Chapter 46

SI VYRLLE ang kumausap kay Caleb para makalabas na siya sa hospital. Hindi naman malala ang kondisyon niya para ikulong siya nito sa hospital nito. Pero kahit na nakalabas na siya, bantay sarado pa rin siya nito.

"Don't overdo it, Light," paalala sa kanya ni Caleb.

He sighed and placed his hand on his waist, habang ang isang kamay naman niya ay hawak ang hard hat niya.

"Come on, bud! Give me a damn break. Alam ko naman ang bawal sa akin." Light hissed.

Nasa site sila ng bagong village nila ngayon. Dito siya dumeretso pagkatapos niyang ayusin ang aberya sa kabilang site na hawak niya.

Caleb just shrugged his shoulders before he excused himself and left. He's still in contact with his doctor, checking if he's feeling something weird and sometimes Light was asking kung pwede na ba siya na makipagtalik.

Sa sobrang pagpipigil niya, halos hindi na siya tumabi sa pagtulog kay Vyrlle. After what happened to the hospital, he realised that a massive boner will drive him crazy. Masakit sa puson. Masakit din ang pag-aari niya.

"What is up, Meralco!"

Umamba siya na hahampasin si Castiel gamit ang hawak niyang drawing canister tube. Castiel just laughed at him. Nasalag kasi nito ang canister tube at kinuha 'yon sa kamay niya.

"Tapos ka na?" tanong ni Castiel sa kanya.

"Kanina pa. Nababagalan ako, Castiel." Light honestly said.

"Tang ina, chill ka lang kasi! Ibabalik kita sa hospital kapag minadali mo pa kami." Castiel warned.

They already celebrated Jillian's pregnancy. Laur was now busy with their upcoming wedding. Lumalaki na ang panganay ni Isabella, Angelyn at Shawn. Even his little sunshine.

"Ahh... may balak ka na no?" Castiel teased him.

He glanced at him sideways and sighed. Castiel already sees through him, what's the point of denying it?

"Tagal na," sagot niya.

"Congratulations! Gago, bakit hindi namin alam?" Castiel playfully punched his shoulder.

Kunot ang noo na humarap si Light sa kaibigan. "Bud, hindi ko pa binibigay ang singsing."

Nawala ang ngiti at excitement sa mukha ni Castiel nang marinig ang sinabi niya.

"Kupad mo naman."

He just laughed at him. Sinuot niya ang hard hat niya at naglibot ulit. He was thinking when was the right time to propose to Vyrlle.

But after some time, Light realised that there's no such perfect timing. It's up to him how he can make his proposal special.

Nang makauwi siya sa bahay nila, nandoon na ang mag-ina niya. Vyrlle was happily conversing with his mother and sisters, habang ang Papa naman nila ay nakikipaglaro kay Vystrelle.

"I'm home!" Light announced.

Agad na tumakbo si Vystrelle sa kanya nang marinig ang boses niya. Leaving his father alone. Tumawa lang si Light at sinalubong ang anak.

"Hello there, my little sunshine!" he greeted and kissed her cheeks. His daughter giggled and did the same thing to him.

"Ang lambing naman niyang apo ko! Kiss mo rin si Papa Lo?" singit ng Papa niya.

"Saan mo nakuha ang 'Papa Lo', Pa?" tanong niya sa Papa nila na pinipilit ang anak nila ni Vyrlle na ikiss din ito.

"Kay Brylle. Daddy Lo at Mommy Lo kasi ang gusto nang dalawa, edi gumaya 'yang Papa mo." Explain ng Mama nila sa kanya.

"Baduy ba, nak?" kunot ang noo na tanong nito sa kanya.

Bahagya siyang natawa at lumabi sa Papa nila. "Sobra, Pa."

Tumawa lang ang mga kapatid niya pati ang Mama nila nang humaba ang nguso ng padre de pamilya nila at sumiksik ito sa Mama nila.

They had their dinner together with his family. Kahapon ay sa bahay ni Vyrlle sila, kaya lang ay umuwi rin sila pagkatapos. Vyrlle was not comfortable of the idea of him, sleeping inside their room at ganoon din naman siya.

"What about your work?" Light asked when they're finally alone.

Humilig sa balikat niya si Vyrlle. Their little sunshine was now sleeping in his bed.

