Chapter 2
HINDI NA kayang tiisin ni Angel ang trabaho na pinasok niya. Being a maid is not easy, kailangan mong linisin ang sahig, maghugas ng pinagkainan ng mga amo, magwalis, magkuskos, maglinis ng banyo, at kung ano ano pa!
Si Angel ang maituturing na breadwinner sa pamilya nila. All of their business died in just one snap, hindi man lang sila hinayaan na maka adjust sa sitwasyon. From yayamanin to purita ang peg nila! Real quick.
Pagkatapos noon nakita nalang niya ang sarili na sumasama sa tiyahin niya pabihaye kung saang lupalop. Buong buhay niya ay naka kulong siya sa Mindoro, wala siyang alam sa travel travel dahil mas gusto pa niyang mag stay sa loob ng bahay magbasa at magbabad sa TV kakanood ng kahit anong palabas.
Her sister, on the other hand, 'yon ang sanay sa pag-alis alis. She's too spoiled that sometimes she forgot that they're old lifestyle was long gone. At mahihirapan na silang ibalik 'yon. Lalo na at baon na sa utang ang mga magulang niya. And that's because of her younger sister too.
Dahil sa kahibangan nito sa mga mamahaling bagay, pati sa paaralan na pinapasukan nito ay naging mapili pa. Angel asked her parents to convinced her little sister to transfer, pero sadyang matigas ang ulo nito at ayaw umalis sa private school. Ang sahod niya sa pagiging katulong, kulang na nga para sa kanya, at para sa gastusin nila sa bahay sa probinsya, idagdag pa ang maintenance ng Papa nilang dalawa. Wala nang matitira. Magbabayad pa siya ng utang!
"Angel?" Gustong umiyak ni Angel nang marinig na ang boses ng matandang lalaki na amo niya.
Angel blew a loud breath. "Sir?"
"Halika dito." Malambing ang boses nito. Sa sobrang lambing, pwede ka nang kilabutan at ilibing ng buhay at papayapa pa ang buhay mo.
Ito ang buhay na ilang ulit niyang tinitiis huwag lamang mawalan ng trabaho at maging continues ang pagpapadala niya ng pera sa mga magulang niya. She even broke up with his boyfriend before for this.
Nagpunas muna ng kamay si Angel bago pinuntahan ang matandang lalaki na amo. When she reached the long dining table, nakita niya ang matanda na may hawak na pahabang pipa. Lukot or marami nang wrinkles ang mukha nito. Marahil sa sobrang stress na ng matanda sa pambabae na ginagawa nito at hindi na maitago sa misis niya na nagger. Hindi na din ito halos makatayo, kung wala ang tulong ng tungkod nito.
The old man looks at her. Humithit muna ito sa hawak niya na nagsisilbing sigarilyo. Nang ibinuga nito ang usok, automatic na umilag ang katawan ni Angel. Ayaw niya sa usok ng kahit anong klase ng sigarilyo.
"Do you really want to work like this forever?" Tanong ng matanda sa kanya.
Kumunot ang noo ni Angel. Malamang ay sa hindi. Sino ba naman ang may gusto na ma stock na lang sa pagiging katulong habang buhay? Maayos at marangal na trabaho naman ang pagiging katulong, pero syempre, lahat din naman ng mga tao ay may pangarap sa buhay. Pangarap na makaahon sa hirap.
Ayon nga lang ang iba, dinaan sa madaliang paraan. Kumapit sa patalim at nawalan ng pananalig sa Diyos. At ang iba naman, andito pa rin sa kaparehang sitwasyon niya, nagsisikap, hindi sigurado ang kalalabasan. Pero at least nagsisikap. They can try and try, hanggang sa masabi nila sa sarili nila, 'Nagawa ko, nang hindi kumakapit sa patalim.'
It may be an easy way out. But it's still wrong in someone else perspective.
"Kung ang trabaho po na 'to ang bubuhay sa pamilya ko habang buhay ako, Sir. Opo." She tried to answer the old man calmly. Ayaw niya na maging tunog sarkastiko dahila una, katulong lang siya dito at pangalawa, amo niya ang kausap niya.
