Chapter 29

TUMAAS ang kilay ni Devi nang makita ang ngisi sa labi ni Castiel. He was grinning from ear to ear like he won from a lottery. Lumapit ito sa kanya at hinagod ang likuran, inipon din nito ang buhok sa isang kamay at dahan dahan na hinubad ang salamin niya.

"My knees," she whispered. Her hand found his arm, doon siya kumapit dahil nanlalambot ang mga tuhod niya, dahilan para hindi siya makatayo.

What's happening? Hindi naman sira ang nakain niya. Devi doubt Yves will made them eat one.

"And why are you grinning? Mukha ka ng tanga." Nanghihina niyang singhal rito at mahinang tinapik ang braso. Mahinang humalakhak si Castiel sa kanya at tinulungan siya na makatayo.

And later on, carry her bridal style. He walks towards the second floor, na nagsisilbing kwarto nilang dalawa. Dahan dahan siya nitong inilapag sa kama at kinumutan, he was even caressing her forehead, while smiling at her. Hindi talaga mabubura ang ngisi sa labi nito.

"Masaya ba makita akong nanghihina? Ha?" Nanghahamon na tanong niya kay Castiel.

Castiel shake his head and brushed his lips against her forehead, it was a gentle kiss, and her heart hammered insanely. She loves it. Parang binaliktad ang sikmura niya dahil sa halik na 'yon.

"I'm just happy. Let's talk about this tomorrow, hmm? Pahinga ka muna." Castiel sweetly whispered. Bahagya pa na nakiliti si Devi nang tumama ang mainit na hininga nito sa may tainga niya.

Bahagya siyang umiling at isiniksik ang sarili kay Castiel. Her hand unconsciously lifted and her finger traced his luscious lips, nag-aalala niyang tinignan ang maliit na sugat sa gilid ng labi nito. Castiel looks so fucking hot that she couldn't help herself but to admire him. Mas lamang ang pagnanasa niya ngayon kaysa sa pag-aalala.

"Masakit ba?" Devi asked breathless.

Napanood niya kung paano pumiling ang ulo ni Castiel. She's sure that the old man punched was hard. Ito nga at nagbigay ng sugat. Dahan dahan at ingat na ingat siya na 'wag madiin ang daliri sa sugat nito. It looks clean pero sigurado siya na hindi pa ito nagagamot.

"Hey, why are you not answering? Masakit ba? Nagamot na ba 'yan? Teka lang magtatanong ako kina Avis kung may first aid kit sila." Devi hurriedly said. She was about to grab her eyeglasses when Castiel's hand forbid her to do so.

He was seizing her hand and now hugging her tightly.

Para itong bata na nangangailangan ng lambing mula sa kanya.

She sighed and let him do what he wants. "Sumagot ka nga, masakit ba?" Tanong niya ulit.

Parang bata na ngumiti sa kanya si Castiel at umiling. "He's weak. Hindi puputok ang labi ko kung wala siyang suot na singsing sa mga daliri niya."

Bumuntong hininga si Devi. Nakuha pa talaga nitong magyabang.

"Ryker. Pinanood niya sa'yo no?" He asked. Parang hindi nasisiyahan ang tono ng boses nito.

"Yes, pero hindi namin dinig ang usapan niyo. 'Yung sa huli nalang." She answered honestly.

Castiel loosened his grip and laid on his back, ang kaliwang braso nito ay nagsisilbing unan ng ulo niya. While his other hand was playing with her stomach. Nakikiliti siya sa bawat haplos nito.

"Now you know how chaotic my family is. Mas magulo pa sa pamilya niyo 'diba?" He asked without glancing at her. Nakatutok ang buong atensyon nito sa may tiyan niya.

"Hmm," she agreed. "Sino ba ang matinong ama na gagawin 'yon? I can't believe he was targeting me too."

Castiel sighed heavily and forced himself to her, binabaon ang mukha sa leeg niya. "I won't let him. Papatayin muna niya ako bago ka mahawakan." He grunted and give her neck a sweet feathery kisses.

"I love you," she blurted out. Namula ang magkabilang pisngi ni Devi.

She felt his lips slowly forming a smile.

"I love you, Liam Devora Gaviola-Gonzales. With all my heart and soul." Castiel said in between of kissing her neck.

