47 - Nobody can save me
Trigger warning: Mention of suicide
***
Nineteenth birthday ni Toby ngayon—dapat. Pero wala na siya. He died at eighteen and he would always going to be eighteen. Mag-iisang taon na ang lumipas magmula nang mangyari ang aksidente. Ang hirap isipin na patuloy akong sumusulong at umuusad sa buhay pero siya ay hindi na. Na nadaragdagan ang edad ko ngunit siya'y nanatili lang sa parehong gulang. Na maraming oportunidad ang naghihintay para sa akin ngunit sa kaniya ay wala na...
He had countless of dreams but I robbed him the chance to do any of it. I deprived him his future, his life—it was all on me. I kept thinking how I could make amends for my shortcomings but I couldn't come up with any possible way... because there never was—that's one thing I learned about regrets.
Staring at nothing, the sound of the pouring rain was muffled in my ears. I was there but it felt like I wasn't. The thunder was flashing fleeting lights now and then but I couldn't see anything in front of me but the still and bleak darkness of my room. I was alone in our house... or probably in this life... but then maybe we all are. But it doesn't matter now...
As if being sucked in the eye of a vortex, I was hollowed inside as I stared up at the noose that had been hanging on my ceiling for almost a week. Calmly, I placed a wooden chair underneath it.
Paakyat na sana ako para maabot ang lubid ngunit sandaling natigilan nang mahagip ng paningin ko ang sirang canvas mula sa panandaliang liwanag ng kidlat. Naroon iyon sa sulok ng silid. Sira-sira at wala nang pakinabang.
Isang kurap at naalala ko siya. She didn't deserve to take part in my pain because she already lost and suffered enough. I wanted and tried to stay but there was something inside me that kept pulling me under—and right now, it finally succeeded on beating me.
Sa isang iglap ay natagpuan ko na lamang ang sariling hawak ang phone at nagtitipa ng mensahe para sa kaniya. Van Gogh was probably right. Because the sadness...
... will last forever...
Sa sobrang daming bagay na gusto kong sabihin, wala akong ibang nasabi kundi ang tatlong katagang iyon. Pero duwag talaga ako dahil hindi ko 'yon nagawang ipadala. Hanggang sa mabitiwan ko ang hawak at hinayaang dumulas iyon sa mga palad ko, katulad nang pagbitiw kong magpatuloy...
Muli kong tiningala ang lubid mula sa dilim. Hindi ko maramdaman ang pisngi ko ngunit dahil sa mga luhang walang humpay sa pagtulo roon ay unti-unti kong naramdaman ang panlalamig.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal tumitig sa kadiliman ng silid. Walang ibang maalala kundi masasalimuot na alaala.
"Ako nang bahala."
"Gusto mong maglaro?"
Pagkasampa sa upuan ay dahan-dahan kong ipinalibot ang manipis na lubid sa leeg.
"Walang silbi."
"Weirdo."
Pumikit ako nang mariin at inisip na ilang sandali na lang at matatapos na ang lahat.
"Wala ka namang talent. Nakatsamba ka lang."
"Kasalanan mo."
Kuya... naiintindihan na kita.
Mawawala na ang lahat ng pilat mula sa mga sugat na kay tagal nang narito sa loob ko. Lahat ng bigat na bitbit at nanghihila sa aking pababa. Matatapos na ang lahat. Matatapos na...
"Clint, I'm sorry... I'm so sorry."
"I'm here... Clint, I'm right here..."
"Clint?"
Mabilis kong naipikit muli ang mga mata nang masilaw sa pagsalubong ng liwanag ng ilaw. Litong-lito ako at hindi halos makagalaw mula sa kinahihigaan.
Rai?
Nananaginip ba ako? Naririnig ko ang boses niya. Totoo bang naro'n siya? Buhay pa ba ako? Paano? Bakit?
"Clint! He's awake, call the doctor!"
Isang pamilyar na boses ang narinig kong paulit-ulit na tumawag sa akin.
"Son, can you hear me?"
Dala nang panunuyo ng lalamunan, hindi ko nagawang magsalita.
"How are you feeling?"
