Chapter 19
HINDI alam ni Angelyn kung paano kikilos sa harap ng mga kaibigan ni Kyst. Mabuti pa ang anak niya ay nakapag adjust na, Isabella assured her that those guys were good and there's nothing to worry about. Hindi siya naiilang, she knows that Kyst friends we're good, hindi niya lang talaga alam kung paano siya kikilos. Lalo na at buong araw siyang hindi lumabas kahapon sa bahay ni Kyst.
"What? Darling, look at Castiel he's mocking me!" nadinig niyang sumbong ni Isabella kay Jyrelle. She smiled when she saw Isabella and Castiel bickering over a piece of bacon.
"Darling stop. Kainin mo nalang ang sa akin, ibigay mo na yan sa patay gutom." nakangising sabi ni Jyrelle at tinaasan ng kilay si Castiel. Castiel placed his hand over his chest, umakto ito na parang nasasaktan pagkuwan at itinaas ang gitnang daliri habang sinusubo ang bacon na binitawan ni Isabella.
"Pasensya ka na kay Castiel, patay gutom talaga ang isang 'yan." Ani ni Killian. Among of them, kay Killian siya mabilis na napalapit sakanya. Maybe because he was the closest to Kyst?
"Kung may gusto ka pang kainin, sabihan mo lang ako. Ipagluluto kita." nakangiting sabi ni Yves sakanya. Ngayon nagpapa salamat si Angelyn na isa siyang teacher, mabilis niyang nakabisado ang mga kaibigan ni Kyst.
"Ako! Gusto ko ng embutido Yves!" sigaw ni Isabella habang nakataas pa ang kamay. Sinuway siya ni Jyrelle at hinalikan ang labi para tumahimik.
"Ang tahimik mo, hindi naman kami nangangain ng tao." Dylan said while fumbling with his food.
"Nanibago lang ako. Nasanay kasi ako na kaming dalawa lang nang anak ko ang nagsasalo t'wing umaga." she answered honestly. Sabay sabay na napa 'ahh' ang mga kaibigan ni Kyst. Naunang tumayo si Caleb, suot ang kanyang puting coat.
"I'm leaving. Bye guys!" paalam niya at nagmamadaling umalis.
"Since bagong salta ka dito, ikaw ang bubunot Misis Miller!" Lumapit si Kade sakanya dala ang isang fish bowl and there's a small rolled paper inside. She's confused but she choose not to ask what's the purpose of this rolled papers.
"What's up with you guys? Para kayong natatae." natatawang sabi niya sa kanila.
"Takot maghugas ng pinggan mga yan." Isabella said, dahil doon nalaman niya kung para saan ang mga papel na 'to.
"I can wash the dishes if you want." nakangiting prisinta niya sa mga ito.
"No, baby!" Naunang umangal ang boyfriend niya.
"Kaya na namin!" Castiel said.
"Kung sino nalang nabunot mo..." nahihiyang sabi naman ni Dylan.
"Uy tangna! Si Dylan nahiya!" Sigaw ni Kade na ikinatawa nilang lahat maliban kay Dylan na naka simangot at minumura na si Kade.
"Angelyn sino? Mahihimatay na kami sa kaba dito oh!" Reklamo ni Mikael sakanya. She chuckled and shake her head, maghuhugas lang naman sila ng pinggan pero kailangan may bunutan pa.
"It's Laur. But Laur is not here... Isa pa." hinalo muna niya ang mga papel at kumuha ulit ng isa. She slowly open it and, "It's you, baby." tinapik niya sa binti si Kyst at pinakita rito ang pangalan nito na naka sulat sa maliit na papel.
"Sa wakas! Kingina mo! Dagdagan niyo ang gagamitin niyong pinggan!" Utos ni Castiel.
"Good luck, Bud!" Tinapik ni Yves ang balikat ni Kyst.
"Tangina niyo! Pampam ampota!" sigaw ni Kyst sa mga kaibigan niyang dinoble ang mga pinggan na ginamit. Nagkibit balikat sakanya si Isabella at ngumiwi.
"Aba! Ngayon ka lang nabunot! Magdusa ka!" Sigaw ni Mikael at tumawa ng malakas. Gustong maawa ni Angelyn kay Kyts pero hindi niya magawa, she wants to laugh her ass off until she ran out of breath. Mukhang pinagsakluban ng langit at lupa si Kyst habang pinapanood ang mga kaibigan niya na magkalat.
