Epilogue

Toby


"His immune system is compromised and based on his tests, we can't be sure how long he can live."

Hindi ko pa naintindihan ang mga salitang iyon noon. But something about my parents' saddened eyes told me it wasn't good news. I was home-schooled from my early years in grade school and I spent most of my childhood days indoors, because of frequently being sick. That's when I got curious about books and started reading everything I got my hands on. At tingin ko, doon din ako nagsimulang maging kuryoso sa maraming bagay—sa lahat ng bagay.

Whenever I saw, heard, felt or even tasted something new, mas lalo akong nauuhaw na magkaroon pa nang panibagong kaalaman. Parang isang siklo na walang katapusan ngunit hindi nakakasawa. There was just something about new things that made my mind run wild. Hindi ko sigurado kung sabik ako sa mga iyon dahil pakiramdam ko limitado lang ang oras ko sa mundo—o kung dahil iyon sa pag-asa at paniniwala kong magkakaroon nang himala. Because dying too soon or not, all I wanted was to feel alive; No matter how short the time the heavens had given to me.

"Mali siya. Cucumber is a fruit and not a vegetable," rinig kong anas ng katabi. "Isn't that basic knowledge? Or is she trying to drop a joke? It's not funny though."

Bumaling ako sa kaniya at kumurap. "Why aren't you correcting her, then?"

Lumingon siyang pabalik sa akin, walang kahit anong bakas nang emosyon ang mukha niya pero parang ang talim niyang makatingin.

"She'll get uncomfortable."

"Yes, Leo?"

"Ma'am, may gusto pong sabihin si Rai." Napalingon ako sa batang lalaking nagsalita na nasa likod niya.

"Yes, Rai?"

Nakita ko ang pamumutla niya nang natuon sa kaniya ang atensyon ng mga kaklase namin. Sunod ang mahinang hagikgik ng bata sa likod niya.

Hindi ko alam kung anong naisip ko at bakit nagtaas ako ng kamay.

"Uh, Toby, yes?"

"Cucumber is one of the fruit commonly mistaken as vegetable. I read that once."

Natahimik ang buong classroom dahil sa sinabi ko. Ang batang babae naman ay napabaling sa akin, bahagyang awang ang mga labi sa gulat. Hindi ko alam kung may dapat ba akong sabihin kaya imbes na magsalita ay ngumiti na lang ako sa kaniya. Napakurap ako nang ilang beses nang hindi siya ngumiting pabalik. I stretched both corner of my lips wider but again, she just gave me a flat expression.

Nasapo ko ang kumawalang hagikgik habang maigi siyang pinagmamasdan, namamangha.

I didn't know until then that someone could keep a straight face for a long time like her. Marami na akong natutunan magmula nang makapasok ako sa school. Pero ang batang iyon yata ang pinakainteresante. Hindi ko mabasa ang iniisip niya at nararamdaman. Kahit ngayon na binubulabog siya ng batang tinawag ng teacher naming 'Leo', wala pa ring ekspresyon ang mukha niya. Parang hindi siya naiinis kahit inaasar siya nito.

"Gusto kong maging teacher."

Tumawa ang English Teacher namin, si Mister Velasco, dahil sa naibulalas ko sa pagkakamangha. He was my favourite teacher, mula elementary hanggang ngayon. Kada linggo ay binibigyan niya ako nang babasahing libro at pinagagawa rin niya ako ng reaction paper tungkol doon. We talked a lot about books and things about life. Ang pagkakamangha ay laging naiiwan sa akin pagkatapos. He was like a wise, life coach who knew a lot of things and I'd always admired him for inspiring a lot of youth, including me.

"Gusto kong maging army."

Tila nagniningning ang mga mata ko habang pinanonood ang award ceremony kung saan kasama si Colonel Arkiel Alvarez. Manghang-mangha kong tinunghayan ang bawat lakad at kilos niya at pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay siguradong-sigurado ako sa desisyon.

"Gusto kong maging doktor."

Ngumiti lang si Daddy sa akin pagkasulyap bago bumalik sa chini-check-up niya. Ibinalik ko ang ngiti niya at kuryosong pinanood ang usapan nila ng pasyente niya.

Maraming pagkakataon sa buhay ko na pinangarap kong maging tulad ng mga taong hinangaan ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nangyari iyon sa akin tuwing namamangha ako sa mga ito.