Pinaulanan ako ng mga tanong ni Tito Ted, ang daddy ni Toby, pati na ni Tita Cony. Sinubukan kong alalahanin ang nangyari ngunit hindi ko iyon maalala nang klaro.
"You've been in a coma for over a week. You need to be moved to a bigger hospital with a neurologist to handle and study your case. May kilala ako rito sa Manila kaya kami na ang nagdesisyon na ilipat ka.
"We were close losing all hope. The doctors said that you could've been in a more serious condition if it weren't for your friend—if she failed to cut the noose for another second then God forbid, you wouldn't made it alive. It's even a miracle that you woke up."
Pinunan nang mahihinang iyak ang silid. "Alam mo ba kung gaano mo kami pinag-alala? Anak, bakit mo ginawa 'to? Nandito naman kami. Pwede ka namang humingi ng tulong sa amin. Clint, hindi lang si Toby ang anak namin. Ikaw... anak na ang turing namin sa 'yo kaya masakit sa amin na malamang nahihirapan ka at wala kaming alam... bakit hindi mo sinabi?"
Isang buwan akong namalagi sa ospital para sa ilang karagdagang tests at therapies. At ilang buwan matapos kong makalabas nang matanto kong hindi ko na kayang gamitin ang mga kamay ko tulad nang dati.
"Hypoxic Ischemic Encephalopathy or HIE happens when the brain had been deprived of adequate oxygen supply—which, I believe, you suffered from after the hanging incident.
"But after running some tests months following your physical recovery, it shows that those twitches you're experiencing in both your hands, extending from your arms are caused by essential tremors—it's a post-traumatic tremor, a rare side effect of the traumatic brain injury you had months ago. Usually, it manifest around months or even years after the incident. But based on your case, the signs of tremors subtly shows after three months and got worse a couple of months after.
"And though it can last for several years or some cases, it can last lifelong, there are several therapies and medications I can recommend for you to take and choose from, to help reduce the tremors—it doesn't guarantee total recovery but if you're interested to undergo, then I highly suggest that you should go and give it a try."
It was almost a miracle to completely recover from a hanging incident and I was really lucky, the doctors said. Pero parang gusto kong matawa. Nagpakamatay ako para matigil na ang paghihirap pero ito ako ngayon at mas lalo lang pinalala ang sitwasyon. How could that be considered as lucky?
Kasalanan niya 'to.
Bakit kailangan pa niya akong iligtas? Gusto ko nang tapusin pero bakit kailangan pa niyang pahabain 'to?
For a long time, I blamed her for the consequences of my actions. Dahil tapos na dapat ito. Wala na dapat ako rito. Sinisi ko siya dahil kailangan kong may pagbuntunan. Dahil hindi ko kayang tanggapin na narito pa ako pero ang nag-iisang bagay na mahal ko ay wala na.
Matagal na panahon kong pinaniwala ang sariling wala akong kwenta pero ngayong hindi ko na kayang gumuhit, iba ang hambalos nito sa pagiging wala kong silbi sa mundo. Ano pa bang kwenta nang pananatili ko rito? Alam ko namang hindi sa langit ang diretso ko pero hanggang impyerno ba wala akong lugar? Kaya ba ayaw pa akong kunin?
Hindi ko talaga maintindihan minsan bakit kung sino pa ang mga taong surang-sura nang mabuhay, sila pa ang naiiwan. Imbes na sana iyong mga taong gustong manatili ang naririto.
That fate bullshit—it might be laughing at my face right now. Because after my futile attempt outwitting it, in the end I was still the one ended up getting played. Tangina talaga.
Tinulungan ako nina Tito Ted kung paano patitigilin si Papa sa panggugulo sa akin. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon dahil hindi ko na siya nakita pa ulit pagkatapos ng insidente nang gabing iyon. At hindi totoong siya ang nagmamaneho ng truck na nakasagasa kay Toby, ayon kina Tito. Nakumpirma naming sakay siya niyon pero hindi siya ang may hawak ng manibela.
