7 - Raindrops keep falling on my head


"Naniniwala ka ba sa multo?"

Isang lingon at natagpuan ko ang nakaupo at seryosong si Quijano. Nakasandig ang isang braso niya sa lamesa habang pinaglalaruan ang piercing sa tainga. Sa kawalan nakatanaw at mukhang malalim ang iniisip.

Sa bilang na pagkakataong nagseseryoso siya'y hindi ako makapaniwalang dahil pa iyon sa walang kwentang bagay.

Pagkabagsak ko ng hawak na libro sa lamesa ay napatalon siya at nahihimasmasang bumaling sa akin, gulat at kalituhan ang bumakas sa bahagyang namimilog na mata.

"If you have time to think about nonsensical things, you might want to do that while working your ass out." Nagtiim bagang ako habang tinatapunan siya nang matalim na tingin.

Kumurap siya at inihilig sa lamesa ang mga braso. Sabay dahan-dahang ngumiti sa akin na animong inosente. "Is that a no? Ba't ka galit?"

I groaned in frustration, pinipigilan ang sariling mabato siya ng hawak—trying to remember to not resort to violence because I wasn't the violent type.

Pagkatapos makuha ang ilan pang libro'y tinalikuran ko siya't muling nagpatuloy sa ginagawang pag-a-arrange nito sa mga shelf. All the while, reminding myself to not get involved with this troublesome weirdo again and again. Laking pasasalamat ko nang tumahimik siya ng ilang sandali.

"Nakikiramay ako..."

Lumipad nang wala sa oras ang tingin ko sa nag-iisang taong kasamang naroon sa katapat kong isle.

Did he say something?

Sunod kong napasadahan ng tingin ang nagtataasang hilera ng mga shelf nang tahimik na library. Napapaisip kung may iba kaming kasama roong hindi ko nakikita, yamang binanggit niya ang tungkol sa multo kanina. Mayro'n ba rito? Nakakakita siya? Or was he finally out of his mind?

Tanging mababagal na yabag lamang niyang palapit ang umalingawngaw sa katahimikan ng silid nang hindi ako nagsalita. Huminto siya sa tabi ko at tamad na tinapik ang mga librong natapos ko nang ayusin sa shelf.

Bahagyang kumunot ang noo ko. "What are you doing?"

"I'm giving them my sincerest condolences." He was half smiling then. "Pamatay ka kasing makatingin."

Huh? Okay?

I gave him a flat look. "Nagjo-joke ka ba? Please try harder. Hindi kasi nakakatawa."

He chuckled. "Ang sungit!"

Sinapo niya ang librong ilalagay ko sana sa shelf para lang makuha ang atensyon ko. He was grinning at me when I turned to look at him. "'Di ka ba talaga palangiti? Parang lagi ka kasing seryoso. May mabigat ka bang dinadala?" Sabay paling ng ulo para aninagin ang likuran ko. "'Di ka naman siguro dating pagong?"

Binawi ko ang libro mula sa hawak niya at tuluyan na itong inilagay sa shelf. "Can you please not talk to me? I want to go home so quit slacking off and do your job."

Humalukipkip siya at patagilid na sumandal sa shelf habang pinanonood ang ginagawa kong pag-aayos ng mga libro.

"May tao pa lang 'di marunong ngumiti?" Parang hindi niya narinig ang sinabi ko nang nagpatuloy pa rin, "Wow. New specie discovery! Sumali ka kaya sa Guinness? Pwede ka ro'n—ang babaeng hindi ngumingiti!"

Tumigil ako sandali sa ginagawa para tapunan siya nang iritableng tingin. "Your ears are working fine, right? 'Di mo ba 'ko narinig?"

"Patingin muna ng ngiti mo," asar niya, naniningkit na ang mga mata dahil sa pinipigilang tawa.

Huminga ako nang malalim. Never mind. Just ignore him.

At iyon nga ang ginawa ko. I just let him blabber about things for the next while and busied myself with what I had to do. Tumulong naman siya sa pag-aayos ng mga libro at nilubayan ako nang walang makuhang reaksyon mula sa akin.

"May tanong ako," hanggang sa marinig ko ang seryoso niyang boses. Wala sa oras ko ulit siyang nalingon sa dulo ng isle. Wala nang bakas ng ngiti sa mukha niya kaya't pinakinggan ko nang maigi ang sunod niyang sinabi.

