Chapter 4
"Sure ka na ba ro'n kay Giselle?" paninigurado pa ni Gin sa kaibigan. "Baka naman ginogood time tayo no'n? Hindi ko naman first time, pero baka nabudol ka niya."
Natawa naman si Klay. "Alam mo, ang OA mo mag-isip obit."
"Obit?!" saad nito na parang na-offend pa sa sinabi ng kaibigam. "Alkab ka naman!"
"Obit," pang-aasar pa ni Klay.
"Ekib!"
"Mahilig kumain ng pussy."
"Nangdi-deep throat ng talong."
"Nanunundot ng vageygey."
"Sumisinghot ng singit."
"Nananampal ng puday."
"Nakikipag espadahan."
"Humihigop ng tams."
"Ay, ayoko na. Ang laswa na ng bibig mo," biglang sagot ni Klay. "Ang dumi-dumi ko na dahil diyan sa mga pinagsasabi mo. Nasisira ang virgin image ko, e."
"Wow!" OA na komento ni Gin. "Nahiya naman ako, ah? Ikaw, virgin?! Sinong niloko mo? Lelang mo."
Hinampas naman ni Klay si Gin sa braso dahil napalakas din ang boses nito. Napansin kasi niyang napatingin pa ang ilang tao na malapit sa kanila nang sabihin niyon ng kaibigan. Hindi naman niya gustong ipagsigawan 'yon, pero 'yon naman ang totoo. Hindi naman niya ikinahihiya 'yon, pero super extra kasi ng bibig ni Gin at kung ano-ano pang lumalabas do'n. Hindi na ma-control kung anong gustong sabihin.
"Ikaw naman nagsimula, e," dahilan pa ni Gin. "Ginaya lang kita. Ikaw pala unang bibigay, e."
"Matagal na akong bumigay, dear," ngisi pa ni Klay. "Tapos ka na ba? Punta na tayo ro'n sa sinasabi ni Giselle na beach party. Baka naman it's about time na for me na maghanap ng iba."
"Ano 'yon?" Taas pa ng kilay ni Gin matapos kuwestiyonin ang binanggit ng kaibigan. "Anong it's about time na, ha? May hindi ka ba sinasabi sa akin na hindi ko alam? Alam mo, it's time to get clean na habang maaga pa. Baka kapag hindi mo pa sinabi sa akin, uuwi na agad ako bukas. Bahala ka sa buhay mo rito sa Elyu."
"Grabe ka naman?! Napaka-OA mo talaga otib," balik ni Klay. "Pero, oo na! Aamin na ako, pero 'wag kang OA mag-react, ha! Makinig ka lang sa akin. Nandito na rin naman tayo sa Elyu, bakit hindi pa natin sulitin, 'di ba?!"
"Okay. So, ano nga ba talagang dahilan bakit atyo pumunta rito sa Elyu? Nandito ba ang sugar daddy mo?"
Napigilang matawa ni Klay. "Otib! Kung nandito ang sugar daddy ko, for sure, hindi lang Elyu ang pupuntahan natin. Baka pumunta pa tayo ng Boracay, Palawan, o Siargao, e! Pero, hindi, e. Mukhang wala namang balak na pumunta ng Pilipinas 'yon, pero keri naman!"
Napakamot ng ulo si Gin. "Ang daming sinasabi?"
"Girl, nagtatanong ka na, e!" Klay countered. "Sinasagot ko lang naman. Anyway, pero wait, bago ko simulan, mag-promise ka muna na hindi ka magrereact ng napaka-OA, ha? Kung gagawin mo 'yon, mamalasin ka sa love life mo forever."
"Gago ka talaga," aniya. "Dinamay mo pa talaga love life ko, 'no? Alam mo na ngang nasa disyerto phase tayo ngayon? Bawiin mo 'yon, baka magkatotoo pa, e!"
"Okay binabawi ko na!" sabi pa ni Klay. "Basta hindi ka lang magiging OA, your love life would be good."
