Chapter 21
MONDAY came and Angelyn is back on teaching again. Hinatid lang siya ni Kyst sa School pagtapos ay umalis din kaagad. Hindi din niya kasama ang anak niya ngayon dahil pinaiwan ng Mama Cristell and anak niya sa bahay, ayaw daw kasi nito na makasama maghapon ang asawa.
"So you already met his parents? Wow! How's it?" Krizzia asked. Iniwan talaga niya sandali ang mga estudyante niya para lang makichismis sakanya.
Angelyn rolled her eyes and sigh. "At first, kinabahan ako. Akala ko kasi... hindi din nila tatanggapin ang anak ko. Alam mo naman na may trauma ako sa ganyan." malungkot na ngumiti si Angelyn sa kaibigan.
Krizzia held her hand and squeeze it. "Hindi naman lahat ng tao kagaya ng mga magulang mo, speaking of your parents. Wala ka ba talagang balak na dalawin man lang sila? Angelyn it's been 5 years, I'm sure kapag nagpakita sa kanila ngayon pagbubuksan kana nila ng pintuan." concerned na sabi ni Krizzia.
She pressed her lips together and gazed at her friend. She slowly nod her head, kahit na hindi siya sigurado kung magagawa niya. Ang daming scenario na pumapasok sa utak niya, lahat negatibo. Wala man lang positibo.
"Ah! Bring Kyst with you, sigurado ako na kapag nakita nila ang gwapong nilalang na 'yon tatanggapin ka nila sa pamamahay niyo!" nagtaas baba ang kilay ni Krizzia.
"Krizzia, ayan ka na naman..." pinanlakihan niya nang mata ang kaibigan.
"Mag tiwala ka sa akin, Angelyn! Dalhin mo si Kyst sa inyo. Siya ang magsisilbing gate pass mo, hmm?" Krizzia really pushed the idea of bringing Kyst to her parents home. Tinapik ni Krizzia ang pisngi niya bago siya nito tinalikuran at bumalik na sa classroom nito.
She was thinking deeply. Limang taon na hindi man lang siya nagpakita sa mga magulang niya, naaalala pa niya kung gaano ka galit sakanya ang nanay niya at ganoon din ang tatay nang malaman na buntis siya. She was crying so hard that time and begging her parents to take her back. But they didn't, pinagsarhan siya ng mga ito ng pinto. Ang tanging tumanggap lang sakanya ay ang tiyuhin niyang si Mabel na minsan lang umuwi sa bahay nito dahil sa klase ng trabaho.
"Bye class! Ingat sa pag-uwi!" bilin niya sa mga bata.
They formed a line and kiss her cheek one by one, it's a everyday routine for them. Once they entered the room the students will kiss her cheeks and same goes when they're going home. She waved her hand habang hinahatid ng tingin ang mga bata palabas ng pintuan. Tumayo na siya at inayos ang mga arm chairs. Hindi siya kumportable na nag se-set ng cleaners sa klase niya, lalo na at kilala niya ang mga bata. Gagawa at gagawa ng paraan para makatakas.
"Can I help?" ani ng baritonong boses. She turn around and saw Kyst leaning on the door, nakataas ang mga kilay nito sakanya at may mapag larong ngiti sa labi.
"Go on, Mr.Miller. Help your baby clean up!" tudyo niya rito.
Kyst smirked and removed his coat, he folded his sleeves up to his elbow, he even loosen up his tie and unbuttoned the first three buttons. Angelyn was eyeing him while biting her lips. He really looks hot and edible while doing that.
"Baby?" tawag ni Kyst at pumitik pa ito sa harap niya. Napakurap kurap si Angelyn. Was she staring too much that she spaced out? Kyst chuckled and wiped something on her side lips, using his thumb and rubbed it in his pants. "Hm... alam ko naman na masarap ako. You can taste me whenever you wanted to okay? Hindi mo kailangan maglaway habang nakatitig sa akin." mayabang na sabi nito.
Angelyn squeezed her eyes shut and balled his hands into fist. She open her eyes and ready to punch Kyst, pero ang magaling na lalaki. Wala na sa harapan niya at patawa tawang nagwawalis sa kabilang side ng classroom. Angelyn was beyond pissed. She just embarrassed herself in front of his boyfriend! At ang mokong! Tinatawanan lang siya. Angelyn was glaring at him and Kyst just smiling widely at her. Ganoon ang sitwasyon na nadatnan ni Krizzia.
"Hi Mr.Miller! It's nice to see you again!" bati ni Krizzia at nag apir ang dalawa. Close na close. "In fairness! Ngayon lang ako nakakita ng naka formal attire na may hawak na walis tambo at dust pan." tudyo ni Krizzia.