Pagkatapos ihilera ang mga hawak na libro sa shelf ay lumingon siya sa 'kin. "How do you write zero in Roman numerals?"

Sandali pa akong napaisip. "Is there zero in Roman numerals?" Ang alam ko wala.

Came another question, "Kung ang corn oil ay gawa sa corn, at ang vegetable oil ay gawa sa vegetables, edi saan pala gawa ang baby oil?"

Napakunot noo ako roon. Inabot pa ng tatlo ang tanong niya bago ko napagtantong pinagtitripan niya lang ako. He was asking rhetorical questions.

"Why do your feet smell and your nose run?" aniya sa pagitan nang pagtawa.

Pagkabuga ng hangin ay naisandal ko ang noo sa shelf. "Gusto ko lang naman nang tahimik at normal na buhay."

Past six pm na nang matapos kami ro'n. Ugh. Sayang ang oras. And flash news, I have to do this for a whole week. Iniisip ko pa lang parang pagod na ako—hindi sa pag-aayos kundi dahil sa isang weirdo.

"Uy, Rai, sa'n ka? Uwi ka na?"

"Where else?" Nauna na akong lumabas ng main library nang matapos akong makapirma para sa log book.

Sinuot ko ang satchel body bag habang naglalakad. Walang tao at bukas na mga ilaw ang nadatnan kong hallway. Sa katahimika'y tanging yabag lamang ng sapatos ko ang maririnig. Nakakailang hakbang pa lamang ako'y narinig ko na ang muling pagbukas-sara ng pinto. Kasunod nito ang mabibigat at maiingay na yabag palapit.

"Nagutom ako. Kain tayo!" nag-echo ang malakas niyang boses sa hallway.

"No thanks," mabilis at walang lingon kong tugon.

"You're welcome."

Napasulyap ako sa kaniya dahil sa sinabi. "Bingi ka? Sabi ko no thanks."

"Pa'no 'yan? I don't accept a no."

"Uuwi na ako. Ang dami ko nang sinayang na oras dito. I'm not even supposed to take the punishment if not because of someone." Binilisan ko ang pagbaba nang makarating kami sa hagdan. Ang mabibilis kong yabag ay nagbanda sa katahimikan.

Tinulinan din niyang bahagya ang paghakbang para makasabay sa akin. Hanggang bigla-bigla'y tinalon niya ang huling dalawang baitang. Otomatikong tumigil ang mga paa ko sa paghakbang nang mapatalon ako sa gulat. Naroon na siya sa sunod na baitang pababa, sa harap ko. Muling bumalot ang katahimikan sa hallway kaya't rinig ko ang sariling singhap.

Bahagya akong napaatras. "Ano?"

Pagkasukbit pabalik ng bag at nahubad na button down uniform sa isang balikat ay bumuntonghininga siya at saka pumamulsa. Sunod ay tumingin nang diretso sa akin, seryoso ang ekspresyon. "Tell you what. The thing about getting in trouble and saying yes sometimes is that—it wasn't actually as bad as you think it is."

Nang makabawi ay agad akong napailing sa narinig. "No—I already said no."

"I insist." Inihakbang niya ang isang paa sa baitang na kinatatayuan ko, ang linya ng mga mata namin ay halos magkapantay na. "Halika na. 'Wag ka nang ma-hindi!"

Humigpit ang hawak ko sa stap nang suot na bag at napatiim bagang sa pangungulit niya. "You are annoyingly insistent, Quijano. Alam mo ba 'yon?"

"It's a yes, then?" His face lit up as he smiled, anticipating a positive answer from me.

But, "Hindi ako gutom."

"Talaga ba?" Hinugot niya ang isang kamay mula sa bulsa't humilig sa akin nang kaunti. Bago pa man ako makaatras ay mabilis na niyang nakalabit ang tungki ng ilong ko. He gave me a reproving smile after. "Bakit labas sa ilong? Parang kanina naririnig ko 'yang pag-aalburuto ng tiyan mo—tapos sasabihin mo sa 'kin 'di ka gutom?!"

Bahagya nang kumunot ang noo ko. Pinagsasabi nito? "Hindi sa 'kin—"

"It's on me, 'wag ka nang mahiya! Hindi ka ba sinabihan ng nanay mong masamang tinatanggihan ang grasya? Puro ka hindi, hindi, hindi! 'Pag natepok ka, 'hindi' rin ang sagot sa 'yo ng langit!"