Kahit si Isabella na kanina ay nagsusuway, nakisama na sa pagkain dahil naglapag pa si Yves ng mga putahe na niluto nito. Breakfast palang nila ito, pero parang fiesta na sa dami ng pagkain. Mukhang hindi na nga siya makaka-kain mamayang lunch. Maganang kumakain ang lahat, binalewala ang masamang titig ni Kyst. Kahit ang anak niya ay sinusubuan ng mga kaibigan nito.
Hinagod niya ang likuran ni Kyst at isinandal ang ulo sa balikat nito. "I'll help you wash the dishes later. Bawal tumanggi."
Kyst kissed the top of her head and hug her waist. "Ako na, pahinga ka nalang. We're going to meet my parents later... So, rest. Okay?"
"Yes Sir!" pabirong sagot niya rito.
"Kain ka pa, anong gusto mo? Susubuan kita." malambing na bulong nito sakanya. Angelyn's heart flipped. Kyst being so sweet, is her weakness.
Hindi na siya nagsalita at itinuro nalang ang mga pagkain na gusto niya. Pumili siya yung magaan nalang sa tiyan, they will meet Kyst parents later at lunch. Hindi pwedeng hindi siya kumain mamaya. She choose pancakes with chocolate syrup and for drinks, she choose water than juice.
In-enjoy nalang ni Angelyn ang pagpapakain sakanya ni Kyst habang nakikitawa sa mga pinag gagawang kalokohan ng mga kaibigan ni Kyst. Si Castiel at Light ang bida. Nagbabakla-baklaan si Castiel habang hinahabol si Light. Their breakfast was chaotic but she admit that it was fun. Masaya siya na nakilala nilang mag-ina si Kyst, at ngayon pati narin ang mga kaibigan niya. They made her feel welcomed, masyado silang mabait sa kanya at sa anak niya kahit ilang araw palang nila nakilala ang isa't isa.
"Sigurado kang ayaw mo ng tulong?" Angelyn asked Kyst for the nth time. Kyst smiled and shake his head, bumaba ang tingin ni Angelyn sa mga pinggan na nasa lababo. Lahat yata ng pinggan sa kusina ni Yves nagamit nila. Kahit ang mga baso.
"I can do this." nagtaas baba ang kilay ni Kyst at pinakita ang muscle sa braso, damn biceps! "Maligo na kayo ng anak natin, mabilisan lang 'to tapos ako naman ang mag-aayos. Susunduin natin sa airport sina Daddy." he said making Angelyn nervous again.
Damn, she can clearly remembered how she trembled in fear that they will not accept her and her daughter. Naiyak pa siya sa sobrang kabado niya. Pero nagpapasalamat siya sa Diyos na hindi katulad ng mga napapanood niya sa teleserye ang mga magulang ni Kyst.
"Okay... Just call me if you need help okay?" bilin niya pa at hinalikan ito sa labi. She's getting used to it. Kissing and doing some sweet things to Kyst, at least hindi na lang si Kyst ngayon ang nag-eeffort sa relasyon nilang dalawa.
"Baby... Stop. Baka ikaw ang trabauhin ko imbes na 'tong mga lintek na pinggan." he hissed and snaked his arm around her waist and cupped her butt cheek. Pinanlakihan niya ito ng mata at hinampas sa braso, tumingin sa paligid si Angelyn dahil baka may nakakita sa ginawa ni Kyst.
"I'm going. Stop being naughty!" she scolded him.
Kyst rolled his eyed. "I can't help it. Go, leave. Bago pa ako mawalan ng kontrol sa sarili." baritonong sabi nito. She raised her brows and glared at him, Kyst wink at her as a response.
Today is Sunday, and here she is spending her days like there's no work waiting for her tomorrow. Naibigay niya lahat ng atensyon niya kay Kyst at nakalimutan na ang pag-gawa ng lesson plan niya para bukas. Looks like she's going to cram later.
Kinuha niya muna ang anak sa mga kaibigan ni Kyst sa may Arcade room, medyo nahirapan pa siya dahil ayaw bitawan ng mga ito ang anak niya. Lalo na si Kade na sobrang higpit ng yakap kay Khaila. But thanks to Isabella, nakuha niya ang anak niya, after an hour of negotiation of course.
"Mamu? Where are we going po?" tanong ng anak niya habang sinasabon niya ang katawan nito. Khaila was playing the bubbles in her body.
"We're to meet Papa's parents. Kaya behave ka lang ah?" paki-usap niya sa anak.
"Yes Mamu!" her daughter giggled happily.
