Episode 2


Pagdating nila sa gallery ay dumiretso sila sa kanyang opisina. Nasa may second floor yun at tanaw na tanaw ang mga artworks sa baba. Two months kasi tumatagal ang exhibits nya every year. Dahil nakaka-isang buwan na, nag-eexpect na ang mga artist ng kanilang share sa sales.

" Ma'm Sierra, tumawag po yung may-ari ng building, hindi na raw tayo mapapayagan mag-extend pa para ipagpatuloy ang inyong painting exhibits kung hindi tayo makakabayad ng renta next week," malungkot na wika sa kanya ng kanyang assistant na si Mary.

" Na-contact mo na ba yung client natin na umorder ng sampung paintings?" seryosong tanong nya. Pinaghugpong pa nya ang kanyang mga kamay, doon kumukuha ng lakas.

"Ma'm, cannot be reached po si Mr. Chua since naipadala natin ang mga paintings. Yung binayad po nilang postdated cheque ay wala raw pong laman ang account, sabi ng bangko."

Mr. Chua is one of their regular customers na good payer din. Laging certified cheque ang gamit nito kung kaya't alam nyang hindi sya matatalbugan ng tseke. Ayaw nya sanang pumayag noong nagbigay ito ng postdated cheque pero nagdahilan ito na inoperahan daw ang asawa nito sa puso maging ang anak nito naman daw ay dumaan sa brain surgery. Sobrang nahabag ang butihin nyang puso dahil ayaw naman nya mangyari sa kanya iyon. Ang problema lang, hindi nya ni-verify kung totoo ang binanggit nito. Nung niresearch nya kasi ang social media account ng anak nito, nakita nyang nakabenda ang ulo, yun pala nagso-shoot lang para sa school project nito at nagrorole-playing lang! Ang nakalagay kasi sa caption " Thank you for the successful Operation." Operation pala ang pamagat ng drama! Hayoooop!

" O-okay, thank you, Mary. By the way, sumagot na ba si Miss Tracy?" Tracy's works is one of their bestsellers.

" Yun pa nga po ang problema, Ma'm. Ipu-pullout na raw po nya ang iba n'yang paintings kung hindi raw po sya mababayaran today."

"How about the other painters and sculptors? W-who else are backing out?" ayaw man marinig ni Sierra pero kailangan nya malaman ang eksaktong lagay ng kanilang art gallery. Malaking kliyente nila si Mr. Chua, at siguradong ang ganitong mga balita ay hindi mapapalampas ng ibang artist.

" Out of 15 artists Mam, 16 to be exact if kasama ka po. Pasensya na po pero, nasa 9 na po ang umatras ngayon," direktang sagot ni Mary.

" O-okay, Mary. T-thank you," she politely dismissed herself.

" S-sorry again, Ma'm Sierra. I will just prepare your tea."

" That would be good." 

Bumaba na sya at inikot ang kanyang medium-sized art gallery. Hindi nya na alam paano babayaran ang kanyang mga co-artist. Hindi pa nga sya nakakabayad sa inutang nyang puhunan sa kanyang ama na halos iluhod pa nya rito noong nanghingi sya ng tulong. 

According naman sa mommy nya, mas convenient raw kung sa mga sikat na museums sya maglagay at marami naman daw itong contacts but ayaw nya iyon. She wants to build her own name by scratch, not just someone who will they call as the only daughter of Mr. and Mrs. Sta Maria, the owner of Sta Maria Corporation.

Nilakad nya ang kinalulugaran ng nag-iisa nyang paint canvas, nasa isang gilid ng kanyang gallery.

Simula kasi ng nagkaalitan sila ng kanyang ama ay nawalan na s'ya ng ganang magpintura. Nawala ang ningning ng mga artworks nya. Sabi nga nila, one of a kind, may puso, kaakit-akit, extraordinary. Pero, iba ang nakikita nya sa kanyang harapan ngayon. Kaya nga pati sya na mismong may-ari na ng gallery, inilagay nya iyon sa gilid dahil kahit maganda naman, parang may kulang. 

Hindi pa naman nawawala ang great taste nya for arts. Magaling pa rin naman sya kumilatis, kaya nga mga de-kalidad na artist ang hinahandle nila sa gallery nya. Malaki pa rin ang tiwala ng mga kapwa nya artist sa kanya.

