Chapter 40


LIGHT'S HEAD was throbbing badly, hindi niya alam kung ilang litro ng alak ang pumasok sa sistema nilang magkakaibigan kahapon. They started drinking after having lunch in Yves restaurant, hindi na niya matandaan kung anong oras sila natapos.

Nagising na lang siya na nasa sariling bahay niya sa loob ng Lust community. Napangiwi siya nang maamoy ang sarili, he stinks.

He checked his phone and groaned when he saw Vyrlle's miscalls. Hindi siya nakapag paalam.

"Fuck hangover!" Reklamo niya habang sapo sapo ang ulo. Hindi na siya sanay na uminom ng marami.

"Light! If you're awake, tumayo ka na dyan! Yves prepared dinner for us!" Narinig niya ang sigaw ni Laur.

Dumating ang gago kung kailan lasing na lahat sila.

"Dinner?" He asked himself.

Pupungay pungay ang mga mata niya na tinignan ang oras sa cellphone niya. He only noticed the miscalls, not the freaking time. Malutong siyang napamura. Buong araw siyang tulog!

Kahit mabigat ang katawan niya, tumayo pa rin siya at nagpalit ng damit. He didn't bother to fixed his bed nor his hair, did not brush his teeth and spray perfume. Sanay naman na sila sa amoy ng isa't isa lalo na kapag kakatapos lang nila mag inuman.

"Bud, you're a monster! Isang beses ka pa lang talaga namin nakitang lasing!" Pagiingay ni Mikael, pertaining to Yves, who's now serving them.

"I need to stay sane, para may mag alaga sa inyo." Yves answered calmly. "Tanga pa naman kayo," he added.

Naiiling na natawa si Light at nagsandok ng sarili niyang pagkain.

Yves and his favorite word. Tanga.

"Attitude." Ryker said and smirked.

"Ikaw din! Tumakas ka kahapon no?" Asked by Killian and pointed Ryker.

"Barilin kita e," naiinis na sagot naman ni Ryker na nagpatahimik kay Killian.

"Damn noisy." Caleb murmured and Dylan agreed by nodding his head.

Iritado ang mukha nito. Malamang ay dahil hindi ito nakapasok ngayon sa trabaho.

"Ryker, how's the opening of your gym?" Narinig niyang tanong ni Kade, mukhang interesado.

"So far, so good." Tamad na sagot nito.

"The location is near our talent agency building, pa membership ko doon mga talents namin." Killian butt in and wink at Ryker, playfully.

Nag thumbs up lang si Ryker dito. His mouth was full.

"Ikaw? Napagisipan mo na ba?" Muntik na siyang mabulunan nang sumulpot sa tabi niya si Castiel.

Light glared at him, inambangan niya ito ng suntok pero tumawa lang sa kanya si Castiel at hindi man lang nagpanggap na umilag. Tumatapang ang gago.

"So?" Castiel asked again.

He looked at him flatly. He's eating for someone else dick sake!

"Please, stop bothering me! I'll ask my partner first," he hissed.

Castiel tsked. "Bud, I'm serious. Vyrlle will be happy if you get a vasectomy reversal now. As in. Now!"

"Bakit alam mo? Ikaw ba si Vyrlle? Hindi naman diba? Kupal mo," asar na sagot niya rito.

"Kupal mo, hindi makakabuo ng bata. Ano? Lalaban ka?" Pang-aasar nito sa kanya at binuntunan pa nito ng tawa.

"Alam mo naman na hindi makakatanggi sa akin si Devi diba?" Nagtaas siya ng kilay kay Castiel.

He smirked when Castiel finally lose his irritating smug face, dumertso ito ng upo at inosente na ngumiti sa kanya.

"Concern lang naman ako sayo, bud!" Castiel smiled at him and gently pat his back. Inismiran niya ito, if he's not blackmailing him, sigurado na nag bugbugan na silang dalawa sa sahig.

"Ulol."

"Walang banggitan ng asawa next time, tang ina, titiklop talaga ako!" Reklamo nito sa kanya na parang bata.

Light's forehead creased when he caught Jyrelle staring at him. He looks serious and that look was enough to make him nervous. Sinubukan niya na ngitian ito but Jyrelle just scowled at him.

"Bud, hindi ka na yata tanggap?" Alistair smirked at him.

"Ako? Hindi tanggap?" Mayabang siyang ngumisi sa mga kaibigan niya. His gaze met Jyrelle's, para itong naghihintay sa sagot niya at the same time ay naghahamon. "Gagi, pre, kailangan ko na magpakabait! Sama ako sayo mag simba, Killian!"

