8 - See you again
[Present]
"H-hello?"
"Rai...
"Hindi ko alam kung naaalala mo pa ako... pero...
"Rai, ako 'to."
Kalahating hindi makapaniwala at kalahating gustong maghinagpis. Wala akong ibang nagawa kundi ang muling masapo ang mga labi. Gusto kong sumigaw ngunit nanunuyo ang lalamunan ko.
Paano kitang makakalimutan?—gusto ko sanang sabihin.
"I'm sorry if it took me years to reach out..."
Luminga ako sa apat na sulok ng kwarto na para bang makakahanap ako ng sagot sa mga pader. Dahil para pa rin akong nananaginip hanggang ngayon.
Is this really possible? Is it really him on the other line?
Sapo ko ang mga hikbing hindi ko na napigilan. Nabitiwan ko ang phone dahil sa panginginig ng kamay at nahantong ito sa kama. Gayunpama'y rinig ko pa rin ang boses niya mula sa kabilang linya dala nang katahimikan ng silid.
"Rai, please... pwede ba kitang makausap?"
Hindi ko mahanap ang mga tamang salita. Ni hindi ko mahanap kung saang dimensyon na napadpad ang utak ko.
"Kahit isang beses lang..."
"I-is this... is this really you?" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o lalong maiiyak sa pangangatal ng sariling boses.
Naisip ko kaagad na kung isa nga ito sa mga biro ng kung sino'y, hindi ko alam kung makakabawi pa ako pagkatapos.
"It's me."
Hindi ko na maawat ang sarili sa paghikbi. Sa apat na taong lumipas matapos nang pagkawala niya, wala akong ibang hiniling kundi ang makita siya ulit. Ang makausap siya ulit. Ang mailigtas siya. At sa dinami ng mga bagay na gusto kong sabihin sa kaniya sa mga lumipas na panahong iyon, ni isa ay walang humamak na magdaan sa mga labi ko ngayon. Tanging pag-iyak lamang ang nagawa ko na para bang kahapon lang nangyari ang lahat.
All memories of him, the good and the bad, suddenly felt devastating. I thought I was fooling myself that not going back here for a long time meant coming to terms with the past. But all along, the joke was on me.
"Pwede ba tayong magkita?"
Halos hindi ako kumukurap sa pagtitig sa pag-upo niya sa upuang nasa harap ng sa akin. Panay ang pagsikip ng dibdib ko habang pinapasadahan ng tingin ang bawat parte ng mukha niya, samantalang siya'y nakatuon ang mga mata sa magkasalikop na palad sa lamesa.
He looked so different from the boy I remembered years ago. Walang ni katiting na bakas ng ngiti o kahit anong ekspresyon ang mukha niya, 'di tulad ng dati. Pati nang kislap sa mga mata niya'y wala na rin. Sigurado akong siya ang parehong taong iyon ngunit may kung anong nagsasabi sa aking hindi na siya ang dating taong nakilala ko.
Parang gusto kong sampalin ang sarili dahil hindi pa rin ako kumbinsido hanggang ngayon na nangyayari ito.
Am I still in reality? Is this true?
Tumikhim siya at inabutan ako ng tissue nang hindi nagtatapon ng tingin. Walang sulyap kong kinuha ang inaabot niya at pinanatili lamang sa kamay iyon. Buong sandali akong tulala sa mukha niya. Ni isang saglit ay ayaw kong iwaglit ang paningin, sa takot na baka bigla siyang mawawala o bigla akong magigising o hindi ko alam—mabalik sa katinuan? Because I had been deranged since I came here. Siguro nga nasisiraan na ako.
"Kumusta ka n—"
"You're here." The bile on my throat almost choked me. "You're alive?"
May bahid ng kalituhan ang ekspresyon niya nang sa wakas ay mag-angat ng tingin sa akin. Paulit-ulit na piniga ang puso ko sa pamilyar niyang mga mata nang magpalitan kami ng tingin. Humigpit ang hawak ko sa tissue'ng nasa kamay at ang pagdaan ng mga luha sa pisngi ko ay hindi ko na halos alintana.
