Chapter 11- Training

Jacob

"Bakit mo kailangan na matutong magmodelo?" Tumatawang tanong ni Juancho ng magkita kami.
"Work related."
"Ahh... Okay. Ayaw kong tanungin ang details. Anong klaseng modelling ba? Maraming klase kasi. Prints? Commercials? Runway?"
"Lahat." Maikling sagot ko.
Tumawa na naman si Jauncho.
"Ano ba? Tatamaan ka sa akin."
Tinaas ni Juancho ang dalawang kamay. "Hindi kita kayang tulungan sa iba... Kailangan mo si Margaux at Dakota."
" 'Di ba sinabihan mo na si Dakota kahapon?"
Tumango si Juancho. "Akala ko for inspiration lang eh."

"Late ka na naman." Bungad ni Juancho ng pumasok si Dakota sa dance studio na pinareserve ko.
"Sakit ng katawan ko eh." She replied. Naka-yoga pants siya ngayon at university hoodie.
"Bakit? Training?"
Tumango siya kay Juancho.
"Para saan ba ito?" Tanong ni Dakota at umupo sa pagitan namin ni Juancho.
Pinapanood ko siya sa cctv kanina habang nagwowork out kasama si Macky. Malapit ng mamatay si Macky. Panay pisil sa hita ni Dakota kahapon pa.
"Hintayin natin si Margaux." Juancho replied.
Nahiga si Dakota sa sahig na akala mo bahay niya ito.

"Nakakapagod..." She murmured.
Juancho chuckled. "Magrerecontract ka ba sa VS?"
"Iniisip ko nga na huwag na." She replied. "Hirap sa lingerie kailangan imaintain ang certain na size ng bewang."
Mukha ngang pagod si Dakota. Apat na oras din siyang nagtatraining kanina.

"Sorry. Late na naman ako." Pumasok si Margaux at naupo sa tabi ni Juancho.
"Para saan ba ito?"

Natingin si Juancho sa akin at kinalabit si Dakota para umupo ng maayos.
"Kasi ganito. Natalo sa pustahan si Jacob kaya kailangan niyang pumasok sa modelling ngayon." Paliwanag ni Jauncho. Talaga, may kwento ka na hindi ko alam? Dakota chuckled beside me.
"Seryoso ka?" Natatawang tanong ni Dakota. Si Margaux naman ay hindi alam kung tatawa o tatahimik.
"Oo nga. So ayun, pinaline up ko siya. Kailangan natin siyang turuan ngayon." Paliwanag ni Juancho.
Tumawa ng tuluyan si Dakota. Napayuko si Margaux at nagtago sa likod ng hand bag niya.
"Kanino ka natalo sa pustahan?" Usisa ni Dakota sa akin.
"Kay Kiro." I replied. Hindi nila mauusisa si Kiro.

"Margaux, any inputs?" Natatawang tanong ni Jauncho.
Margaux cleared her throat. "Facial... and haircut... and pwede ka bang ahitan kahit kaunti?"

Report in two weeks, Jacob.

Wala akong magawa kung hindi tumango. Si Dakota ay naluluha sa kakatawa.
"Tumigil ka nga." I said to her na lalo niyang ikinatawa.
"Kailangan siyang matuto sa runway. Kailangan din niyang matuto mag-pose for prints. Mayroon tayong less than two weeks."
"Oh dear. Magandang joke ito." Sabi ni Dakota. Si Margaux ay nagsisimula ng magtype sa Ipad niya.

"Open ka bukas ng umaga for fitting?" Tanong ni Margaux sa akin.
"For what?" Naguguluhang tanong ko.
"Uhmm... kailangan mo ng mga bagong... outfit." She replied.

Tang-ina... Parang naririnig kong tumatawa siXykie sa utak ko. Napabuntong hininga na lang ako at tumango.

"Good. Kapag okay na ang mga outfit mo, kailangan mong magpractice for pictorial." Nagtype ulit si Margaux.
"Koko, kaya ba ng schedule mo?" Tanong ni Margaux kay Dakota.
"Four hours pa lang naman ang training ko ngayon. Free ako sa hapon." Sagot niDakota.
"Okay... so Jacob, kailangan kong magpabook ng photographer kay Tita Lise. Para maging at ease ka lang sa camera. Dakota will help you. Sige ako na lang stylist mo, hindi na kita ibibigay sa tauhan ko. Anything else?" Mahabang paliwanag ni Margaux.
"Actually, I don't have any idea what am I doing." I replied.

"Sa tingin ko, okay na muna iyon. Ngayon, you need to practice your walk." Tumayo si Juancho at pumunta sa dulo. Lumakad siya at huminto sa harapan ko.
"Ano yang ginagawa mo?" Tanong ko na ikinatawa ni Dakota at Margaux. Napahiga si Dakota sa sobrang tawa.
"Pambihira. Kailangan mong matutong lumakad sa runway. Hindi lang basta lakad iyon. Tumayo ka na, sabayan mo ako." Sabi ni Juancho.

Tumingin ako sa cctv. Pakiramdam ko gumugulong sa tawa kung sino man ang nanonood doon. Malamang si Xykie.

Tumayo ako sa tabi ni Juancho at sinundan siyang maglakad.
"Mali... isa pa." Sabi niya.
Si Margaux at Dakota, natatawa sa dulo ng studio.
"Deretso lang ang lakad, Jacob." Dagdag ni Juancho.
Nakailangng balik kami ni Juancho sa dulo pero hindi ko alam kung ano ang mali. Deretcho naman akong maglakad. Ano problema nila?

"Para kang kakatuli kung maglakad ka." Dakota commented na lalong nilang ikinatawa.

"Ulit. Right over left... Pero hindi kagaya ng lakad ng babae. Basta right foot muna." Umulit ulit kami ni Juancho. Umulit kami ng umulit. Hindi ko maintindihan kung bakit right foot lagi.

"Mali..." Sigaw ni Dakota.
"Arrrgghhh..." Naiinis ako ng pinabalik ako sa dulo.
"Para kang may luslos kung maglakad." Sabi niya pa. Si Margaux ay naluha na naman sa kakatawa.
Nakaupo na si Juancho at napagod na daw siya kakatawa. Tumayo si Dakota at lumapit sa akin.

"Chin up. Straight body." Itinaas niya ang baba ko.
"Eh di hindi ko makikita yang floor."
"Chin up." Pilit niyang itinataas ang baba ko. Eh ayaw ko nga.
"Chin up sabi." Sinuntok ako ng mahina sa baba.
"Puta..."

"Itaas mo yang baba mo. Tutal maangas ka naman bakit di mo gamitin sa runway? Kung kailan ka kailangang mag-angas saka ka nahihiya." Sigaw niya sa akin.

"Sa harap ka tumingin, huwag sa paa mo." Tumayo siya sa tabi ko at naunang maglakad.
"See? Chin up, right foot first. The rest will follow."

Sinubukan ko ulit.
"Balik." Sabi ni Dakota hindi pa man ako nakakaabot sa dulo ng studio.
Nakasampong balik yata ako bago ako nakaderetsong lakad sa dulo ng studio.

Pumalakpak silang tatlo ng natapat ako kay Juancho.

"After 45 years." Sabi nito. "Ngayon yung pag-ikot mo naman."

Tang-ina... Iikot pa?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top