Kulang ang salitang galit para isalin sa salita ang mayro'n ako para sa kaniya. At hindi ako santo. Pero may isang beses na dumaan sa isip ko na hindi naman talaga siya sa akin o sa amin ni Kuya Clay galit kundi sa sarili niya. Dahil hindi niya nagawang mangarap tulad naming dalawa ni Kuya. Hindi niya nagawang mabuhay nang malaya mula sa mga limitasyong itinakda niya sa sarili niya. Wala na siyang pagmamahal sa buhay ngunit wala rin siyang sapat na lakas ng loob para tapusin iyon.
Hindi ko alam kung anong mayroon sa droga pero tulad nang karamihan, siguro iyon lang ang napagkapitan niya. At isa siya sa mga taong nagpalamon sa takot tulad ko. Kaya tingin ko, kaya ko siyang intindihin. Walang paglagyan ang muhi ko sa kaniya pero panahon na siguro para subukan siyang patawarin, sa kabila ng hindi niya paghingi niyon sa 'kin.
Sinubukan akong kumbinsihin nina Tito na ipagpatuloy ang pag-aaral. Sinuportahan nila ako. Pero kinalimutan ko na ang lahat ng pangarap ko. Kaya't pinili kong magpatuloy nang mag-isa.
Ilang beses kong sinubukang magpakamatay ulit pero hindi ko magawa-gawa, dahil pakiramdam ko utang ko sa kaniya ang buhay ko magmula nang gabing 'yon. At dahil bukod sa pagiging sinungaling at walang kwenta kong tao, isa rin akong malaking gago. Dahil pagkatapos ko siyang sisihin sa sinapit ko, wala na akong mukhang kayang maiharap pa sa kaniya at sa lahat ng iniwan ko. Hindi ko na kayang bumalik.
"Cj? Oh my god, Cj! I can't believe you're here too!
"Lumipat kami ng Manila kaya wala na akong naging balita sa 'yo. What are the odds that we'll see each other here?
"You're not attending any university? Then you could be my art mentor!"
Si Maddie. 'Pag kasama ko siya pakiramdam ko ako ulit ang dating Clint. 'Di tulad nila, hindi niya ako gano'n kakilala bukod sa mga gawa ko. At kahit alam niyang hindi ko na kayang gumuhit ulit, hindi nagbago ang tingin at tungo niya sa akin. She reminded me of what I used to be whenever I was with her. At hindi naman niya ako talaga kailangan dahil sapat na ang talentong mayro'n siya. Alam kong binibigyan lang niya ako ng pabor.
Iba-iba ang pinasukan kong trabaho, kahit anong malayo sa art, pero saan man ako mapadpad, may parte pa rin sa akin na palaging bumabalik sa unang bagay na minahal ko. Kahit ilang beses kong takbuhan at talikuran iyon ay lagi ko lang ding natatagpuan ang sarili kong lumilingong pabalik.
Kaya napagdesisyonan kong kumuha ng Multimedia Art and Design short course habang nagtatrabaho. Nakakatawa. Kung dati kaya kong gamitin nang pantay ang mga kamay ko, ngayon, pareho na silang walang silbi pagdating sa pagguhit. Ni hindi na rin ako makapagsulat nang maayos. Para akong bumalik ng mga panahong hindi ko pa kayang hawakan nang maayos ang lapis para lang isulat ang buo kong pangalan. Mahirap. Nakakababa ng sarili. Nakakapanghina ng loob.
Hanggang sa sinuwerte akong makuha ng isang university na nag-offer sa akin noon, pero hindi na para mag-aral kundi para maging part time instructor ng Multimedia art. Digital iyon at mas madaling gawin at ituro kumpara sa tradisyunal na pagguhit kaya't kahit paano ay hindi ako nahirapan. Sadyang hindi ko lang maiwasang hanap-hanapin ang paghawak ng lapis at brush, tulad nang dati.
Madalas kong marinig ang iba't ibang kumento at panghihinayang nila sa nangyari sa 'kin. Marami rin ang nagsasabing maswerte ako, na naman, dahil kahit hindi ako nakatapos ng apat na taong kurso, tinanggap pa rin ako para magturo. At sa totoo lang, madalas ko ring maisip na naawa lang sila sa akin kaya pinagbigyan nila akong magtrabaho roon. Pero wala na akong pakialam do'n dahil matagal ko na namang nakumbinsi ang sariling hindi ko na maibabalik ang dating ako—kahit may ilang pagkakataon pa ring pinupuno ako nang panghihinayang sa tuwing hindi na ako makaguhit sa parehong paraan.