"Rai..." Bumakas ang gulat sa lito niyang ekspresyon. "Anong ibig mong sabihin?"
"Y-you died... that night..."
"I died—you thought I'm dead?" Natitigilan siyang napakunot noo at bahagyang napahilig sa lamesa, hindi maintindihan ang sinabi ko.
Nanuyo ang naninikip kong lalamunan. Imbes na sumagot ay nanatili lamang akong nakatitig sa kaniya. Para akong lumulutang at nagsisirko sa kalawakan. Hinihintay ko pa ring may taong lumabas at lumapit sa akin para sabihing biro lang ang lahat. Dahil kung totoo nga ito... kung totoo ito...
Gumalaw ang panga niya. "Gano'n na lang ba ang galit mo sa 'kin kaya mas pinili mong isipin na namatay ako?"
Dahan-dahan akong suminghap nang mahimigan ang pait sa boses niya. Parang pinupunit ang puso ko sa panonood ng bawat ekspresyon niya. Gusto ko siyang yakapin nang sobrang higpit ngunit natatakot pa rin akong baka bigla siyang maglaho, kung tuluyan kong paniniwalaan ang lahat ng ito.
"I didn't die that night." Bahagyang dumilim ang seryoso niyang mga mata nang muli itong bumagsak sa akin. Mas lalo siyang sumandig sa lamesang nasa pagitan namin at pinagmasdan akong mabuti. "How else do you think could I be here if I'm dead?"
Nang puntong iyon, hindi ko na talaga alam kung ano ang totoo sa hindi. Dahil konting-konti na lang ay maniniwala na akong posible ang lahat ng ito. At kailangan kong masiguro 'yon. Pero paano?
Pumikit ako nang mariin at marahang umiling. Mabilis kong pinalis ang mga luha sa pisngi. Ngunit nang dumilat ako'y muli lamang nag-init ang sulok ng mga mata ko nang salubungin ako ng kaniya. Narito pa rin siya sa harap ko. Narito siya... buhay siya...
Binalewala ko ang kirot na nagdaan sa dibdib. Sa nanginginig na kamay ay hinugot ko ang phone mula sa bulsa nang suot na jacket at dali-daling di-ni-al ang number ni Leo. Buong sandaling nakapako sa akin ang titig ng taong nasa harap ko habang ginagawa ko iyon.
"I just got home, where are you?" bungad nito pagkasagot.
Hindi nagbago ang seryosong ekspresyon ng tao sa harap ko habang dinidinig ko si Leo sa kabilang linya. Ang mabibigat niyang mga mata ay nanatiling nakatitig sa akin. Parang sasabog ang puso ko sa magkahalong kaba at sakit.
"K-kasama ko siya. I'm not being mistaken, siya ang n-nakita ko kanina."
Katahimikan ang nakuha kong sagot.
"Leo, he's really here. He's alive." Ang marinig ito sa sariling boses ay tila panaginip pa rin.
I heard him gasp. "Nasaan kayo?"
Matapos kong sabihin kung nasaan kami ay agad nang naputol ang linya. Hindi ito kalayuan sa bahay kaya't paniguradong ilang sandali lang ay narito na ito.
"Si Leo?" Nagtiim bagang siya pagkabitiw ng tingin. Isang matigas na tango ang ginawa niya pagkasandal pabalik sa sariling upuan. "You're together now. Figures."
Hindi ako makapagsalita dahil masyado akong okupado sa pagtitig sa mukha niya. Iniisip ko kung 'pag hinawakan ko ba siya—at saka siya mawawala? Kaya't gaano ko man kagustong gawin iyon ay hindi ko hinamak na subukin. Kontento na akong pagmasdan at panoorin lang siya nang ganito at pakinggan ang boses niya. Kahit hindi na ako magising...