Bakit ang kulit niya? "Hindi nga ako gutom—"

"Arkin, please, utang na loob. Mamamatay na 'ko sa gutom! 'Wala na 'kong lakas para makipagtalo. Halika na bago pa 'ko mawala sa tamang pag-iisip! Parang awa mo na, malapit na 'kong mangagat!"

I doubt he was in the right mind though. The more reason why I shouldn't go with him.

"Hindi mo ba kayang kumaing mag-is—"

"Oh please, Rai. Please. I told you, it wouldn't hurt to say yes sometimes!" He was clutching the handrail then like he was about to lose it.

Hindi na ako nagsalita. Arguing about this means wasting more of my time. Mukha kasing hindi siya papatalo. At naisip ko ring baka totoong intolerable siya 'pag walang laman ang sikmura. 'Yung normal nga niya ang hirap nang i-tolerate. So fine. Whatever. Iisipin ko na lang na ito ang way niya para mag-sorry. Pero hindi ibig sabihin nito na pinapatawad ko na siya sa pag-i-invade niya nang paggamit ng oras ko.

"Umaambon..."

Agad akong napasimangot nang makumpirma ang pagdampi noon sa sariling balat. The drizzle was starting to slowly damp the empty street we were walking on. Hindi ko ito ikinatuwa.

Nang sulyapan ko ang kasama'y naabutan kong nakangisi siya sa kawalan. Sandali akong luminga sa paligid para lang bigyan ng dahilan ang sarili ngunit bukod sa mga sinindihang lamppost, nasasalit at nagdaraang sasakyan, mga bukas na shop—wala akong nakuhang anumang sagot doon.

Binalikan ko na lamang siya nang nawi-weird-uhang tingin. Mas lumalakas ang suspetsa kong may nakikita talaga siyang kung anong hindi ko nakikita. At ano naman kaya ang nakakatuwa ro'n?

I shuddered and tried to shake the thought off my head. Bahala nga 'to.

"Uy! Ba't ka nagpayong? May allergy ka ba sa tubig ulan?" turan niya nang mabigla sa pagbukas ko ng payong.

"I'm not offering to share. 'Di 'wag kang makisilong," I deadpanned.

Umiiling, napahalakhak siya bago nagsalita, "It's fine. Rain came in second from the things I'm fond of so I don't mind getting soaked..."

Second thing? What's the first? At that instant, I feel compelled to know other things about him. But I wasn't supposed to be into his whatnots so I keep my mouth shut and my curiosity in check.

Nang bumaling akong muli'y nakatingala na siya't nakapikit, pinapakiramdaman ang bawat maliliit na butil ng ambon sa balat.

"Ikaw? What kind of things are you into?" para bang nabasa niya ang nasa isip ko nang tinanong niya ako nito.

"Books?" I shrugged for I couldn't think of anything else.

"And?"

"Just books."

He chuckled again but this time, it was laced with amusement. "Seryoso ba?"

"So you heard."

"Hmn. The saddest thing I heard."

"How is that sad? Books are far more interesting than anything I can think of," I spat, feeling offended.

"Now that's lonely," giit pa rin niya.

Kumunot ang noo ko sa iritasyon. Ang dami kong gustong sabihin ngunit imbes na paulanan siya ng mga eksplanasyon ay ito lamang ang nasabi ko, "Are you trying to pick a fight with me, Quijano?"

Malakas ang sunod niyang tawa kaya't nagtagal ang tingin ko sa kaniya. Some raindrops were visible on his face, specially his cheeks. Even so, he was still smiling from ear to ear. He's weird after all. Bahala talaga siya kung magkasakit siya dahil sa ambon. Tutal at gusto naman daw niya iyon.

After a few minutes of walking, narating din namin ang kainang sinasabi niya. It was a Japanese ramen shop. Maliit lamang iyon pero maaliwalas ang lugar at hindi mukhang crowded. The walls, tables and chairs were all made of wood. There were origamis and lanterns hanging by the ceiling too. It was almost identical to one of those Japanese stores I watched on movies—a new sight I found quite interesting.

Bakit ngayon ko lang ito nakita? Bagong tayo?

"Irasshai mase!" sabay-sabay na bati ng mga crew nang mamataan kami.

"Master Clint! Ay may kasama..." bati ito ng isang lalaking crew bago tuluyang lumapit sa amin.

