Chapter 42

NAKANGITI LANG si Light habang pinapanood si Vyrlle na naglalakad, parang tinatantya nito kung may sasakit sa katawan nito.

"See? Nakakalakad ka pa," aniya.

Lumingon sa kanya si Vyrlle. "I was just checking if there's something wrong…"

"Wrong? Like what?" he asked.

Nakanguso na umupo si Vyrlle sofa at pinagkrus ang mga binti nito. She was shifting her position every now and then.

"May masakit ba sayo?" Nag-aalala na tanong niya rito.

He made sure last night to take her slowly. Kahit pa nga panay ang daing nito na bilisan niya. Light controlled himself and his libido. He wanted to make love. Not to fuck.

"Wala," sagot nito sa kanya.

Nailing na lang si Light. Hinarap niya ang toaster at tinanggal ang iniinit niyang tinapay. Vyrlle made a butter with sugar sandwiches, siya lang ang nag-init. May future silang dalawa kung sakali na magsarili sila. He knows how to cook, somehow. And Vyrlle was skilled when it comes to cooking.

"Here, eat up!"

"Papasok ka sa trabaho?" Vyrlle asked and picked one sandwich.

Tumango siya rito, "wala si Ate. Ako ang pupunta sa site na hawak niya, dagdag pa yung mga site na hawak ko. Sandali lang naman 'yon." He answered like it was an easy task to do.

"Sunduin mo kami?"

"Sure, by the way…" Tumayo siya at kinuha ang laptop niya sa kwarto at bumalik sa sala. He sat beside Vyrlle and show her the lot he found in his office. "I'm still skeptical. Hindi ko alam kung alin sa mga 'yan ang bibilhin ko. Natanggal ko na sa choices ang iba, lima na lang ang natira."

Vyrlle checked each photos. Naka indicate na doon kung ano ang sukat ng lupa, nilagay na rin niya ang possible problems na pwede nilang ma-encounter if ever ayon ang lupa na bibilhin nila.

Humilig ito sa balikat niya habang nilalaro ang kutsara na nasa tasa na hawak nito. Castiel already finished the rendering and Devi was already doing the interior designs of each house. Light was planning to build the architectural model.

"Ilang bahay nga ulit?" Lumingon sa kanya si Vyrlle.

"15 houses. 2 storey house with 5 rooms each." Light feed her with the details. Pinakita niya rin kay Vyrlle ang rendering na nagawa ni Castiel.

Nasunod lahat ng nasa sketch niya. Which made him happy, may ibang parte lang na iniba o idinagdag si Castiel. The gate was similar to what they have in Lust community, may arc lang na nilagay si Castiel at guard house sa harapan. Light honestly didn't think about having one.

The design was very similar to Lust community kaya madali lang sa kanila ni Castiel ang trabaho.

Magkatapat ang labinlima na bahay. May mini bar para kay Alistair at malawak na kusina para kay Yves at Rion. Instead of building an arcade room again for him, ginawa niya itong playhouse para sa mga bata. There's also a gym house, para hindi na sila pumunta sa gym ni Ryker and lastly, the large parking lot, lalo na at maraming sasakyan si Jyrelle at Isabella.

"Hmm, dito pa lang sobrang laki na ng space na sasakupin…" Vyrlle uttered and pointed the parking lot.

Light wrapped his arm around her waist and kissed the top of her head. He just feels like doing it.

"Ang daming sasakyan ng kapatid mo, sunshine." He chuckled.

"What about your other friends?"

Light clicked his tongue.

"Well… Kyst only had one artista van and a regular car. Isang motor at sasakyan kay Kade, same for Mikael. Isa lang rin ang sasakyan ni Yves. Caleb has two, one for him and one for Avis. The rest isa lang ang gamit na sasakyan." Light answered. "Isabella owns 3 sports car and planning to buy more for her husband, your brother." He added.

"We're not really fond of cars… especially, my parents. May kaya kami pero hindi namin pinangarap na magkaroon ng maraming sasakyan." Naiiling na sabi ni Vyrlle. "But it's Ate Isabella. Hindi kami maka tanggi sa gusto niya."

"Same here," he agreed. Hindi rin sila makatanggi kay Isabella. She's charming and they all loved her. Sapat na 'yon na rason para hindi sila tumanggi.