Oh, I'm really losing it.
Apat na taong tumatak sa isip kong hindi ko na ulit siya makikita. Ilang libong beses ko mang hilingin noon na maibalik ang panahon, hindi ko sukat akalaing mabibigyan ako nang ganitong pagkakataon ngayon.
Bahagyang kumunot ang noo niya nang muling tumitig sa akin pabalik, mukhang may malalim na iniisip.
"Inisip n'yo bang lahat na namatay ako noon?"
Hindi ko na siya nasagot nang maaninag ko ang pagdating nang humahangos na si Leo. Nang malingunan kami nito'y mabagal itong humakbang palapit. Nagsasalubong ang kilay nito nang tuluyang makita ang taong kasama ko.
"What the hell?" bulalas nitong animong nakakita ng multo. Ang magkahalong gulat at pagkalito ay bakas sa mukha nang pumako ang tingin sa kaniya. "Fuck. How is this...?"
Dumapo ang nakakuyom nitong kamao sa nakaawang na mga labi, ang paghangos ay unti-unting napalitan nang mabibigat na paghinga.
"You're gone for years... how... why..." Nanatili ang mga daliri nito sa buhok pagkapasada rito nang hindi makahanap ng tamang salita.
Parang gusto ko ulit umiyak nang makumpirmang totoo ngang narito siya sa harap ko. Nakikita siya ni Leo. Totoong buhay siya. Hindi ako nananaginip. Hindi ako nababaliw.
Oh my, God.
"Rai..." Sumulyap sa akin si Leo, awang ang mga labi at hindi makapaniwala. Sa nanginginig na daliri ay itinuro niya ito. "That's him, right? That's... fuck."
Muling tumulo ang luha ko nang marahan akong tumango bilang kumpirmasyon. Sinapo ko ang mga labi nang hindi ko na mapigilan ang tuluyang mapahikbi.
"After all these years... you were alive?"
He blinked a few times at the two of us in bewilderment, his forehead creasing. "Hindi ko maintindihan. What—you guys thought I'm really dead? For four years?"
Nagpalitan kami ng tingin ni Leo at sabay na tumango sa kaniya.
"Okay." Mas lalong kumunot ang noo niya habang nagpapasalit-salit sa amin ang tingin. "That's weird."
Umurong ang mga luha ko. It is weird! Leo and I both remembered him being gone. Sigurado ako roon. Pero...
"We should ask the others..." Nalipat ang atensyon ng dalawa sa akin. "Para makumpirma kung ano ang nangyayari at kung pare-pareho tayo nang naaalala." Bumaling ako kay Leo nang maupo siya sa tabi ko.
Sandali pa muna siyang nag-isip bago hinugot ang phone mula sa bulsa ng jacket. Kunot ang noo, nag-umpisa siyang magtipa roon. Maya't-maya ang sulyap niya sa taong nasa harap namin, na tila ba hinihintay niyang may magbago sa anyo nito kada segundo.
Apat na taon magmula nang mamatay siya o nang inakala naming namatay siya, hindi na namin kailanman pinag-usapan ang tungkol sa kaniya. No one dared to open and talked about him and what happened on that night. Siguro dahil pare-pareho naming hindi iyon inasahan at hindi namin iyon matanggap.
Para akong unti-unting nagigising at nagbabalik sa reyalidad.
I had no concrete idea what was happening. But there was an explanation in everything. And if this wasn't a dream and it's really happening then there might be a reason for all these. Ngunit bago ang lahat ng iyon, may isang bagay akong higit na gustong malaman.
"If you aren't dead... then why did you act as if you're gone for years? At bakit... bakit narito ka ngayon? Bakit ka bumalik?"
Natigilan si Leo sa ginagawa para lang tapunan ng tingin ang taong nasa harap namin. Dahan-dahan itong nag-angat ng tingin hanggang sa muling sinalubong ang nagtatanong kong mga mata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top