Kailangang makagawa na siya ng paraan dahil ayaw nyang lumapit sa daddy nya to finally handle their business. Kahit may alitan sila, hindi naman sya pinagbawalan ng ama na magtrabaho sa kumpanya nila. Okay rin sa kanya na magsimula sa pinakamababa, hindi naman nya minamaliit ang ganoong trabaho. Sadyang hindi lang nya iyon gusto, hindi nya forte. In short, wala doon ang kanyang puso.

Pangalawa, nakakahiya sa mga co-artist nya, mahirap nang malagay sa blacklist kung hindi nya mababayaran ang mga ito. Saan naman sya kukuha ngayon ng almost 13 million pesos para hindi tuluyang masira ang business nya?

Hinding-hindi nya isusuko ang pangarap nya, matagal nyang pinlano ang lahat na ito, ngayon pa na nagkakaroon na sya ng pangalan sa industriya?

Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ni Sierra habang tinitingnan ang mga paintings na nakadisplay sa kanyang art gallery. This is her happy place, her haven. Sa gitna ng mga artworks na iyon ay ang batang puso nya na naghuhumiyaw sa saya dahil sa wakas natutupad na ang pangarap nya, ngunit mauudlot pa ata kung hindi nya mapagbayad ang sinungaling na si Mr. Chua. Hindi na kasi nila macontact ito.

*****

Maagang umalis ng bahay si Sierra kinabukasan. Kailangan n'yang mahanap ang pinagtataguan ni Mr. Chua.

Pumunta muna sya saglit sa gallery dahil mayroong mga documents na kailangan nya dalhin. Pagpasok nya ay ang nakataas na kilay ni Tracy ang tumambad sa kanya. Kausap nito si Mary sa may first floor. May mangilan-ngilan ng mga potential buyers sa paligid kaya nilapitan na nya ito. Kilalang palaban si Tracy at talagang nang-aaway kung hindi mapagbigyan. Palibhasa kasi rich kid, feeling entitled sa lahat ng bagay. Well, hindi ko naman nilalahat, may mga kilala rin naman s'yang mayayaman na kasing-edad nya pero still downhearted.

"Good morning, Miss Tracy. I am delighted to see you today. You look so glamorous as always." Nginitian nya ito at inilahad ang kamay.

Yeah! Glamorous talaga dahil naghuhumiyaw na naman ang suot nitong jewelries, isama mo pa na naka couture fashion ito. Striking talaga ang dating, pati ang kulay. Dark red na double-breasted red suit set. Mapagkakamalan pa ngang ito ang may-ari ng gallery kesa sa kanya.

Nakalahad pa rin ang kamay nya na hindi nito tinanggap at inirapan pa sya. Yun pa pala, unprofessional din ito.

"What is good this morning, Sierra? What did I tell your stupid secretary here yesterday?! I need my payments 'cause you sold my artworks already!" hysterical nitong sigaw.

Nabulahaw ata ang buong gallery sa lakas ng boses nito. May mga iilang ipinagpatuloy ang pagtingin sa mga paintings pero halatang nagbubulungan, ang iba naman ay umalis na. 

"Please calm down, Miss Tracy. Can we go upstairs so that we could continue our conversation?" kalmante nyang sagot dito.

"Calm down?! How can I calm down if you are stealing my own money?!" hirit na naman nito.

"No one is stealing anything here, Miss. You know how diligent I am when it comes to my artists, especially you. Nasabi naman na siguro ni Mary ang naging problema natin kaya medyo made-delay ang payments but I guarantee you, you will receive your share," paliwanag nya rito.

"Problema natin? Wala akong problema, Sierra. Kayo lang iyon. It is your responsibility na matanggap muna ang bayad bago ipadala ang mga paintings ko. How come wala na rito pero walang bayad? Hindi mo ako maloloko, Sierra," sarkastikong banat nito.

" Konting palugit lang ang hinihingi ko, Tracy. Ngayon lang ako nagkaproblema ng ganito. Just one week and I am sure nakausap ko na si Mr. Chua. Please, calm down first." Nilingon naman nya ang nahihintakutang sekretarya. "Mary, can you prepare Miss Tracy's fave tea?" pakiusap nya sa secretary nyang nakatulala na lang sa kanila.