The small and hidden village was filled with laughter.

"Sure," kibit balikat na sagot ni Killian.

Witnessing how his friends slowly changed as they grew older, Light's heart was filled with contentment and happiness. Parang kailan lang, hindi sila naniniwala na may babae na kayang mag patino, magpatigil sa mga kalokohan nila.

"I am planning to demolish our hidden place," aniya na nagpatahimik sa mga kaibigan niya.

"Why?" Kyst asked him.

"Well, I am planning to build a new village for us. Lumalaki na ang pamilya natin, and few years from now, our secret haven will be a huge fragment of our past. Us, believing that love doesn't exist. And where most of our love story started." Light smile a little. "Syempre, hindi rin naman ako papayag na lumaki ang mga bata na hindi magkakasama, tapos yung iba sa atin sa condo unit nakatira." He added.

"Magkano?" Agad na tanong sa kanya ni Dylan. Dylan was now working his ass off, of course, he's loaded.

"I think a million is not enough, this fucker loves to rush the construction." Esel pointed out.

If it's about where they'll live, then yes, Light was guilty.

Hindi siya nagtitipid sa mga magta-trabaho para sa kanila.

"A new village for us huh? Sure, I'm in." Mikael wiggled his brows. "Maghuhulog na lang ako ng One hundred pesos sa bank account mo." He added.

Light sarcastically smiled at him. "Ibato ko pa sayo 'yang isang daan mo."

"Mia bella will surely love your idea, we're in." Jyrelle answered. "Tsaka na natin 'to pag-usapan. You, sumama ka sa akin." Jyrelle stood up and grab him by his shirt collar.

Jyrelle passed him the car keys. Nasa harap mismo ng bahay niya ang sasakyan nito.

"Ano ang balak mo sa bahay na 'yan?" Jyrelle suddenly asked.

Tumingin siya sa bahay niya. Ever since na nagawa ang Lust community sa likod ng bahay niya, ginawa na rin na tambayan ang mismong bahay. Wala lang naman 'yon sa kanya. His friends sometimes used the other rooms to rest, lalo na kapag tamad na ang mga ito.

He doesn't mind if they'll live in his house for a week or so, kagaya ni Ryker at Cj.

The house he used to adore...

"Baka ibalik ko na lang kay Mama," sagot niya habang pinaglalaruan ang susi sa palad niya. "Hindi ko rin naman 'yan gagamitin. Wala rin akong balak na itira dyan ang mag ina ko, kawalang respeto 'yon kay Vyrlle."

Nagtira siya ng ibang babae sa bahay na 'to. Pareho rin sila na may hindi magandang alaala sa bahay. He wanted a new house, a new environment for his partner — Vyrlle and their daughter Vystrelle.

"Nakita mo na ba siya?" Jyrelle asked, pertaining to his ex, Vyel.

Tumango si Light at sumandal sa sasakyan ni Jyrelle.

"Ang daming nagbago sa kanya, hindi ko nga halos makilala. She's happy now, good for her. Ka trabaho ko pa nga yung asawa niya."

"Hindi ka nailang?"

Mahina siyang natawa. "Hindi. Bakit naman ako maiilang? Ang tagal na noon, masaya na ako sa buhay ko. I used to hate them, but now, parang gusto ko pa magpasalamat. I mean, thanks to what they did, me and Vyel were both freed... sa relasyon na pinasok namin basta basta."

Jyrelle sighed and pat his shoulder. "Tara na, ihatid mo ako sa bahay namin. Hinihintay na ako ng asawa at anak ko."

"Saan? Tangina ang dami niyong bahay!" Reklamo niya.

"Sa bahay ni Daddy,"

Marahan siyang tumango.

"Ang baho mo," Jyrelle uttered and pinch his nose.

"Ulol! Amuyin mo rin kasi sarili mo, hindi ka rin naman nakaligo!" Asar na sagot niya rito.

"Right, mukhang masesermon ako nito." Jyrelle chuckled.

He shook his head. Light started the engine of the car and drive towards Jyrelle's parents house. Matagal na rin siya na hindi nakakapunta doon, kahit na madalas na tambayan 'yon ng nanay nila. Hindi rin siya nakakapunta sa tuwing may event, it's either he's busy or out of the country.

Simula rin nang maging sila ni Vyrlle, hindi niya pa nakakausap ang Daddy nito. Him of all people, knows how strict he was when it comes to dating. Deflowering her daughter will cause him an arm. Swerte na nga siya dahil hindi na nakialam ang panganay na kapatid nito.