"Gusto kong maging lawyer."

Balewala lamang akong sinulyapan ni Leo bago muling nagpatuloy sa pagpapak ng chips.

"Gusto kong maging athlete."

Napailing si Reegan, kalaunan ay mahinang natawa habang pinanonood akong kumain nang baong sandwich. Sinundan ko naman siya nang manghang tingin hanggang sa tumakbo siyang pabalik sa soccer field.

"Gusto kong maging artist."

Alanganin akong nginitian ng art teacher namin habang nagpapabalik-balik sa akin ang tingin at sa ipinasa kong art project.

"Gusto kong maging presidente ng Pilipinas."

Mula sa pagkakasamid ay bumunghalit nang malakas na tawa si Jackie.

Ngunit sa lahat ng bagay na pinangarap kong maging sa hinaharap, mayroong iisang bagay na hindi lang nagpamangha kundi nagpasindak din sa akin.

"Gusto kong... gusto kong maging manunulat." Ang nakabibinging dagundong mula sa dibdib ko ang nagkumpirma nang magkakahalong takot, kasabikan at saya sa sistema ko.

I never felt something like it before. Walang kahit na anong bagay ang kayang magparamdam sa akin nang lahat ng iyon nang sabay-sabay—kahit ang mga bagong kaalaman ay walang panama.

"That's interesting."

Mula sa mahigpit na pagsapo sa nagwawala kong dibdib ay napabaling ako kay Rai. Nang mapansin niya ang pagtingin ko'y huminto siya sa pag-browse ng mga libro para lingunin ako pabalik.

"You think?"

"It's fitting. For a lame airhead who can't stop dropping his weird ideas and fun facts." Dahan-dahan siyang tumango. "I wonder what kind of book you'll write about."

Hindi ko lubos akalaing may ikalalakas pa ang dagundong ng puso ko. Para na iyong sasabog sa sobrang bilis.

"Nakakatakot..."

Mahina siyang natawa. "That means you're about to take the right choice."

Umawang ang mga labi ko habang pinagmamasdan ang pagngiti niya.

"You can't call it a dream unless it scares the hell out of you..."

Right. She was right.

It was the day when I finished my summer writing workshop that I got the news about my coming end. This time for sure, the doctors said. Cruel as it might seem, I didn't get the feeling of life outwitting me. Because for one thing, I always thought of my every waking day to be my last. Sinisigurado kong araw-araw ay handa akong magpaalam. Kaya nang malaman ko iyon, pakiramdam ko'y wala namang bago. If anything, it was the other way around, it felt like I outwitted life because before I descend, I got to know what I really wanted in the end. I get to find my reason for being born.

To connect, inspire and save people. Not in a hero sense, no. But in a sense of being a good fellow.

Masyado nang madilim ang mundo para manatili tayong nakapikit. May mga taong nagpapalamon sa kadilimang gawa ng isip nila, lahat naman tayo ay dumaraan sa ganitong punto. Ngunit imbes na magpalukob sa karimlan, pinili kong hanapin ang liwanag at magsilbing tanglaw. Upang maging parte at instrumento sa pagbibigay nang lakas ng loob sa mga taong imulat ang mga mata nila, para makita ang liwanag—ang pag-asa at lahat nang magagandang bagay na hindi nila magawang makita kaakibat nang dilim.

At kung may panghihinayang man ako ay marahil dahil hindi na ako mabubuhay pa nang mas matagal para ituloy ang layuning iyon.

Pagkatapos ng huling araw ng Mayo ay siyang simula nang panibagong buwan. Panibagong school year. Panibagong panahon. Panibagong karanasan. Panibagong mundo. Panibagong araw. For someone who's fond of new things, that's one thing I like about the last of May.

To the girl with sadness in her eyes, I hope you could read this someday... after I'm gone.

Losing your loved ones in death isn't the end. You are a living proof that they lived so you must live on because that way, you'll always carry a part of them with you.

And hey, I'm sure you'll stumble upon someone who'll stay and be with you 'til end of time. But until then, just hold on. And please, show your pretty smile more. Fun fact: it heals the world!

Huminto ako sa pagtakbo nang makarating sa pangatlong street. I smiled to myself after recalling our silly conversation. Nasapo ko ang batok.

"Just Toby?" bulong ko sa sarili sabay tawa.

