Way to Home

Way to Home

Blangko kong tinitigan ang bintana. Malakas ang hangin at ulan mula sa labas ng bus na sinasakyan ko. May bagyo pero hindi maulan kaninang papunta pa lang ako.

Ngayon lamang dumating ang tunay na hagupit ng bagyo.

7530, number ng bus. I suddenly wonder kung may wifi ba. Kaso naalala kong namatay na ang phone ko kanina.

'Prepare to stop.'

Tatlong salitang tatlong beses na inulit ng utak ko. Hindi ko alam kung nabasa ko ba sa isang signage sa gilid ng kalsadang binabagtas namin o narinig ko lang sa pelikulang pinapanuod ng mga tao sa tv na nagpi-play sa air-conditioned bus na sinakyan ko.

'Prepare to stop?' Tinanong ko ang sarili ko at ikinunot ang noo.

Napangiti ako nang maisip ang dilaw sa traffic light. Hindi alam ng karamihan sa mga tao kung anong sinisimbolo pero tingin ko iyon nga iyon.

Ang problema lang ay walang traffic light sa probinsyang ito. Kaya hindi ko din alam kung bakit ko naiugnay at naisip na iyon ang dahilan kung bakit nadapo sa isip ko ang mga katagang 'prepare to stop'.

Siguro dahil dilaw ang kurtinang nakaharang sa bintana?

Ewan ko.

I prepared myself to stop. Baka binulungan lang ako ng tadhana na hihinto ang bus para magsakay o magbaba ng ibang pasahero.

Pero hindi, walang dumating na paghinto.

Tuloy-tuloy lang ang naging pagtakbo. Nakita ko pa sa gilid ng bintana ko ang mataas na baha kahit na dalawang oras pa lamang ang nakakalipas bago nagsimula ang ulan sa pagbuhos.

As the rainwater, rich in juices of mud, splashed by the side tire, I thought of myself being in a ship in a wide sea with a dolphin accompanying my travel. Pero hindi ito dagat kaya natigil ako.

Madulas na ang kalsada dahil basa na ang makapal na espaltong nakadikit dito.

Hindi kami nasa taas para sumunod sa agos ng daan pababa pero mabilis pa din ang takbo kahit binabalaan na ng isang pasahero sa harap ang drayber.

Sinaway ng konduktor ang mga tao at pinakalma. Sinabi niyang alam nito ang ginagawa niya at hayaan lang namin siya.

Pero buhay din namin ito at may karapatan kami.

Sa isang pikit ng mata, biglang mas naging matulin ang lahat. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay parang huminto saglit ang mundo ko.

Hindi ko alam kung tatayo ako para pagalitan ang drayber at pumara na lamang sa tabi o yuyuko na lang, magtatago, tatakpan ang ulo at kakapit sa harapang upuan para hindi masyadong masaktan.

Sa huling mga segundo, naalala ko ang paghabol ng kolehiyalang nakatayo sa bus na papaalis, marami siyang bag at nakasupot pa ang ilang libro, naisip ko din ang usapan ng nanay at anak tungkol sa tsokolateng binili, huwag daw munang kainin dahil maghahati pa sila ng isa pang kapatid na naiwan sa bahay. Nakita ko ulit ang pagkahulog ng bag ng kuyang nasa gilid at pagpulot ng matandang babae pati ang pagpapaupo ng katabi ko sa isa pang batang babae. Naalala ko ang pagtatanong sa akin ng konduktor kung saan ako bababa at ang pagsingil niya sa akin ng pamasahe. Sinabi ko pang estudyante pero wala akong nakuhang discount dahil wala akong maipakitang ID. Biyernes, may pasok sana kung hindi lang pinakansela ang klase. Nakalimutan ko ang ID. Hindi naman kasi ako naglakwatya para pumasok sa eskwela. Nagwaldas lang ako ng pera. Hindi naman ako hahanapan ng guard ng mall ng ID para lang papasukin ako sa loob ng building.

Naalala ko ang sinabi ng katabi ko sa kausap niya sa telepono. Malapit na daw siya, dalawang barangay na lamang, abangan niya sa may shed, magdala ng payong dahil umuulan.

Katahimikan.

Nabaliktad ang maraming upuan, sa ilalim ay mga taong duguan. Nahulog ang isang bag sa ulo ko pero wala akong panahon para indahin iyon dahil tapos na ang huling segundo.

Way to home.

-------*

I will tell you some facts so this can be more legit. Totoong may bagyo, biyernes at cancelled ang klase. Totoong pauwi ako, nakasakay sa air-conditioned na bus, totoong may nagpi-play na movie sa tv, action. Hindi ko alam kung si James Bond ba pero kamukha niya na mas pinabata. Hindi ko pinapanuod dahil sa bintana lang ako nakatingin. Pero nakikita ko sa saradong bintana ang pabaliktad na repleksyon ng screen. Totoo ding dilaw ang kurtina at dumapo sa isip ko ang mga salitang 'prepare to stop'. I don't know why and then I decided to write it and do some twist.

But it's a relief nothing bad happened, except siguro sa nagpabihag na naman ako sa isang libro sa book store at nabawasan ang ipon ko. Too bad.

Vote and comment, please.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top