Chapter 22- Basically a Billionaire
Dakota
Sumulpot si Margaux at Sky sa practice kinagabihan. Nagbubulungan kaming tatlo sa isang sulok habang nagpapractice ng WALK si Juancho at Jacob. Feeling ko naririnig niya kami kaya niyaya kong lumabas ang dalawa.
Napatingin si Jacob sa amin ng tumayo kaming tatlo.
"Where are you going?" Tanong agad ni Jacob na ikinaikot ng mata ko. Hindi ako kumibo at pinaningkitan ko siya. Natawa si Margaux at Sky sa tabi ko.
"Okay, just don't go outside of Country Club." Mabilis na sagot ni Jacob sa warning na tingin ko.
Dahil matigas ang ulo ko, pumunta kami sa Sweet Bells.
"Lagot ka kay Jacob." Bulong ni Margaux sa akin.
Naupo kami sa pinakasulok. Magkatabi silang dalawa. Sa aming tatlo pinakaclose talaga sila dahil siguro umalis ako papuntang Canada dati. Alam ko naman yun dahil may Juancho naman ako sa bestfriend. But still they are my best friends. Best of best of friends lang siguro si Margaux at Sky.
"Tatampo kana daw." Simula ni Sky.
"Namimiss ko lang kayo." I honestly replied.
"Nandito naman kami. Hindi naman kami nawawala, Koko." Paliwanag ni Margaux.
"I know. Sorry. Hindi ko alam bakit feeling ko mag-isa lang ako."
"Hindi ka nag-iisa. Balita nga sa amin may Jacob ka na ulit." Tukso ni Sky.
Huminga ako ng malalim at nangalumbabang tumingin sa kanilang dalawa.
"What will I do to him?" I asked.
"What is exactly your feelings for him?" Tanong sa akin ni Margaux.
"I am super scared at this moment."
"Why? Did he do something wrong?" Nag-aalalang tanong ni Sky.
"No. No... it's more on I'm scared to open up." I murmured.
"We are talking about Jake... alam nyo naman kung gaano ako nasaktan dati. Natatakot akong maulit. Saan ako pupulutin kapag iniwan niya ako?"
"Magtiwala ka Dakota. Hindi na kayo ang dating kayo. Marami ng dumaan sa kulang 10 years na hindi kayo nagkita. He was young when he kissed other girl. You kissed other guys too after him. Heck you even tried kissing strangers in Canada and pretend it was him." Pangaral ni Sky sa akin.
Hinawakan ni Margaux ang kamay ko. "Fight it or accept it. Fear it or control it. You have to choose in the end. Piliin mo kung saan ka magiging masaya." Sabi ni Margaux sa akin.
"Alam nyo bang tinakot nya lahat ng manliligaw ko?" Bigla kong naisumbong sa kanila. Natahimik sila sandali at sabay tumawa.
"Isn't it kinda sweet?" Tanong ni Margaux.
"Ha? Control freak siya, ano ang sweet doon?" Tanggi naman ni Sky.
"Hey, ikaw din naman. Ikaw nga ang pumili ng assistant ni Juancho di ba?" Sabi ni Margaux na ikinatahimik ni Sky.
Sweet nga, for me ah. Malay ko kung may bad vibes kayo sa ginawa niya. Kunwari lang akong nagagalit kanina.
"Did he kissed you already?" Bulong ni Margaux sa akin.
Tumango ako. Di ba, walang hiya kaming tatlo. Ganyan kami mag-usap.
"Is he a good kisser?" Bulong ni Sky.
Tumango ulit ako. Kinikilig ang dalawa na naghampasan ng sabay sa braso.
"Hindi pa kayo ng lagay na iyan ha!"
Doon ako natawa sa sinabi ni Sky.
"Kamusta ang ganap sa inyo?"
Nagkatingin si Margaux at Sky.
"Masarap." Sabay na sagot nila.
"Lalandi." I said while laughing.
"Bakit ka lumabas?"
Napatalon kaming tatlo nila Margaux at Sky ng biglang magsalita si Jacob.
"Grabe, hindi ka namin narinig na lumapit." Nakahawak sa puso si Margaux.
Tumabi sa akin si Jacob at nakisiksik naman si Juancho sa tabi ni Sky.
"Teka, ako lang ang walang partner." Nakangusong nagtext si Margaux, probably kay Jaxx.
"Tapos na kayong magpractice?"
"Yup." Maikling sagot ni Jacob.
"Kaya mo na?"
"Yup."
"Pwede ka na sa pictorial?" Tanong ni margaux sa kanya.
"Uhmm..." Natingin sa akin si Jacob. "Samahan mo ako?"
Nakangiti ang bruhildang si Margaux habang nagbo-browse sa cellphone niya.
"Schedule ko na lang bukas ng hapon ang trial for pictorial para makasama si Koko."
"Okay." Jacob replied.
"Sure kang hindi pa kayo?" Bulong kunwari ni Sky pero narinig naman ng lahat.
"Nagpapakipot pa siya." Sagot ni Jacob.
"Medyo pakipot nga yan." Sabi ni Margaux na pabulong din.
Natawa si Juancho at pinato ko si Sky at Margaux ng tissue.
"Mahilig siya sa perfume." Sulsol ni Sky. Bakit ba kasi sila nagbubulungan? Parang mga tanga.
"Ahh... Okay sige."
"Tumigil nga kayo." Sita ko sa kanila.
Si Juancho parang kinikiliti. Galak na galak na naiinis ako.
"Ano ba ang binigay mo sa kanya?" Usisa ni margaux.
"Uhmm... Yung Hummer." Sagot ni Jacob.
"Whaaa?" Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Di ba pinahiram mo lang sa akin yun kasi nasa casa ang Rover?" Nagtatakang tanong ko.
Umiling si Jacob. "Sayo nakapangalan yun."
"Ughh magkano per month ang ihuhulog ko doon?" Not that wala akong panghulog. International model naman ako, may sarili akong pera. Hindi nga lang kasing yaman ni Margaux at Sky.
"Fully paid." Simpleng sagot ni Jacob.
"Tangina..." Sabi ni Juancho ng matauhan.
"Babe, kailangan mo ng ipangalan sa akin ang penthouse mo." Nagbibirong sabi ni Sky.
"Jacob, just because you're basically a billionaire doesn't mean you can just buy me presents to gain my trust." Nakakagigil ka.
Nakakunot ang noo ni Jacob na humarap sa akin. "That's not a present. That's just a Hummer."
"That's my POINT. It's a fucking Hummer."
Nagtatawanan sila Margaux, Sky at Juancho sa tapat namin.
"Kabibili ko lang ng Rover." Gusto kong sakalin si Jacob.
"Tumatama ang tuhod ko sa manibela ng Rover mo." Katwiran niya.
"Jacob..."
"Ikaw ba ang hahanap ng bahay o ako na?"
"Anong bahay?" Nauubusan na ako ng lakas sa pakikipagtalo sa kanya. Tawa naman ng tawa yung tatlo.
"You said you like four ovens in your kitchen." Nagkibit pa siya ng balikat.
Napadukmo na lang ako sa table at lumakas ang tawanan ng tatlo.
"Told you I'm serious." Sabi pa ni Jacob.
Nagfist bump pa sila ni Juancho ng tumingin ako sa gawi niya. Bigla akong nagka- migraine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top