Chapter 28- Darna
Dakota
Ang gulo sa backstage at paroo't-parito ang mga make-up artist ng mga model. Nakahiwalay ang dressing room ng mga guys sa amin. Katabi ng table ko ang table ni Peggy.
"Are you excited?" Tanong niya sa akin.
"For VS Fashion show?" Sarcastic na tanong ko. Ang balita ko kasi, ilang beses ng nagsusubmit si Peggy sa VS pero hindi nakakapasok. Hindi kumib si Peggy at tumingin na lang sa sariling salamin sa harapan ng table niya.
"Miss Dakota... Miss Dakota." Sigaw ng isang floor director. I raised my hand para makita niya ako sa dami ng tao sa dressing room. Lumapit siya sa akin at inabot ang isang bouquet ng roses. Nakangiti kong inabot.
Si Jake talaga!
Hinanap ko ang card at nakangiting binuksan.
I'll see you later.
-Mr. Carbon
Mabilis kong binato sa lapag ang bouquet. Napatingin lahat sa akin ng mga tao sa dressing room. Nanginginig ang kamay kong inabot ang cellphone at tinawagan si Jacob.
"Hello." Babae ang sumagot.
"Sorry, I maybe dialed the wrong number," I said.
"Dakota, si Xykie 'to. May problema ba?"
"Si Jake?"
"Sandali, iconnect kita."
Nawala sa line si Xykie at pumalit ang boses ni Jacob.
"Hey... are you okay?" Medyo kumalma ako ng marinig ang boses niya.
"May nagpadala ng flowers sa akin."
"Sino? Si Carbon?"
"Yeah."
"Putangina... Listen, after ng show, Juancho will look for you. Huwag kang aalis ng hindi siya kasabay, okay?" Bilin niya sa akin.
"Okay."
"See you in a bit, love."
"Okay." I replied.
"I need to talk to Xykie. Mag-iingat ka Koko."
Nawala sa line si Jacob at binaba ko ang phone ko.
"Miss Dakota, nalaglag mo yata."
"Itapon nyo yan." I said and tried to bring back my poker face. Nakatingin sa akin si Peggy mula sa mirror niya. Nagtatakang pinulot nila ang mga bulaklak at inilayo sa akin. Kinikilabutan ako na hindi ko maintindihan.
Pagkatapos ng show, mabilis akong nag-alis ng make up at nagbihis at sinubukang tawagan si Juancho. Leche, hindi sumasagot.
"Hindi ka sasama sa party?" TAnong ni Issa sa akin.
"Hindi eh."
"Dahil ba sa mysterious Jake?" Tukso niya sa akin.
"Yup. May lakad kami." I lied.
Nakaupo ako sa tapat ng table ko at inaalis ang last trace ng lipstick. Unti-unti ng nauubos ang tao sa dressing room. Tinawagan ko ulit si Juancho pero wala pa ring sumasagot. I tried to call Sky. Baka kasama niya at nakalimutan na ako. Hindi rin sumasagot.
Bumukas ang pintuan at may tatlong lalaki na pumasok sa dressing room. Doon ko lang napansin na wala nap ala akong kasama.
Mabilis kong tinawagan ang phone ni Jacob hoping Xykie will answer it again.
"Sino kayo?"
Nagsenyasan sila at lumapit sa akin. Okay, Koko, kalma. Tried to remember your Muay Thai. Tumayo ako at kinha ang bag ko.
"Let me pass." Kalmadong sabi ko bago ko tingnan ang phone ko. Naka-connect ako kay Jacob.
Lumapit pa sila sa akin at kinailangan ko ng itulak ang isa sa kanila.
"Let go." I said bago ako nagpakawala ng isang sipa.
Nagulat ng bahagya ang dalawang lalaki bago ako pinagtulungan. Hindi ko kaya ang tatla kahit na nakakatama ako ng siko, suntok at tuhod sa kanila.
"Help..." Sigaw ko.
Nagpupumiglas ako hanggang takpan nila ang bibig ko ng panyo at nagsimula akong mahilo.
Nagising ako na may piring ang mga mata ko at nakatali ang kamay ko sa likod. Nag-uumpisa na akong kabahan. Parang nasa sasakyan ako. Nararamdaman ko ang paggalaw ng sasakyan.
"Help." Sigaw ko.
"Shut up." Sigaw ng lalaki sa unahan ko.
"Dakota?" Narinig ko si Issa na umiiyak somewhere.
"Issa, nasaan tayo?"
"I said shut up." Isang sampal ang binigay sa akin ng lalaki sa unahan.
"I swear you will pay for that, dickhead." Sabi ko.
Papatayin kayo ni Jacob sa ginawa nyo sa akin.
"Yun ay kung mahahanap ka pa." Sagot ng lalaki.
"Subukan natin, mga tanga." I replied.
Jake, nasaan kana Jake? Jacob, save me. Unti-unti na akong natatakot, Jake, paano ba gagana ang transmitter na kinabit ni Tita Abby? Do I need to shout DARNA?
--------
A/N
Tomorrow, mukhang wala akong access sa computer ko dahil dadalin na sa kabilang office.
Kung wala akong UD tomorrow, alam nyo na ha... I'll see what I can do, but I can't promise you much.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top