Para akong lumilipad noon, abot-kamay ang mga ulap—ngunit sa isang iglap ay biglang lumagapak sa lupa. Dahil sa isang pagkakamaling habang-buhay kong pagbabayaran.
Pero ayos na ako. I could go on like this, I could live with this. Hindi na ako maghahangad pa nang mas higit sa mayro'n ako. Kuntento na ako sa normal na buhay dahil iyon lang naman ang gusto ko simula pa noon.
Hanggang sa hindi sinasadyang nakita ko siya kasama si Leo sa isang public library, malapit sa pinagtatrabahuan ko, isang beses.
Higit ang hininga, panandalian akong natigilan nang makita ko siya ulit makalipas ang tatlong taon. Akala ko namamalik-mata lang ako ngunit wala sa sarili kong nabitiwan ang mga hawak nang makita ko siyang ngumiti. Ilang sandali akong tumulala habang pinanonood siyang tumingin sa mga librong naro'n sa istante. Sinubukan kong humakbang at lumapit ngunit tila nasemento ang mga paa ko sa sahig.
Ang alam ko galit dapat ako sa kaniya. Pero ano 'to? Dumadagundong ang dibdib ko at hindi ako makahinga nang maayos dahil sa paulit-ulit niyong paninikip.
Gusto ko siyang lapitan. Gusto kong marinig ulit ang boses niya. Gusto ko siyang kumustahin at kausapin. Gustong-gusto ko pero parang bibigay ang mga binti ko. Wala akong ibang maalala kundi ang lahat nang sakit at bigat na dinala ko noon. Hindi. Ayaw ko na 'yong balikan pa. Tama na. Kuntento na ako sa buhay ko. Dito na lang ako.
Mukha na siyang masaya. At hindi ko 'yon kayang gawin—hindi ko siya kayang pasayahin. Madaling tumawa pero sa nakalipas na tatlong taon, hindi ko na alam kung ano ang totoong ibig sabihin ng salitang saya. Hindi nga siguro talaga 'yon para sa akin kaya paano ko pa 'yon maibibigay sa iba?
Hanggang sa dumaan ulit sa isip kong, para saan pa ba, kung gano'n?
"You used all of your leave just to goof around? And you're what—you told me you're going to put up an art gallery or something out of nowhere? Did you hear yourself, Cj? I'm not even sure if I was really talking to you because it felt like I was talking to someone else vomitting words after words—without wanting to be understood! Were you possessed?"
"Uh... hi too?" malamya kong tugon habang pikit-mata at prenteng nakaupo sa sofa. Tanging ang ilaw ng TV ang nagsisilbing liwanag sa loob ng apartment ko dahil patay ang lahat ng ilaw.
Narinig ko ang mga yabag niya papasok. "Have you lost all care in the world? You have a job, nakalimutan mo? Ilang araw ka na raw hindi nagkaklase! Malapit ka na raw magkaro'n ng memo sabi ni Dad. What is going on with you?"
Malalim ang pinakawalan kong buntonghininga. I was planning on quitting anyway. Teaching didn't seem fit for me. Kailangan ko na lang ipasa ang resignation ko dahil ang dami ko nang ideya para sa itatayo kong business. Art gallery—milktea shop? Ramen shop? Or probably a KTV bar. Hindi ko pa alam kung ano eksakto sa mga iyon o kung paano pero basta. I'll get to it, I'm sure. And it would definitely hit pay dirt—was all what I was thinking then. Only that I couldn't find the same enthusiasm I had a week ago, as of the moment because it all sounds bullshit now for some reason.
But instead of vocalizing all that, I heard myself murmuring, "I'm just sick of making and teaching crappy arts..." Or basically with everything, at this point.
"What are you talking about? It's only been months since you started!" Something fell on the floor. "What's with all these? Bakit ang dami mong packages? Did you go on a shopping spree?"
