6 - Good riddance
Muli akong nabalik sa reyalidad matapos suminghap. Nilubayan ko ang pagtulala sa hawak na bookmark nang dumating ang teacher namin para sa last subject ng morning class. My head was spinning from random thoughts from time to time. Kaya't wala ako halos naintindihan sa lecture mula pa kanina, katulad ng mga araw na lumipas.
"Good morning, Rai!" Quijano beamed at me with a wave of his hand, nang magkasabay kami sa hallway kinabukasan.
Sinulyapan ko lamang siya—thinking, he was capable of normal morning greetings. Ang mga nakararaang pagbati kasi niya'y hindi nakakatuwa.
"Ark! Ark! Good morning, Arkin! Arrr!"
"Gooood moooorniiiing, Miss Alvaaareeez!"
"ARai! Ang sakit ng t'yan ko! May diatabs ka ba d'yan? Arkin na lang?"
It was already Friday which means a week had pass since the start of the new school year. And I couldn't help but feel disappointed at how slow the time went. I just wanted things to end quickly. Or rather, I wanted to pull the time forward just so I could finally let all water under the bridge.
"Rai, sabay tayo mag-lunch!" anunsyo ni Jackie bago pa man ako makatayo sa upuan ko nang dumating ang lunch break.
Wala na akong nagawa nang hinila niya ako palabas ng room para magtungo sa cafeteria. Tanging libro at wallet lang ang nadala ko. This would suffice though.
"Nag-advance reading ako sa calculus kagabi. Alam mo grabe, parang hindi ako aabutan nang buhay bago matapos ang sem sa mga nabasa ko!"
Jackie started talking about our subjects and some of our teachers. And once she started talking, there was no end to it. Nang puntong nabuburyo na ako at kating-kati nang iwan siya roon kahit hindi ko pa ubos ang sariling pagkain, ay siya namang dating ng ilang kakilala niya. Laking pasasalamat ko nang nakiupo ang mga ito sa table namin at panandaliang naging preoccupied si Jackie.
Dala ang wallet at libro ay hindi ko na sinayang pa ang pagkakataon para sa wakas ay makaalis doon. Parang ayaw pa akong paalisin ni Jackie ngunit dahil sa kadadaldal niya'y ni hindi pa niya napapangalahati ang sariling pagkain. She had no choice but to stay and finish it.
Nagdiretso ako sa students park para ubusin ang natitirang bente minutos bago magsimula ang afternoon class. The cafeteria was crowded and with everyone's chattering, it would be hard to concentrate on reading. Kung sa classroom naman, paniguradong hindi ako patatahimikin ni Jackie sa mga kwento niya. Mabuti nga't hinayaan niya akong mapag-isa ngayon. Frankly saying, masyado siyang clingy para sa isang kaklase.
I opened my book. Sandali akong natigilan pagkakita sa bookmark na nakaipit sa unang pahina niyon. It had been here forever... ngunit hindi ko namamalayan. Katulad ng taong iyon.
"Ahh! You found my book!"
Mula sa pagtingin sa librong napulot ay nag-angat ako ng tingin sa taong dumating. He was pointing at the book I was holding while trying to calm his laboured breathing, as if he had been running for a long time. Despite the look of exhaustion and a few drops of sweat, a smile of pure relief still managed to find a way to crept on the sides of his lips.
"You found it..." paulit-ulit niya iyong sinabi habang sumasalampak sa pavement na tila noon lamang siya makakahinga nang maluwag sa wakas.
Tinignan kong muli ang hawak na libro at sinuri. It was a classic book. The pages were turning yellow and it looked old. Para bang marami nang tao ang nagmay-ari niyon. I started to wonder if it was some kind of a family heirloom.
Lumapit ako at nang naroon na ako sa harapan niya ay saka ko inilahad ang hawak na libro. Mula naman sa pagkakasalampak ay bahagya siyang nag-angat ng tingin, para lang tumitig sa librong nasa kamay ko ng ilang sandali, his expression was unreadable. Hindi niya iyon agad kinuha. Habang tumatagal ay unti-unti ko nang nararamdaman ang pagbabago nang ihip ng hangin sa katahimikang bumabalot sa amin.
I thought he was gonna cry out of relief or something that's why I started talking out of my growing panic.
"Sigurado ka bang sa 'yo 'to?"
Noon lamang niya itinuon sa akin tingin niya. Confusion was evident on his expression as he tried to read mine.
"Do I need to prove myself, then?" Inosente siyang kumurap.
Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin nang matagal ang mga mata niya.