Napaikot ang mata ni Gin sabay bitaw ng iritadong buntonghininga pa. "Fine, whatever you say."
"So. . . the reason is, I was about to meet someone from Grindr here, pero in-indian, ako," pag-amin pa ni Klay. Naningkit ang mata ni Gin saka ito napahalukipkip dahil at the back of her mind, may ideya na siya na gano'n nga ang nangyari, pero hindi niya lang ipinaalam sa kaibigan dahil baka bakasyon nga lang talaga ang habol nito at hindi burat. "As you know now it already, walang mangyayaring meet-up dahil hindi nga niya ako sinipot."
"E, saan ka galing kanina? Wala kang mineet kanina?" tanong pa ni Gin.
Umiling naman si Klay. Iyon naman ang totoo, pero may slight doubt pa rin ang kaibigan nito. "Maniwala ka sa akin o hindi, naglakad-lakad lang din talaga ako kanina tapos bumili ng fruit shake sa store nila Giselle. Wala akong mineet, pero may foreigner na surfer akong nakita kanina."
"Ayan na nga, nagsisimula na ang kalandian," komento pa nito. "Mabalik tayo ro'n sa ka-meet up mo sana. Bakit hindi ka sinipot? Anong nangyari?"
Napakibit balikat naman si Klay. Bukod sa mga sinabi nito kanina, wala na siyang ibang alam kompara do'n. "Nagkausap kami a few days ago. Nasa Manila pa, of course. Siya ang nagyaya sa akin na pumunta ng La Union dahil pupunta raw sila ng mga kaibiigan niya. I was excited kasi alam mo na. . . daks," pagkukuwento pa nito at hindi maiwasang mamula nang pumasok na naman sa isipan ang tarugo ng lalaki. "Pero kanina lang, nag-reply siya sa akin na hindi na raw sila pupunta at may finuck na raw siya. So, ano pang gagawin ko rito, right? Siya ang ipinunta ko tapos biglang hindi siya tutuloy? What the fuck lang talaga."
Hindi naman mapigilang matawa ni Gin.
"Hindi 'yon nakakatawa, Gwendolyn," asar na suway ng kaibigan nito.
"It's funny kasi nagpauto ka na naman, e," saad nito. "Ilang beses ka ng may minemeet tapos hindi ka naman kinikita. Sa tingin mo, sino na ang may problema?"
"Grabe ka naman. Gano'n na ba ako kapangit at kadesperada? Sila naman unang nagcha-chat sa akin, pero kapag meet-up na, sila naman 'tong umaatras. Parang mga walang bayag, e."
"Buti ka pa, 'no? Kahit ekib, malaki ang bayag."
"Bunganga mo ha," natatawang tugon ni Klay. "Pero, it's a fact naman 'yan!"
"Okay, anyway, gets na kita. 'Wag mo nang dibdibin kung hindi ka naman mineet no'ng lalaki mo. Nandito naman ako. Ako maghahanap for you."
"Okay na ako, otib," sabi pa ni Klay. "Wala ka naman kasing taste mangreto sa akin, e. Ako na lang ang magrereto sa 'yo ng mga girlalu rito. I think, at this time, open na rin naman ang ibang tao for lesbian sex, e."
"O, bunganga mo," suway naman ni Gin sa kanya. "Alam mo, let's go to the beach party na lang. It's about time for us to have fun. Kalimutan mo na 'yong mga lalaki mo. Magsawa ka rito."
"Wow, support 'yarn?" ngisi pa ni Klay.
"Of course! Hindi lang naman ikaw ang lalaban, e." Ngiti pa ni Gin na alam nang may iba itong binabalak.