"Business ideas," I mumbled.
She groaned. "Seriously?"
Pagak akong humalakhak. I wasn't really thinking when I tried to joke. "You wanna be my business partner?"
"You can talk to me, you know," aniya sa malumanay na tinig. Sabay mabilis na dugtong, "Aside from that business plan of yours."
Sinapo ko ng palad ang pikit na mga mata pataas sa ulo ko at pababa, pabalik-balik kong hinimas iyon hanggang sa kalaunan ay nagulo ko na lang ang buhok. Isinandal ko ang ulo sa backrest nang inuupuang sofa matapos. My head was aching like it would split in two. And as if I was being tied down, my limbs felt so heavy. I couldn't even remember how long I slept but I still feel so tired.
"What is it? Come on, spill." Naramdaman ko ang bahagyang paglubog ng sofa sa tabi, tanda nang pag-okupa niya ro'n.
"It's fine, Mads. I'm alright," pikit-matang tugon ko, ang pagod ay bakas din sa boses.
"You look like my granpops before he said goodbye to earth."
I couldn't supress my chuckle. "Do I look that bad?"
"Are you sick or drunk?"
"I'm not sick and I didn't drink. I'm so tired, I just need more sleep..."
"Are you sure? You look hangover to me—the really bad one."
"Mads." Nagbubuntonghininga, dumilat ako sandali at nilingon siya sa tabi. Ipinahinga ko ang isang palad sa ulo niya at tinapik iyon nang ilang beses sabay klinarong, "Hindi ako uminom. You know I hadn't been drinking for years."
"Since that last time you wreck havoc on a club and almost put behind bars. Or that time when you enrage a co-worker just to make him almost beat you to death!"
"Maddie." Pagkabawi ng palad ay humalukipkip ako at maigi siyang pinagtuonan ng pansin. I felt responsible for the dejection washing over her face.
"Cj, you keep worrying me. If you don't feel alright then at least drink some meds. Are you even eating a decent meal? Mom and dad kept inviting you to come over for dinner but you never came by."
"Sorry... I will, next time, I promise."
Sinundan nang mahabang katahimikan ang pagbuntonghininga niya. Ilang sandali siyang tumitig sa bukas na TV bago muling nagsalita sa mahinang tinig. "The college buildings are far from the senior high right? But I saw her once in our campus main library."
I stiffened. Until slowly, I breathed out a resigned sigh and looked at the screen too. "Nakita ko rin siya."
"So? Did you talk?"
Mapait akong natawa. "Hindi ko siya malapitan."
Naaninag ko ang pagbaling niya sa akin. "You can keep saying you're okay and you can fool everyone aside from yourself. I know you miss them and the old days—kahit lagi mong sinasabi na ayaw mo na silang makita ulit."
Tumulala ako sa TV screen kahit wala akong naiintindihan sa palabas na naro'n.
"I don't know exactly what's going on with you right now or for the last three years but I can say that something has been weighing on you. Whether it's about your job or your condition or the past—it's probably time to tidy up your mess and fix yourself on your own, because no one is capable of doing that but you."
Bahaw ang pinakawalan kong mahinang halakhak. "Sira ba ako? Makalat?"
"Yes. Big time! You need a general cleaning and an intensive repair! I dare you to look at yourself and tell me otherwise."
Muli akong natawa pagkasulyap sa kaniya. Mukha siguro akong kinakalawang na makina sa paningin niya. Eh bakit ba kailangan pang ayusin kung pwede namang ibenta na lang sa bakal-bote at hayaang pagparte-partehin para makabuo nang bago? Parang mas madali.
Dahil sa totoo lang, "Hindi ko rin alam kung nasaan o ano ba talaga ang problema. Ang daming nagsasabi sa 'king maswerte ako. Na sa ganitong edad palang nagsisimula ang buhay ko—golden years bullcrap. But I don't know, I feel so lost, I'm not even sure what I'm doing with my life."
Mabigat siyang bumuntonghininga at sumandal na rin sa sofa. "Maybe you need to trace your steps back to find where it all started to go wrong." Sabay baling sa akin.
Where did everything started to go wrong?