" Oh, s-sure, Mam," 

" No, thank you. I just need my money, next week. No more excuses." Inismiran pa sila ni Tracy. "I am your greatest artist here. If I pull my artworks, I can assure you Sierra, idadamay ko ang iba," may pagbabantang salita nito bago taas-noong lumakad palabas ng building. Ang mga takong nito ay nag-eecho sa loob ng gallery nya.

" Tracy, can you give me Mr. Chua's address? Pupuntahan ko ngayon," utos nya pagkatapos na mawala sa kanilang paningin ang nag-eskandalong painter.

" Okay po, Ma'm."

Pagkabigay na pagkabigay ni Tracy sa folder ay umalis na sya.

Mabilis naman nyang natuklasan ang bahay nito, na nasa isang exclusive village. Nagbulungan pa ang dalawang guard bago lumapit sa kanya ang isa, hawak ang kanyang ID. Hiningi kasi ng mga ito, kaakibat ng safety protocol ng naturang village bago magpapasok sa loob.

" Ma'm, instruction po ni Mr. Chua na 'wag daw po kayo papasukin."

" Can you let me in? Please?" Ngumiti sya ng pagkatamis-tamis at pasimpleng inilagay sa kamay nito na nakahawak sa may car window ang isang libo.

" Ma'm naman e, mag-aalanganin naman po ako. Kasi po…."

Iniabot pa nya ulit dito ang isang libo.

" Basta Ma'm, ang sasabihin namin nagpumilit kayo pumasok ah. Mawawalan po ako ng trabaho pag ganito e, pero mukha naman po kayo mabait. Ikatlong kanto sa kanan, panlimang bahay." Labas ang halos lahat ng ngipin nito sa pagkakangiti.

" Areglado, Sir! Wala po kayong kasalanan." Nag saludo pa sya rito bago pumasok sa village. 

Mabilis naman nya nahanap ang bahay ni Mr. Chua at pagkatapos mag doorbell ay may isang batang babae ang sumilip sa peephole.

" Ano po kailangan natin, Ate?" tanong nito.

" Hello." Kumaway pa sya sa bata. Syempre, kailangan nya magmukhang friendly. " And'yan ba si Kuya Henry?" Kuya na ang ginamit nya, para kunwari close sila.

" Andito po, ahh, siguro po kayo ang hinihintay ni Sir kanina pa. Sige po, pasok po kayo." Kung sinomang bisita nito, maki-kiss nya pag nakita nya. 

Pinapasok sya nito sa terrace. Mayamaya ay lumabas na rin si Mr. Chua. Laking gulat nito ng makita sya.

" S-sierra, ano kailangan mo?" tanong nito, as if parang walang alam sa ginawa nitong stress sa kanya. 

" Wag na po tayo maglokohan, Mr. Chua. Asan po ang mga paintings?" direkta nyang tanong.

" Ganito kasi iyon, Sierra.." panimula nito.

" Please, Mr. Chua, give me an honest answer. Ayaw ko nang paligoy-ligoy. I owe you a lot because you are one of our great customers ever since I started my gallery. Pero Sir, I need my money, o kung hindi nyo man po mabayaran, kahit ibalik nyo na lang po ang mga paintings. Marami pa naman pong bibili nun."

Namayani ang katahimikan bago ito nagsalita muli.

"Iyon nga ang problema, wala ako pera ngayon. T-tapos, w-wala na r-rin sa akin ang mga p-paintings. Hindi ko alam Sierra pano ka haharapin. N-nahihiya ako p-pero naloko rin ako ng bumili sa akin," kita ang kalungkutan at kawalan ng pag-asa sa mata ng matanda. Kung umaarte ito ngayon, isasali na nya itong artista, ganoon kagaling.

" Wag na tayong maglokohan, Mr. Chua. Please, give me what you have stolen from me. Wala akong isasampang demanda sa'yo. Wala kang maririnig na paninira na manggagaling sa akin. Just please, give me back my paintings," tuwid man ang salita nya ay nagsisimula na ring sumakit ang kanyang lalamunan sa pagpipigil na umiyak.

Ngunit isang malakas na iyak ang isinagot ni Mr. Chua. " S-sierra, I am sorry. P-pero nagsasabi ako ng t-totoo. W-wala na sa akin ang mga paintings."

" Paano po nangyari 'yun? Ibinenta n'yo? Hindi r-rin kayo b-binayaran?"

Yuko lang at patuloy na hagulgol ang isinagot nito sa kanya.

