Chapter 6- Doctor! Doctor

Dakota

Binalibag ni Jacob ang pintuan ng waiting room na tinatawag nila. May pintura ang mukha niya at talagang pinangatawanan niya ang Grim Reaper. Mukha siyang si Kamatayan, lagyan lang ng itim na hood at kalawit. Kaso, shorts lang ang suot nya ngayon at nakalitaw ang katawan.

"Ano ang ginagawa mo dito?" Singhal ni Jacob sa akin.

Kailan pa siya naging hunk? Kaya pala nagwawala ang mga hormones ng mga nene noong nagkukwentuhan sila sa clinic.

"Dakota!"

Dati... nung nasa speaking term pa kami... Hmmm... mga 12 or 13 years old ako, hindi siya ganyan. Matangkad siya na payat. Tapos laging nakasalamin.

"Ano ba?!"
"Ha?" Kinakausap niya pala ako.
Nauga ang utak ko sa pagyugyog ni Jacob.
"Teka nga... mahihilo ako." Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko.

Huminga ng malalim si Jacob at lumayo ng kaunti sa akin. Sa taas kong 5'9" without heels kaya pa akong dagukan ni Jacob dahil sa taas niya. Nasa 6'2" siguro siya or 6'3", mga ganun. Tangkad nu?

"Ano ang ginagawa mo dito?" Nakapamewang si Jacob habang tumutulo ang pawis niya sa katawan.
"Pumusta saka nanood." Maikling sagot ko.
Ang kilay niya, may dugo. Pucha...
"Teka, may dugo yang kilay mo." Akmang lalapit ako ng tabigin ako ni Jacob.
"Huwag ka nga... Umuwi ka na." Utos niya.
"Tatay kita?" Kung makautos kala mo tatay ko.
"May dent nga ang kotse ko. Bwisit yung gagong kalaban mo."

Nagtikom ng bibig si Jacob.
"Nabangga ka ba?"
Umiling ako at saka umupo sa bench. Huminga ng malalim si Jacob. May adreanaline rush pa siguro siya.
"Nakapark na ako ng sinadya niyang banggain ang bumper ng kotse ko."
"Hindi ka pa umalis after kang banggain?" Sarcastic na tanong ni Jacob.
Bakit ba siya naiinis? Ako nga ang binangga.
"I want him to pay noh. Kabibili ko lang ng kotse ko. Tang-ina, kakalabas pa lang sa casa kahapon eh."
Hayop na tao na yun. Mabuti nga sa kanya. Naku, nagngangalit ang mga bagang ko sa inis. Yung Rover ko... Tang-ina siya.

Napatingin kami sa pintuan ng may kumatok at sumilip ang isang lalaki.
"Grim... premyo mo."
Jacob motioned him to come. Medyo takot ang mukha ng lalaki ng inabot kay Jacob ang dalawang envelope. Hindi naman binuksan ni Jacob ang envelope na binigay sa kanya. Hinagis nya lang sa bag na katabi ko.
"Yung kotse ng girlfriend mo..."
"Hindi ko siya girlfriend." Mabilis na sagot ni Jacob. Wala man lang emotion 'tong tao na ito.
"Err... kapatid mo. Sagot daw ng committee ang pagpapaayos."
Tumango si Jacob. "Tatawagan kita para sa kotse."
Mabilis na umalis ang lalaki at isinarado ulit ang pintuan.

"Hubarin mo yang hoodie mo."
"Ayaw ko nga. Ang cute ng porma ko. Mukha akong college student."
"Hubarin mo at makikilala ka. Isuot mo ito." Hinagis ni Jacob ang isang black hoodie sa akin.

Nagpunta si Jacob sa shower at iniwan akong mag-isa. Hinubad ko ang hoodie ko at sinuot ang hoodie niya na super laki naman sa akin. Sa tangkad kong ito, malaki pa rin ang hoodie niya. Pambihira.

Wala ng pintura ang mukha ni Jacob paglabas ng shower. Nakaboxer lang ito na parang wala ako dito. Naamoy ko pa ang scent ng shampoo na ginamit niya ng lumapit siya sa bench at naghalungkat sa bag niyang dala.

"Hindi mo ba bibilangin ang binigay sa'yong pera?"
"Bakit, may kinuha ka ba?" Sarcastic na tanong niya.
"Mga 5k lang naman."Sarcastic din na sagot ko.
Hindi kumibo si Jacob. Nagsuot siya ng t-shirt at shorts. Sinuot nya din ang sneakers niya at ang salamin niya na feeling ko talaga walang grado. Huli niyang sinuot ang hoodie at mukha na siyang geek na tulog.
"Para kang si Juancho noong nagpapanggap pa siya." Sabi ko kay Jacob.
Hindi sya kumibo. He sling his bag on his shoulder.
"Tara." Yaya niya at saka tumalikod.
Aba ang damoho, iiwan ako.

"Wala kang kotse na dala?"
"Nag-gagrab lang ako." Sagot niya.
"Sumabay ka na nga sa akin. Sira-ulo ka, wala ka man lang dala kahit motor na pang-bumbay."
Sumunod si Jacob sa driver side at kinuha ang susi ko.
"Ako ang magmamaneho. Doon ka sa passenger."
"Kotse ko yan." Tanga yata.
"Doon. Ka. Sa. Passenger." Pinakadiin niya ang bawat word.
"Kotse ko yan."
"Wala akong pake. Doon ka sa passenger."
Ay nako... kaysa magsigawan kami sa parking, sumunod na lang ako. Pero hindi kusang loob.

Inadjust ni Jacob ang upuan sa driver side bago inistart ang kotse KO... Linawin ko lang. Sa akin ang kotse na ito.

"Ayaw ko pang umuwi ha."
"Saan ka pa pupunta niyan? Gabi na." Reklamo ni Jacob.
"Dumaan ka sa botika... may bibilin ako."

Bumili ako ng maliit na betadine, hydrogen peroxide, plaster at bulak. Bumili na din ako ng mefanamic acid para sa kirot at malamig na tubig.

"Patingin ng sugat mo."
"Maliit lang ito."
"Patingin sabi eh." Sigaw ko kay Jacob. Naririnig kaya kami sa labas ng kotse? Para akong may kausap na bata sa gago na ito.
"Hindi ka doctor."
"Doctor ako." I said.
"Doctor ka ng mga hayop."
"Exactly who you need." Sarcastic na sagot ko. Hinawakan ko sa panga si Jacob at saka hinarap sa akin.

"Lumalabas na yang utak mo sa sugat mo tapos maliit lang?" Dapat alcohol ang binili ko at hindi peroxide. Diniinan ko ang bulak sa sugat niya ng masaktan naman ang gago. Nilagyan ko ng betadine at plaster ang sugat niya. Nanlalaki pa ang butas ng ilong mo, di ka pa magpasalamat.
"Mefenamic?" Alok ko sa kanya.
"Ano ako, bata?" Naiinis na inistart ni Jacob ang sasakyan.
Bahala ka... Mangisay ka sa sakit ng panga mo mamaya.

"Pwede nang umuwi?"
"Hindi pa nga ako uuwi. Ihahatid na lang kita." I replied.
"Saan ka ba pupunta?" Naiinis na tanong niya.
Hay bakit? Inaano kita? Bawat sabihin ko, naiinis ka!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top