Chapter 2

UNANG kita palang ni Frances sa lalaki, ay nakaramdam na agad ito ng paghanga. He was the man of his dreams. A tall and handsome man. She can't seem to forgot his face, kahit sa pagtulog niya ay laman ito nang panaginip niya. Frances loves kids, at sa t'wing stress siya sa dalawang trabaho niya umuuwi lang siya sa bahay ng Kuya niya para bantayan ang pamangkin niya.

Her brother is a Police officer, kaya natural lang na wala ito palagi sa bahay. While his wife is also a busy woman, kaya ang ending naiiwan ang mga bata sa pangangalaga ng yaya nila. Frances already experienced that, at ayaw niya na magaya sa kanilang dalawang magkapatid ang pamangkin niya. She spent her whole week vacation in her brothers house.

"My friends love you so much, Tita!" matinis na sabi ni Grecxa, ang nag-iisang pamangkin niya na sobrang kulit.

"I like them too." she smiled. Pilyo niyang itinitok sa mukha nito ang shower.

"Titaaaaaa!" sigaw nito habang pilit na inaagaw ang shower na hawak niya. They both laugh and played with water, ang ending imbes na si Grecxa lang ang maliligo, nakisabay na rin siya rito.

After an hour of playing with water, Grecxa finally got tired. Pagkalapag na pagkalapag niya sa chikiting sa kama nito ay agad itong bumagsak at nakatulog. She inhaled a large amount of air, wala sa sarili na napatingin siya sa bintana ng pamangkin niya. Nakaharap iyon sa bahay ng lalaki na palaging nagkakampo sa isip niya. He's wearing a sando and only a boxer shorts, hindi na hinayaan ni Frances na bumaba ang tingin nito.

Wala sa sarili na tinignan ni Frances ang reflection nito sa sliding window sa kwarto ng pamangkin niya. She was so thin and small that she can pass like a elementary student. She bit her dry and chapped lips and fixed her hair. Sanay siya na magsuot ng manipis na night dress lalo na at mag-isa lang siya sa condo niya, she have a lot of confidence when she's alone. Muli niyang sinulyapan ang lalaki sa tapat at ngumisi.

"Okay, It's now or never!" kumbinsi niya sa sarili niya.

Mabilis na lumabas ng bahay si Frances at inilang hakbang lang ang pagitan ng bahay nang kuya niya at nang gwapo nitong kalapit bahay. She have no time to be shy and backed out.

"Kaya mo 'to!" pangungumbinsi niya sa sarili.

Frances smiled when the gate was opened, she's thankful somehow na walang alagang aso ang lalaki kung hindi nilalapa na siya ngayon. At mukhang hindi din naman animal lover ang walang kasing gandang lalaki na kapit bahay ng kuya niya. She pressed the door bell twice, thrice hanggang sa paulit ulit na niya itong pinpindot.

"What do you need? It's late, hindi ba makakapaghintay 'yan hanggang bukas?" sarkastikong tanong nito sa kanya, bakas ang pagkairita nito sa aristokrato nitong mukha. Frances smiled at him awkwardly and gulp numerous time, unti unting namumuo ang pawis sa noo niya. She practiced what she wanted to say many times in her mind. She looked at him and noticed that he was looking at her night dress. Napasunod ang tingin niya rito at doon lang niya na realize na hindi siya nakapag soot ng bra, o kahit nipple tape man lang.

Her eyes widened when he pulled her inside his house. Binitawan nito ang kamay niya at kinuha ang isang bathrobe na naka kalat at ipinasuot sa kanya, nakasimangot ito habang itinatali ito ng maiigi.

"Why the hell are you wearing like that? At talagang nasa harap ka pa ng bahay ko?" bahagyang napangiwi si Frances sa gaspang ng boses ng lalaki. She played with her hands and keeps on sighing. "Okay, young lady. Tell me what you need this instant, para maihatid na kita sa inyo." he demanded. Huminga ng malalim si Frances at tiningala ang lalaki.

"Buntisin mo ako." she confidently said.

"Say what?" nakataas ang kilay nito at bahagya pang inilapit ang tenga nito sa mukha niya.

"Impregnate me." ulit nito. Frances can feel her cheeks heated up, halos hindi na din niya matignan ang lalaki sa mukha. Lahat ng lakas na loob na inipon niya, nawala sa isang iglap.

"Kid, stop saying nonsense." seryosong sabi nito sa kanya. Her brows arched when she heard him called a 'Kid'. Pinagkrus nito ang matitipuno niyang braso sa dibdib. He was standing in front of her, oozing with confidence.

"I'm not a Kid!" singhal niya sa lalaki. The man looked at him with amusement, sumingkit ng bahagya ang mga bilog nitong mata habang mimamata siya mula ulo hanggang paa. She felt something tingling in her stomach when his gaze stayed in her face.