"Tapos ka na ba mag-almusal? Maligo ka na, papasok ka pa." Paalala sa kanya ni Vyrlle.

Mabilis na hinalikan ni Light ang mga labi nito bago siya tumayo para mag-ayos. He did his own thing and let Vyrlle used his personal laptop. Tatlo ang laptop na gamit niya. Two were for his work and one for him to use personally.

Nandoon ang online games na nilalaro nila ni Xyria. His random artworks and such. Even the rendering and interior designs of Lust community.

Pagkatapos niya maligo, tsaka sumunod si Vyrlle. He wore a comfortable v-neck gray shirt that hugged his body, paired it with black jeans and used a ordinary belt. Tsaka niya lang pinatungan ng itim na coat.

"Should I get a new ring?" Light asked himself when he noticed the black band ring on his finger. Maybe next time…

He didn't bother to brush his hair up and proceed on wearing his sneakers. Magugulo rin naman dahil sa labas siya magtatrabaho ngayon araw. Light sprayed his favorite perfume on his neck and wrist, the Tom ford santal blush. Tsaka niya lang sinuot ang nag-iisang wrist watch niya.

His account was loaded. Sa sobrang kuripot ba naman niya sa sarili.

"So handsome." He heard Vyrlle say.

Nahuli niya ito na nakatitig sa kanya. Admiring his body or should he say… his outfit.

"Nice outfit!" Light winked playfully at her and whistled after.

Vyrlle rolled her eyes and stormed off. Pumasok ito sa kwarto na gamit nila. She's not wearing any clothes. Nakatapis lang sa katawan nito ang isang towel.

While waiting for her to finish. Light was already informing his secretary to pushed back his schedule, sigurado na magtatagal siya sa labas ngayon. Mukha lang na madali ang trabaho niya but honestly speaking, hindi 'yon madali.

Akala lang ng iba ay paturo turo lang sila.

Light was holding Vyrlle's hand. Hindi niya 'yon binitawan hanggang sa makarating sila sa parking space. Even when he's driving his car, hindi niya 'yon binitawan.

"We're here, Luca. Let go of my hand now." Tumatawa na utos sa kanya ni Vyrlle.

Marahan siyang bumuga ng hangin at sumunod.

"Tawag ako kapag hindi na gaanong busy. Pakausap ako sa anak natin, hm?"

"Anak ko. Hilig mong angkinin si Vystrelle!" Vyrlle playfully hissed while removing her seatbelt.

Light scoffed at her. "Sinasabi ko sayo, Vyrlle. Magiging anak ko rin 'yan." Confident na sagot niya rito.

Vyrlle just laughed at his confidence and leaned closer. She cupped his jaw and pressed her lips against his lips.

"Promise ring pa lang ang nasa daliri ko, Luca. Malay ko ba kung iba ang magiging asawa ko?" Vyrlle pouted her lips.

Tumaas ang isang kilay ni Light sa sinabi nito. Hinuli niya ang kamay nito kung saan nakasuot ang singsing na binigay niya. He grinned when he saw the promise ring on her finger and she's also wearing the necklace he gave.

"Malay mo? Suot mo ang mga bigay ko sayo, Vyrlle," mayabang siyang ngumisi. "Not to mention that you're moaning my name last night until midnight… hindi lang 'yon. My semen is probably still inside you." Light whispered and playfully licked her earlobe.

Tinulak siya ni Vyrlle dahil doon at nakasimangot na bumaba sa sasakyan. Pabagsak din nito na sinarado ang pintuan. And when she finally reached their house gate. Vyrlle turned around to show him her middle finger.

Light whistled because she was hot and laughed shakily when he noticed the camera.

"Lagot ka pagpasok mo." Natatawa na bulong niya sa sarili.

Vyrlle sometimes talks like her brother. Pikon din ito kagaya ni Jyrelle.

Light checked his phone first before he started the engine and drove his ass off towards his first destination. Inuna niya ang site na hawak ng kapatid niya. Ang project na dapat ay sa kanya but his dearest sister stole it. Ryker's new building.