What was with the master? Was there a VIP service or did he just happen to be some regular rich kid here?

"Sino 'yan, pre?" Sumulyap sa akin ito at mukhang bumulong sa kaniya. Palihim itong binulungang pabalik ni Quijano bago ako sinulyapan. A hint of enlightenment grew on the crew's face before turning to me just to ask, "Table for two?"

Natatawang siniko ni Quijano ang crew at palihim na tinaboy. "Bumalik ka na sa trabaho."

All I could do was watch as the crew resisted from being rid of.

"Enjoy your stay—este, enjoy our food!" Inosenteng ngiti ang iginawad sa akin ng crew kahit malapit na talaga siyang itulak ni Quijano paalis. Lumayo ito ngunit may pahabol pang isang pilyong ngiti sa huli bago tuluyang umalis. Hindi ko alam kung para saan iyon.

It was kinda weird but maybe they're friends. Some of the crews looked the same age like us—and it wouldn't be surprising if a few of them turned out to be our schoolmate too.

"Tara?"

Tumango lang ako bago pinanood ang kaninang crew na ngayon ay abala na sa pag-serve ng pagkain.

"Ah! Si Chico. Laging nang-uusisa 'yan kung sino ang mga sinasama ko rito. 'Wag mo na lang pansinin." Umiling siya pagkasulyap dito.

Mga sinasama... okay. That sounded like him. Ako ngang hindi niya kaibigan, isinama niya rito. Paano pa ang mga kaibigan niyang talaga? I guess he's one rich kid after all. Kung sino-sinu ang nililibre 'pag nasumpungan.

"Ojisan, dalawang tonkotsu ramen at gyoza po, please," Quijano called out to the man in the counter.

Matapos marinig ang kumpirmasyon nito ay sinundan ko ang tuluyang pagpasok ni Quijano sa loob.

"You're always here?" kumpirma ko nang makaupo kami.

Sumulyap siya sa akin at bahagyang ngumisi. "Parang gano'n."

Nang dumating ang order namin ay mabilis niya iyong nilantakan. At sa totoo lang, hindi naman talaga ako gutom, pero nang nakita ko ang ganado niyang pagkain ay parang kumalam din ang sikmura ko. Hindi ko sigurado kung masarap ba talaga ang pagkain o talagang gutom lang siya.

Kumurap ako. "Humihinga ka pa ba?"

Sandali siyang natigilan sa pagsubo dahil sa sinabi ko. Yumanig ang mga balikat niya. Akala ko'y nasamid, iyon pala'y tumatawa. Patuloy siya sa pagnguya habang nag-aangat ng tingin sa akin. Nang sinubukan niyang magsalita'y muntik pa siyang mabulunan sa punong bibig. Sa huli'y natawa na lamang muli habang sapu-sapo ang sariling bibig.

Nanatili namang blangko ang mukha ko. Busog na busog ang magkabila niyang pisngi dahil sa dami ng pagkaing sinubo. Ewan ko ba pa'no niya ngunguyain iyan.

"Talu-talo na 'to!" puno pa rin ang bibig niya pagkasabi nito. Muntik pang may tumalsik mula ro'n kung hindi lang niya muling sinapo ang bibig. He immediately muffled, "Sorry!" Pagkatapos ay natatawang uminom ng tubig. Naisip ko pang baka maibuga rin niya iyon kaya't naging alerto ako para alam ko kung paano ako iilag kung sakali man.

Nang malunon niya ang kinakain pati nang ininom ay saka lamang ako nakahinga nang maluwag.

"Naalibadbaran ka ba sa 'kin? Sorry ah," aniya. Pagkatapos ay bumungisngis. "Sabi sa 'yo masama akong ginugutom!"

"Believe me, I expected worse." I face-palmed mentally while shaking my head.

This wasn't a bad idea, somehow. Bukod sa masarap ay bago sa panlasa ko ang pagkain. Given that I was kind of losing my appetite these days, finding myself unsatisfied eating just about any available food. But having to know this shop and seeing how he's enjoying the food wasn't that bad, it was actually refreshing.

"Favourite food?" Sumulyap siya sa akin.

Sandali akong nag-isip pero, "Nothing in particular."

"You're really aren't fond of many things. Iba talaga ang specie mo, sure na 'ko—mga seventy percent." Natatawa siyang napatango sa sarili habang ngumunguya at nakatingin sa akin. Bahagya niya akong tinuro matapos. "Hirap mo sigurong regaluhan kung bawal ang libro sa category. Pa'no kaya 'yon?"