"Gwapo parin naman diba?" nakangisi na tanong ni Kyst, he even placed his hand on his pocket and do some poses. He's handsome, pero hindi magawang tumawa o ngumiti man lang ni Angelyn sa pinaggagawa nito.
"Agree!" sagot ni Krizzia at nag thumbs up pa. Then Krizzia's gazed met hers. "Anyare sa mukha mo? Selos ka?" tudyo nito.
"Who's jealous? My baby?" Kyst questioned. Lumapit ito sakanya at inakbayan siya, pilit tinatanggal ni Angelyn ang kamay na nakapalupot sa braso niya pero pilit din 'yon na binabalik ni Kyst.
"Ay putek! Mare, naghimala ka yata? Para kang batang nagdadabog ah? Oh goodness..." Krizzia trailed off. Napaayos ng tayo si Angelyn at pinanlakihan ng mata si Krizzia.
"Why? What?" sunod sunod na tanong ni Kyst. Nanatiling naka-awang ang labi ni Krizzia habang nakatingin sakanya, she raised her brows making Krizzia laughed like a crazy woman. "And here I thought, mga kaibigan ko lang ang baliw." Kyst whispered.
Mahinang tinapik ni Krizzia ang pisngi ni Angelyn. "I got you, Mare!" she said and left.
KYST was dumbfounded. He wanted to asked Angelyn what the hell was that? But he's afraid because his baby was still looking at him, more like glaring at him. Tapos na siyang magwalis and there's nothing more to clean dahil malinis naman na.
"Done sweeping. May gagawin ka pa ba?" he asked. Angelyn checked her phone and showed it to him. It was a checklist. Nakalista lahat doon ng gagawin niya ngayong araw, he sighs. Walang bebe time para sakanya, his baby is a busy woman.
"Sa NBS muna tayo, bibili ako ng gamit. Then, we're going... saan tayo uuwi?" she asked.
Kyst scratch his temple. "Mom wants to see you, so yeah. Sa bahay parin nila." he answered.
Angelyn brows furrowed. "Masikip ang table mo sa kwarto, samahan mo ako sa sala mamaya? Doon nalang ako magta-trabaho."
"Baby, we have an office room in the house." Kyst protested. Umangat ang kilay ni Angelyn sakanya.
"Fine. Sa office room ka magtrabaho mag-isa." masungit na sabi nito at kinuha na ang bag at mabilis na naglakad palabas ng classroom.
"What the hell?" he whispered to himself.
Nagtatakang sinundan niya ito palabas. Angelyn locked the door. May mga ilang estudyante pa na bumabati rito and even her co-teachers, may ilan pa na tinutudyo ito at may ilan naman na sinisisi dahil sa biglang pagkawala ng dating Principal.
"Victim blaming isn't right, Ma'am. I hope you know that, your ex Principal tried to harm my wife, and I won't let that passed. Now, If you want that gross old man. Maaareglo ko naman kung gusto mo siyang sundan sa kulungan." hindi niya na napigilan ang sarili.
"Malandi naman kasi 'yan. May asawa na pala pero nagpapakita ng motibo kay Sir George?!" the old lady mocked. Naramdaman niyang humawak sa braso niya si Angelyn, he glance at her. She looks afraid, he smiled to assured her that there's nothing to be afraid of.
Kyst smiled. A deadly one. "You don't know anything, Ma'am yet ang dali lang para sayo na husgahan ang asawa ko. Ano ho bang klaseng pag-uutak ang meron kayo? You. Putting the blame on my innocent wife is not okay. And YOU. Calling my wife names is definitely not okay. I don't want to insult you but you provoked me. Teacher ka pa naman. Sayang." he smirked and grabbed Angelyn's hand. They left the old lady dumbfounded.
Angelyn squeezed his hand. "You don't need to do that. You disrespect her... as a teacher."
"Baby? She disrespected you first. And I don't care about her profession. Sana naisip din niya na teacher siya bago ka niya pagsabihan ng kung ano-ano. I cherish you and all that. Hindi ko hahayaan na may ibang tao na kagaya niya ang mananakit sayo. May it be verbal or physical. I will buried them alive."
Angelyn smiled at him. He was taken a back. He sounds so dangerous but his baby just smiled and all of his defenses crumbled. Just what magic she possessed?!
"I guess all of my hardships were worth it. For me, to met someone like you. I'm really lucky." she said and squeezed his hand.
"You are. Kyst Miller yata ang nasungkit mo, imagined all the lady crying because I choose you." he boasted.
"Tara na. Wala akong matatapos kung pakikinggan ko ang kayabangan mo." Iritadong sagot sakanya ni Angelyn at nauna nang naglakad papunta sa sasakyan niya. Napailing nalang siya at sinundan ito.