"Just take it if it's really yours." Just so I could get out of this awkward scenario!
Hindi ko alam kung anong nakakatawa at bakit humahalakhak na siya habang inoobserbahan ako ng tingin. The book was still on my hand and I almost swore at how uncomfortable I was becoming!
"What the hell's so funny?" I retorted without batting an eye on him.
"You're so awkward! Nahihiya ka ba sa 'kin dahil nakita kitang umiiyak sa likod ng gym?"
Uminit agad ang pisngi ko. Still very aware of his smiling eyes on me, I felt like running. "Awkward talaga akong tao. Stop making up stories for your own entertainment. You're not a writer! Just get your damn book!"
Mas lumakas ang tawa niya habang sinusubukang hanapin ang mga mata ko. "Ang daming sinabi ah?"
Lalong uminit ang pisngi ko. Sa hiya, sa inis o sa katotohanan nang sinabi niyang ayaw kong aminin.
"Lorenzo, just get your—"
"You can have it," nakangiting aniya.
Bahagyang kumunot ang noo ko sa kalituhan. Have what? His book? Why? He looked desperate finding it a while ago so why would he lend it to me?
Sumulyap ako sa librong nanatili at kanina ko pang inilalahad sa harap niya. "Hindi ba 'to pamana ng mga ninuno mo?"
I saw him smiling when I finally turned my gaze back at him.
"My favourite teacher lend it to me way back in elem and it's been sitting in my room for years." Nanliit ang mga mata niya na tila may inaalala. "By any chance, have you been to The Story Keeper last week?"
Halos tumalon ang puso ko sa pagbanggit niya pa lang niyon. It was an underground book store. And I wouldn't trade it for any place in the world—it's my haven.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa pavement. Ipinamulsa niya ang magkabilang kamay sa bulsa nang suot na slacks pagkatapos. Kalmado na ang paghinga niya nang inginuso sa akin ang libro niyang hawak ko.
"I just happen to remember having a copy of the book you were looking for back there." He shrugged like what he said was a natural thing.
I was frozen in place and couldn't say a thing for a while. Ang mga mata ko'y nanatili sa hawak, pinakikiramdaman ang timbang niyon sa palad ko.
"That's the point of having one, isn't it? The lending. That's why I'm loaning it to you."
Okay...
"I may have written a few stupid annotations there but that book meant a lot to me—so be sure to take care of it." An easy smile. "Thank you for finding it, by the way."
Shouldn't I be the one thanking him?
I shook my head from my straying thoughts and put the bookmark under the book then I started reading, as if remembering nothing from that day. It was just a book, after all. But as I do so, wala sa sarili kong nahaplos ang gilid ng pahina ng libro, remembering Lorenzo's stupid annotations on the book he lent me. Ilang sandali pa akong natulala bago ko tuluyang napagtuonan nang pansin ang libro at inumpisahang basahin.
Tahimik at payapa ang paligid ko matapos mabasa ang ilang pangunahing pahina niyon. I was starting to move from a different world through the words when a sudden sound distracted me. Tuluyan akong nagbalik sa reyalidad matapos kong maamoy ang usok nang sinindihang posporo.
Bahagyang kumukunot ang noo, pinasadahan ko ng tingin ang paligid. I saw no one. Magbabalik na sana ako sa ginagawang pagbabasa nang may biglang kumaluskos at walang anu-ano'y bumulaga mula sa matataas na mga halaman.
Agad napatalon si Quijano sa gulat nang nakita ako. With his chinky eyes widening, he threw both hands up in the air and froze, as if caught red-handed. Magulo ang buhok niya at hindi maisuot nang maayos ang uniform tulad ng dati.
But what the hell was he doing there?
"Arkin! Ikaw lang pala 'yan! Hayop, wala namang gulatan!" Matapos guluhin pa ang buhok ay mabigat siyang napabuntonghininga sa relief pagkabawi.
Bahagya akong napangiwi nang napansin ang stick ng sigarilyong nasa pagitan ng mga labi niya. Ang posporong sumindi kanina'y naroon naman sa isa niyang kamay.
"You're smoking here?" Of all places and time? Really?
Inalis niya ang stick ng sigarilyo sa bibig at mayabang na ngumisi pagkabaling muli sa akin. "Masyado ka namang nerbyosa. 'Wag kang kabahan oy, wala namang makakakita sa 'kin dito... 'di mo ba alam? Tambayan kaya 'to ng mga batang hamog! No'ng nakaraan nga nakisali pa 'ko sa mga nag-iinom dito!"