I just shrugged.

"Sino na lang ang paborito mong tao?" He paused for a while, waiting for my response.

Natigilan ako sa pagnguya. Isn't that too personal? Bakit niya tinatanong?

"Wala rin?" Dismayado siyang ngumiwi bago nagpatuloy sa pagkain.

Then I thought: what could be at risk? He was just a stranger who happened to be someone wandering around the corner for a long time. It wasn't like he would get to know everything about me just because of this single information. So...

"My father..."

Siya naman ang natigilan sa pagkain dahil sa biglaan kong sinabi. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang tinignan niya ako.

"Talaga? Bakit?"

I don't know if it was just me o bigla siyang naging seryoso. He was the one who opened this up though. Or maybe I was just thinking too much.

"I don't... want to talk about it," sabi ko na lang.

"Ang gara naman no'n," pagmamaktol niya, sabay ngiti.

How 'bout you? Who's your favourite person?—I didn't have the guts to ask him that. Not that it didn't interest me but it's just... I think it was too personal to ask. And talking about personal stuff was the same as unconsciously building an attachment with each other. In speaking of, attachment was one of the main reasons that causes disappointment. That isn't my thing. So again, I keep my silence.

"Ahh! Grabe, solb ako! Kung tatlo lang ang thumbs ko, bibigyan ko ng triple thumbs up si Chef Suki!" He smiled like a very satisfied kid while patting his stomach. "Dito lang talaga ako nabubusog nang ganito... paampon kaya ako kay Ojisan 'no? Tingin mo kukupkupin niya 'ko? Cute naman ako eh."

He giggled at his own joke.

Nagtagal ang tingin ko sa kaniya. I wanted to ask him why. Hindi ba siya nabubusog sa luto ng mommy niya? O siguro masyadong busy sa trabaho ang mga magulang niya para makapagluto? Was he that rich? Iyong tipong mala-mansyon ang bahay kaya't bihira na lang nagkikita? If so, wala ba silang chef o kasambahay?

I wanted to ask him but again, it was something personal and I didn't want to be nosy. Also, I didn't want him to think I was that interested about his life. We're not even friends...

"Gutom ka pa ba? Hindi ka nagsasalita ah. Any violent reaction?" Naglalakad na kami palabas nang tinanong niya ako nito.

Binawi ko ang tingin sa kaniya. "I'm good. I told you I wasn't hungry."

Tumango siya't pinanatili sa 'kin ang tingin. "How was it?"

"It's fine." Are you kidding? Ngayon na lang din yata ako nabusog nang ganito. I would definitely go back here. And of course—without him.

Tumango siya ulit ngunit may kaunti nang ngiti. Bago buksan ang kahoy na pintuan ay isa-isa pa niyang kinawayan ang abalang mga crew sa loob. "Thank you sa pagkain! Ojisan, una na kami!"

"Balik kayo!" Sabay-sabay ulit nilang sabi, nakangiti sa amin.

"Ingat ka riyan, Miss—este, ingat kayo sa daan!" Nagawa pa akong kawayan ni Chico.

Pagkalabas namin ay agad na naglakad si Quijano. Sumunod ako sa kaniya. Magtatanong pa lang sana ako kung saan ang daan patungo sa sakayan ng bus pero naunahan na niya ako.

"Hatid na kita."

"I'm taking the bus," I informed him, just to make sure we're talking about the same thing.

He nodded. "Yup. You're taking the bus. You're not walking home. I know." Then smiled.

Tumikhim ako. "You don't have to take me there. Paano ka?"

Inihanda ko ang payong ngunit hindi binuksan. It was still drizzling.

"Oh. Flash news, Rai Arkin Alvarez is concerned about me!" Humalakhak siya roon habang hinihimas ang baba at mapang-akusang nakatingin sa akin.

"Fake news," I corrected.

Grinning, he shrugged. "Okay." Then shoved his hands on his pockets as we walked side by side on the roadside.

Moments of silence passed and we were finally just meters away from the bus stop when the drizzle suddenly turned into a heavy pour. Dali-dali kaming napatakbo pasilong sa waiting shed. No one was there but us.

"Umuulan na..."

Halos mapunit na ang labi niya dahil sa ngiti nang mabalingan ko ng tingin.