"Mama wants me to work here instead. Bago sila ikasal ni Daddy, nailipat na ni Mama sa Pilipinas ang main branch ng company niya. Bumalik lang sa San Diego dahil sa akin."

"Ikaw? Saan mo ba gusto?" he asked her again.

Light gently stroked her hair, tucking her hair strands behind her ear. Hindi pa rin naman nagbabago ang isip niya, kung saan gustong manirahan ni Vyrlle, edi doon sila. Pwede naman nilang gawin na bakasyunan ang bahay na pinapagawa niya dito sa Pilipinas.

"Nandito lahat ng mga kaibigan mo, our family too. Next month, baka bumalik ako sa San Diego para ayusin ang dapat ko na ayusin."

So, that was it. They're going to stay here.

"Bago tayo bumalik sa San Diego, pwede ba tayong pumunta muna sa bahay ko?"

"I thought you don't want me to go there?" she teased.

Light softly smile at her and play with her fingers, especially her ring finger. Nandoon ang ibinigay niyang promise ring kay Vyrlle at hindi na siya makapaghintay na dagdagan 'yon.

"Hindi sa mismong bahay, sunshine," masuyo na sagot niya kay Vyrlle.

He's more than ready to destroy that claw machine. Matagal na.

They were also planning na i-demolish na ang mini village nila. Lalo na at nakapag desisyon na siya na ibalik ang bahay sa mga magulang niya.

Light smiled when he felt her wrapping her arms around him. Feeling her body warmth, he feels better. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito.

Light can't wait to marry Vyrlle. He can't wait any longer.

VYRLLE was still working her ass off while taking good care of her little Luca and her big Luca. Hindi siya sanay na nagtatrabaho online, but because her secretary slash friend was very efficient, naging madali sa kanya ang trabaho.

Rayos and Leo came back, kaya may nag-aalaga ngayon sa anak niya. Habang nandito siya sa sala ng bahay nila at nakikipag meeting sa secretary niya.

"Well, if you still want to work with me..."

"Oh, shushed! Of course, I do! I will help you in any ways I can. Plus! Goodness, I need to learn the basics about the Philippines and of course, the language! Yes, I'll do that!"

Napangiti siya sa kaibigan.

"I can't wait to try the club's there! I bet there are more handsome and—"

Vyrlle scoffed. "I can't believe you, Dania. You're going here with me because you wanted to... Nevermind. Do whatever you want. Just a little reminder from your boss slash friend, Dania. Men here are not vasectomised, if you're not on pills, you might get pregnant."

"They don't use condom?" Nakangiwi na tanong nito sa kanya.

"50/50, Dania." Vyrlle boredly answered.

Dania nodded her head. "I'll choose my partner carefully then! Thanks for the warning!"

Napatanga siya sa kaibigan niya. It wasn't a warning really, she was scaring the hell out of her! Vyrlle was worried but what can she do? Mahirap bawalan ang kaibigan niya.

Ngumiti si Vyrlle nang makita ang kapatid niya, kasama nito ang anak na si Ayze. Lumapit sa kanya ang kapatid niya at mabilis siyang pinatakan ng halik sa noo bago bahagya na ginulo ang buhok niya.

"Nasaan si Mama?" he asked.

"Kuya, kapag umuwi ka sa bahay, you usually ask where is Dad." Vyrlle chuckled at him.

"I know where Dad is, Ion. Si Mama?" tanong ulit nito sa kanya.

"Kasama si Daddy. Why?"

Mag-isa lang siya sa bahay ngayon dahil umalis din ang kambal niya kasama ang asawa at anak niya.

"Si Cay?"

"Leave her to me, Kuya." Tumayo siya at kinuha sa bisig nito si Ayze.

His wife must be busy handling her own empire for today. Kapag naman kasi walang masyado na ginagawa sa opisina, katulad niya, palagi rin na isinasama ng Ate Isabella niya ang anak sa office nito.

"Are you sure?" alanganin na tanong nito. Tumango lang siya at sunod na kinuha ang bag ni Ayze.

"Tapos na ang mga meetings na naka schedule ko ngayong araw. Baka pauwi na rin naman si Cay at Leo."

"Okay, thanks princess. I really need to go." Nagmamadali na sagot nito sa kanya.