Nag-uumpisa pa lang ito at matagal pa bago matapos. Madali lang sana ang trabaho niya kung si Castiel ang Engineer, ang kaso, tinanggihan ng tarantado. Nagiging choosy na sa trabaho ang sira ulo pagkatapos na manahin ng kapatid nito ang construction company ng tatay ng mga ito.

Light heard Castiel's brother was giving him a 'monthly allowance'. Hindi lang basta basta allowance kaya humahaba ang sungay at buntot ni Castiel sa kanilang dalawa ng kapatid niya pero madalas pa rin ang reklamo nito na inaalila nila ito.

Inabot sa kanya ang blueprint at mabilisan niya 'yon na inaral. Hindi niya dala ang regalo sa kanya ni Vyrlle nang makapasa siya kaya iba ang gamit niya.

"Thanks! Balik ako sa ibang araw. Ikaw na ang bahala dito."

Light was busy roaming around that he forgot to eat his lunch and call Vyrlle. Nagtagal pa siya sa isang site dahil nagkaproblema sila sa mga materyales na gagamitin at pai na rin sa budget. They held a not so quick meeting, debating which one were best among the choices.

"Stop. Gawin niyo muna ang dapat ninyong gawin. I'll call for a meeting again as soon as possible na kasama ang may-ari, we need her opinion about this one at kung kakayanin ba ng company nila ang idadagdag na gastos." Light said and massaged the bridge of his nose.

Para na silang nasa palengke dahil sa ingay ng mga ito.

Light was able to stop smoking. But after the not so quick meeting, parang gusto niya ulit bumili kahit isang stick lang at ilagay sa pagitan ng mga labi niya.

Umalis agad siya nang matapos sila. Hindi na siya nagpunta sa opisina nilang dalawa ni Xyria para tapusin ang iba pa niya na kailangan niyang gawin. He's tired and the only thing he wants was to go home. To see his two sunshine.

He clicked his tongue when Caleb and Castiel simultaneously sent him a message.

Caleb was asking about the surgery and Castiel was asking where he was since to discuss the details for the construction of their new village.

"Ngayon din pala 'yon?" he whispered to himself.

Nauna niya na ni-reply-an si Caleb.

Light: A week from now. Is that okay?

Caleb: Sure. I'm going to prepare everything for you. You're welcome by the way.

Tamad na siyang mag type ng reply niya para kay Castiel kaya tinawagan na lang niya ito.

[Saan ka?] Tanong agad nito nang sagutin ang tawag niya.

"Labas. Bukas na lang 'yan. Pagod na ako." Reklamo niya.

[Ikaw lang ba? Aba! Architect, ipapaalala ko lang sayo na mas pagod ako. Isipin mo kailangan namin mag—]

Light immediately dropped the phone call. Binato niya ang cellphone sa passenger seat at nagmaneho papunta sa bahay ng mga magulang nila Vyrlle.

Tumigil muna siya sa tapsihan na paborito nila ng mommy niya para bumili ng pagkain niya. Ngayon lang niya naramdaman ang gutom. He ordered two. One for him and one for Vyrlle.

Light also looked for milk tea shop para bilhan ang mommy nito. Tita Mj loves drinking milk tea, maski si Isabella ay nahawa nito nang ipinagbubuntis si Ayze.

When Light reached their home. Agad siya na pumasok at hinanap ang mag-ina niya. Vyrlle was sitting on the sofa while watching their little sunshine play her soft bear.

"Hey, I'm sorry. Hindi ako nakatawag, medyo busy sa site. Nagkaproblema lang kami." Light immediately explained when their eyes met. "Nasaan sina Tita?" he asked.

Vyrlle stood up and picked up Vystrelle.

"Dad is working. Nagpapahinga si Mama sa taas, wala si Rayos at Leo, bumalik na sa L.A."

Vystrelle immediately smiled when she saw him and spread her arms. Nagpapakuha sa kanya.

"Dada is tired, baby… kay mommy ka muna hm?" Vyrlle softly said and kissed Vystrelle cheek.

"Payakap naman ako oh," he asked.

Vyrlle smiled and without saying anything, she hugged him tightly. Caressing his back. Mabilis na yakap lang 'yon. Umayos siya ng tayo at hinalikan si Vyrlle sa labi sunod ay ang noo ng anak nila.

Makita niya lang at mayakap ang dalawa. Nawawala talaga ang pagod niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top