Isang mabining hangin ang sumalubong sa akin pagkalingon sa mga nagsasayawang dilaw na dahon ng mga puno ng Malaybalay, malapit sa bandang ilog doon sa gilid ng kalsada. Parang kaya kong panoorin ang paglipad patungo sa daan ng ilang laglag na dahon mula sa puno niyon, buong maghapon, habang pinakikiramdaman ang pagdampi ng palubog nang araw sa balat.

The setting sun was always golden—just like the colour of every end waiting to be reborn as a new beginning.

The side of my lips stretched more widely as I savour the breath-taking view of the town I grew up to. Araw-araw kong nakikita ang tanawing iyon ngunit sa kung anong dahilan ay pakiramdam ko lagi iyong bago. And I'd never get tired of just looking at it, how all the people I love were here, how all the memories I have and shared with them would remain even if I cease to exist.

Ang sarap mabuhay.

For the most talented bloke I know, read this out loud: the world is a cruel place—and thinking of ending things including your life doesn't make you any less of a person.

There may be wounds we can never mend but know that it's okay. You no longer have to pretend it didn't hurt. Grieve. Cry. Scream your rage to the world. Because you have every frigging rights!

I promise you, it will come; a day when you can finally come to terms with your pain. And I hope, you'll turn it into something more than ugly scars.

Patawid na ako sa kalsada nang hinugot ko ang phone sa bulsa. Tinawagan ko ang nag-iisang taong paniguradong makakaintindi nang madamdaming senaryo nang paglubog ng araw.

Tumawa ako sa sarili. And like a light bulb, a sudden story concept sparked inside my head.

I've never felt this thrilled my whole life before. At gusto kong sabihin sa kaniya ang lahat ng iyon. Kung paanong parating ang pagtatapos at simula. Kung paano ko natagpuan ang kahulugan nang pananatili ko sa mundo at kung sino-sinu ang naging parte niyon, kasama siya.

"Ang tagal namang sumagot ng ungas na 'to." Ngumisi ako. Isang sulyap sa kalsada at saka ako tumawid, ang phone ay nasa tainga.

Ngunit nasa kalagitnaan pa lang ako ng daan nang may kakaibang sakit na gumapang sa buo kong sistema. Lahat nang hangin sa baga ko'y tila naubos nang manigas ako sa kinatatayuan. Para akong nilalamon at sinasakal ng kirot nang sinapo ko ang dibdib at sinubukang huminga. Hindi maihakbang ang mga paa, tila bibigay ang mga tuhod ko. Hanggang sa unti-unting dumilim ang paligid sa paningin ko. Kasabay nang matinis na tunog sa tainga ko ang pag-alingawngaw nang nakabibinging busina nang palapit na truck.

"Toby..."

Tandaan mo: hindi mo kasalanan. Kaya 'wag kang matakot na sumubok at magpatuloy. Dahil ang pagtatapos ay laging nasusundan nang panibagong simula. Katulad ng huling araw ng Mayo, maraming bago at magagandang bagay ang naghihintay at nakalaan para sa 'yo.

"Toby..."

"It's... o...kay..."

So when you visit my grave...

Can you please tell me that you didn't give up on yourself and your dreams?

That thing you always told me about—are you still doing those things you love that make you feel alive?

As you bring me flowers and sit there beside my tomb for a while, if you don't mind, will you tell me epic stories of your journey?

How have you been lately?

I know I'm not down there. But I promise...

I am all ears.


"Fin," I uttered after typing it in the word processor.

Matagal akong tumunganga sa nagbi-blink na cursor kasunod ng tatlong letrang salitang 'yon, hindi makapaniwala. For almost a year of writing, rewriting, cutting, adding salt and pepper and keep changing my mind countless of times—on how I would write and put together all the ideas inside my head, here it was.

And I couldn't believe it.

"It's done." Nasapo ko ang labi at ilang sandali pang tumitig sa screen ng laptop, scrutinizing it like I'd never seen one before. "It's done?"

Pagkabuga nang malalim na buntonghininga ay nasapo ko ng mga daliri ang noo. I was smiling like a dimwit while writing the last chapter.

But, "That was so bad." Parang baliw akong natawa nang mahina sa sarili. "I had to die like that just so the gang will get together? Seriously?"

Minsan hindi ko sigurado kung nakakatuwa pa ba ang mga ideya ko o ano.

"Toby!"