"I really love the way you worked, malinis. But I love your body more. Look at your legs! Ang sarap pisil pisilin... Your breast—"
Pumikit nalang si Angel habang pinapakinggan ang walang hiya na pangmomolestya gamit ang mga mahahalay na salitang lumalabas sa mabahong bibig ng matandang kaharap niya. He never tried to touch her, which is a good thing. Hindi katulad sa mga ibang amo na pinanggalingan niya. Ang akala niya ay masasanay din siya sa mga pinagsasabi nito sa kanya. Oh how wrong she is.
Hinding hindi siya masasanay sa ganito. Her body were normal. Kahit minsan ay sobrang balot na balot na ang katawan, hindi pa rin maiwasan na mapansin ang kalakihan ng dibdib at ng mga legs niya. She's chubby after all. Pero hindi naman niya hinangad na pansinin siya ng mga lalaki at pagsalitaan ng kung ano ano na naaayon sa kagustuhan — kamanyakan ng mga ito.
"Babalik na ho ako sa trabaho, kung wala na po kayong ibang balak sabihin." Nakayukong sabi niya. Akmang tatalikod na siya nang tawagin siya ng matandang lalaki.
"Angel. You can just sit on the sofa in my room, and watch me to jerk off. I'll pay you triple. No, let's it make it 5x. How's that?" The old man negotiated.
5x her salary is tempting.
But watching the old man jerk off is like selling her dignity for a price that she knows she'll earn if she worked just right.
"Sa iba niyo na lang po i-offer, Sir. Mawalang galang na ho." Yumuko siya at iniwan na ang matanda.
Hindi ba nagsasawa ang matanda sa kakatanong sa kanya ng mga ganoong bagay habang nakatalikod ang asawa nito? Mabait ang matandang babae kaya kahit kailan ay hindi dapat gawan ng kabalastugan sa likuran nito.
Jusko! Lord! Bakit ba may mga matatanda na sobrang hilig kahit gamot nalang ang dahilan para tayuan ng alaga?!
Agad na napa sign of the cross si Angel nang madaanan niya ang maliit na altar ng amo niya sa sala. Hindi dapat siya nag-iisip ng kung ano-ano tungkol si halimaw na lalaking 'yon. Pero duda din naman siya kung tatalab ba talaga ang panalangin sa makapal at matanda nitong balat!
Todo kuskos ang ginawa niya sa maliit na altar. Sa bahay na pinagta-trabauhan niya, ang altar ng babaeng amo nila ang dapat pinaka malinis sa lahat. Walang agiw at walang kahit kaunti man lang na alikabok. Kung hindi pare-pareho silang malilintikan.
Angel noticed a paired of eyes looking at her. Naiilang siya sa klase ng titig nito. Bahagya niyang inayos ang uniform na suot, lalo na ang pang-ibaba niyang suot. Hindi niya alam kung saan galing ng mga amo ang ideya na dapat ay palda na naka konekta lagi sa tee shirt na suot nila ang magiging uniform nila bilang maid. Noong una ay nac-cute-an siya. Ngayon na nalaman niyang manyak ang matandang lalaki, nagsisi agad siya na tinanggap ang uniporme na 'to.
"Inilalapit ko po sa inyo ang matandang lalaki na nasa likuran ko ngayon, kayo lang ho ang nakakaalam kung ano ang ginagawa niya ngayon. Kunin niyo na po at ideretso niyo kay Satanas. Ay joke lang po, pero pwede din." Natatawang bulong niya sa mga santong pinupunasan niya.
Nang matapos na siya sa altar, sinunod na niya ang mga naglalakihang kurtina. Buti nalang at nakuha na niya ang hagdanan sa bodega bago kaya hindi na niya kailangan na lumabas ulit.
"Sir, lipat po kayo sa kwarto niyo. Nag ge-general cleaning po kasi kami ngayon." Nakakalat kayo...
Ngumiti lang ang matanda at umayos ng upo. "Go on, don't mind me. I like it here."
May nagtutulak kay Angel na hampasin nalang ang matanda sa hagdan na gagamitin niya para maabot ang lintek na kurtina, pero naiisip palang niya na matitigok ang matanda ng payapa habang siya ay nasa kulungan. Hindi na niya maituloy.
"What the hell is the meaning of this?! Sa sala ko pa talaga kayo nagkakalat na dalawa! At ikaw matanda ka! Nagpapaakit ka pa!"
Muntik nang mahulog si Angel sa hagdanan dahil sa narinig na sigaw ng matandang babae na amo nila. Napatingin si Angel sa ilalim at pinaghahampas ng matandang babae ang lalaki. Ang ibang katulong ay nanood lang sa kaganapan. Maya maya pa ay siya na ang pinagbuntungan nito.