Isang mahinang ngiti ang dumapo sa mga labi ko pagkabaling kong pabalik sa kaniya. "How did you grow up so fast?"
Ginaya niya ang paghalukipkip ko sabay mayabang na ngumisi. "Aren't you supposed to say, 'what would I do without you, Maddie?'"
Chuckling, I reached for her head and ruffled her hair. She just grunted in protest with a laugh.
In the end, I couldn't do any of the vague business plan ideas and just go back to teaching. I felt like a cog in a machine that was only needed to function for it was what had been expected of me. It didn't really feel like I was living for myself at all. It hadn't been even a year since I started teaching but I already had a warning for my poor performance. I was planning on quitting for good that time. But then...
"I wanted to disappear."
Sa namimilog na mata at bahagyang awang na mga labi ay nilingon ko ito dahil sa biglang sinabi. Wala akong salitang nahugot para imutawi nang masalubong ko ang tila walang buhay nitong ekspresyon. Isang sulyap sa pintuan ng classroom kung saan saktong lumabas ang pangalawa sa huling estudyente ay muli akong nagbalik ng tingin dito—sa nag-iisang estudyanteng naiwan na ngayo'y nasa harap ng teacher's table.
Natitigilan, dahan-dahan kong ibinaba ang mga librong hawak at maigi siyang pinagmasdang tumulala sa kawalan.
"I c-came so close on ending it all... but I couldn't do it... m-my parents didn't... they don't understand. They told me I wasn't sick b-but I don't feel right... but I... I don't really want to die... I want to be here but it's just... everythings feel too much sometimes..." Nag-umpisang manginig ang boses niya, kasalungat nang blangkong ekspresyon sa mukha. Higit nang magkabilang palad ang strap ng dalang bag, nagpatuloy siya. "N-Natatakot akong sabihin sa mga kaibigan ko dahil baka hindi rin nila maintindihan... baka husgahan nila o baka magbago ang trato nila sa 'kin. I wasn't okay but I d-don't know who to tell it to."
Wala sa sarili kong naabot ng palad ang likod ng ulo at napahimas doon, hindi makuhang magbitiw ng alinmang salita.
Naiintindihan ko kung anong ibig niyang sabihin pero bakit ganito? Bakit hindi maganda sa pandinig at pakiramdam na marinig ang bagay na 'yon galing sa iba—sa isa sa mga estudyante ko? Alam kong hindi ako magaling na guro pero may nagawa ba akong mali? Naiturong hindi maganda? Nasabing hindi dapat para maramdaman niya 'yon?
Nakakaalarma. Pakiramdam ko walang pakinabang ang pagiging guro ko—o mismong pagiging tao. Para akong sinikmuraan. Para akong sinampal. Para akong ibinalya pabagsak.
Anong pwede kong gawin? Baka pwede pang pag-usapan—gusto ko sanang sabihin ngunit hindi ko nagawa nang may matanto.
Ganito ba? Ganito ba ang naramdaman nila noon sa ginawa ko?
Kinain nang katahimikan ang bakante nang classroom ng mga sumunod na sandali nang matulala ako. She knew she needed help but couldn't ask for it because she was afraid no one would understand... that there wasn't any safe space for anyone who was suffering like her.
"Your... your art classes... lahat ng sinasabi at tinuturo mo... I don't know... but the way you teach felt consoling. You gave it a picture, all the things I can't say, as if I was understood and seen—that after all, I wasn't really alone.
"It sounds stupid but... it helps me feel better and it's the only thing I look forward to but... I heard that you... you're planning to quit..." Unti-unting bumalatay ang pagkabigo sa ekspresyon niya nang magtuon ng tingin sa sahig. Biting her lip, she shook her head and said this in a shaky hesitant voice, "I wasn't... trying to f-freak you out, sir... and I k-know this sounds selfish but... can you please t-try... and find a reason to stay?"
I blinked a few times, still unable to utter any words. Find a reason to stay.
Kumurba ang isang mahinang ngiti sa mga labi ko. I actually surprised myself from a chuckle under my breath.
"S-Sir?"
