Chapter 2- Sermon
Dakota
Hindi ako pinatulog ng mga ito. Bakit ba ang agang mangagsitawag... Una si Juancho... Ngayon si Margaux naman.
"Bruh... parang kakatulog ko lang like an hour ago or so."
"Sino ba kasi ang may sabing maglasing ka?" Tumatawang tanong ni Margaux sa akin. Naka video call kami.
"Why ba? So I can go back to sleep."
"Buntis si Mia."
Napabangon ako. "What?" Inalis ko ang mga buhok na nagkalat sa lukha ko.
"Chismis is life talaga... Nagising ka bigla."
"Did you just said that Mia is preggy?"
Tumango si Margaux. "And bruh... quad ang anak nila ni Amboy."
Tuluyan akong nagising.
"Holy Moses... Saan banda ilalagay ni Mia ang mga anak niya?"
Tumawa si Margaux. "Pareho kayo ng reaction ni Jaxx."
"No kidding, saan niya ilalagay ang mga bagets niya eh ang liit niya?"
Tawa ng tawa si Margaux.
Hindi na ako makabalik sa pagtulog ko dahil sa balita ni Margaux. My Gawd... Siguro naman caesarean ang gagawin kay Mia. Di ko maimagine ang pechay mo kapag lumabas ang apat na anak. Kasing lalaki pa ni Amboy!
Natatawa akong mag-isa sa shower. Naloka na ako sa triplets ni Summer... Matindi pa pala si Mia. Peppa pig ang peg ni girl.
Jusme, si Jacob nga pala ang naghatid sa akin kagabi. Tinulugan ko sa biyahe. Antok na antok talaga ako. Ano na namang sermon ang maririnig ko sa kanya?!
Pumunta ako sa Starbucks at umorder ng espresso.
"Himala... wala ang mahaba mong order. Akala ko ay aabutin ako ng kalahating oras dito dahil ikaw na naman ang nasa harapan ng pila." Sarcastic na sabi ni Jacob.
Binigay sa akin ng barista ang order ko.
"Lagyan mo ng Clorox ang kape niyan ng bumula ang bibig." Sabi ko sa barista sabay turo kay Jacob.
Umupo ako sa labas at mas masarap ang hangin doon. Mas presko kaysa sa hangin na nilalabas ng aircon. Maya-maya pa ay tumabi si Jacob sa akin. Lumingon ako sa paligid. Wala na bang ibang table? Jusme, masakit na nga ang ulo ko, nakasimangot pa itong tumable sa akin.
"Isave mo ang pangaral mo at masakit ang ulo ko." Banta ko kay Jacob.
"Wala akong pake. Kung hindi ako dumating, ewan ko kung saan ka pupulutin kagabi."
"I was in control last night."
He snorted at humigop ng kape.
"Alam mo Dakota, minsan mapapahamak ka sa ginagawa mo. Hindi lahat ay kaibigan mo. Huwag kang matiwala."
"I know, right."
Parang ikaw. Naningkit ang mga mata ni Jacob sa akin. Kulay honey ang mga mata niya. Namana niya kay Tito Kyle.
"Dakota..."
"Just...stop...Jacob. I have a killer headache. At isang busa mo pa, maliligo ka na ng kape."
Jacob shut his mouth
"Ano ba ang ininom mo at may hang-over ka?"
"Beer. Wine. Brandy..." I murmured.
"Magaling ka din. Hindi pinaghahalo ang alak." Simula na naman sa pangaral si Jacob.
"Di ba sabi ko shut up ka lang."
"Ang tigas ng ulo mo. Ayaw mo pang napapagsabihan."
"Sino ba gustong napapagsabihan? Iharapan mo sa akin ng masampal." Naiinis na sagot ko kay Jacob. Aga-aga... tangina Jacob. Parang friends tayo kung umasta ka ah...
Nakakunot ang noo ni Jacob habang nakatitig sa akin. Bigla akong na-conscious at kinilabutan.
"Stop staring me... Para mo akong gigilitan."
"Malapit na kitang gilitan kung hindi ka aayos." Sagot niya.
"Umalis ka nga... nakakasira ka ng araw. Jusme, Jacob... Masakit talaga ang ulo ko." Reklamo ko sa kanya.
Mayroong kinuha si Jacob sa bulsa ng sweater niya at nilapag sa lamesa.
Gamot?!
"Para mawala yang sakit ng ulo mo. Hindi nga lang tatalab yan sa klase ng sakit ng ulo ng parents mo sa iyo." Tumayo si Jacob at iniwan ko.
Antipatiko...
Para talagang may nagbabarena sa utak ko. Kinuha ko ang gamot na binigay ni Jacob at hinanap ang generic name. Wala namang pangalan. Kapag bumula bibig ko... mumultuhin kita Jake.
Ininom ko ang gamot kasabay ng kape...
Mga ilang minuto na din akong nakaupo sa Starbucks ng maramdaman kong nawawala ang sakit ng ulo ko. Aba... hindi yata ako mamamatay today.
I decide na tumambay sa Sweet Bells. Napapakalma ako ng amoy ng cupcakes doon. Naabutan ko si daddy na palabas na ng shop pero bumalik ulit ng makita ako. Oh em geee...
"Mabuti at nagising ka pa?" Sermon ni daddy sa akin.
"Daddyyy..." Makukuha ko kaya sa lambing si dad. Niyakap ko si daddy na ikinaikot ng mata ng aking beautiful mother. How to be you po, mommy?
"Aba, hindi mo ako makukuha sa padaddy mo ngayon. Umayos ka." Sita ni daddy.
Mabuti at walang customer... jusme, nakakahiya.
"Alam mo kung paano ka nakauwi?" Mukhang bad trip nga si daddy sa akin.
"Hinatid ako ni Jacob."
"Exactly. Hindi ka na makauwi ng maayos dahil sa mga nainom mo. Dinaig mo pa ako."
"Dad..."
Aba, tinaasan ako ng isang kilay ni daddy. At si mommy ay nakatingin lamang sa amin.
"Paano ka nakitang lasing ni Jacob?"
Hay... Leche ka Juancho, ilalaglag kita.
"Actually Dad, I was helping Juancho ng makita ko si Jacob."
At pinaliwanag ko sa kanila ang nangyari. Without exaggeration na muntik ng maiuwi si Juancho ni Arabella.
"Papuntahin mo sa bahay yang si Juancho." Sabi ni mommy. Naku lagot ka Juancho. Mapapalo ka.
"Kayong mga kabataan kayo... panay kayo inom." Nagsimula na naman si daddy. Si mommy ay natatawa na sa amin.
"Maniwala ka diyan sa daddy mo." Oh Lord, thank you Tita Diane at dumating ka. Napayakap ako kay Tita na bestfriend ni daddy.
"Dati nga ay niyayakap niya ang toilet bowl sa sobrang lasing." Dagdag pa ni Tita.
Natawa ako at nawala na ang trip ni daddy na pangaralan ako. Nabaling na kay Tita ang inis niya.
"Anak ko yan."
"At inaanak ko yan. Huwag ka nga Francisco Montalban."
Natawa kami ni mommy sa buong pangalan na itinawag kay daddy.
"Panay ka ka-echusan." Tita Diane winked at me and I was saved. Naiiling na lang si mommy sa amin.
The best talagang mangunsinti si Tita.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top