Chapter 19- Payo ni Tatay
Jacob
Nanahimik si Dakota hanggang sa makarating kami sa Country Club. Dumaan ako sa Admin Building at huminto sa tapat.
"Huwag kang lalabas ng Country Club," I told her.
"Dito na lang ba ako? Malayo pa bahay namin dito."
"Dalin mo na yang kotse. Hahanapin na lang kita mamaya."
"Seryoso ka ba?" She looked surprised.
"Pagdating sa'yo, seryoso ako."
She rolled her eyes at bumaba ng kotse.
"Ingat ka." Sabi ko bago ako pumasok sa Admin Building.
"Looking smug." Biro ni Gab pagpasok ko ng HQ.
"Tengene, bumili pa talaga ng Hummer para lang masundo si Dakota." Nakipag-high five si Kiro sa akin. Nahahawa na din kay Juancho itong isa na ito. Nagbibiro na.
"Paano nyo nalaman?" Umupo ako sa isang bakanteng upuan.
"Si Tito P. Sa kanya ka daw bumili...cash. Hayop, daming pera." Sagot ni Gab sa akin.
Ang bilis kumalat ng tanginang balita na iyan. Wala ka ng maitago, lahat alam ng lahat.
"Tanginang Mark yun, hanggang ngayon bitter." Ang lakas ng boses ni Tito Marcus ng dumating sila ni daddy.
"Eh gago, malamang bitter pa yun. Nabuntis ni Amboy yung anak nya eh." Sagot ni daddy.
Natingin silang dalawa sa amin ng tumawa kaming tatlo nila Gab at Kiro.
"Uy, Boy Bakod." Tawag ni Tito Marcus sa akin.
Hayop, nabigyan na agad ako ng palayaw. Lalong tumawa tuloy si Gab at Kiro.
"Nasaan ang Hummer mo?" Tanong ni Tito.
Tumango sa akin ni daddy at nakiupo sila sa grupo namin. Ano kaya mararamdaman ng mga nakakakilala sa amin kapag nakikita kaming magkakasama.
Tinuro ko ang labas pero hindi nagsalita.
"Manang-mana ka sa tatay mo. Bakod lang ng bakod, hindi nanliligaw."
Kumunot ang noo ni daddy sa sinabi ni Tito Marcus.
"Isa pang pagmamanahan mo yang si Tito Red mo. Best in Bakod Award din noong kapanahunan niya."
"Ano yun?" Pumasok si Tito Red sa HQ at narinig ang pangalan niya.
"Yang pamangkin mo, turuan mong mangbakod ng babae." Sagot ni Tito Marcus.
"Pakasalan mo na agad." Hindi ko alam kung serious o joke time ang sagot ni Tito Red.
"Tingnan mo, ganyan ang ginawa niya kay Marie. Pinakasalan agad... Tapos pinasundan sa body guard."
Tumawa si Tito Red at sumali sa grupo namin. Ano ito? Heart to heart?
"Hindi nga kailangan ng bodyguard, daddy, siya na mismo ang bodyguard." Kwento ni Gab.
"Ahh diyan ka lamang kay Red." Tito Marcus pointed out na ikinatawa ng bahagya ni daddy.
"Natakot siyang lumapit kay Marie, si Marie ang batas dito eh. Isang taon ang hinintay bago ulit nakausap."
"Si Jacob almost ten years ang hinintay." Sagot ni Kiro.
"Dami nyong alam ah."Angal ko sa kanila ni Gab.
Nagtawanan sila.
"Ano ba Jacob, kailangan mo ba ng payo? Kung pera kasi, alam kong marami ka niyan. Magkasing yaman na yata tayo." Tito said commented.
"Hindi naman Tito. Baka nasa kalahati mo pa lang ako." Mabilis na sagot ko.
"Pwedeng-pwede ng mag-asawa ito eh." Tinapik-tapik ni Tito Marcus ang balikat ko.
"Alam mo Jacob..." Simula ni Tito Red.
"Ayan na." Sabat ni Kiro.
"...kung hindi rin si Dakota ang papakasalan mo, huwag mo ng takutin lahat ng nanliligaw sa kanya."
"Pinapatay mo dapat." Sagot ni daddy. Kaya magkasundo kami ni daddy eh.
"Hehe, ang galing ng tatay mo ano?" Tanong ni Tito Marcus sa akin.
"Kayo na ba?" Usisa ni Tito Red.
Tumingin ako kay Tito Red ng deretso.
Umiling si Tito Marcus. "Malamang hindi pa. Ganyan din tumingin tatay mo kapag hindi ang sagot. Ano ang mapapayo mo sa anak mo?"
"Gusto ko ng apo na lalaki." Sagot ni daddy.
"Mamaya daw, Tito Kyle. Maaga pa." Tumatawang biro ni Gab.
"Huwag mo ng pangarapin mag-quadruplets. Ienjoy mo ang paggawa ng bata." Payo ni Tito Marcus.
"On a serious note, manligaw ka ng maayos, huwag kang mambakod lang. A woman deserves that." Naging serious na ulit ang usapan.
"Bouquet lang ang ibigay mo huwag kang bumili ng buong flower shop. Tangina ka, bumili ka pa talaga ng Hummer, pwede ka naman manghiram ng kotse. Ang daming kotse ni Red na pwede mong gamitin." Sabi ni Tito Marcus.
"She doesn't need flowers. Micro chip ang kailangan niya. Wala siyang transmitter." Katwiran ko.
"Kailangan niya pa rin ng flowers." Sagot ni daddy.
"Nasaan si Abigail?" Tanong niya kay Kiro.
"Kasama ni Sakura." Sagot ni Kiro.
Tumango si daddy sa akin. Okay na iyon. Si Tita Abby na ang bahala sa transmitter.
Pagkatapos akong payuhan nila daddy, Tito Red at Tito Marcus, nagsimula na kaming pag-usapan ang investigation namin sa human trafficking sa fashion industry. At nabanggit ko ang naencounter ni Dakota kanina during her meeting. Nilagay sa suspect list ang manager niya at si Mr. Carbon. All their calls will be monitored from now on.
"Kakausapin ko si Abby kung kaya niyang lagyan ng transmitter si Dakota mamaya." Sabi ni daddy.
"Kailan ang fashion show ni Dakota?"
"Next month meron siyang nabanggit. At yung VS fashion show na pinaghahandaan niya." Sagot ko.
"VS will be held in Singapore this year. That would be three months from now." Tito Red informed us.
"Jacob, kailangan mong makapasok sa fashion show with Dakota next month. Kaya mo na ba?" Tanong ni Tito Red. Tumango ako.
Tangina, pressure!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top