Mula sa malalim na pag-iisip ay napatalon ako sa gulat dahil sa palad na bumagsak sa balikat ko.

"Ano 'yan? Last of May? May ano ro'n?"

At bago pa man niya mabasa ang mga pinagta-type ko'y mabilis ko nang naibaba at naisara ang laptop. I gave him an innocent smile when he turned to me in a questioning look.

Itinabingi niya nang bahagya ang ulo nang magtagal ang pagpapalitan namin ng tingin. May sumusupil nang ngisi sa mga labi niya nang tinanong, "Nagsusulat ka?"

I burst in a pit of a nervous laughter.

"Pabasa!" Tuluyang kumawala ang ngiti niya na animong nakumpirma ng tawa ko ang tanong niya. "Tungkol saan? Last of May? Historical? Ano bang nangyari no'n?"

Muli akong natawa, umiiling. "It's a metaphor."

"Ng alin?"

"Last day of May signifies the end of summer or the end of sunny and reckless youthful days—a metaphor for the end of innocence from the cruelty of the world. Or at least for how everyone and everything bounds to leave and die at a certain point; followed by the rainy season, representing the part of the gloomy and painful days of growing up."

"Hmn." Bahagyang kumunot ang noo niya nang sinikop ang isang braso habang hinihimas ang baba, tila may malalim na iniisip. "That is freaking morbid."

Ilang sandali matapos magtamang muli ng mga tingin namin ay sabay kaming natawa.

"Tapos na? May nakita akong fin eh! Pabasa?"

I stiffened when I realized something: I didn't change their names on it. Why didn't I?

Kinumpas ko ang kamay sa ere. "Wala, 'wag mo nang basahin. It's just a crazy book idea. Aantukin ka lang 'pag nabasa mo." Sabay iling.

Nang makarinig ako nang mabibilis na yabag paalis ay nagtataka ko siyang nasundan ng tingin. Isang lingon sa study table ko at wala akong nadatnang laptop do'n. Wide eyes in mixed shame and fear, I briskly got up on my seat and ran after him.

"Clint!" Nagbanda-banda sa tahimik na hallway ng bahay ang sigaw ko. "Hoy ibalik mo 'yan! 'Wag mong basahin! Hoy! Marami pa 'kong ie-edit d'yan! Clint!"

I wasn't sick and I didn't lose a friend. But writing all of that felt like I walked that track. Well, they said that writers were good at putting themselves on others' shoes. And I was thinking that if I was really dying that way, I'd imagined all of that to happen—based on how I knew all of them personally. But I wasn't dying, or about to die in a tragic way. So, I guess, it's time to stop imagining and start doing all of that now—living a life with no regrets and being out in the world just to feel alive.

But before all that, I need my laptop now or I'll die out of embarrassment if he read what I had written.

Mabilis naisara ng ungas ang pintuan ng kwarto niya bago ko pa man siya maabutan. Kinalampag ko iyon.

"Clint!"

Narinig ko ang malakas niyang paghagalpak ng tawa mula sa loob. "Is this who I think it is?! Did you just kill yourself in your own novel?!" Sabay bukas ng pinto.

"Ibibigay mo ba sa 'kin pabalik ang laptop ko o hindi?"

Grinning, he shook his head no. Bumubuntonghininga ko na lamang sinukuan ang pagbawi ro'n.

"Fine. Read it all you want. Don't complain how crappy it is."

Inabala niya ang sarili sa pagbasa ro'n, yakap-yakap pa ang laptop ko na parang hahablutin ko 'yon sa kaniya bigla. Muntik pa akong matawa sa ayos niya.

He snorted all of a sudden, eyes never leaving the screen. "I can literally hear her voice. This is her, no doubt!"

"Wait 'til you read your side," I muttered.

"Huh? My side?" Sumulyap siya sa akin sandali. "Hoy sino 'tong gagong 'to—tumalon ng tulay! Huh?! Hoy—" Bumunghalit siya ng tawa. Matagal iyon hanggang sa halos hindi na siya makahinga. "Siraulo ka! Ako 'to ah?!"

I smirked then later on found myself laughing along with him. "You did jump in the bridge way back in eight grade!"

"Gagi boy, 'di mo man lang pinalitan pangalan ko!"

Panay ang tawa niya habang nagbabasa. While I was then thinking of how my last year in high school would ensue.

I guess I'll go by the book? With only one key difference like an alternate reality: I didn't die.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top