na lumabas ng kwarto ang boss niya.
Kung ikukumpara niya ito sa mga dating pinag trabauhan niya. This one is much more comfortable. Pagpasok palang niya kanina, sobrang linis niya. She's actually expecting na sobrang kalat ng bahay nito dahil lalaki ang boss niya. But her expectations crushed down. Kabaligtaran niyon ang sumalubong sa kanya.
Sumilip siya sa may banyo. She gasped when she saw how big is it, kwarto na nila ito dati sa Maid quarter!
"Tama ba 'tong pinasukan ko?" She asked her self. Napapatakip nalang siya sa bibig sa t'wing nakakakita siya ng mamahalin na bagay.
She knew that those things were cost her arm. Sa sobrang mahal, hindi niya afford. Sa tabi ng kama niya, may maliit na lamesa, there's a cute humidifier. There's even a scented candles.
Yaya ba talaga siya dito o bisita?
THE NEXT DAY, kahit sobrang aga ng gising ni Angel. Hindi niya parin nadatnan ang boss niya na si Ranger, para sana ipaghanda ito ng almusal. He just left a note saying he already left and he also left some cash for her breakfast.
'May 5000 sa lamesa, bili ka nalang ng breakfast sa Starbucks. It's just in front of the village.'
Bumaba ang tingin ni Angel sa limang libo na hawak niya ngayon. Kung siraulo lang siyang tao, ibubulsa na niya ang mga ito. Limang libo para sa almusal. Ibang klase!
Tinali ni Angel ang buhok at lumabas ng bahay. Hindi siya masyadong pamilyar sa lugar kaya nagtanong nalang siya sa Security guard na nagbabantay sa gate ng village. She's going to buy a groceries with the money he left her. Parang ghost house ang bahay ni Ranger dahil walang kalaman laman ang kusina nito.
Kahit ang ref nito ay walang laman kung hindi cans of beer. Nang makapasok siya sa loob ng mini grocery store, agad siyang kumuha ng Gardenia at isang dosena ng instant coffee. Pagkatapos ay bumili ng lulutuin niya for lunch. Pinagkasya niya lang ang limang libo para may Lunch siya na ipapadala sa Boss niya. Wala lang gusto niya lang magpasikat.
Nang makauwi siya sa bahay ni Ranger, tumaas ang kilay niya nang makitang may babae na panay ang sigaw at hinahanap si Ranger. Binilasan pa niya ang lakad para makita ang babae.
"Ranger! Get out of that freaking house and face me! How dare you!" Sigaw nito habang panay ang pindot sa door bell.
"Miss, kahit anong sigaw mo diyan. Walang lalabas na tao. Kasi lumabas ako, at wala sa loob ang boss ko." She interrupted her.
Agad na tumingin sa kanya ang babae at nagpamaywang. Tinaasan pa siya nito ng kilay. "Sabihin mo sa boss mo, tumigil siya sa pagtatago at panagutan ako!"
Kumunot ang noo ni Angel. "Nasagasaan ka ba niya?" Nakangiwing tanong niya.
"Binuntis ako!" Sigaw na sagot nito. "Nasaan na ang boss mo?!"
Bumaba ang tingin ni Angel sa tiyan nito, wala na palang chance ang puchu puchu niyang pagnanasa sa gwapong boss niya. Nakabuntis na pala ito. Huminga ng malalim si Angel at ngumiti sa babae na nasa harapan niya.
"Kung gusto niyo po puntahan niyo sa office niya, nandoon siya ngayon." She answered calmly.
"Sigurado kabang Boss mo 'yon? O baka binabahay ka na!? Hoy! Ilabas mo na ngayon si Ranger kung hindi sayo ko ilalabas lahat ng galit ko sa lalaking 'yon! How dare he do this to me?! After he fuck me endless that night!" Hysterical na sigaw nito.
Jusko lord!
Bahagyang napangiwi si Angel. Ang inosente niyang mga tainga ay nakakarinig ng hindi dapat makarinig ng ano mang bagay na bawal sa mga ito!
"Mam, wala po talaga si Sir dyaan sa loob. Kung gusto mo pumasok ka, pero joke lang pala 'yon. Bawal." Agad na bawi niya.
Wala ang may-ari ng bahay at wala naman hinabilin ang boss niya na may darating itong bisita kaya hindi siya dapat basta basta nagpapapasok.
Napaatras si Angel nang dinuro siya ng babae sa mismong noo. Mariin niyang ipinikit ang mga mata para pakalmahin ang sarili. She reminded her self that the woman is pregnant. At hindi niya 'yon basta basta pwedeng patulan nalang.
"Sinungaling!" The woman hissed. "Ranger! Lumabas ka dyan! Panagutan mo ako!"
Hinigpitan ni Angel ang hawak sa mga supot na hawak niya at pinanood nalang ang babae na magsisigaw at pilit na binubuksan ang ang gate ng bahay. Kumunot ang noo niya nang mapansin ang tiyan nito. Normal ba na gumalaw ang tiyan paikot? Walang buhay na natawa si Angel nang tumigil ang babae sa pagsigaw at inayos ang tiyan nito.
"Hindi naman pala buntis." bulong niya sa sarili at inikutan ito ng mata.
Hinawi niya ang babae at binuksan ang gate at nagtuloy tuloy sa loob ng bahay. Hindi pa siya nag-almusal at wala pang laman ang tiyan niya. Wala siya sa mood na mag entertain ng babae na nagsasabing buntis ito kahit hindi naman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top