"Rain is really consoling in a way, don't you think?"

"Huh?"

Hindi ko narinig ang sinabi niya dahil sa lakas ng ulan. Binuksan ko ang payong para lang hindi ako maanggian nang nagtatalsikang tubig mula sa malalaki at malalakas na patak niyon. Hindi kalakihan ang waiting shed kaya't nadadala pa rin nang malakas na hangin ang ilang tubig ulan patungo sa loob.

Kapwa kami natahimik at walang nagawa kundi ang pakinggan ang bawat pagbagsak ng ulan. Mula sa sinag ng mga lamppost ay kita ang rahas nang tuluyang paglukob niyon sa madilim na kalsada.

I wasn't really fond of rain, especially at times like this. Hindi ko alam kung malas lang ba talaga ako ngayong araw o ano.

Nang binalingan ko ulit si Quijano sa gilid ko'y wala nang bakas ng ngiti ang mukha niya. He looked like he was in deep thought while staring blankly at nowhere, his messy hair's a bit damp from the sudden rain. Gayumpama'y ni hindi siya nag-abalang punasan ang sarili. I guess he didn't really mind getting soaked.

"Did it hurt?"

Tila nagbalik siya sa reyalidad nang marinig akong magsalita. Ang bakas nang gulat ay naroon sa mga mata nang nilingon ako pabalik mula sa tabi niya.

"Huh?"

"That piercing." Tinuro ko ang kanang tainga niya. "Did it hurt?"

Sandali pa muna siyang natigilan at napaisip habang kumukurap.

"Ah!" Bahaw ang naging tawa niya pagkabawi. "Hindi... hindi masakit. Bakit, gusto mo bang magpalagay?"

"Not a chance. I'm just curious."

Tumikhim siya't nag-iwas ng tingin. Inayos niya ang pagkakasukbit ng bag sa isang balikat, ang uniform niya'y nasinop na sa loob noon.

Hindi na nagtagal nang dumating ang bus. Malakas pa rin ang ulan... at hindi ko naman obligasyong intindihin siya. Ngunit bago pa man ako makapag-isip ay naunahan na ako ng bibig ko.

"May payong ka ba?"

He grinned mockingly all of a sudden, cocking his head to the side. "Fake news?"

Bakit ko pa nga ba siya tinanong?

"Bahala ka..." sabi ko na lang.

He chuckled. "See you at school then?"

Nilingon ko pa muna siya bago ko tunguhin ang bus. I found his eyes on mine, anticipating a reply. Bahagyang kumunot ang noo ko. Though I know that what he said was just some kind of expression. So I said, "Right."

See you, then.

"Thank you for today." Umangat ang magkabilang sulok ng mga labi niya para sa isang kalmadong ngiti.

Tumango ako bago magtungo sa pintuan ng bus. But before I could set a single foot on it, he spoke again.

"Rai!"

Mabilis ko siyang nilingon. Ang mukha niya'y may bahid pa rin ng ngiti nang muling magtagpo ang mga mata namin. There was something in his I couldn't read—or maybe it's just my imagination.

"Did you find something good today? If you do, then go find something like that again tomorrow, then the next day... and so on..."

Bahagya akong natigilan sa tinuran niya.

"You're not trying to tell me you're dying tonight, are you?" tanging nasabi ko sa kawalan nang naiisip na tugon.

Natawa siya roon. "Silly. No. Not yet—at least."

Napakurap ako nang ilang beses bago tuluyang makapasok sa bus. I chose the middle seat. Kakaunti lang din naman ang sakay kaya't bakante ang karamihan dito.

Once I settled on my seat, dinungaw ko ang bintana't nakita ko ang pananatili ni Quijano sa shed. With both hands tucked on his pockets, he pulled one out just to wave at me when he saw me looking. I had no idea why I gave him a thumbs up just to acknowledge his gesture. Mabilis ko rin naman itong binawi. The bus started to move but I caught him laughing before he completely disappeared from my sight.

Paano kaya siya uuwi?

Dinungaw ko ang marahas na pagtama ng tubig ulan sa bintana at pinakiramdaman ang lamig. Isinandal ko ang ulo sa salamin at niyakap ang sarili. I wasn't aware with the faint smile creeping on my lips if it weren't from my reflection. Bahagya na lamang akong natawa. I was so tired. But finding the existence of that noodle shop with all the trouble wasn't so bad after all.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top