Inilapat ko ang magkabilang palad sa teacher's table at dahan-dahang nagbuga ng hangin. Nanatili ang nakapintang ngiti sa mukha ko nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya, napapailing. "The road to hell was paved with good intentions—and I was about ready to get there but you just saved me."
Lito niya akong tinapunan ng tingin. "Po?"
"Salamat."
Siguro sarili ko naman ang kailangan kong tanungin at pakinggan—anong pwede kong gawin? Saan ako magsisimula?
"Afternoon, champs! How was your week? Good? Alright, we'll get to that but before anything else, I want you to meet a friend of mine who joined us here today." May ngiti itong lumingon sa direksyon ko mula sa pabilog at magkakaharap na upuang monoblock. Bahagya niyang inilahad ang palad sa direksyon ko nang malipat sa akin ang atensyon ng mga naro'n. "Clint buddy, why don't you introduce yourself?"
Nakakabingi ang tambol ng puso ko habang pinakikiramdaman ang bawat matang nag-aabang at nanonood sa akin. Gayunpama'y sinubukan kong lulunin ang takot at mga pangamba ko. Mula sa pagsulyap sa mga palad na nasa kandungan ay binasa ko ang labi at lakas loob na nag-angat ng tingin.
Tanging tikhim ko ang rinig sa sobrang katahimikan nang isa-isa kong sinalubong ang tingin ng mga taong naro'n. Ang ekspresyon nila'y sinasalamin ng bawat isa—kalmado, malumanay at walang halong panghuhusga.
"Hi, uh... I'm... I'm Clint James Quijano. Twenty one. Part time Art instructor."
"Hello, Clint."
"Hi, Clint."
"Welcome, Clint."
"Ang cute mo, Sir Clint. May jowa ka na? Pwedeng magpasa ng application?"
Kumawala ang mahina kong tawa kasabay ng ilang tawanan ng mga naro'n. Napahupa niyon ang kaba ko kahit paano kaya't sinubukan kong ngumiti sa mga ito sa kabila nang paninikip ng lalamunan.
"Mamaya ka na lumandi, Bless! Nagsasalita 'yung tao, ito..."
"Ito naman masyadong seryoso sa buhay! Pinangiti ko lang si sir!"
"Sorry, don't mind her, just go on."
Muli akong tumikhim bago nagpatuloy, "I tried to kill myself once and in a way, a part of me died from it—my dreams perhaps."
Sandali akong tumigil para humugot nang malalim na hininga nang maramdaman ang pamumuo ng init sa sulok ng mga mata. Matapos sulyapan ang magkasalikop na mga palad sa kandungan ay muli akong nagsalita.
"Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong hiniling na sana may mga tao akong nailigtas noon. Hanggang sa makalimutan ko kung sino ba talaga ang dapat at nangangailangan nang pagsalba. Pero ngayon, handa na akong sumubok. Handa na akong umusad at lumaya. Handa na akong bitiwan ang mga dapat pakawalan. Handa na akong patawarin ang ibang tao, pati na ang sarili ko—sa mga pangarap na hindi ko na matutupad at mga taong hindi ko na maibabalik.
"Iused to think of ending it all because everything seemed pointless—and maybe itis. But even so, I wanted to take part and share what I was put here to do. Istill don't know what that is but I'm willing to try and find out what it is. Iknow it's not going to be easy. But for once, gusto kong subukang magtiwala sabagay na hindi ko pa nakikita sa ngayon—sa bagay na mas higit sa 'kin at sakakayahang mayro'n ako.
"Tapos na ako sa paghiling at pagtatanong ng mga bakit... dahil gusto ko namang subukang mabuhay at mangarap ulit para sa sarili ko."
It took me almost a year to seek help and gather the courage to trace my steps and go back—to sort things out and finally be at peace with myself and the past. Hindi na ako umaasang babalik pa sa dati ang lahat. Pero para matanggap iyon, kailangan ko nang harapin at bigyan nang tamang pagtatapos ang mga naudlot na simula sa nakaraan.
Pero hindi ko inasahan na ang sakit na dala ng kahapon ay ganito kapait. At panahon na nga marahil para iwan ang mga dapat iwan at baunin ang mga dapat dalhin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top