"At ikaw! Bumaba ka dyan! Ang tanda na nito ay talagang pinatulan mo pa?! Karengkeng kang bata ka!" Sigaw nito sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Angel at itinuro ang sarili. Anong... Bakit siya?! Bakit parang kasalanan ko?
"I will call your agency! Sasabihin ko sa kanila na palitan ka agad agad! Oramismo!"
Hindi na nakapagsalita si Angel nang marinig ang pagsinghal nito sa cellphone na hawak. Nakangisi lang ang matandang lalaki sa kanya.
"If you consider my offer, then..." Pasimple itong tumingin sa asawa. Ibig sabihin ay kapag pumayag siya, hindi siya mawawalan ng trabaho at madadagdagan pa ang sahod niya.
Matamis na ngumiti si Angel. "Talaga po? Ang bait niyo naman po no, Sir?"
"Of course." The old man shrugged.
"Nagtataka tuloy ako bakit hindi pa kayo kapiling ni Satanas ngayon sa impyerno." She scoffed sarcastically. She effortlessly jumped and landed on the floor.
Kahit masisibak na siya sa trabaho hinding hindi siya nito mapapapayag sa gusto nito. Hindi. No. Never. Hindi kahit kailan! Mamatay man ang matanda! Ano siya? Gold?
Dilaw lang ang ngipin nito pero hindi 'yon ginto!
Hinawi niya ang buhok at dumeretso sa loob ng Maid's quarter. Pagkapasok niya sunod sunod agad ang mga ito na nagsipasukan. Ang mga tingin sa kanya ng mga ito ay may halong awa at panghuhusga.
"Hindi ka pumayag ano?" Pabulong na tanong sa kanya ng isang kasama niya.
Umiling si Angel. "Teka, bakit mo alam?" Nagtatakang tanong niya.
Ngumiti lang ito sa kanya at tinulungan siya na ilagay lahat ng gamit niya sa maleta.
"Maligo ka muna doon, may susundo yata sayo mula sa Agency mo. 'Yang uniform pinapaiwan ni Tanda." Bilin nito.
"Ano ba 'to? Ginto? Sus. Pangit naman." Padabog niyang hinubad ang maid uniform nila at kinuha ang damit na isusuot para makaligo na.
May banyo sa loob ng Maid's quarter kaya hindi na niya kailangan pumunta sa kusina para doon maligo. At ayaw din niyang makita ang pagmumukha ng matandang lalaki na 'yon, baka mahambalos lang niya.
Jusko, Lord! Sa dami dami naman kasi ng mga amo na pwedeng ibigay sa kanya bakit napupunta siya sa mga manyakis na tanders?! Ayaw ba siyang ibigay ni Lord sa medyo may asim pa? O kaya yung biyaya sa mga kababaihan talaga?
"Angel, yung sahod mo daw..." Inabot sa kanya ang maliit na sobre.
Binilang niya muna kung tama ba ang binigay sa kanya. At kung tama din ba ang pera para mabuhay siya kahit papaano, kung sakali na hindi siya makakahanap o mabibigyan agad ng trabaho, makikituloy na muna siya sa kaibigan niyang always nasa bar. Sayang lang at hindi na daw ang mga ito tumatanggap ng mga applicant para sa waitress. Pasado ba naman ang beauty niya doon!
"Una na ako ah? Huwag niyong kakalimutan na pakainin ng lason si Tanders!" Biro niya at tinawanan lang siya.
Paglabas niya sa Maid's quarter, isang pamilyar na mukha ang sumalubong sa kanya. Ang lalaking ito ang laging sumusundo sa kanya kapag napapa trouble na siya sa mga amo niya. Tinulungan siya nito na dalhin ang bagahe niya palabas.
Bumuntong hininga ito. "This time, you made my boss mad. Sa kanya ka dederetso ngayon." Ani nito at pinapasok na siya sa loob ng sasakyan.
Aanhin ang magarang sasakyan kung bibitayin ka naman after?
Tahimik lang si Angelyn sa buong biyahe, nag-iisip kung paano magpapaawa sa mismong boss ng Agency. Madaming scenario na ang pumapasok sa utak niya dahil sa salitang 'Mad' na 'yan. Baka mamaya e nasa labas palang siya ng opisina may lumusot ng stapler sa pader papunta sa kanya.