Natapos din namang kumain ang dalawa at nagpasya na itong puntahan ang lugar na tinutukoy ni Giselle. Hindi pa nila alam kung saan banda 'yon kaya sinearch muna ni Klay online at hindi naman pala nalalayo sa kanila ang lugar na 'yon. Tinungo naman nila ang daan papunta ro'n. Nang mapansin nila na may ilang tao rin na papunta na nakakasabay nila sa paglalakad papunta sa destinasyon nila ay nasigurado naman nila na tama ang pinupuntahan nila.
"Ano bang dapat i-expect natin dito?" tanong pa ni Gin. "Super wild ba ang mga tao rito? Alam mo taong BGC naman tayo, pero baka ma-culture shock tayo rito, ha?"
"Hindi ko rin naman alam, girl. Hanapin na lang natin si Giselle."
"Sure ka ba na nando'n 'yon? Baka naman wala."
"Let's see. Kung wala siya, e 'di, magsaya tayo. Hindi naman ata kawalan 'yon. I just know, maraming boys do'n ngayon."
"I hope the same thing for me," sabi naman ni Gin.
Nang marating nila ang fun house, obviously, they weren't expecting fun it would be kung sa labas pa lamang ay naririnig na nila ang tugtugan. Napuno ng excitement ang dalawa. Maraming tao sa paligid at ramdam nila na kakaiba ang vibes nito mula sa mga party na napuntahan nila. It could be one of the best things na napuntahan nila. They have to see it firsthand at ma-experience kung ano nga ba ang dala ng Elyu para sa kanila.
As soon as they reached the area, where bright colors were popping everywhere and people were crouching on the ground, they knew they'd be experiencing something unique.
"Sabi ko na, e. Parang pamilyar 'to sa akin," sabi pa ni Gin. "Madalas kong makita sa feed ko 'to, e. Itong-ito nga 'yon, e."
"Same!" sabi naman ni Klay. "Madalas ko ring makita 'to. Lalo na sa TikTok? So, ito pala 'yon. . ."
"Klay!" Mabilis namang tumapon ang atensyon nito nang marinig niya ang pangalan niya. Medyo maingay rin talaga ang paligid dahil bukod sa music ay 'yong mga ingay ng guests ay nangingibabaw rin. Nang makita ni Klay at Gin si Giselle na kumakaway sa kanila ay sinensenyasahan naman sila nila na lumapit sa kanila.
"May mga kasama pala siya, e," sabi pa ni Gin habang tumungo sila sa direksyon nila Giselle. Kinakabalit pa ang kaibigan para umatras sila. "'Wag na kaya tayo sumali sa kanila? Nakakahiya naman. Mukhang magkakakilala naman sila. Saling kitkit na naman tayo, e."
"Okay lang 'yan," panatag na sabi ni Klay. "Feeling ko naman hindi niya tayo i-invite kung hindi ia-out of place lang din tayo. Let's just experience it tonight tapos over the weekend, bahala na tayong dalawa na magsarili."
"Magsarili?!" she questioned.
"You know what I mean. Ang manyak din talaga ng utak mo minsan, 'no?"
"Mana lang sa 'yo," sagot pa ni Gin.
Nang matunton ng dalawa ng pwesto nila Giselle ay sumali naman sila sa pagkakasalampak sa sahig. Ipinakilala rin naman ni Giselle ang dalawang bagong kaibigan kina Ashton, Brian, at Caira—na may lokal na sa Elyu.
"Bagong dating lang ba kayo?" tanong naman ni Ashton.
"Yes, kaninang tanghali lang din kami nakarating," sagot ni Klay. "Alam niyo 'yon, akala namin walang katao-tao ngayon sa Elyu, pero ang dami naman palang tao tonight?"
"Magugulat ka na lang talaga," sabi pa ni Caira. "If you don't mind m asking, anong pronouns niyo? I'm asking din so we won't offend you."
"I'm gay," pag-amin pa ni Klay. "Halata naman siguro sa soft features ko 'yon. Muntik pa ako magpa-rejuvinate last week, mabuti na lang ay hindi ko tinuloy dahil siguro mag-iiba ang facelak ko over the weekend. Anyway, keri naman sa akin ang he/him and they/them."