Her heart was so full that she felt like it's going to burst any minute from now. She loves this man beside her. Now she fully understand what Angelyn said to her. It's not fast. It's love. No matter how quick and how long, it was just the same outcome. Because it's love.

Kinabukasan pagkagising na pagkagising niya, sina Isabella ang bumungad sa kanya. Yves girl immediately asked her if she's craving for sweet, she said she'll bake it for her.

"Kape ang gusto ko." Matigas na sagot niya sa mga ito.

Frances giggled at her. "Confirmed!" She exclaimed, para itong bata na pumalakpak.

"Oh goodness! I have a lot of new collections for pregnant women." Kumunot ang noo ni Devi sa sinabi ni Sakki.

"Devi, ang habilin kasi sa amin ni Castiel 'wag ka painumin ng kape." Angel calmly said.

Her brows furrowed. "Since when did he decide for my morning drink?! Iinom ako hindi naman niya malalaman, 'wag na lang kayong maingay sa kanya hmm? Mindset ba mindset." She hissed and rolled her eyes.

Napatakip siya sa bibig nang marinig ang sarili niya. Tumingin siya sa mga ito at kagat kagat ng mga ito ang mga labi. Parang pinipigalan na tumawa dahil sa kagagahan niya. She's not like that! Hindi siya 'yon. Oh God! What's happening to me?

"I-I'm, oh God! I'm sorry, I didn't mean to hissed and rolled my eyes!" Natataranta siyang humingi ng paumanhin habang hinihimas ang batok niya.

"It's fine, tara sa mini bar ni Alistair? Let's eat breakfast together." Angelyn said and smiled at them.

Isa isa naman silang bumaba at nagtungo sa bar ni Ali.

"Nasaan pala ang mga bata?" She asked. Nakakapagtaka kasi na wala silang hawak na baby, gayong halos hindi mahiwalay ang mga anak sa mga ito.

Shawn smiled brightly at her, she's back now to her usual self, magaling na kasi ang anak nito. "Lumabas sila para mag-ikot sa village. Hindi naman sapat ang araw dito para sa mga bata."

"I'm worried about my Son, si Castiel ang may hawak." Mahinang tumawa si Angelyn.

"Why? Is he that bad? Sa pag-aalaga ng bata? Kasi parang hindi naman." Nalilitong tanong niya kay Angelyn.

She saw how gentle Castiel when it comes to kids.

Umikot ang mga mata ni Shawn. "May pagka tarantado kasi 'yang boyfriend mo. Sanggol palang ang mga anak namin pero nilalaro niya na parang 1 year old na at nakakalakad!"

"Even treating them like an adult, naalala ko pa na binigyan niya ng maliit na laruang pala ang anak ko. Sabay daw sila magbungkal." Naiiling na kwento ni Ezecquiel. "Sumali pa ang isip bata na Daddy ni Havi."

Natawa ng bahagya si Devi. She knew for a fact that Castiel's seriousness was for her only, hindi para sa iba. He's actually fun to be with, carefree and sometimes acted like a freaking idiot.

"Sa kusina lang ako ni Yves, ano, okay lang ba if wala munang pupunta doon?" Yves girlfriend asked at sabay sabay silang tumango. "Thank you!" She beamed and left.

Isabelle made her a coffee, well not really, mas lamang kasi ang lasa ng gatas kaysa sa kape. But she let it slipped, kape pa rin naman. Kahit papaano.

They were talking about the renovation again when they heard loud voices, coming from the boys. Agad hinanap ng mga mata niya si Castiel, he was smiling, wearing a baby carrier, at nandoon ang anak na lalaki ni Angelyn at Kyst.

His face was glowing and when his gazed caught her. Castiel immediately winked and pouted his lips. Ngumisi si Devi at sinenyasan nalang ito na lumapit sa kanya, alam na ang gusto nito.

"Good morning! Wait, why are you drinking coffee?" Nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya bago humalik sa ulo niya.

Agad na umingos si Devi at bahagyang ipinakita sa kanya ang tasa na hawak niya. "Kape ba 'yan? E mas lamang ang gatas." Masungit na sagot niya.

"Hi Devi! Good morning!" Nakangiti na bati ni Laur sa kanya. So, she smiled and greeted him back. "Devi, kung magkakaanak kayo ni Castiel... Anong gusto mong gender at pangalan?" He asked out of the nowhere.

Devi faced Castiel and pouted her lips. A baby huh?