Her brother kissed his daughter's forehead first before her and left hurriedly. Nagpapasalamat si Vyrlle na hindi iyakin ang pamangkin niya, she can give Ayze's toy ands she'll play with it quietly.

Isinara niya muna ang laptop at itinabi 'yon sa lugar na hindi maaabot ng pamangkin niya. She also cleaned her place.

Vyrlle was busy sweeping the floor that she didn't notice Light entering their house. Tsaka niya lang ito napansin nang marinig na tumatawa ang pamangkin niya. Light carried her niece and lifted her up.

"Airplane!" Light cheerfully said and turned around.

Mas lalo na natuwa ang pamangkin niya sa klase ng laro ni Light. Tinabi niya ang walis at dustpan bago linapitan ang dalawa at kinuha si Ayze kay Light. She was avoiding that kind of play, paano na lang kung mabitawan ang bata? Ganoon siya ka-paranoid sa safety ng mga bata.

"You're early, Luca." Vyrlle noticed.

Light just hummed and pouted his lips. Mahina siyang tumawa at mabilis na hinalikan ito sa labi.

"Ate already took care some of my work, because I need to go back to the hospital for check-up. Dumaan lang din ako sandali sa construction site ng village natin."

"How's your check-up?" tanong niya habang pinanggigilan niya ang pisngi ni Ayze.

"All good, sunshine." Light answered.

Light went to her back and hugged her. Pinatong nito ang baba sa balikat niya at marahan na sinasayaw ang katawan nila. She closed her eyes and leaned her back against his chest, habang ang pamangkin naman niya ay yumakap sa leeg niya.

"Wala ka na bang gagawin?" kapagkuwan ay tanong nito.

Vyrlle frowned. "Wala na."

"Punta tayo sa bahay ko?" he asked.

She looked at him over her shoulder. "Ngayon na? I thought..." she trailed off.

"Solo natin ngayon ang buong mini village namin," he whispered.

Hearing the word 'solo'. Vyrlle was quick to give Ayze to Light and went upstairs to take a shower. These past few days, simula nang makalabas ito sa hospital, palagi rin sila na may kasama. If it's not her family members, ang kay Light naman.

Vyrlle was not demanding. Ayos lang sa kanya na hindi sila mag date ni Light as long as may alone time silang dalawa. Iyong sila na dalawa lang talaga. Just talking and cuddling. Well, making love was fine too.

She choose a lavender above the knee knitted dress and paired it with her white chunky sandals. Hindi na siya nag-abala pa na magdala ng bag o wallet, sa bahay lang naman nito ang punta nila.

"I'm ready!" she yelled. Sakto naman na pagbaba niya ay nasa bahay na ang kambal at asawa nito.

Leo smiled at her and glance at Light. Nanunukso ang tingin nito.

"Ano? Tusukin ko mata mo e," pagtataray niya kay Leo.

Leo just shook his head and avoided her gaze. Rayos, her twin, was now holding their niece. Habang ang anak naman niya ay hawak ni Leo.

"Enjoy!" pahabol ni Rayos.

Vyrlle mentally rolled her eyes. Agad na pinalupot ni Light ang braso sa baywang niya. Nagpaalam lang sila saglit kay Vystrelle bago umalis at pumunta sa pearl village.

Kinakabahan siya. Ayon ang totoo. Pero nawala 'yon nang nasa harap na sila mismo ng bahay nito. Ang bahay kung saan tumira ang ex fiancé nito.

"Let's go?" nakangiti na tanong sa kanya ni Light.

Mahigpit ang hawak ni Light sa kamay niya habang papasok sila sa gate. Pero imbes na pumasok sila sa mismong bahay, sa likod sila pumunta. Vyrlle wanted to ask Light where was the secret village but before she can do that, he bend down a bit and her lips parted when a swiping machine appeared.

Light swiped the card he's holding. Napaatras si Vyrlle nang makita na nahati sa dalawa ang pader, she heard Light chuckled at her reaction. Para bang natural na 'yon sa kanya.

"Your expression was kind of similar to Isabella. Nagtago pa nga sa likod ng kapatid mo," he chuckled.

"Woah... Luca, this is..." Itinuro niya ang nasa harapan niya.

"Welcome to our paradise, sunshine." Light smiled at her, sweetly. "Welcome to the Lust community."


 ☕

Happy Valentine's Day! (: 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top