Siniko naman ni Klay si Gin para sumagot sa tanong ni Caira.
"She/her," sagot ni Gin. "Pero, I like girls rather than boys. Pwede rin namang they/them."
"Gin talaga pangalan mo?" tanong pa ni Brian.
"Si Gwendolyn 'yan," sagot naman ni Klay.
"Weh? Nahiya naman ako sa 'yo, Karle Dayton, ha?!" sumbat ni Gin. "'Wag na 'wag mo akong lalabanan sa ganyan, ha? Hindi ako magpapatalo."
"Ang funny niyong dalawa," sabi pa ni Caira. "I like your vibes!"
"'Di ba, Cai? When I met Klay kanina, I knew he would be fun to hangout with. Mabuti na lang in-invite rin kita ngayon. Saka first night niyo, you would have a lot of fun."
"True," pagsang-ayon naman ni Caira. "Nasaan na rin ba si Jakko?"
Muntik nang masamid si Klay sa laway nito nang banggitin ni Caira 'yon. "Wait. Ano 'yong sabi mo?"
Natawa rin naman sila dahil alam nila kung anong pumasok sa isip ni Klay.
"Jakko kasi," sabi pa ni Giselle. "Nakita mo na kanina 'yon, Klay. Siya 'yong nagsu-surf na foreigner kanina."
"Oooh," he swooned as he realized. "Talaga ba?"
"Gwapo no'n, 'no?" sabi pa ni Caira. "Kaso hindi ko bet 'yon, e. Dinudugo ang ilong ko kapag kausap 'yong lalaking 'yon."
"'Yong mga gano'n type ni Klay," sabat pa ni Gin. Tinuro pa nito ang kaibigan niya. "Magulat kayo, may sugar daddy 'to."
"Huy, maghunos dili ka naman," pagsuway pa ni Klay sa kaibigan niya na natawa na lamang. Tiningnan naman niya ang mga bagong kaibigan at napangiwi na lang din naman ito. "Well, it's true. May sugar daddy ako, pero wala siya rito sa Pinas. You know. . ."
"You've hit a jackpot," komento pa ni Brian. "You have a sugar daddy and now you're in Elyu."
"Ilang araw niyo balak mag-stay rito?" tanong naman ni Caira.
"Over the weekend lang sila, Cai," sagot naman ni Giselle sa kaibigan. "Niyayaya ko nga si Klay na mag-extend sila ng one week dahil next week ay simula no'ng surfing competition kaya hindi dapat nila ma-miss 'yon."
"Speaking of the surfing competition," sabi ni Ashton. "Here comes the defending champion. . ."
Napalingon din naman sina Klay at Gin kung saan nakatingin ang apat at nakita nila ang lalaking foreigner na patungo sa direksyon nila. Napalunok ng laway si Klay nang makita ang foreigner na sumalo sa kanilang table. He sat next to Klay. Tulala naman ang ekib dahil doon. Kinalabit naman siya ni Gin dahil napansin nito ang paninigas ng katawan. Hindi kasi maiwasang mapatingin ni Klay sa mukha ng lalaki.
Nang lumingon sa kanya si Jakko ay nakangiti ito. Tinitigan pa ang lalaki hangga't sa maalala nito ang pagmumukha niya.
"Oh, it's you!" banggit pa ni Jakko sabay turo nito kay Klay. "I thought you're familiar as I saw you earlier. But I'm sorry, what's your name?"
"I'm Klay. . . K, L, A, Y."
"Oh, that's a cute name. Nice to meet you, Klay. I'm Jakko. Not with an L because I know what that means."
Klay giggled. Jakko offered his hands at nag-shake hands ang dalawa. Nagpakilala rin naman si Gin sa foreigner, pero hindi ito masyadong intimitado katulad ni Klay. To start the night, Jakko ordered two buckets of beer for their table and they celebrated as if it would come down to something more fun, and who knew what could happen by then.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top