Chapter 9- Undercover

Jacob

"Tagal nyo." Nakaupo na si Juancho at Sky sa restaurant ng makarating kami ni Dakota.
"Yung driver ko parang driver ng patay." I replied na ikinatawa ni Sky.
"May sakay naman kasi akong patay. Patay ang feelings." Sagot ni Dakota. Napatakip ng mukha si Sky sa kakatawa. Ewan ko sayo.

"Hello, kanina pa kayo?" Napatingin kami sa bagong dating. Margaux looked surprised to see me.
"Hello Jacob. I...uhmm... surprised to see you."
Bumati si Jaxx sa amin bago siya umupo sa tabi ni Margaux.
"Kadadating lang nila Koko. Tara, order na tayo." Sagot ni Sky. Nararamdaman ko ang palitan ng tingin ni Margaux, Sky at Dakota kahit nakatakip ang menu sa mukha ko.

"It's good to see you, Jacob." Margaux said ng makaalis ang waiter ng makuha ang order namin.
"Nayaya lang ako ni Juancho." I replied.
"Ano nangyari sa mukha mo?" Usisa ni Jaxx.
"Tumama sa table ng may abutin ako." Palusot ko. Tumaas ang kilay ni Juancho pero hindi nagcomment.

"Okay na ba kayo ni Dakota?"
Natatawang tinaas ni Jaxx ang dalawang kamay ng tingnan ko siya.
"Magka-away ba sila?" Juancho asked at mukhang hindi niya titigilan ang kakatanong.
"Hindi ah." Mabilis na sagot ni Dakota.
"Talaga ba?" Nang-aasar na tanong ni Juancho. "Bakit kayo nag-away?"
Tumingin ako kay Dakota. "Bakit ka nga ba nagalit sa akin? Bukod sa sinabi kong chubby cheeks 13 years ago?"
Naningkit ang mga mata ni Dakota lalo na ng magtawanan ang mga kaibigan niya.

"I don't know what you're talking about." She murmured.
"Right... You don't."
"Stop being an ass."
"Am I being an ass?"
"Tatamaan ka na sa akin."
"Hindi ka nga makasuntok kanina."
Hindi kumibo si Dakota pero ang tingin na binigay sa akin, mukhang sasaksakin ako anytime.

"Why are you glaring at me?"
"I am hoping that you'll suddenly combust in that seat."
Tawa ng tawa ang mga kasama namin sa sagutan namin ni Dakota. Siya lang... bukod tanging siya lang ang nakakasagot ng pabalang sa akin.

"Damn, Dakota dethroned me for being the most sarcastic." Natatawang comment ni Sky.
"Nah... you are an angel compare to her." Sagot naman ni Juancho sa girlfriend nya.
"Tado." Binato ng tissue ni Dakota si Juancho.
"Pinabayaan na lang sana kitang magahasa ni Arabella."

At that moment, nagring ang phone ko and immediately, natahimik sila.
"Yes."
"Meeting at 4pm dito sa HQ." Dad said.
"Ok."
Pinatay ko ang tawag at nilagay ang phone sa bulsa ko.

"Ganoon ka lang makipag-usap?" Dakota looked surprised.
"Ano ba dapat sabihin ko?"
"Why not start with Hello? Then end with Bye."
"Bakit ba nakikialam ka?"
Nagtago si Sky sa likod ni Juancho sa kakatawa. Si Margaux naman ay dumukmo sa table.

"Ganito makipag-usap."
Sinagot ni Dakota ang phone nya na nagriring.
"Hello. Yes Macky."
Tang-inang... in your face amputa.
"Mamaya? Anong oras?"
Nakinig si Dakota sa phone niya and I am trying to listen too.
"Mga around 4pm. Okay lang ba?" Tanong ni Macky.
"Okay sure. I'll be there. See you, Macky. Bye."

"See?"
"Ano ang pinagkaiba?" Sarcastic na tanong ko.
Naputol ang pagsagot ni Dakota ng dumating ang waiter dala ang mga order namin.

I really don't understand kung bakit ko siya binabantayan. Obvious naman na hindi kami magkasundo. Hindi ko lang magawang tumalikod sa binitawan kong salita noon na poprotektahan ko siya. That was before I became Jacob to her bago siya umalis papuntang Canada. That was before she didn't reply to my emails and calls and messages. I promised to protect her... hanggang ngayon, nakatali ako sa pangako ko sa kanya.

Hindi na ako nagpahatid sa kanila. Umalis agad ako pagkatapos kong kumain. Kasama naman niya ang mga kaibigan niya so she will be safe.

Maaga akong dumating sa Country Club. Naabutan ko si Kiro at Gab sa HQ.
"Anong meron?" Tanong ko sa kanila.
"Hindi namin alam eh." Gab replied.
Isa-isa naming hinintay ang ibang kasama namin. Bad trip lang dahil nandito si Xykie na parang engot kung makangisi sa akin.

"Nandito na ba lahat?" Tanong ni Tito Red pagpasok ng HQ.
"Yes, Sir." Sagot namin.
Nakaupo si daddy, Tito Marcus at Tito Ace habang nakatayo naman kami. Ako, malayo kay Xykie. Ayaw ko siyang katabi.
"Okay, we have a report na mayroong nangyayaring prostitution sa mga fashion show. Ang problema, sapilitang binebenta ang mga modelo. Mapalalaki o babae." Simula ni Tito Red.
"It's a big syndicate na hawak ng matataas na tao. Ang isa pang problema, walang modelo na lumulutang para magsampa ng complain. Kailangan nyong mag-investigate."

Walang kumikibo sa amin. Mga Shadows lang pala ang kailangan sa mission na ito.
"Kailangang may isang mag-undercover nito." Sabi ni daddy.
Tumango si Tito Red at tumingin sa akin. Natingin tuloy lahat sa akin.
"Bakit?"
Tumawa si Sakura at Xykie.
"Wala akong alam sa pagmomodel." Angal ko.
"Paturo ka sa tropa mo." Sagot ni Kiro.
Tangina...
"You are perfect for this mission, Jacob. Hindi ka kilala na Knight." Sagot ni Tito.
"But..."
"No buts, Jacob. Pinili mo ang profession mo, deal with it." Dad replied.

"Be prepared in two weeks. Kami na ang bahala sa credentials mo sa system. Sakura..."
"Yes, Sir." Sagot ni Sakura kay Tito Red.
"Report in two weeks, Jacob. Adjourn."
Paglabas ni Tito Red ay syang pagtawa nila.
"Ayan ang problema sa secret Knight, pang-undercover." Gab clap my shoulder.
"Simulan mo ng magpa-facial Jacob." Tukso ni Sakura.
"Ayusin mo ang catwalk mo, bata." Dumagdag pa si Tito Marcus.

Kapag minamalas ka nga naman. Model? Ampota!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top