After bathing, sinuot nila ang damit na binigay ni Isabella. It was a Taupe above the knee chiffon long sleeves ruched skirt bodycon dress, for her size and her daughter. Nauna niyang pinasuot ang sa anak niya at sumunod naman siya. Angelyn blow dried her daughters hair and curled it, thanks to Isabella, may mga dala itong gamit pang-paganda. Angelyn tied Khaila's hair into a messy bun and leave some strands on the side. Pinasuot na din niya ang white converse sa anak.
Sunod na inayusan niya naman ang sarili. She also curled her hair and then tied with messy bun and leave some strands. Tuwang tuwa si Khaila dahil parehong pareho sila ng suot na damit pati na din ang hair style, naglagay din siya ng light make-up sa mukha and since Khaila is still young, she only put a lip balm on her daughter lips.
"Woah! Bakit ang ganda ng mag-ina ko?!" she heard Kyst exclaimed. The white towel was lazily hanging on his waist, may mga tubig pa na pumapatak mula sa buhok nito pababa sa katawan niya.
"Tita Isabella buy this po for us! Pretty po kami ni Mamu, Papa!"
Lumuhod si Kyst sa harap ni Khaila at pinanggigilan ang mukha nito. "Of course, pretty kayo ni Mamu." he kissed Khaila's head.
"Come here, Khaila. Magbibihis muna si Papa." agad naman sumunod ang anak niya at humarap sa salamin, Khaila was playing with make ups but she doesn't mind. Her daughter kept on asking what's this and what's that, at matyaga niya itong sinasagot, and explaining that make up is not suitable for her because she's still a kid.
"Let's go?" Binuhat muna ni Kyst ang anak niya bago inilahad ang kamay nito sa harapan niya, she gladly take his hand and intertwined it with hers.
"Black ang nakita kong long sleeves na naka ready kanina ah?" nagtatakang tanong niya kay Kyst.
Kyst smirked. "Hindi naman pwedeng ako lang ang naiiba." he cockily said.
Kyst was wearing a faded jeans and a taupe button down long sleeve shirt paired with a white Nike air max. He unbuttoned the upper part, showing off his chest a bit. Naka tupi din hanggang siko ang sleeves nito at may suot na relo.
"Woaaaah! Mayor saan ang kampanya?!" pang-aasar ni Killian nang makitang lumabas si Kyst.
"Tarantado. Hi Angelyn! Hi Khaila! Naks! Ganda ah!" Alistair said. I smiled and thank him.
"Can I take a picture of you and Khaila? Sorry, nautusan ako ni Isabella na kuhanan kayo ng picture." Laur said while rubbing his nape.
"Nasaan pala siya?" tanong niya dito.
"Inaasikaso na ang kasal nila. Minamadali ni Tito Brylle e." Laur explained.
Napatango nalang siya at kinuha sa bisig ni Kyst ang anak. Hindi siya nahirapan na paki-usapan ang anak niya na mag pose, binitawan niya ito at kamay lang ang hawak. They did some poses and Laur was their photographer.
"Angelyn, sigurado ka ba na Teacher ka? You look like a professional model!" Kade said in awe.
"Silly, I am a Teacher." natatawang sagot niya.
Kade didn't stop and kept on asking her if she was really sure. Napailing nalang si Angelyn.
"Madalas ako ang sinasali sa pageant sa school kaya may alam ako... but you don't need to be a model para makapag pose sa harap ng camera right?" nakangiting tanong niya sa mga 'to.
"Wow! A model and a candidate for Beauty pageants. Bagay nga kayo ni Kyst!" Killian said.
Agad niyang naramdaman ang pagpalupot ng braso ni Kyst sa balikat niya at nagyayabang na tinignan ang mga kaibigan nito. Bahagya niyang sinuko ang tiyan ni Kyst.
"Alis na kami! Bye mga hangal!" sigaw ni Kyst sa mga kaibigan.
"Bye Angelyn and Khaila!" She laughed when they didn't say goodbye to Kyst, instead they raised their middle finger and waved it.
"Bye!" she waved her hand, ganoon din ang ginawa ni Khaila at nag flying kiss pa ito.
Nang makasakay sila sa sasakyan ni Kyst doon niya ulit naramdaman ang kaba sa dibdib. She glanced at Kyst and shifted her position.
"Baby? Hindi naman siguro ako palalayuin ng mga magulang mo sayo diba?" she asked.
Kyst glance at her and laugh. "What the fuck? Baby, hindi ganoon ang magulang ko. Seriously? Naisip mo 'yon?" natatawang tanong parin nito sakanya.
"Don't be nervous. They'll love you." Kyst said and glance at her daughter, inabot nito ang pisngi niya at hinaplos. "Just the way I do."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top