"Yeah? Whatever. Go home, don't make me lose my patience." nakatiim ang bagang nito. Bumagsak ang balikat ni Frances at hinayaan nalang ang lalaki na bahagyang siyang itulak palabas ng bahay nito. He didn't bother to close the door, hinatid siya nito hanggang sa gate ng bahay nito. "Go, I'll watch you from here." nakasampa ang isang paa niya sa bakal ng gate nito habang nakadantay ang siko sa tuhod nito.

Sumimangot si Frances sa lalaki, as if she'll stop pursuing him after this. She will do anything to seduce him, o kahit mapilit niya lang ang lalaki na buntisin siya nito! She stomped her feet on the ground, kung hindi lang niya naalala ang pamangkin na masarap ng natutulog sa kwarto nito ay baka kinalampag na niya ang pintuan pasara. Muli niyang sinulyapan ang lalaki mula sa bintana, nakapikit ito habang nakatingala sa langit.

Mas lalong nadepina ang jaw line nito, pati na din ang ilong. Ang naghihimutok na muscle sa braso nito ay nakadagdag lamang sa pagiging gwapo nito. Pinagsawa niya ang mga mata sa katawan nito bago siya tuluyang pumasok sa guestroom na nakalaan para sa kanya. She grabbed her laptop and started to check her email, she inhaled a loud breath when she saw the message of her Ob. Agad niyang isinara ang laptop at ibinagsak ang katawan sa kama.

Mapait siyang napangiti nang makapa ang tali ng bathrobe na suot suot niya. "Damn, I don't care how many times you will reject me. I will definitely bug you, hanggang sa ibigay mo ang gusto ko."

Nang mag-umaga na, ginawa lang ni Frances ang morning routine niya. She have a lot of works to do for today kaya hindi muna siguro siya makakalabas sa kwarto niya. Beside, may pasok si Grecxa ngayon kaya maiiwan siyang mag-isa sa loob ng bahay.

"Good morning, Tita! Have a nice day ahead, see you later! Mwah!" nag flying kiss pa ang bulinggit niyang pamangkin habang pinipihit ang seradura ng pintuan, she playfully extended her arm and catch the kiss.

"Ingat ka!" bilin niya sa pamangkin. Tinapos lang niya ang tinitimpla na Milo at sinunod na inasikaso ang oatmeal niya.

Frances glance at the house beside her brother's house, sarado pa ang mga nagkakapalang kurtina gayong alas syete na ng umaga. Kinuha muna niya ang laptop sa loob ng kwarto at dinala iyon sa kusina. Frances is a part time tutor and a full time business woman. She owns a small boutique and a Salon. It's all thanks to his brother, kaya niya naipatayo ang dalawang business niya ngayon.

Inuna muna niya ang mga estudyante niya na nakapila sa e-mail niya. She spent her whole day tutoring teen's who can't understand a particular subject. Most of her Students were from the other countries, iilan lang ang mga Pilipino. She was patiently teaching them through online while she's eating. Hindi niya namalayan ang oras na lunch na pala kung hindi lang tumunog ang digital clock na naka display sa ibabaw ng refrigerator.

Frances sighed and stood up, kumuha siya ng isang cup noodles at nilagyan iyon ng mainit na tubig. May isang estudyante pa siya na tuturuan.

"Ah, now I know why you're so freaking thin. That's not healthy at all." umangat ang tingin niya at doon nakita ang gwapong nilalang na tinanggihan siya. She pouted her lips and choose to ignored him, pinatungan niya ng pinggan ang lid para makulob ang init sa loob ng cup. "Wala ka bang matinong makakain?" tanong na naman nito.

"Why do you ask? Mareklamo ka pa sa akin." inirapan niya ito. Inabot niya ang isang goma na nakasabit at ginawang pantali sa buhok niya, ayaw na ayaw ni Frances na may humaharang na buhok sa mukha niya tuwing kumakain siya.

"I'm just concerned about your health." he said. Frances stared at the cup noodles in front of her. Maintain a healthy diet, Frances. Pumikit siya ng mariin at huminga ng malalim. Itinabi niya ang cup noodles. "Don't know how to cook young lady?" sarkastikong tanong nito sa kanya. Tumaas ang sulok ng labi nito na mas lalong dumagdag sa kagandahang lalaki nito. "Punta ka dito. Wala akong kasabay kumain." he said before he turned his back on her.

Frances face lit up. Parang may anghel na biglang nagliparan sa paligid niya, hindi na siya nagpatumpik tumpik at agad na kinuha ang laptop at cellphone niya. Her schedule for the next student is after lunch. Malalaki ang mga hakbang niya papunta sa kabilang bahay, the man was standing near the door and it seems like he's waiting for her.

Agad na nangunot ang noo nito nang makita ang dala dala niya.