Nang makarating sila sa floor ng office ng boss. Huminga nang malalim si Angel. Kayson, the driver slash taga sundo of her slash the secretary of the big Boss, told her to stay put as he will going to calm down the monster inside the office first. Pero ganon na lang ang kaba niya nang hindi man lang ito nagtagal sa loob ay tinawag na siya.
Bilang ang mga hakbang ni Angel papasok sa loob ng opisina. When she successfully walked in, malinis ang sahig at parang walang umaapak na kahit isang pares ng sapatos.
"Heads up, Miss." Napalunok si Angel sa malamig at baritonong boses.
Unti unti niyang iniangat ang paningin, there he saw a man sitting playing a pen in his fingers, looking directly at her. Hindi niya alam kung galit ba ito, dahil masyadong kalmado ang ekpresyon ng mukha nito. Pero kahit kalmado, may gatla pa rin sa noo.
Umawang ng bahagya ang labi ni Angel. Ngayon lang siya nakakita sa malapitan ng Chesnut brown na kulay ng mga mata. Bagay na bagay 'yon sa tila naka mascara na pilikmata ng lalaki, at makapal at salubong na kilay nito.
"I don't have all day, Miss. Kayson, labas." He said.
Nagmamakaawa na sinundan niya ng tingin si Kayson, na umiiling at natatawa lang sa itsura niya. Kagat ang pang ibabang labi, lumapit siya sa lamesa ng lalaki na minamata ang bawat kilos niya ultimo ang paghinga. Gustong paypayan ni Angel ang sarili, ang init sa loob ng office nito kahit mukhang naka todo na ang aircon.
"What you did was beyond my control. Pero malaki ang naging epekto sa akin at sa Agency ko. Now tell me, Miss Antonio. Ano ang kabalbalan na ginagawa mo kapag nasa bahay ka na ng mga nagiging amo mo?!" Ramdam ni Angel ang bawat gigil sa bawat salitang binibitawan nito.
"Kabalbalan talaga? Grabe 'to, Lord! Bakit ako? Bakit kasalanan ko na naman? Haler?! Ako kaya yung na ha-harassed! May mga witnessed ako, ikaw mismo bumalik sa bahay na 'yon tanungin mo yung mga ibang maid! Atsaka kasalanan ko ba na palagi mo akong dinadala sa mga matatanda na hindi na nga — Sorry for the word, Lord God! — hindi na nga tinatayuan e sobrang libog pa rin?!" Pagrereklamo niya rito.
Nakatanga lang ang lalaki sa kanya habang siya ay pinagsisihan na ang lahat ng salitang lumabas sa bibig niya.
"Did they... touch you? Inappropriately?" Marahan na tanong nito sa kanya.
"Muntik nang mahipuan, pero mas lamang pa rin ang salita na masyadong bastos sa pandinig. At ang hulig kabalbalan na narinig ko sa matandang 'yon ay babayaran daw ako basta ba panoorin ko siya na mag ano?" Nanliit ang mga mata ni Angel.
Lalong nagsalubong ang mga salubong na na talagang kilay ng lalaki. "Ano?" He asked impatiently.
"Ano! Alam mo na 'yun, gawain niyo 'yun e! Huwag mo na dagdagan kasalanan ko kay Lord, Sir!"
Angel heart beat fast when she heard the man chuckled. Bahagya pa itong naka angat ang sulok ng labi. Kung hindi lang talaga 'to nagsungit kanina, masasabi ni Angel na man of her dreams niya ang lalaki. Panga pa lang palaban na.
"He asked you to watch him jerk off? Man, that sucks. Tinatayuan pa ba 'yon?" Natatawang tanong nito pero hindi siya sumagot. "Nevermind, what's your plan? Hindi na kita pwedeng itapon sa bahay bahay para maging katulong ulit."
"Wala na bang ibang trabaho dyan, Sir? May kapatid pa akong pinapa-aral. May pamilya din na binubuhay—"
"May asawa ka na?" He asked.
Kumunot ang noo ni Angel. "I'm still fresh and young! Diko pa po trip ang salitang asawa."
"E boyfriend?"
"May umiigting ba ang panga dito? Kahit mangingisda ayos lang ako." She playfully said.
"Mangingisda?" He asked and looked at her with amusement.
"Oo, basta gwapo." Angel answered.
"Be my Maid. You'll see this handsome face of mine for free. Every damn day."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top