Chapter 4

INSTEAD of baby sitting one baby, he ended up taking care of Marga's baby too.  Kade can handle them especially Havi was, surprisingly, sleeping in his stroller. Parang kanina lang ay kaway ito nang kaway dahil sa dami ng taong nakikita nito.

Karga niya ang anak ni Marga habang tulak tulak ang stroller ni Havi. He chuckled when he noticed the baby was staring at his face again, kanina pa ito, isa or dalawang beses lang ito kumukurap sa loob ng isang minuto. She was just staring at him, at kapag tumingin naman siya pabalik dito, ito naman ang iiwas.

"You have a good taste huh?" Natatawang tanong niya sa bata kahit alam naman niya na hindi 'yon sasagot.

The baby just giggled and started to blabbered. Hindi niya ito naiintindihan but Kade kept on chuckling because the baby kept on trying to squeezed his face using her small hands. Sanay na siya na mag-alaga ng bata, thanks to his friends na pinapahiram ang anak ng mga ito sa kanila na wala pang asawa kapag may importante ang mga ito na gagawin.

Kade pouted his lips and the baby immediately leaned forward and kissed him on the lips. Natawa siya at the same time ay nagulat. For a baby, masyado itong mabilis dumamoves.

His gazed went to Shen and caught her looking, or should he say staring, at them. Hindi niya alam kung namamalikmata lang ba siya o sa nakadikit na labi nilang dalawa ng batang hawak niya ang tingin nito. Her poker face was somehow scary. Hindi na siya nagtaka nang bigla nalang itago ng batang karga niya ang mukha nito sa leeg niya.

"You're scaring her," aniya.

Napakurap si Shen at deretso na tumingin sa kanya. She smiled at him. But Kade can tell whether it's a genuine one or not. "Sorry." She apologized, tsaka ito nag-iwas ng tingin at sinundan si Marga na maingat na sinusuri ang mga tela.

"It's okay, Tita Shen is good. Don't be scared hmm?" Hinaplos niya muna ang likod ng bata bago itulak ang stroller ni Havi para hindi sila maiwan.

Alam naman niya kung saan ang susunod na punta nila. It's not his first time here. He worked once and his father forced him to manage the production area.

"Sir? May anak ka na po pala?!"

"Ang cute naman ng baby! Kamukha po siguro ito ng nanay no sir?" Tanong ng isa na nakayuko at pinagmamasdan na mabuti si Havi.

Havi looks like Mikael more than Ezecquiel. The workers were now crowding them, medyo naiirita na rin ang bata na hawak niya dahil mas lalo lang nitong isinisiksik ang mukha sa leeg niya.

"Hi, excuse me. I'm sorry, akin na muna siya." Marga smiled apologetically to him. Inabot niya ang anak nito.

"Siya po ba ang asawa niyo sir? Napaka ganda naman!"

"Ah no, I'm married. Pero hindi po sa kanya." Marga answered.

"Kung ganoon, si ma'am Shen po ba?"

Kade gulped and glance at Shen. Natatawang umiling ito sa mga empleyado bago bumaba ang tingin nito kay Havi, papunta sa kanya.

"Hindi pa po ako ready magka-anak." She simply answered.

So, wala silang balak na bigyan ako ng kapatid?

"Sa kaibigan ko po. Pinabantayan lang." Kade said. Para matapos na ang usapan.

He politely excuse himself, para matapos na din ang tour ni Marga sa production area nila. Kade wanted to rest, he misses his bed already.

Saktong lunch time sila natapos. Thankfully, may kaibigan siya na maaasahan when it comes to food. Yves delivered their lunch. Kapag sa unit siya umuuwi, palagi siya nitong pinapahatiran ng pagkain, lunch and dinner. Yves was afraid that he'll poison himself with his cooking skills.

Habang nag-uusap ang dalawa, siya naman ay busy na makipag laro sa mga bata. He yawned and seems like Shen caught him. Nagprisinta ito na umuwi na sila para makapagpahinga silang lahat.

"Ako na ang mag d-drive." Inilahad ni Shen ang kamay sa harapan niya. He kept on yawning.

Kulang na kulang siya sa tulog dahil maaga palagi ang gising niya. He wanted to sleep more but he knew he couldn't. Malilintikan siya sa sarili niyang ama.

"Sigurado ka ba?" Panigurado ni Kade. "Do you even know how to drive?" Nakataas ang kilay na tanong niya rito.

He needs to make sure na hindi sila mamamatay at susunduin ni San Pedro o ni satanas agad.

"I know how. May drivers license ako!" Parang bata na pinadyak nito ang isang paa.