"Hindi ako sanay," aniya at lumingon kay Jyrelle. "Wala yung mga sumasalubong sayo." Light added.

Jyrelle just shrugged his shoulders and lazily smiled at him.

Light parked Jyrelle's car. Nauna ito na bumaba sa kanya at tahimik lang siyang sumunod. Isinama na rin siya nito sa bahay nila, might as well na makiligo muna siya. Jyrelle has tons of clothes, na hindi naman naisusuot. After that, he'll go home and call his two sunshine.

MASAKIT ANG ULO ni Vyrlle nang makauwi siya sa bahay nila. Rayos was giggling while his parents looks so pleased at her twin sister.

"Si Luca lang pala ang dahilan para makauwi ka ulit dito. Welcome home, baby..." His father uttered and patted her head.

"Uuwi naman po ako," aniya.

"Umuwi ka nga pero hindi ka naman nagtatagal. We missed you, Ion. Hindi ako sanay na hindi nakikitang kumpleto ang mga anak ko." Their mother answered. "Can you stay here for a month?" She asked.

Vyrlle pursed her lips. Hindi niya alam kung paano tatanggihan ang mga ito. Hindi rin niya alam kung paano niya sasabihin ang tungkol sa kanilang dalawa ni Light.

She's now an adult and can decide by herself. Pero iba pa rin sa pakiramdam kapag payag ang mga magulang niya.

"A month..." she uttered.

Tumango ang mommy nila sa kanya.

"Alright. In one condition." Vyrlle said. Umangat ang kilay ng Daddy nila. "My daughter and I will going to stay in Light's place. Uuwi kami rito sa umaga, kay Light kami sa gabi." She negotiated. Kinakabahan pa siya lalo na at matiim ang tingin ng Daddy nila sa kanya.

Their father clicked his tongue and rolled his eyes.

"Sure. Your idiot..." Marahas itong bumuntong hininga. Nagpamaywang ito at mukhang masama talaga ang loob. "Ang hirap tanggapin," aniya.

"Dad, ako ba sinasabihan mo na—"

"Of course, not!" Their father hissed.

Narinig niya ang mahinang tawa ng mommy nila. "Hindi niya tanggap na magiging father in law mo si Xyrus."

"What do you mean?" Nagtataka na tanong niya. Wala pang nabanggit si Light sa kanya na nakausap na nito ang mga magulang niya.

"Baby, we know that you two were now officially dating. Okay lang naman sa amin ng Daddy niyo, don't worry. Tanggap naman niya si Light, si Xyrus lang ang hindi." She chuckled.

Umawang ang mga labi niya. Here she was getting nervous for nothing.

"Ma, pauwi na raw po si Jai." Her sister-in-law, Isabella informed their mother.

Dumapo ang tingin nito sa kanya at may inabot na nose clip. Nagtataka niya itong tiningnan.

"Use that one kapag nakita mo na ang Kuya mo. Uminom ang mga 'yon kahapon, sigurado na hindi mo magugustuhan ang amoy." Natatawa nitong sabi.

Bahagya siyang natawa, "buti natitiis mo, Ate?"

"Sanay na ako sa mga 'yon e," she answered. "By the way, gising na raw si Light. You can call him now, sigurado na sasagot 'yon." Isabella added and winked at her playfully.

Vyrlle wanted to call him to informed him that she's finally back. Pero mas nanaig sa katawan niya ang kagustuhan na magpahinga muna. Nagpunta siya sa sala at umupo sa single sofa para makita ang anak at pamangkin niya. Ayze was wearing a simple outfit that matched her mother's outfit. Samantalang ang anak naman niya ay naka puting t-shirt lang at short.

"Hindi mo man lang binihisan ang pamangkin mo." Sumbat niya sa kambal.

"Sa bahay lang naman!" Nakasimangot na sagot nito sa kanya.

Napalingon siya sa may pintuan nila nang makarinig sila ng makina ng sasakyan. Alam nila na ang kapatid na nila 'yon pero hindi na siya tumayo para salubungin ito. Lalo at na warning-an siya ng asawa nito sa posibleng amoy nito.

Vyrlle glanced at the nose clip on her palm when his brother entered their home, kasunod nito ay si Light na inaamoy ang sarili.

Umayos siya ng upo. Light's eyes widened when their gaze met. Vyrlle smiled at him.

"Ang baho mo, Luca." Vyrlle sweetly said.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top