While laughing at his own joke, I just looked at him flatly. Until he leisurely settled to sit crossed legged on the grass near the bench I was sitting in.
Seriously? And here I thought I could finally be at peace to read.
I sighed in defeat. "Whatever." I just have to not mind him, right?
Dismayado ko na lamang pinagtuonang muli nang pansin ang libro ko, kahit parang ang hirap nang ituon doon ang buong atensyon.
"Ang tapang pala nang lasa ng gin? Parang nakikipagsapakan sa lalamunan? Buti pa 'yung beer swabe. Tingin mo, bakit kayang gustong-gusto nila 'yon? Nasa panlasa ko ba ang mali o nasa mga trip nila?
"Ba't ka pala mag-isa rito? Ano 'yang binabasa mo?
"Kilala mo ba 'yung bagong president ng Student Council? Parang mangangain nang buhay ah?!"
Ang ingay.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa at sinubukang kalimutan ang presensya niya roon. Ang mga tawa niya. Mga tanong, kwento at kumento—walang weirdo rito. Kahit kitang-kita ko sa gilid ng mga mata ang nagsusumigaw niyang kulay pulang high cut.
"Na-try mo na bang uminom? 'Di pa 'no? 'Di ka curious anong pakiramdam nang malasing?"
At that point, I couldn't understand a single word in front of me anymore.
Rinig ko ang muli niyang pagsindi ng posporo. Muli ko ring naamoy ang usok n'on. Kalaunan ay narinig ko ang magkakasunod niyang pag-ubo. May katagalan iyon at parang hindi normal kaya't muli ko siyang nalingon dahil sa pagkakadistorbo. Bahagya kong natakpan ang ilong nang masalubong ko ang amoy ng usok galing sa nakasindi na niyang sigarilyo. Baka kumapit sa akin ang amoy no'n.
Ugh. What a drag.
"I'm trying to read here?" I deadpanned.
Sumulyap siya sa akin habang muling sumisinghap sa sigarilyo. Bago magsalita'y kinalma muna niya ang sarili sa pag-ubo. He nodded his head at my book's direction. "Ano ba kasi 'yang binabasa mo? Horoscope? Parinig nga ng akin, baka parating na 'yung sundo ko!"
He grinned and took another drag on his cigarette.
"Do you mind?" Ngumiwi ako at pinaypay ng palad ang usok ng sigarilyo niya palayo sa mukha ko.
Does he think smoking is cool?
Itinaas niya ang isang binti at ipinatong sa tuhod ang brasong may hawak ng sigarilyo. May halu nang kapilyuhan ang pagngisi-ngisi niya nang tinuro ako gamit iyon.
"Ikaw, Rai, ah. May kikitain ka ba rito? Sa'n mo nakilala 'yan? RPW? Tinder? Omegle? Batang hamog 'yan 'no?"
I stared blankly at him. Tinapunan naman niya ako nang malisyosong tingin. Ngunit kalauna'y napailing at napahalakhak na lang sa sarili nang manatiling blangko ang mukha ko.
Gusto ko sanang mairita pero wala akong makapang iritasyon sa akin. Maybe because he was just a regular idiot if he wasn't being weird.
"Anong pangalan, dali baka kilala ko."
Hindi ako sumagot. I watched him took a drag on his cigarette again but before he could blew the smoke out, he wheezed a little then coughed. Tuluyan kong sinarado ang libro at pinanliitan siya ng mata sa ginagawa.
"Why are you smoking when you obviously don't even know how to?" Pinisil ko ng daliri ang ilong habang iwinawasiwas ng palad ang usok palayo. Second hand smoking was more lethal. Dying wasn't part of my plan yet.
Bahagya siyang ngumuso at tumingin sa kawalan na parang may iniisip, bago pinitik ang sigarilyo para maalis ang kaunting abo sa dulo niyon. Mabagal siyang tumango matapos.
"Hmn... masarap ang hagod ng usok sa lalamunan. Nga lang, nakakaubo talaga sa una. Mga ilang stick pa bago ako magmukhang bad boy."
"You're trying to be a badass trouble maker now?" Napatiim-bagang agad ako sa sariling tanong.
Why did I sound like I know him for years? Well, we did know each other since I could remember but I didn't know him that way. It was only by names—so we were basically strangers from one another. Kinakausap ko lang siya ngayon dahil dinidistorbo niya ang pagbabasa ko rito.
"Carpe diem."
I almost laughed in the irony. "Seize the day? Seryoso ka d'yan?" Now he's being ridiculous. Ano siya, tragic hero sa isang nobela?