"Marunong ka naman pala, bakit kailangan ako pa ang gawin mong driver?" He curiously asked. His eyelids were getting heavy while talking and listening to Shen's voice.

"Just because. 'Wag na maraming tanong! Get in." She turned her head a little to the car's door.

Someone help them to put the stroller in the back of his car compartment. Kade slid himself inside the car and put his seat belt on. Ipinalibot niya ang mga braso sa maliit na katawan ni Havi, tulog na naman ito sa bisig niya.

Nawala ang antok niya nang paandarin na ni Shen ang makina ng sasakyan. For some reason, he was nervous. Really, really nervous! Bahagyang humigpit ang hawak niya kay Havi at nagpanggap nalang na tulog, then he'll open his eyes a bit from time to time to check if they're still alive.

Tsaka lang siya nakahinga nang maluwag nang makauwi sila na walang galos sa katawan. She's a reckless driver! Panay ang overtake nito sa mga sasakyan na nasa harapan nila. He will do that, only if he's riding his motorcycle at kung siya lang mag-isa!

No wonder his father asked him to be her driver!

"Thanks." Aniya at tinapik ang balikat ni Shen nang makababa sila sa sasakyan.

"Ha?"

"I realized, hindi ko na kailangan makipagkarera para lang maramdaman na buhay ako. Your driving skills was enough to make me forget my name." He smirked and shaked his head. Inayos niya ang paghawak kay Havi na mahigpit pa rin ang kapit sa may leeg niya.

May lumapit sa kanya na kasambahay para kunin ang bag ni Shen at bag na dala niya. That was Havi's things.

"We're home..." He mumbled and walk straight to his room.

Hindi na pinansin ang tawag ni Shen at ni Nanay Lorena, he's tired. He carefully laid Havi's down to his bed, naglagay din siya ng unan sa side nito para kung sakali na maglikot ito, hindi ito mahuhulog. Kade sighed and laid beside him. And for the first time after his mother passed away. Nakatulog siya ng maaga  na hindi umiinom ng sleeping pills.

Kinabukasan, mas maaga pa sa inaasahan niya na dadating si Ezecquiel at susunduin ang anak nito. Good thing, he woke up early, kung hindi pauulanin siya ni Eze nang walang katapusang sermon. Kade forgot to change Havi's diaper and clothes last night, dere-deretso din ang tulog nilang dalawa.

The moment his eyes open, he immediately removed all Havi's clothes and even diaper and change it to his cute pair of pajamas.

"Nakatulog ka?" Ezecquiel asked looking at his under eyes.

Bahagya siyang tumango at iniabot ang bag ni Havi rito. "Surprisingly, yes. How's last night?" Pag-iiba niya sa usapan.

Kade chuckled when Ezecquiel scoffed and rolled her eyes. "Hunter is back and everyone kept on screaming, muntik na akong mawalan ng pandinig kagabi!"

"That's you, over acting again, Eze." He chuckled while playing a squishy ball in his right hand.

"Totoo! Because of those banshees, natalo ako! Huwag mo akong ngisian, alam ko ang gusto mo siraulo ka. I'll treat you later, sunduin mo ako sa cafe namin." Labag sa loob na sabi nito sa kanya.

"I told you, 'wag kang magpapa distract sa fangirls ng asawa mo. Matatalo ka talaga." Pang-aasar niya.

"They're annoying."

"Pupusta ako, hindi mo tinuloy ang karera, sa kanila ka dumeretso ano?" He asked, malakas na tumawa si Kade nang nag-iwas ng tingin ang kaibigan niya.

He knew it! Ezecquiel really needs to control herself when she got jealous and mad. Noong natamaan siya ng bala na galing sa baril ng kapatid nito, she broke her promise to him. Ang usapan nilang dalawa noon ay hindi ito bababa, but the stubborn woman, his best friend, went down and straddle one of the racers motorcycle, at binangga ang motor ng kapatid nito.

Ciel was lucky that time. May bali sana ito sa katawan ngayon kung naka sakay lang siya noon sa motor nito.

"Tigilan mo ako ah! Kapag ako nabanas sayo..." Ezecquiel glared at him and Kade immediately raised his hands on the air. Tanda na titigil na siya at hindi na lalaban.

He loves dangerous stunts. Pero wala sa listahan niya ang mabangga ni Ezecquiel.

Ezecquiel stayed a little longer and kept on asking him about yesterday. He wanted to stay silent. Pero hindi 'yon uubra sa kaibigan niya, lalo na at alam niya ang nangyari sa buong araw nito, skipping the night part because he's not interested and that's their privacy.

Wala siyang choice kung hindi ang mag kwento rito. She was laughing when people mistook him for being Havi's dad. Palagi naman. Eze lost her smile when he talked about Shen not wanting to have a child yet.