"Lalaki. Lalaki ang gusto kong panganay." Sagot niya at bumaling kay Laur, hindi matagalan ang titig ni Castiel. Nakakapanlambot.

Mikael laughed echoed inside the mini bar of Alistair's. "Please, don't let him meddle with names!" He said in between his laughs.

Killian nod his head, "yes, don't let him name your son or else magsisisi ka na siya ang pinili mo. You won't name your son Lightning McQueen right?" Killian eagerly asked.

Nagtataka man ay tumango si Devi. Who would name their son Lightning McQueen?

"Oo naman, ang daming pwedeng ipangalan sa anak ko. Bakit ko gagamitin 'yon?" Nagtatakang sagot niya rito. Her face was screaming confusion.

Bigla nalang napuno nang tawa ang buong mini bar ni Alistair, pati na din ang mga asawa ng mga ito, si Castiel lang ang hindi tumatawa at mukhang banas na banas.

"Ka chow Castiel! Ka chow!" Killian shouted and laugh after. Ang iba sa mga kaibigan ni Castiel ay hinahampas ang lamesa kaya mas lalong umiingay.

"Paano ba 'yan, Bud? Walang chance si Lightning McQueen, misis mo na ang nagsabi." Caleb said while his hands wrapped around Avis shoulders.

Lumingon siya kay Castiel at nakitang naka nguso ito habang nilalaro ang kamay ni Kyrst. "Ayaw mo sa Lightning McQueen?" He asked like a kid.

Sumimangot si Devi sa tanong nito. "Castiel, I want my son to have a normal name." Sagot niya.

"Normal naman 'yon ah?"

"Papalitan mo ang pangalan mo kung ganoon." Hamon niya rito.

"Putangina," Light uttered and laughed again.

"And why are we talking about me having a son? It's not like I'm pregnant." Nakataas ang kilay na sabi niya sa mga ito.

Parang may dumaan na anghel sa harapan ng mga demonyo at biglang nanahimik. Agad nag-iwas ng tingin ang mga kaibigan ni Castiel sa kanya na agad niyang ipinagtaka. What?

"But, what if you are?" Mahinang tanong ni Castiel habang pinaglalaruan pa rin ang maliit na kamay ni Kyrst. "I bet my life and horns." Natatawang dugtong nito.

Devi shrugged her shoulders and drink her coffee, milk rather. They're not using protection while doing it, alam niya din na hindi tama 'yon, but as of now, she's not feeling any symptoms of a pregnant woman. Hindi pa naman siya nagkakaroon ng morning sickness.

Ayon ang basehan niya dahil ayon ang nakikita niya sa mga pinsan niya.

She fixed her eyeglasses and stood up after drinking her coffee. Funny because she didn't asked Isabella for refilled. Kailangan 'yon ng katawan niya dahil may nakahain na trabaho sa kanya. Light told her that Xyria already emailed her the details she will be needed.

Devi badly wanted to go back to their office, lalo na at doon siya sanay na nagta-trabaho, pero makulit si Castiel at sinabi na sulitin nalang. They're both working from home, siya lang pala dahil kailangan ang presensya ni Castiel sa site, sadyang makulit lang ang lalaki at palaging nauwi sa oras ng trabaho.

She's working in silence when Castiel entered the house. He was holding a paper bag and smiling warmly at her.

"Lumabas ka?" Devi asked and eyed the paper bag.

"Yep!" He answered popping the 'p'.

"And? What's that?" Tanong niya at binitawan ang hawak na iPad. Na curious na sa paper bag na hawak ni Castiel.

"May binili lang ako sa malapit and I want you to use it tomorrow morning." Castiel beamed and sat on the sofa in front of her.

"Ano naman? Tsaka bakit bukas ng umaga pa?" Nagtatakang tanong ni Devi dito.

"Para sigurado? Ewan, ayon ang sabi sa akin e." Nakasimangot na sagot nito sa kanya at inilabas ang laman ng paper bag na hawak nito.

Her eyes widened when she saw three pregnancy test, alam niya 'yon dahil siya lagi ang taga bili ng mga pinsan niya kapag gusto nila gumamit no'n!

Her lips parted. "What am I going to do with these?" She asked and picked one of five PT.

"Buksan mo lang, little bee tapos ako na 'yung iihi. Check natin kung buntis ako."

She give him a deadpan look. "You think I'm pregnant?"

"Yes, I think we're pregnant."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top