Sa pagkakataong iyon ay napaniwala na si Sierra. Hindi naman siguro iiyak na parang bata si Mr. Chua kung nagsisinungaling ito. Ramdam nya ang hirap na itinatago nito sa kalooban, dahil ganoon din ang nararamdaman nya sa ngayon.

Mabigat ang mga hakbang na tinungo nya ang kanyang sasakyan. Pinasibad nya iyon.

Akala nya ay tapos na ang nakaka-drain nyang araw pero mas nakakagimbal pa pala ang mangyayari pagdating nya sa bahay.

PAK!

Isang malakas na sampal ang natanggap nya pagkabukas na pagkabukas nya ng main door. Halos humiwalay ang pisngi nya sa kanyang mukha. Muntik pa nga syang matumba sa lakas ng impact nun. Nahihilo pa sya ng tiningnan ang taong nasa harapan nya, ang kanyang ama.

" D-dad, w-why..?" Nahihintakutang wika nya sa ama habang hinihimas ang kanyang nasaktang pisngi.

" Hindi ka na nahiya?! Ano ang sinasabi nitong si Tracy na hindi mo binabayaran ang utang mo sa kanyang mga paintings?! Pinuntahan ako ni Carlos kanina, nagsumbong daw si Tracy sa kanya tungkol sa mga pinaggagawa mo?!"

Tracy's dad is a business affiliate of Sierra's father. Sa sobrang tagal na nilang mag-partner ay halos kilala na nila ang bawat isa, pati pamilya. Laging bukambibig ni Daddy ang mga achievements daw ni Tracy, kung alam lang nya ang kamalditahan nito. Aanhin mo pa ang pera kung isa ka namang dakilang matapobre at sinungaling. Ayaw nya nga sanang kuhanin ito bilang artist sa kanyang gallery kung hindi lang sya pinakiusapan ng Daddy nya. Ngunit kabaligtaran nun ang pinangangalandakan nito sa ibang kasamahan nila, na sya raw ay hinabol-habol ni Sierra para maging exclusive artist nito. Yeah, wala ka namang masasabi sa galing nito sa pagpinta, a very talented person. Pero mas gugustuhin ko na hindi man gaano kagalingan, pero marunong naman makipagkapwa tao. Alam nya kasing mamomoblema sya bandang dulo, na syang nangyari na nga.

" D-dad? W-wala pa naman sa deadline ang payments ko for Tracy. At anong p-pinaggagagawa ko raw? I c-cant understand.."

"Nagpaloko ka raw sa isang customer nyo? H-hindi kita pinalaki na hindi marunong kumilatis! Paanong natakbuhan ka ng buyer mo?! Tatanga-tanga ka pa rin ngayon! Kapag hindi mo ito masolusyonan, hindi ka na makakatungtong sa pamamahay na ito! You are a shame of this family! Walang Sta. Maria ang talunan! Wala kang kwenta!" halos maputol ang litid ni William sa pagsigaw sa kanyang anak bago nito ibinalabag ang pintuan. Narinig na lang ni Sierra ang mariing pag-arangkada ng sasakyan.

'Talagang umuwi lang para sampalin ako. For all my life, hindi mo na-appreciate ang lahat ng achievements ko. Ngayon lang ako nagkamali sa desisyon ko sa buhay, Dad. How could you be so cruel to your only child, your daughter?" isip-isip ni Sierra habang patakbong inaakyat ang hagdanan.

Pagpasok nya sa loob ng kwarto ay dumiretso sya sa kama, humiga roon. Umaasa na maiibsan ng malambot nyang kama ang sakit na nararamdaman nya. Kinuha nya ang isang unan at itinakip sa kanyang mukha. Hindi na nya kayang tumayo upang patayin ang ilaw at ibaba ang mga kurtina para mas madali syang makatulog.

"Kelan ba nila makikita ang halaga ko? Ni hindi nyo nga alam na nagpapatingin ako sa psychiatrist" Arrrgh!!" 

Ibinato nya ang hawak na unan at pinahid ang kanyang mga luha. Sa sobrang pagkalito sa halo-halong emosyon ay hindi na napansin ni Sierra na butil-butil na pala ang pumapatak na luha sa kanyang mga mata.

Umupo na sya. Hinatak padikit sa katawan ang nakatuping mga binti. Inilagay ang ulo sa ibabaw ng kanyang tuhod at pinalaya ang mga luhang hindi pa rin tumitigil sa pagpatak.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top