"Baka ayaw ka na dagdagan ni Tito? Imagine, ang tanda mo na, 30 years old, tapos bibigyan ka ng kapatid? Edi parang anak mo na 'yung kapatid mo?" Nakasimangot na sabi ni Eze.

He lazily shrugged his shoulder. "I actually don't care if they're going to give me a younger brother or sister."

"Ako nalang kapatid mo. May gusto akong bagong motor, Kuya!" Ezecquiel enthusiastically said. She even bring her face close to him.

Tumawa lang si Kade at inilagay ang hintuturo sa noo nito para mailayo ang mukha ni Ezecquiel sa kanya.

"Mayaman naman ang asawa mo! Bakit sa akin ka nagpapabili?"

"Buraot ka na sa akin ngayon ah? Si Esel, binili ng bagong motor si Mikael. Ikaw? Kailan ang akin?" She pouted her lips like a duck.

"Umuwi ka na sa inyo. Wala akong pera, pinapakain lang ako ni Daddy dito sa bahay, I usually sleep all day and do nothing." He said and help her get up. Masuyo niya itong hinawakan sa balikat at tinulak palabas ng kwarto niya, palabas sa mismong bahay.

Tumango siya nang makita ang butler ni Mikael.

"Paki tali nalang itong amo mo!" Sigaw niya sa butler ni Mikael.

"Fucker!" Ezecquiel hissed and showed her middle finger to him.

Pabiro siyang nag flying kiss sa kaibigan bago ito sumakay sa sasakyan. He picked up his phone and chat on their telegram group chat.

Kade: @Esel anong klaseng motor ang binili mo kay Mikael?

Killian: Inggit ka bud? 🙃

Kade: Nope. Just asking. And what's with the emoji? Bakit baliktad?

Light: Wews, @Killian I've been looking for that emoji. Bakit wala ako niyan?

Laur: Because you, @Light is dumb.🤧

Mikael: Why are you asking @Kade? Planning to buy one?

Light: Wala din ako niyan!! This is unfair!

Kade: Yes @Mikael.

Jyrelle: Wow! A new motorcycle? Galante mo naman @Esel. Sana kami din.

Ranger: Bulok @Jyrelle. May bago kang sasakyan diba?

Yves: Isabella bought him a new sports car again.

Alistair: So, get ready. He's going to show off again, kung ayaw niyo mamatay sa inggit ngayon pa lang magpalit na kayo ng sasakyan.😂

Ryker: McLaren 720S 🛐🛐

Light: Why on hell I don't have those freaking emojis!!!?

Laur: 🤷

Light: Fuck you!

Mikael: It's Kawasaki Ninja H2R.

Napasipol si Kade nang mag send si Mikael ng picture. No wonder, Ezecquiel wanted one. Pinakatitigan niya ang motor. Looks like he need to live like a business man again, kulang pa ang pera na kinikita niya sa t'wing nananalo siya sa drag racing.

"Bakit ka nasa labas? Mainit na ah?"

Umangat ang tingin ni Kade nang marinig ang boses ni Shen. Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya nang makita kung ano ang suot nito. Goodness, she's wearing a sports bra paired with a high waist sport leggings. Pawisan ang dibdib nito ganoon din ang buong mukha. It reminds him of that night with her.

May dala itong tumbler at may nakasampay na white towel sa balikat nito. Napalunok si Kade at agad na tumalikod para umiwas sa tukso. He's on the edge. He wanted to embrace her and kiss her fucking luscious lips!

"Kade?" She called him using her sweet voice.

He inhaled a large amount of air and face her. In a swift move, he pinned her on the nearest wall, with her both hands on the top of her head. Malalim ang paghinga ni Kade habang nanlalaki naman ang mga mata ni Shen.

"Did I hurt you?" He asked in a low voice.

"No,"

"Good."

His mind went blank the moment his gazed went down to her lips. Lumapat ang mga labi niya sa mga labi ni Shen. He started with a gentle kiss, and waited for her to push him, but when she kissed him back. He totally lost his shit. Nauwi sa mainit at mapusok ang halikan nila ni Shen. Hindi alintana na nasa harapan lang sila ng bahay at may maaaring makakita sa kanila.

He pulled away when he heard Nanay Lorena's voice, looking for Shen.

"Ma'am Shen, nandito na po ba kayo? Hinahanap po kayo ni Sir."

Right. Dahan dahan niyang binitawan ang mga kamay nito at bahagyang lumayo para bigyan ito ng daan. Shen immediately left him and run inside the house.

He crossed the line.


CRUSH KO SI SHANNEN ALYSSA MARIE <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top