"I have a class after our lunch, kaya dinala ko na 'to." she explained. Tumango lang ito at pinapasok na siya sa loob, hindi niya masyadong naigala ang mga mata niya kagabi dahil sa sobrang kaba niya. His house is super neat and clean, aakalain na babae ang nakatira kung hindi lang puro black at gray ang kulay na makikita.

"You cook?" tanong ni Frances. The food looks so delicious, at talagang ayos na ayos din ang pagkaka plating.

He shake his head and placed a plate in front of her, may kasama na din itong spoon and fork. "Special delivery. It's from my friend restaurant." sagot nito sa kanya bago naupo sa harapan niya.

Tahimik na kumain si Frances habang pasimple na nagnanakaw ng tingin kay Dylan. Pino ang mga kilos nito, pati ang pagsubo sa pagkain ay marahan. He chew his food carefully and drink his water like he's in a commercial.

"Kakain ka ba o tititigan mo nalang ako?" he glared at her. Frances cleared her throat and continue eating her food, dahil sa kakanakaw ng tingin sa lalaki ni hindi man niya napansin na puro gulay pala ang nasa plato niya.

Hindi din niya natatandaan na naglagay siya ng gulay sa sariling plato. Lalo na ang ampalaya na pinaka ayaw niya sa lahat. Itinabi niya ito sa gilid ng pinggan niya at kinain ang ibang gulay.

"You don't like it?" nakataas ang kilay na tanong ni Dylan. She shyly nodded her head. "Ilipat mo sa pinggan ko." utos nito at inilapit sa kanya ang pinggan nito. She did what he told her.

After eating, her student emailed her that she'll be late for an hour. Ang dahilan nito ay may gagawin pa daw siya na research sa isang subject nito. At dahil ayaw naman siyang pagalawin ni Dylan, tinawagan nalang niya ang bakla niyang kaibigan na kasosyo niya sa isang negosyo.

"Mamsh! Kumusta ang boutique ko? Hindi pa ba sunog?" patuyang tanong niya sa kaibigan nang sagutin nito ang tawag niya.

[Bakla ka! Boutique mo talaga ang inuna mong kumustahin? Paano naman ang beauty ko?!] pagd-drama nito.

"Wala ka non, Mamsh!" biro niya.

[Matabil pa rin ang dila mo, Frances Agape!] tumawa lang si Frances bilang sagot sa kaibigan niya. [Buhay pa naman at kumakayod mag-isa ang boutique mo, kaya 'wag kang mag-alala. At ang kaibigan mo na walang kasing ganda? Dilig na dilig pa naman ng mga gwapong afam!] napangiwi si Frances sa sinabi nito.

"Hindi ko tinatanong ang escapades mo, Kiel!" pabulong na singhal niya dahil nakita niyang sumulyap si Dylan mula sa kusina.

[Mamsh? Nabiyak na ba?]

NAGPUNAS ng kamay si Dylan at muling sinulyapan ang kawawang bata na kakain sana ng cup noodles ngayong lunch. She looks happy a while ago and now, mukha itong nalugmok sa utang at hindi makabayad. Isinandal ni Dylan ang likod sa lababo at pinagkrus ang mga braso sa dibdib.

"Hindi ko alam, edi baka wala na." malungkot ang boses nito. "Ang sabi ko kasi ikaw nalang, e ayaw mo naman. Pwede mo naman takpan ng unan kung ayaw mo makita diba? Sure ka na ba? Mamsh!" para itong bata na nagmamaktol.

"Pinatayan ako, lapastangan!" she hissed.

Dylan admitted it, nakakaramdam ito ng pagnanasa sa babae. But he needed to consider the outcome of his possible actions, he will be behind the bars if he take her offer.

"Problem?" he asked.

"Ayaw mo kasi akong buntisin!" maktol nito.

His side lips rosed up. "Tell me why should I impregnate you?"

Inayos nito ang pagkakaupo at seryoso siyang tinignan sa mga mata. Dylan stared at her almond eyes, waiting for her lame reason.

"I am a heiress in the land of magical world. My parents sold me to a prince and the thing that got in my mind is to be pregnant. Para umatras sa kasunduan ang Prinsipe."

Dylan rolled his eyes. He closed her laptop and hand it to her, bago niya ito pinatayo at bahagyang hinila papunta sa pintuan ng pamamahay niya.

"That's a nice story. But I'm not buying it, I already read that story somewhere. Now, tapos ka na rin lang kumain. Umuwi ka na sa bahay niyo. Uulitin ko, hindi kita bubuntisin. Hindi ka dapat nakikisabay sa uso, teenage pregnancy is not a joke." sermon niya rito at tinulak niya ito ng marahan palabas ng bahay niya.

____________________________________________________________________________________

Gomen! Nakalimutan ko na dapat pala mag a-update ako kagabi hehez. But here ya go!  Coffee? ☕

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top