AFTER eating dinner with Kyst family, inihanda na niya ang lap top at ang mga gamit na binili niya para sa gagawin niyang visual aids sa sala. Hinayaan lang siya ng Mama ni Kyst at ipinaghanda pa siya ng makakain. Habang si Kyst naman ay dumeretso sa taas, says he need to check and sign some paper's for his new built agency.
She was starting to draw when she saw Kyst, bakas ang pagod sa mukha nito, he was now wearing a white T-shirt and a checkered pajama.
"Can't sleep?" she asked and Kyst nodded like a kid.
Kyst yawned. "Tulog na si Khaila sa kwarto natin." he said and dropped himself to the sofa.
"How about your work? Done?" she asked while sketching the photo she's copying.
"I didn't know you can draw." Kyst said while pointing at the paper. She smirked smugly.
"Ganyan talaga kapag teacher ka. Talented." pagyayabang niya na ikinatawa lang ni Kyst.
"I can draw too. Let me help you, para agad kang matapos." Kyst offered.
"Great! I need to do a power point presentation for our seminar." inabot niya kay Kyst ang lapis na hawak niya at itinuro rito kung alin ang id-drawing and she even asked him if he can do the lettering.
Kyst gladly helped her doing her visual aids, hindi ito nagrereklamo, pinaninindigan talaga nito ang pagiging perpektong boyfriend. Tahimik lang silang dalawa habang ginagawa ang mga naka toka sakanilang dalawa. Kyst was sometimes stop and stole a kiss on her. Titignan niya lang ito ng masama at babalik na ulit sa trabaho. Natapos nila ang ginagawa nila ng maaga, thanks to Kyst.
Kinabukasan, after ng klase niya nagpasundo siya kay Kyst at ipinasama ang anak niya. Dinalaw na naman siya ng kaibigan kanina at kinulit na dalawin man lang ang mga magulang niya, Krizzia even called her uncle, Mabel. Para lang ma convince siya. Kaya ngayon, nandito siya sa loob ng sasakyan ni Kyst at hindi mapakali.
"Baby, relax. It's your parents." Kyst tried to calm her down. Even her daughter was kissing her non stop to make her feel better. "We're almost there, pero kung gusto mong bukas nalang tayo dumalaw. Iuuwi na kita."
"No, ayan na 'yung bahay namin." itinuro niya ang two storey house na nasa tabi ng isang tindahan. Wala pa rin pinagbago ang bahay nila. It's still the same house where she grew up.
"Mamu? Bahay po ni Mamu and Papa mo? May another Lola and Lolo po ako?" Khaila asked.
She smiled at her daughter. "Yes baby. May another Lola and Lolo ka pa." Khaila happily clapped her hands. Seeing her daughter happy and excited to meet her parents make her feel nervous even more.
"Whatever happens, nandito lang ako." bulong ni Kyst. She looked at his magnetic grey eyes.
"Promise me that you won't leave me, after this. Baby, I am now going to strip myself in front of you and in front of my parents. I will open up the past that only I and Krizzia knew." humigpit ang hawak niya sa kamay ni Kyst.
"I love you. None of your past can change what I feel for you." he sincerely said and kissed the top of her head.
Nilakasan ni Angelyn ang loob niya at kumatok sa pintuan. She stood nervously in front of their door. And pintuan na minsan nagsara dahil sa isang pagkakamali. Dahil sa isang hindi pagkakaintindahan. Because her parents chose not to listen.
"Sino — Angelyn..." the old lady looked at her in awe. Angelyn was still wearing her teacher uniform. A tear slid down on her cheeks when she saw her mother after 5 years. Tumanda ito pero ganoon parin ang klase ng pag-aayos.
"Ma..." she whispered as she sobbed.
"Mahal? Sino 'yan? Bakit hindi mo papasukin?!" lumabas mula sa kusina ang matandang lalaki na nakangiti. But his smile faded when he saw her.
"Papa..."
"Anong—" naputol ang sasabihin nito nang bigla nalang lumuhod si Angelyn sa harapan ng mga magulang niya. Her parents gasps as they look at her kneeling in front of them.
"Baby! What are you doing? Stand up, please..." Kyst held her arms pero hindi siya nagpatinag. She heard her daughter sobbing, asking Kyst why she's crying and kneeling.
"Ma? Pa? Pakinggan niyo naman po ako ngayon oh... H-huwag niyo muna po kaming ipagtabuyan ng anak ko..." nanginginig ang mga kamay ni Angelyn habang inaabot ang kamay ng mga magulang niya. They were looking down at her but she doesn't mind. She doesn't mind at all, as long as they're going to heared her out.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top