He nodded with conviction, unshaken. "Yep! And as you can see, I'm just doing what I want—trying to live and seize my now."
Ang tawa ko sana'y umurong. Imbes ay napabuntonghininga na lang ako. Isn't that just selfishness? Because as I see it, he seemed to be doing what he wanted at the moment without any regard for his future—not to mention he was being a pain in the ass. Gusto ko sanang itanong kung saang parte umaakma ang 'seize my now' sa mga iyon. Pero bakit nga ba namin ito pinag-uusapan pa?
"Never mind."
Tumayo ako't kinuha ang librong nasa lamesa. Bukod sa hindi ko na matagalan ang usok mula sa sigarilyo niya, ayaw kong kumapit sa damit ko ang amoy n'on. Needless to say that his argument wasn't making any sense—'di tulad ng isang taong kilala ko.
"O, ba't aalis ka na agad? Umatras ba si boy hamog?" Ngumisi siya pagkasulyap ko.
"The place is all yours."
Tinalikuran ko siya. Hawak ang libro't wallet ay handa na sana akong umalis kung hindi lamang niya ako tinawag. The tone of urgency from his voice made me turn my head back to him.
"Catch!"
Bago pa man ako makapag-isip ay mabilis ko nang sinapo ang kung anong inihagis niya. Muntik ko pang nabitiwan ang mga hawak sa pagkabigla.
"Pakitapon 'pag may nadaanan kang trashbin! Thanksss! Bait mo talaga, you're the best!" Nakangisi pa rin, kumurap-kurap siya habang nagpi-peace sign.
Napangiwi ako sa nakakairita niyang pagpapa-cute. I almost scoffed in disbelief. Ano, inuutusan ba ako nito?
Malamig ang tinging ipinukol ko sa kaniya. "Paralisado ka ba, Quijano?"
"Ay maligno—!"
Bahagyang kumunot ang noo ko sa biglaang pagkakagulat niya. Napalingon ako sa likuran ng bench na inuupuan ko kanina kung saan siya banda nakabaling. And to my surprise, there stood Keela together with another student on her side. Nakahalukipkip ito't seryosong nakatingin sa nakasinding stick ng sigarilyong mabilis pinitik ni Quijano palayo. Kasalungat ang ekspresyon sa makahulugang ngisi ng estudyanteng kasama nito, na para bang may naisahan o ano.
Ngumisi si Quijano sa dalawa. "Pres! Kumain ka na? Nag-dessert ka na ba ba't parang ang asim pa rin ng mukha mo—HAHA—este, gusto mo ng drumstick, pres? Libre kita?"
Without any hint of emotion, binalingan ako ni Keela at may kung ano siyang sinulyapan sa kamay ko. Agad kong nayuko ang hawak. My eyes immediately widened upon seeing a box of cigarette lying on top of my book. I stiffened with the sudden realization.
Malamig at maawtoridad ang boses ni Keela nang sa wakas ay magsalita. "You two, follow me."
Wait, what the hell? 'Wag niyang sabihing damay ako rito?
"Keela, no. It's a misunderstanding! Hindi sa 'kin 'tong—"
"Explain yourself at the discipline's office! Be quiet and just follow me."
Nalaglag ang panga ko sa turan ni Keela. I was determined to explain myself but she turned her back and led the way to the discipline's office. With a smug look on the other student's face, he trailed behind Keela.
Nalingunan ko ang nakayuko at tahimik namang sumusunod sa mga itong si Quijano. Dahan-dahan ang bawat hakbang niya't para bang may tinatakasan.
Matalim ko siyang tinapunan ng tingin kahit nakatalikod siya sa akin. Kasalanan niya. Hindi ako sigurado pero malakas ang kutob kong sinadya niya ito.
"You moron."
Binato ko sa kaniya pabalik ang kahon ng sigarilyo niya. Natigilan at bahagya siyang nanigas sa kinatatayuan nang tumama iyon sa likod niya. Ang paglingong ginawa niya sa akin ay mabagal.
Tinanggap niya ang matatalim kong tingin. Ilang beses siyang napakurap matapos masulyapan ang kahon sa damuhan. He looked up and held my gaze again. Poker faced, he slowly lifted his left hand levelled on the side of his face, making a peace sign. With that retard posing, maingat niyang pinulot ang kahon ng sigarilyo at tila gatilyong kinalabit, nagkukumahog siyang tumakbo para sundan ang daang tinungo ng dalawa.
I was left groaning in frustration.
Quijano, that crazy weird boy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top